AP V - Q3W1 Tugon NG Mga Pilipino Sa Kolonyalismong Espanyol

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

LUPAO CENTRAL SCHOOL

Natutukoy ang tugon ng mga katutubong Pilipino sa


kolonyalismong Espanyol
Naipaliliwanag ang mga paraan ng pagtugon ng mga
Pilipino sa kolonyalismong Espanyol.

BUREAU OF LEARNING DELIVERY - TEACHING AND LEARNING DIVISION


Tugon ng mga Pilipino sa
Kolonyalismong Espanyol

LUPAO CENTRAL SCHOOL – GRADE V-SSES


Tatlong daan at tatlumpu’t tatlong (333) taong
nananatili ang mga Pilipino sa animo’y hawla ng walang
sapat na naaaninag na liwanag ng pag-asang makawala
sa kamay ng mga dayuhang Espanyol. Iba’t iba ang
naging paraan ng pagtugon nila sa sitwasyong
mailalarawan sa pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob…
matira ang matibay!

LUPAO CENTRAL SCHOOL – GRADE V-SSES


Halos karamihan sa mga katutubo ay nanatiling
tahimik at sunud-sunuran sa mga dayuhan dahil sa takot
na naramdaman. Tinanggap nila na ang mga Espanyol
ang nasa kapangyarihan at walang magagawa kundi
manahimik na lamang. Alam nila sa kanilang pananahimik
ay katumbas ng kanilang buhay at ng pamilya.

LUPAO CENTRAL SCHOOL – GRADE V-SSES


Mayroon din namang mga katutubong nagpumiglas
at umayaw sa mga patakaran na nagpahirap sa kanila.
Mas ginusto nilang tumakas at mamundok kaysa maging
bulag na sunud-sunuran sa mga dayuhan. Sila ay
namuhay nang tahimik sa kabundukan. Malayo at
mahihirapang marating ng mga sundalong Espanyol.
Tinawag silang kalaban ng pamahalaang kolonyal at
binansagang mga tulisan.

LUPAO CENTRAL SCHOOL – GRADE V-SSES


May mga Pilipino na nakipagsabwatan sa mga
dayuhan. Pansariling kapakanan ang pilit na isinalba kahit
na ang kapalit nito ay ang kaligtasan ng kapwa Pilipino.
Sila ang binansagang mga mersenaryong katutubo. Mga
taksil sa bayan!
Ang iba ay yumakap o nagpasailalim nang tuluyan sa
kapangyarihan ng mga dayuhan. Ang kanilang yaman o
kabuhayan ang pinoproteksyonan. Nagsawalang-kibo at
nagbingi-bingihan sa hiling na suportang salapi ng kapwa
Pilipino para matustusan ang pangangailangan ng
kanilang samahang nagsasagawa ng pag-aalsa.
LUPAO CENTRAL SCHOOL – GRADE V-SSES
Si Lapu-Lapu na hari ng Mactan ay binansagang kauna-
unahang bayaning Pilipino dahil mas pinili niyang talikuran ang mga
dayuhan kaysa tanggapin ang alok na pakikipag-kaibigan. Mayroon
ding sumunod sa kanyang mga yapak na hindi rin nagsawalang-kibo
sa kalupitan ng mga Espanyol. Sila ang magigiting na Pilipino na
nagmula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas.

