Filipino 10 - Q1 - Modyul 4 - Final - Ver12

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 4:
Epiko ng Iraq / Sinaunang
Mesopotamia
(Panitikang Mediterranean)

20
21 FT
20
07 RA
D
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan (Panitikang Mediterranean) – Modyul 4: Epiko mula sa Iraq / Sinaunang Mesopotamia
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng mga materyal. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

20
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
21 FT
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
20
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
07 RA

Manunulat: Alvin D. Mangaoang Florida P. Picatoste


Editor: Luisito V. Libatique Belen C. Aquino
Cesar B. Avecilla
D

Tagasuri: Arabella May Z. Soniega Virgilio C. Boado


Gina A. Amoyen Editha T. Giron
Alejo R. De Sesto
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr. Rodel R. Rimando
Tagalapat: Alvin D. Mangaoang
Tagapamahala: Tolentino G. Aquino Atty. Donato D. Balderas Jr.
Arlene A. Niro German E. Flora
Gina A. Amoyen Virgilio C. Boado
Editha T. Giron Alejo R. De Sesto

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region I


Office Address: Flores St., Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: (072) 682-2324; (072) 607-8137
E-mail Address: [email protected]
10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 4:
Epiko ng Iraq / Sinaunang
20
21 FT
Mesopotamia
20
07 RA

(Panitikang Mediterranean)
D
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Panitikang Mediterranean!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
gurong tagapagdaloy at upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay inaasahang maiuugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang hinihingi ng ika-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

20
21 FT
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
20
07 RA

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
D

o estratehiyang magagamit sa paggabay sa


mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mga


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Panitikang Mediterranean!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

20
21 FT
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
20
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
07 RA

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan


ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


D

upang matulungan kang maiugnay ang


kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

20
ng mga gawain sa modyul.
21 FT
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
20
07 RA

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Narito ang mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


D

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang


marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sinoman
sa iyong mga kasama sa bahay na maaaring makatulong sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Binabati kita at natapos mo ang pag-aaral sa Modyul 3! Natitiyak kong


marami kang natutuhan sa nakaraang aralin na magagamit mo sa Modyul na ito.
Ipagpatuloy mo ang iyong pag-aaral. Sana kung gaano ka nasabik sa mga nakaraang
aralin ay ganoon pa rin ang iyong kasabikan ngayon. Handa ka na ba? Kung oo, tara
na’t magsimula na.
Ang Modyul 4 ay tatalakay sa kauna-unahang dakilang likha ng panitikan –
Ang Epiko ni Gilgamesh mula sa Sinaunang Sibilisasyon ng Mesopotamia (Iraq na
sa kasalukuyan). Ang Mesopotamia na nagmula sa salitang Greek na
nangangahulugang “sa pagitan ng dalawang ilog”, ay sinaunang rehiyon sa
silangang Mediterranean. Matatagpuan sa hilagang-silangan nito ang Bundok ng
Zagros at sa Timog-silangan ay ang Talampas ng Arabia. Sa kasalukuyan, ang
malaking bahagi nito’y nasa Iraq samantalang ang ilang bahagi nito’y nasa Iran,
Syria at Turkey. Ang dalawang ilog na tinutukoy ng pangalan nito ay ang Ilog Tiris
at Euphrates at ang kalupaan ay kilala bilang ‘Al-Jazirah’ (ang isla) ayon sa
Egyptologist na si J. H. Breasted na sa kalaunan ay tinawag na Fertile Crescent.

20
21 FT
Masasalamin sa kanilang panitikan ang sinaunang kultura. Makikilala rin sa
pamamagitan ng pag-aaral ng mga ito ang kanilang mga paniniwala, pilosopiya,
paraan ng pamumuhay, ugali at iba pang mapagkakikilanlan ng kanilang lahi.
20
Naglalaman ang araling ito ng “Epiko ni Gilgamesh”. Hihimayin ito upang
07 RA

mapatunayang ang pangunahing tauhan sa epiko ay may pambihirang


kapangyarihan. Huhubugin din ang iyong kasanayan sa paggamit ng mga hudyat sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga
D

sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Nahihinuha ang katangian ng tauhan sa napakinggan / nabasang epiko.
(F10PN-Ie-f-65)
2. Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga kinaharap na suliranin ng
tauhan. (F10PB-Ie-f-65)
3. Napapangatuwiranan ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pandaigdig na
sumasalamin ng isang bansa. (F10PB-Ie-f-66)
4. Naipaliliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda. (F10PT-Ie-f-65)
5. Natutukoy ang mga bahaging napanood na tiyakang nagpapakita ng ugnayan
ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasan. (F10PD-Ie-f-64)
6. Naisusulat nang wasto ang pananaw tungkol sa pagkakaiba-iba at
pagkakatulad ng mga epikong pandaigdig; ang paliwanag tungkol sa isyung
pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino; sariling damdamin at
saloobin tungkol sa sariling kultura kung ihahahambing sa kultura ng ibang
bansa; suring-basa ng nobelang nabasa o napanood. (F10PU-Ie-f-67)
7. Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari. (F10WG-Ie-f-60)

Kaya halika na’t atin nang alamin ang mga ito.

