Q1 Gawaing Pagkatuto 2
Q1 Gawaing Pagkatuto 2
Q1 Gawaing Pagkatuto 2
Republic of of
Department
the Philippines
the Philippines
of Education
Department of Education
Region V
Region V
9
Schools Division
SCHOOLS DIVISION of Sorsogon
OF SORSGON
BAGACAY NATIONAL
BAGACAY NATIONAL HIGHHIGH
SCHOOLSCHOOL
Bagacay, Gubat, Sorsogon
FILIPINO
Paghahatol o Pagmamatuwid
I. Panimulang Konsepto
B. Pag-aralan Mo.
Basahin ang akda.
Tahanan ng Isang Sugarol
(Kuwentong Malaysian)
Salin ni Rustica Carpio
Sa isang luma at hungkag na bahay, may nakatirang isang pamilya
na hindi masyadong maayos dahil kay Li Hua, ang sugarol at walang
silbing asawa ni Lian Chiao. Hindi inakala ni Lian Chiao na ganito ang
sasapitin niyang buhay matapos siyang ipagkasundo ng kanyang ina sa
nooy anak ng mayamang negosyante na si Li Hua. Sila ay may dalawang
anak na sina Ah Yue at Siao Lan. Si Li Hua ay walang ibang inaatupag
kundi ang pagsusugal. Kahit buntis si Lian Chiao ay siya pa rin ang
gumagawa ng mga gawaing bahay mula umaga hanggang sa gabi. Si Li
Hua ay uuwi lang sa bahay kapag kumain at maliligo. Kapag nagkamali si
Lian Chiao ng kilos ay siguradong bubugbugin siya ng asawa nito kaya
takot na takot din ang mga anak sa ama nila.
Isang gabi nung malapit nang manganak si Lian Chiao ay hindi na
nakakauwi ang asawa niya. Sumasakit na ang kanyang tiyan at
kailangan na niyang makapunta sa ospital. Gigisingin sana niya si Ah
Yue pero naisip niya na mahimbing itong natutulog katabi ang bunso na
si Siao Lan kaya pinuntahan na lang niya ang kanyang asawa sa sugalan
kahit madilim at tahimik ang daan. Nang makarating na siya sa sugalan
ay tinulungan siya ng asawa ng may – ari ng pasugalan. Tinawag niya
ang kanyang asawa pero pinahintay pa siya nito dahil tatapusin pa
umano niya ang laro na yun. Buti na lamang at may humimok kay Li
Hua na lumakad na at manganganak na ang kanyang asawa. Galit na
tiningnan ni Li Hua ang kanyang asawang si Lian Chiao saka ito tumayo.
Sa kabilang banda, nagising si Siao Lan na umiiyak at hinahanap ang
kanilang ina. Nang hindi nila ito makita ay pinangko ni Ah Yue ang
nakababatang kapatid at nagpunta sa pasugalan sa pagbabakasakaling
nandoon ang kanilang ina. Malayo pa lamang ang dalawang anak ay
nakita na ni Lian Chiao. Pinauwi rin niya ito agad at inihabilin kay Ah
Yue na alagaan ang kapatid saka umalis ang mag -asawang Lian Chiao at
Li Hua papuntang ospital.
Mga Tanong:
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang naging kalagayan ni Lian Chaio sa piling ng kanyang asawang si
Li Hua?
Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano kaya ang mangyayari kay Lian Chiao at sa mga anak nito kung
patuloy siyang magtitiis sa piling ng kanyang asawag si Li Hua?
Sagot:_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
C. Pagsanayan Mo.
Para sa inyong pagsusuring gagawin, piliin at iguhit sa sagutang papel
ang emoticon na nagpapakita sa iyong damdamin para sa bawat isa at saka
mo ipaliwanag sa ibaba kung bakit ganito ang iyong reaksyon.
1. Sa maikling kuwento, ang babaeng si Lian Chiao ay biktima ng
pananakit at iba’t ibang uri ng pang-aabuso ng kanyang malupit na
asawa.
D. Tandaan Mo.
Ang pagmamatuwid ay pagpapahayag ng pangangatwiran o
opinion. Layunin ng pangangatwiran na mahikayat niya ang mambabasa
o tagapakinig na umayon sa kaniyang opinyon, mabago ang pag-iisip ng
mambabasa o tagapakinig, at maimpluwensyahan ang kanilang pag-
uugali at pagkilos sa pamamagitan ng makatuwirang pahayag .
E. Gawin Mo.
Umisip ng isang suliranin na laganap sa kasalukuyan maaaring sa
bansa natin o mga bansa sa Timog-silangang Asya. Sumulat ng paghatol
o pagmamatuwid sa bawat suliranin. Tawagin din ang isang miyembro ng
iyong pamilya at tanungin kung ano naman ang kaniyang gagawin o
pagmamatuwid, isulat niyong pareho ang inyong pangalan at lagdaan.
Isulat ang awtput sa isang malinis na papel.
Nasa ibaba ang Rubrik na gagamiting Pamantayan sa pagbibigay ng
puntos sa iyong awtput.
F. Pagtataya
Kagutuman sa Pilipinas, Sanhi ng Kasakiman at Maling Pamamahala
Sinabi ni Cardinal Tagle na ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga
nagugutom na pamilyang Pilipino ay sanhi ng kasakiman at maling
pamamahala. Lubos na ikinalulungkot ni Cardinal Tagle ang tumataas na
bilang ng mahihirap dahil sa talamak na katiwalian sa alinmang sangay ng
gobyerno. Ayon sa kaniyang kabunyian, may pondo naman para sa
serbisyong publiko ngunit napupunta lamang sa mga mangangamkam na
opisyal ng pamahaalan at hindi sa mga nangangailangan. “Ang problema sa
atin ngayon, marami angnagugutom. Kung minsan ang limang libong tinapay
ay hindi pa makarating sa limang taong kakain dahil dumaan sa kamay ng
mga mandurukot, mapangkamkam, mga ganid, at walang pag-ibig sa
nilalang.” [Bahagi ng Homily ni Cardinal Tagle sa feast of Corpus Christi
( Body of Christ)] Nilinaw ni Cardinal Tagle na kahil gaano karami ang
tinapay kung dadaan ito sa mga kamay ng mandurukot ay magugutom ang
mga tao.
Tinukoy ni Cardinal Tagle ang Pilipinas na maraming tao ang gutom sa
tinapay, maraming gutom sa katotohanan at katuwiran dahil sa pagiging
ganid ng mga opisyal ng pamahalaan.
Base naman sa Forbes 2012 annual rich list, 40 mayayamang pamilya
lamang sa Pilipinas ang ang nakikinabang sa 76 percent na yaman ng
bansa.
V.
Sanggunian
Filipino Kwarter 1 – Modyul 2: Paghahatol o Pagmamatuwid, Aileen B. Forescal, et,al.
FILIPINO Learning Activity Sheets (Grade 9), CINDY P. DELA CRUZ, et,al.
Filipino Unang Markahan – Modyul 2: Pagbubuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid sa
mga Ideyang Nakapaloob sa Akda MELBA A. CAROLASAN, et,al.