LUPAO CENTRAL SCHOOL – GRADE V-SSES


Mga dating datu na nawalan ng karangalang mamuno at
nagnais na maibalik ang dating posisyon sa lipunan. Kasama na rin
ang iba’t-ibang sektor ng lipunan tulad ng mga kalalakihan at mga
kababaihan na walang takot na sumabak sa digmaan. Mga katutubo
na nabibilang sa mga magsasaka na tinutulan ang mga patakaran
sa agrikultura, mangangalakal na inagawan ng kabuhayan, mga
propesyonal, mga babaylan at mga katutubong nagnais maging
pari. Diskriminasyon ang naranasan at tila naging dayuhan sila sa
sariling bayan. Humantong na sa hangganan ang kanilang pagtitiis
kaya bumuo sila ng mga magkakahiwalay na pangkat at
nanghikayat ng mga kasapi na handang lumaban at manindigan
laban sa mga dayuhan. Pag-aalsa ang tanging solusyon para sa
kanila.
LUPAO CENTRAL SCHOOL – GRADE V-SSES
Sa paglipas ng panahon hindi rin maikakaila na mayroon ding
magandang nangyari sa ating bansa lalo na sa kabuhayan ng mga
iilang mga Pilipino. Nagkaroon ng magandang pagkakataon at
pagnanasang makapag-aral ang mga kabataang nabibilang sa
panggitnang-uri o middle class. Mga kabataang nakapag-aral sa
kolehiyo, sa Pilipinas man o sa Espanya. Sila’y tinawag na mga
ilustrado o mga naliwanagan ang pag-iisip. Ang taglay na dunong
bunga ng edukasyon ang nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan
at nagaganap sa bansa. Hindi nila hinayaan na manatiling sunud-
sunuran na lamang ang mga Pilipino. Kailangang nang gisingin ang
manhid na pakiramdam ng mga katutubo. Ginamit nila ang
karunungang taglay bunga ng edukasyong mayroon sila. Lakas ng
panulat ang tugon ng mga ilustrado.
LUPAO CENTRAL SCHOOL – GRADE V-SSES
Nagsilbi silang tanglaw na nagsumikap na mabigyan
ng liwanag ang kapwa at gabayan ang nasa kadiliman.
Hindi idinaan sa dahas kundi sa malumanay na paraan.
Sa pagsusulat ng pahayagan at aklat nila idinaan ang
tugon sa mga Espanyol.
Ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal ay isa
sa mga ilustrado na sumulat ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo. Layunin nito na tuligsain ang pamahalaang
Espanyol at maging ang mga palalong prayle. Gisingin
ang damdaming manhid upang sumibol ang diwang
makabansa ng mga Pilipino, walang armas na hawak,
walang dugo na pumatak. Kalayaan ang isinisigaw!
LUPAO CENTRAL SCHOOL – GRADE V-SSES
At sa oras ng pagbangon tanging sandata ay ang
pagmamahal sa bayan na kusang nag-aalab at
umuusbong. Tulad sila ng ibong matagal na panahong
nakulong sa hawla ay uhaw na makawala at makalipad
nang ubod ng laya at sa paglaya nila ay sabay-sabay sa
paglipad. Malayang naipapagaspas ang mga pakpak.
Sinasamantala ang sariling lakas at ang liwanag na
nagbibigay ng gabay upang makita ang paroroonan. Hindi
alintana ang pagod, sakit ng katawan maging buhay ay
inialay sa pag-asang iyon lamang ang paraan upang
makawala ang bayang sinilangan sa bagsik ng mga
dayuhan.
LUPAO CENTRAL SCHOOL – GRADE V-SSES
Tugon sa Dahilan
Kolonyalismo
Nanahimik at Likas na matiisin at sanay sa hirap
nagtiis ang mga katutubo. Mas pinili nilang
manahimik at sumunod sa patakarang
Espanyol para sa kanilang kaligtasan.
Yumakap sa Simula’t sapul mayroon ng mga
kapangyarihan ng katutubo na ang iniisip ay ang kung
mga dayuhan ano ang meron sila. Ang mahalaga sa
kanila ay katahimikan sa buhay at
kung paano maproteksyonan ang
kabuhayan. LUPAO CENTRAL SCHOOL – GRADE V-SSES
Tugon sa Dahilan
Kolonyalismo
Nakipagsabwatan Mga katutubo na kung tawagin ay mga
sa mga balimbing o taksil. Ipinagpapalit ang
dayuhan/mersena dangal para sa pansariling kapakanan.
ryo
Tumakas at Marami ring mga katutubo na mas
namundok piniling takasan ang mga
pagpapahirap ng mga dayuhan.
Namuhay sila sa bundok at naging
kalaban ng pamahalaan. Tinawag
silang mga tulisan. LUPAO CENTRAL SCHOOL – GRADE V-SSES
Tugon sa Dahilan
Kolonyalismo
Nag-alsa Mga katutubo mula sa iba’t ibang rehiyon at
sektor ng lipunan. Mga pangkat na lumaban
at nag-alsa na binubuo ng mga magsasaka,
mangangalakal, at propesyonal. May mga
kababaihan din na sumapi at hindi naging
hadlang ang kanilang kasarian.
Ginamit ang lakas ng Ang mga kabataang nakapag-aral sa
panulat kolehiyo sa Pilipinas man o sa Espanya ay
hindi rin nagsawalang-kibo. Ginamit nila ang
lakas ng panulat sa pagsisiwalat sa kalupitan
ng pamahalaang Espanyol.
LUPAO CENTRAL SCHOOL – GRADE V-SSES
Panuto: HANAP-SALITA. Hanapin ang mga tugon
ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol mula
sa kahon ng mga letra. Isulat sa sagutang papel
ang mga salitang iyong mahahanap.

LUPAO CENTRAL SCHOOL – GRADE V-SSES


PERFORMANCE TASK#1

Panuto: Isipin mo ngayon na ikaw ay nasa tamang


edad na at maaari nang gawin ang anomang
naisin. Alin sa mga tugon o reaksiyon ng mga
Pilipino na iyong napag-aralan ang maaaari mong
maging tugon sa kasalukuyang nagaganap sa
ating pamahalaan? Ipaliwanag mo ang iyong sagot
sa isang talata na may limang pangungusap.

LUPAO CENTRAL SCHOOL – GRADE V-SSES


ANY
QUESTIONS
???
BUREAU OF LEARNING DELIVERY - TEACHING AND LEARNING DIVISION
THANK YOU
AND
STAY SAFE
EVERYONE!
DEPARTMENT OF EDUCATION
BUREAU OF LEARNING DELIVERY - TEACHING AND LEARNING DIVISION

You might also like