1
Subukin

Bago natin talakayin ang nilalaman ng epiko, magkakaroon muna tayo ng


paunang pagtataya. Sikapin mong sagutin ang kasunod na gawain para mataya kung
ano ang mga dapat mo pang malaman sa susunod na pag-aaral.

PAUNANG PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang buod ng Epikong “Biag ni Lam-ang” at
sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Isulat sa hiwalay na sagutang papel
ang letra ng tamang sagot.

Biag ni Lam-ang

Nagkaroon ng anak sina Don Juan at Namongan. Nilusob ng mga Igorot


ang tribo ni Don Juan na naging sanhi ng pagkamatay ng kaniyang pangkat.
Dahil dito ay dumayo si Don Juan sa kuta ng mga Igorot upang ipaghiganti

20
ang kaniyang tribo. Gayonman, hindi na nakabalik pa sa kanilang lambak si
21 FT
Don Juan. Naisilang naman ang anak nilang si Lam-ang na mayroong
pambihirang kakayahan. Nakapagsasalita na agad siya at mayroong kakaibang
lakas.
20
Nalaman ni Lam-ang nangyari sa kaniyang ama kaya naman ninais niya
07 RA

maipaghiganti ito. Tutol man ang kaniyang inang si Namongan ay hindi naman
siya napigilan. Nagtungo siya sa kuta ng mga Igorot at nakita ang amang
nakapiit.
Sinabihan siya ng mga Igorot na umuwi na lamang upang hindi matulad
D

sa kaniyang ama. Ngunit sumigaw si Lam-ang at nayanig ang lupa. Pinaulanan


siya ng sibat ngunit hindi man lamang nagalusan. Hinugot niya ang kaniyang
sibat at dito ay nalupig ang puwersa ng mga Igorot.
Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong
ng mga dalaga ng tribo. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay
ang mga isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa
pampang.
Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang patungo sa Kalanutian
upang manligaw sa isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni
Lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso.
Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si
Sumarang. Pinahipan ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad
sa ikapitong bundok.
Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang.
Tumahol ang mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang
mahiwagang tandang. Muling tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang.
Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni
Lam-ang si Ines. Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung
magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan
nina Ines. Hindi sila binigo nito at nagdala ng dalawang barkong puno ng ginto
at naikasal ang dalawa.
Nagyakapan sina Lam-ang at Ines. Kanilang niyakap din ang aso at
tandang at namuhay silang maligaya sa mahabang panahon.

2
Batay sa nabasa, magbigay ng limang katangian ng isang epiko
1. ____________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________
3. ____________________________________________________________________
4. ____________________________________________________________________
5. ____________________________________________________________________

Ano-anong mga katangian ang nahinuha sa pangunahing tauhan?


6. ____________________________________________________________________
7. ____________________________________________________________________
8. ____________________________________________________________________
9. ____________________________________________________________________
10. ____________________________________________________________________

Ano-anong kulturang Pilipino ang ipinakita sa binasang epiko?


11. ____________________________________________________________________
12. ____________________________________________________________________
13. ____________________________________________________________________

14. Magbigay ng isang patunay na ang pangunahing tauhan ay may ugnayan


sa puwersa ng kalikasan.

20
21 FT
____________________________________________________________________

15. Bakit mahalaga ang epiko sa isang bansa?


____________________________________________________________________
20
07 RA

B. Panuto: Punan ng angkop na salitang hudyat ang bawat patlang upang mabuo
ang diwa ng talata. Piliin ang mga salitang hudyat sa loob ng kahon. Isulat sagot
sa iyong sagutang papel.
D

Bukod sa Kung Dahil


Saka Sa madaling sabi

(1) __________ isang babae, kumikilos siya bilang isang ina. (2) __________ kaya
lumaki ang kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa
lipunan. (3) __________ dito’y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang
panganay na si Jules. (4) __________ naging makata at manunulat naman si
Emman at nahilig sa musikang rock ‘n roll si Jason. (5) ___________, nanatiling
matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng
panahon.

Mahusay! Nabuo mo ang mga pahayag sa pamamagitan ng pagpupuno ng


angkop na hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Magpatuloy ka pa.

3
Aralin
Epiko mula sa Iraq /

1.1 Sinaunang Mesopotamia


Panitikan: Epiko ni Gilgamesh

Balikan

Sa nakaraang modyul, tinalakay natin ang sanaysay at ang mga ekspresiyong


ginagamit sa pagbibigay ng pananaw. Nabatid din nating ang sanaysay ay isang
akdang nagpapahayag ng opinyon o kuro-kuro. Gayon din, ang Alegorya ay isang
estilong maaaring gamitin sa pagpapahayag ng mga nakatagong mensahe. Bilang
pagbabalik-tanaw sa kasanayan sa nakaraang modyul, inaasahang maisasagawa
mo ang gawain gamit ang konsepto ng ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw.

20
Kung handa ka na, magsimula ka na.
21 FT
Gawain 1: Alegorya, Ipaliwanag Mo!
Panuto: Ipaliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda sa nakaraang
20
modyul. Gumamit ng mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw sa pagbibigay
07 RA

ng paliwanag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.
“Ang idea ng kabutihan ay mananatili sa huli at
D

matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi”

Paliwanag:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

“Sinoman ang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong


2.
buhay, kailangan na ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon”

Paliwanag:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4
Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain. Magpatuloy ka
lang at magagawa mo pang mapalago ang iyong kaalaman.

Mga Tala para sa Guro


Ang karamihan sa mga gawain sa modyul na ito’y subhektibo na
kinakailangan ng malalimang paggalugad ng kaisipan, opinyon at
/ o pananaw ng mga mag-aaral. Inaasahang gagabayang mabuti
ng guro o tagapagdaloy ang mga mag-aaral sa yugto ng pagkatuto.
May ilang links din dito kung saan maaaring i-access ng mga mag-
aaral ang mga video materials para sa mas interaktibong
pagtuturo at pagkatututo. Gabayan sila sa kung paano i-access
ang mga nasabing links. Ipalabas sa mga mag-aaral ang kanilang
kakayahan sa pagbasa at pag-unawa ng teksto.

20
21 FT
20
Tuklasin
07 RA

Sa bahaging ito, subukin mong unawain ang kasunod na epiko para


D

mapatunayang ang pangunahing tauhan sa epiko ay may pambihirang


kapangyarihan.

Mga paraan kung paano susuriin ang akda:


a. Basahin mong mabuti ang akda;
b. Maaaring ipabasa sa mga magulang o nakatatandang kapatid upang iyong
mapakinggang mabuti ang mensahe nito;
c. Maaaring bisitahin at panoorin sa link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=sWppk7-Mti4.

Epiko ni Gilgamesh
Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco

1) Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod


ng Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay
tao. Matipuno, matapang at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at
abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-aabuso,
patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y
makalaya sila sa kaniya.
2) Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlaki
ni Gilgamesh, si Enkido na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan.
Nagpang-amok ang dalawa nang sila’y magkita. Nanalo si Gilgamesh, ngunit

5
sa bandang huli naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon, naging
kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban.
Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan
ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang
diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala
nito ang toro ng kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang
parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng
mga diyos ang kanilang kawalang paggalang kaya itinakda nilang dapat
mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na mamamatay sa matinding
karamdaman.
3) Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng
loob ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa
puno ng Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay
Humbaba at ngayon, tignan mo kung ano ang
nangyari sa akin. Makinig ka kaibigan,
nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit
ang kalangitan at sinagot ito ng isang taong
ibon. Malungkot ang kaniyang mukha at
sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha
siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay
parang sa leon, ang kaniyang mga kamay ay

20
21 FT
kasintalim ng mga kuko ng agila. Sinunggaban
niya ako, sinabunutan at kinubabawan kaya
ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang
pakpak ang kaniyang mga kamay. Humarap
20
07 RA

siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang


Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na
kung sinoman ang mapunta roon ay hindi na
makababalik pa”.
4) Sa bahay, kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang
D

kanilang kinakain at luwad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga
ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila
nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na
maalikabok at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng
korona habang buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa
mga nagdaang panahon, sila na minsa’y naging mga diyos tulad nina Anu at
Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok
ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari
at ang kanilang mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo at naroon si
Etana, ang hari ng Kish, na minsa’y inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita
ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang
reyna ng kalaliman at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang
tagatala ng mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya
ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong: “Sino ang nagpadala sa iyo rito”
Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak
ang kagubatan at takot na takot.
5) Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit at pinunasan ang luha ng
kaniyang kaibigan. Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino
ang makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming
di-panani-paniwalang mga pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang
nilalaman ng iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na
panaginip. Kailangan itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng
katatakutan ay maaring dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na

6
ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.” At nagluksa si Gilgamesh.
“Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking
kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng
panaginip.”
6) Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman.
Araw-araw ay palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya
kay Gilgamesh “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na
ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag
ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-mahina na siya at ang
kaniyang mga mata’y halos ‘di na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng
sampung araw ang kaniyang pagdadalamhati hanggang labindalawang
araw. Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan pinarusahan ako ng mga
dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay
tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot akong mamatay ngunit
maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong
nakahihiya ang pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.
7) Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng
pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng
kaniyang mga tao bilang alaala.

Kumusta mahal kong mag-aaral? Naunawaan mo ba ang iyong binasang

20
21 FT
epiko? Kung naunawaan mo, maaari ka nang magpatuloy sa sumusunod na gawain
pero kung hindi pa ay maaari mong basahin muli ang epiko.

Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan


20
07 RA

Panuto: Ipaliwanag ang mga nagamit na alegorya (nakatagong mensahe) sa epiko sa


pamamagitan ng pag-aanalisa sa mga diyalogo ng mga tauhan. Isulat sa sagutang
papel ang mga ipinahihiwatig nito.
1. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong
kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan;
D

natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa


pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.”
2. “Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako
ang nakapatay kay Humbaba at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin?”
3. “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan?
Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang
nilalaman ng iyong puso?”
4. Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking
kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng
panaginip.”
5. “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.”

Gawain 3: Pag-unawa sa binasang Epiko


Panuto: Suriin ang mga alegoryang nagamit sa epiko sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga gabay na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ipaliwanag ang mensaheng ibinabahagi ng may-akda tungkol sa


pakikipagkaibigan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

7
2. Bakit kaya kahiya-hiya para kay Enkido ang kaniyang kamatayan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Anong mahalagang kaalaman tungkol sa buhay ang ipinahihiwatig ng Epiko?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ano-ano ang mga nakitang kababalaghan sa epiko?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Paano naiiba ang epiko sa iba pang akdang pampanitikan?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

20
Gawain 4: Pagsusuri sa Tauhan
21 FT
Panuto: Ano-ano ang mga kinaharap na suliranin nina Gilgamesh at Enkido? Bigyan
ito ng interpretasyon. Isulat sa kahon ang mga sagot.
20
GILGAMESH ENKIDO
07 RA
D

Gawain 5: Opinyon Ko, Mahalaga!


Panuto: Sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.
1. Kung ikaw si Gilgamesh, gusto mo bang maging isang pinuno gaya niya?
Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Nanaisin mo rin bang makita ang hinaharap? Bakit?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ano ang kaya mong gawin para sa isang kaibigan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

8
4. Maituturing bang bayani si Gilgamesh? Pangatuwiranan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Anong pambihirang mga katangian ang taglay ng pangunahing tauhan?
Patunayan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Binabati kitang muli mahal kong mag-aaral sa lumalawak mong kaalaman at


pag-unawa sa ating aralin! Magpatuloy ka lang.

Suriin

Basahin at unawain ang kahulugan ng epiko para malaman mo kung paano

20
21 FT
nakatulong ang epiko sa pagpapahalaga sa katauhan ng isang tao.

Alam mo bang…
20
Epiko ang tawag sa tulang pasalaysay na naglalahad ng kabayanihan at
07 RA

pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhang nagtataglay ng katangiang


nakahihigit sa karaniwang tao?
 Ang karaniwang paksa nito ay kabayanihan ng pangunahing tauhan sa
kaniyang paglalakbay at pakikidigma.
D

 Ang salitang epiko ay galing sa salitang Greek na “epos” na


nangangahulugang “salawikain o awit” ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa
kabayanihang isinasalaysay.
 Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko ay gumising sa damdamin
upang hangaan ang pangunahing tauhan.
 Dactylic hexameter ang estilo ng pagsulat ng epiko.
 Ito’y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin o inbokasyon sa isang
musa at naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at
talumpati.
 Ito ay ipinahahayag nang pasalita, patula o paawit.

Kasaysayan ng Epiko
 Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epiko mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang
kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Ang kasaysayan ng Gilgamesh
ay nagsimula sa limang tulang Sumerian tungkol kay “Bilgamesh” (salitang
Sumerian para sa ‘Gilgamesh’), hari ng Uruk.
 Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800
BCE. Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral ng literaturang Ingles ang The
Iliad and Odyssey.
 Si Virgil (70-19 BC) ay lumikha ng mahahalagang epiko ng Imperyong
Romano. Kinuha ang pangalan ng The Aeneid sa isa sa mga tauhan ng Iliad
ni Homer na umalis sa Troy at nagtungo sa Italy upang hanapin ang Rome.

9
 Sa Italy ay hindi lamang si Virgil, mayroon din si Dante. Ang kilalang epiko ni
Dante ay ang The Divine Comedy. Ito’y naging inspirasyon ng maraming
makata at pintor sa loob ng maraming dantaon.
 Isa sa mga kilalang epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar
Mio Cid na sinulat noong 1207 ni Per Abbat.
 Isa sa mga kilalang epikong French noong Middle Ages ay ang Chanson de
Roland.
 Ang dalawang kilalang epikong German ay ang The Heliad, ika-19 siglong
bersyon ng Gospels sa Lumang Saxon; at ang “The Nibelungenlid”. Ang huli
ay kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen at Attila the Hun.
Ito ay nagbigay ng kakaibang impluwensiya sa literaturang German.
 Ang Epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf.
 Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko. Ito ay
kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting aral ng
mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang Ibalon ng Bikol, Hudhud ni Aliguyon ng
mga Ifugao, Biag ni Lam-Ang ng mga Ilocono, Tuwaang ng mga Bagobo at
marami pang iba.

Kahalagahan ng Epiko
 Ang mga epiko ay mayroon pa ring lugar sa buhay ng mga katutubong
minorya at kinakanta sa panahon ng pagtitipon, tulad ng kasalan at lamayan.

20
21 FT
 Umaaliw sa komunidad ng kapuri-puring gawain ng kanilang mga ninuno.
 Naghahatid sa mga kaugalian at paniniwala ng mga nakaraang henerasyon,
madalas ay nagbibigay ng halimbawa para sa mga susunod na henerasyon.
20
 Ang mga epikong Pilipino ay binibigyan ng diin ang tema katulad ng matibay
07 RA

na bigkis sa relasyon, palitan at pagtutulungan, isang malalim na kahulugan


ng komunidad, etnikong pagpapahalaga, at pagmamahal sa kalayaan.
 Sa pamamagitan ng epiko, ang sambayanan ay naghahatid ng alaala ng mga
ninuno, isang lubos at malayang daigdig at ang tunay na anyo nito sa mundo.
D

Mga Elemento ng Epiko


1. Sukat at Indayog – Tumutukoy ang sukat sa bilang ng pantig sa bawat
taludtod na bumubuo sa isang saknong samantalang ang indayog ay ang diwa
ng tula.
2. Tugma – sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling
salita ng bawat taludtod ay magkakasingtunog.
3. Saknong – Ito ay ang pagpapangkat ng mga taludtod ng isang tula. Tinatawag
din itong taludturan.
4. Matatalinghagang salita – ito ay tinatawag ring idyomang may kahulugan
taglay na naiiba sa karaniwan. Di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan ang mga
ito.
5. Banghay – Ito ay ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayaring maaaring
maging payak o komplikado. Binubuo ito ng simula, saglit na kasiglahan,
kasukdulan, kakalasan at wakas.
6. Tagpuan – lugar o panahong kung kailan ginanap ang mga pangyayari.
Nakatutulong ito sa pagbibigay ng linaw sa paksa, banghay at mga tauhan.
Kadalasang sa sinaunang kapanahunan ito naganap at puno ng misteryo.
7. Tauhan – Ang tauhan ang siyang kumikilos sa epiko. Siya ang gumagawa ng
desisyong nagpapatakbo ng epiko. Mapapansing ang tauhan sa epiko ay
nagtataglay ng pambihira o di-pangkaraniwang kapangyarihan.

10
Nasundan mo ba ang katuturan at kasaysayan ng Epiko? Kung oo, mahusay
ka. Bagaman mahaba ngunit napuno naman ng impormasyon ang iyong kaisipan.
Upang mailapat ang napag-aralan mo, isagawa mo na ang kasunod na gawain.

Gawain 6: Mahalaga Ka Epiko!


Panuto: Batay sa tinalakay na impormasyon hinggil sa epiko, ibigay/isulat ang iyong
sariling pananaw tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng epiko bilang akdang
pandaigdig. Gayahin ang pormat ng grapikong presentasyon sa sagutang papel.

EPIKO

20
21 FT
20
07 RA
D

Pagyamanin

Sa bahaging ito, pagyayamin pa natin ang iyong kaalaman sa epiko.


Babasahin mo ang epikong mula sa Mindanao para magkaroon ka ng paghahambing
sa epiko ng Iraq/Sinaunang Mesopotamia. Basahin at unawain mo ito para matukoy
mo ang bahaging nagpapakita ng ugnayan ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasan.

Maaaring panoorin ang cartoon ng mito ng Mindanao sa link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=9zRDLJGT0W0

Bidasari
Ang epikong Bidasari ng Kamindanaoan ay nababatay sa isang romansang
Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y
pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy.
Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon.
Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang
ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na

11
nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila sa
ibong garuda pagka't ito'y kumakain ng tao.
Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at
sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki
ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa
malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.
May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang
mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kaniyang pinagyaman at iniuwi sa
bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng
Bidasari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si
Bidasari sa piling ng kaniyang nakikilalang magulang.
Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa
lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig
pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y
mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng “mahal na mahal ka sa akin”. Hindi
pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na
minsan sa sultan “Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na
maganda kaysa akin?” Ang naging tugon ng Sultan ay “Kung higit na maganda pa
sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Nag-alala ang sultana na baka
may lalo pang maganda sa kaniya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang
inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin ang kaharian upang

20
21 FT
malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.
Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda
kaysa kay Lila Sari. Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang
diumano ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim
20
07 RA

na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan.


Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kaniya, sinabi
niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kaniyang ama. Kapag araw ito'y
ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon
si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at
D

pinauwi na niya si Bidasari.


Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik
sa tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling
nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari.
Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira
nang mag-isa si Bidasari.
Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang
isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto.
Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na
natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan
Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan.
Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya
ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na
galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si
Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna.
Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni
Bidasari ay tahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng
isang supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni
Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat.
Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati
at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati.
Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay
sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at

12
si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-
magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si
Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na ang kaniyang pinakasalang si
Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.

Gawain 7: Unawain Mo!


Panuto: Sagutin mo sumusunod na mga tanong sa iyong sagutang papel.
1. Sino si Bidasari batay sa epikong Mindanao?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga suliraning kinaharap ni Bidasari? Paano ito nasolusyonan?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga pangyayari sa epiko ang tiyakang nagpapakita ng ugnayan


ng mga tauhan sa puwersa ng kalikasan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

20
21 FT
___________________________________________________________________________

Gawain 8: Bakit nga ba?


20
Panuto: Isulat ang iyong papanaw tungkol sa pagkakaiba-iba at pagkakatulad ng
07 RA

Epiko ni Gilgamesh sa Epiko ni Bidasari at ang paliwanag tungkol sa isyung


pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino. Gayahin ang grapikong
presentasyon sa inyong sagutang papel.
D

EPIKO NI
PAGKAKAIBA EPIKO NI BIDASARI
GILGAMESH

PAGKAKATULAD

Ano ang iyong damdamin at saloobin tungkol sa sariling


kultura kung ihahambing sa kultura ng ibang bansa?

13
Isaisip

Gawain 9: Punan Mo!


Panuto: Batay sa iyong natutuhan sa kabuoan ng aralin, punan mo ng sagot ang
hinihingi ng bawat kahon. Magbigay lamang ng tig-iisang sagot sa iyong sagutang
papel.
EPIKO

Kahulugan Kasaysayan Kahalagahan Elemento

20
21 FT
Isagawa
20
07 RA

Gawain 10: Iguhit Mo!


Panuto: Iguhit ang iyong paboritong superhero. Ibigay ang mga pambihirang
katangiang hinahangaan mo sa kaniya.
D

Ang Paborito Kong Superhero

14
Aralin Wika at Gramatika: Mga
Panandang Pandiskurso bilang
1.2 Hudyat sa Pagsusunod-sunod
ng mga Pangyayari

Balikan

Binabati kita sa iyong masigasig na pagsagot sa mga katanungan sa


nakaraang aralin. Sa bahaging ito, malalaman mo kung paano mabisang magagamit
ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari. Bago tayo
magtungo sa talakayan, sagutin muna ang gawain.

Gawain 1: Ibuod Mo!

20
21 FT
Panuto: Ibuod mo ang nabasang Epiko ni Gilgamesh gamit ang grapikong
presentasyon. Gamitin ang angkop na mga salita sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayaring nasa kahon.
20
07 RA

1.

2.
D

3
1.

4.

5.

Sa huli Pagkatapos Sumunod


Sa kabilang banda Una

Magaling! Natapos mo ang gawain. Sa bahaging ito iyong tutunghayan ang


isang akda upang malaman kung paano nagagamit nang may kaangkupan ang mga
hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

15
Tuklasin

Ang ating bansa ay mayaman sa iba’t ibang epiko. Patunay na mayaman ang
bawat rehiyon natin ng natatanging kultura. Sa paglipas ng panahon, ang iba sa mga
ito ay naipalabas sa telebisyon o pelikula. Ang ibang palabas nama’y nagkaroon ng
inspirasyong ilapat ang konsepto ng epiko at isa na rito ang Amaya. Tunghayan mo
ang buod nito at pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na katangunan.

Maaaring panoorin ang mga kabanata nito sa link na ito:


https://www.youtube.com/watch?v=oHqCvBi9oX0&list=PLGRhcC_vtOragNy
YUbl3ujCX8p4DNkZwL

Amaya
ni Suzette Doctolero
Ang kuwento ni Amaya ay nagsisimula sa isang puod sa gitnang Visayas,

20
mga ika-15 dantaon na pinaghaharian ni Rajah Mangubat, isang mabagsik at
21 FT
kinakatakutang pinuno at walang patawad sa kaniyang mga kaaway. May taglay
siyang anting-anting na nagbibigay sa kaniya ng kakaibang kapangyarihan sa
pakikipaglaban kaya’t iniilagan siya ng kaniyang mga tagasunod. Siya’y marahas
20
at magaling na mandirigmang may natatanging kakayahan sa mga labanan kaya
07 RA

wala pang nakatatalo sa kaniya. Ngunit may propesiya ang isang babaylan na ang
magtatapos ng kanyang kadakilaan ay isang babaeng may kambal-ahas.
Sa loob ng bukot, magkasama sina Amaya at ang kaniyang mga kapatid. Si
Marikit na nagseselos sa lahat ng nakukuhang atensiyon ni Amaya sa kanilang
D

baba. Siya rin ay naging paboritong anak ni Lamitan. Ang isa naman ay si
Binayaan, ang nakababatang kapatid ni Marikit na masaya sa piling ni Amaya
dahil na rin sa ayaw sa kaniya ng kaniyang iloy na si Lamitan sapagkat umaasa
sila ng lalaking anak.
Nang bata pa si Amaya, siya ay ipinapapatay sa isang uripon na binayaran
ni Lamitan ngunit ang kaniyang kambal-ahas ay dumating at pinatay ang uripon.
Pagkatapos nito, nakilala niya si Bagani na hahalili sa trono ni Rajah Mangubat.
Ibinalik siya sa kanilang banwa ni Bagani. Ilang taon ang lumipas at si Amaya ay
lumaking isang napakagandang binukot. Dahil sa kagustuhan ni Lamitan na
mapalayo kay Amaya at dahil sa masamang ang kaniyang loob sa kanyang
asawang si Datu Bugna ay tinalikuran niya ang kaniyang bana. Ipinagsabi niya
kay Rajah Manubat ang tungkol sa plano ni Datu Bugna kasama ang iba pang
mga datu ng rebelyon laban sa kaniyang walang awang pamamahala.
Ipinagtanggol ni Bagani si Amaya sa mga pang-aapi nina Marikit at Lamitan.
Napilitan siyang pakasalan si Marikit para maging malaya si Amaya. Sa tulong ng
kaniyang kambal-ahas, si Amaya ay naging alabay. Nag-aral siya ng panggagamot,
mga relihiyosong ritwal at tradisyon para maging babaylan.
Sa kabilang banda, nagkaroon ng planong patayin si Bagani. Bagaman
hindi nagtagumpay ang planong ito, lubos naman siyang nasugatan. Walang ibang
tao ang nakapagpagaling sa kaniya maliban kay Amaya kaya nakuha niya ang
ranggong Punong Alabay. Nalaman ni Amaya na ang apo ng kasalukuyang Punong
Alabay na si Angaway, ang may pakana sa pagpatay kay Bagani. Binantaan ni
Amaya si Bagani nang malamang may plano silang rebelyon laban sa kanila.

16
Sa kabilang banda, naapektuhan ang pamumuhay nina Lamitan at Marikit
kaya pinilit ni Lamitan si Marikit na maging sandal ni Rajah Mangubat para
magkaroon muli siya ng kapangyarihan sa puod ngunit ito ay hindi sang-ayon sa
mga kagustuhan ni Marikit. Naging dahilan ito kaya naging matamlay siya subalit
pinilit ni Lamitan si Marikit na gumamit ng “chandu”. Dahil dito nasira na ang
pag-iisip ni Marikit. Naawa si Amaya kay Marikit kaya pinagaling niya ito. Nakita
ni Marikit ang tunay na katauhan ng kaniyang iloy. Kinuha ni Marikit si Mantal
(ang kapatid ni Lamitan) at dinala sa ibang banwa. Si Mantal ang dating kasama
ni Lamitan ngunit dahil sa pangyayaring ito, nakita niya ang tunay na ugali ng
kaniyang kapatid.
Sila ay nagplano ng rebelyon para maibalik ang puod kay Angaway sa mga
kamay ni Bagani na karapat-dapat maging Rajah. Nagawa nilang patayin si
Angaway ngunit ang buong puod ay hindi napasakanila. Ginamit ni Lamitan ang
pagkakataong ito para isakatuparan ang kaniyang mga inaasam. Ginawa niyang
pinuno ang kaniyang sarili sa buong puod dahil siya ang pumapangalawa sa
kapangyarihan ni Angaway. Hindi talaga ito matanggap sa buong puod. Wala pang
babaeng tinanggap bilang Rajah mula noong sinuhulan ni Lamitan ang kaniyang
mga kawal at binalaan ang konseho na iproklama siya bilang isang ganap na
pinuno. Subalit hindi pa rin siya binigyan ng titulo na maging ganap na Hara. Ang
lahat ng banwa na nasa ilalim ng kaniyang kapangyarihan ay napatawan ng
buwis. Sinindak ni Lamitan ang mga tao sa paggamit ng engkantasyon mula sa

20
21 FT
mga babaylan para maging sunod-sunuran sa kaniya sa pamamagitan ng
panlilinlang na siya ay may direktang komunikasyon sa diyos.
Sa kabilang dako, dahil sa mga kamangha-manghang nagawa ni Amaya,
siya ay tinawag na pinakamakapangyarihang tao sa kanilang panahon. Maraming
20
07 RA

mga pagbabago ang nangyari sa puod, kagaya ng pagbibigay ng karapatan sa mga


alila na maging timawa o malayang tao pagkatapos nilang mabayaran ang
kanilang utang at ang pantay-pantay na oportunidad sa edukasyon at negosyo. Sa
kabila ng magagandang pangyayaring ito, si Amaya at Bagani ay kinailangan ng
kanilang mga tao kaya ang kanilang pagmamahalan ay muling nahinto. Si Rajah
D

Bagani ay naging mas wais na pinuno at mandirigma. Si Amaya naman ay pilit na


lumayo kay Bagani sa maraming taon para pagtuonan ang kaniyang pamamahala
gayondin ang ginawa ni Bagani.
Si Amaya ay isa sa mga pinakaunang babaeng namuno ng tunay sa isang
puod, isang totoong Hara. Nang ang nakababatang kapatid ni Bagani na si Banuk
ay lumaki, nakiusap si Banuk na gawin siyang isang Rajah sa pag-aakalang sobra-
sobra na ang isinakripisyo ni Bagani at sa tingin niya ay oras na rin para muling
magkasama sila ng kaniyang irog. Pumunta si Bagani sa banwa ni Amaya at sa
kaniyang pagkagulat ay nalaman niyang mayroon pala siyang anak kay Amaya na
nagngangalang Bugna. Sa wakas, sila ay naging isang buong pamilya.
Magkasabay na namatay sina Amaya at Bagani at magkahawak ang kamay.

Gawain 2: Sa Iyong Pag-unawa


1. Sino si Amaya? Ano-ano ang kaniyang mga pambihirang katangian?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano-anong mga ginamit na hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

17
3. Ano ang paksa ng epikseryeng binasa? Ikumpara ito sa Epiko ni Gilgamesh
at Epiko ni Bidasari.

Amaya Epiko ni Gilgamesh Epiko ni Bidasari

Suriin

Binabati kita sa iyong masigasig na pagsagot sa mga katanungan. Sa bahaging


ito, inaasahang masasagot ang pokus na tanong na – paano nakatutulong ang mga
hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa pagsasalaysay?

Alam mo bang…
Panandang Pandiskurso ang tawag sa mga salita o lipon ng mga salitang nag-
uugnay sa mga pangungusap o bahagi ng teksto. Ito ay nagbibigay-linaw at nag-

20
21 FT
uugnay ng mga kaisipang inilahad sa isang teksto o diskurso. Ito ay maaaring
maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o maghimaton tungkol
sa pagkakabuo ng diskurso. Karaniwang ito ay kinakatawan ng mga pang-ugnay,
20
panghalip at iba pang bahagi ng pananalita.
07 RA

Uri ng Panandang Pandiskurso


1. Mga Panandang Naghuhudyat ng Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari
Mga Halimbawa:
D

a. Sa pagsisimula – Una, sa umpisa, noong una, unang-una


b. Sa gitna – ikalawa, ikatlo..., sumunod, pagkatapos
c. Sa pagwawakas – sa dakong huli, sa huli, sa wakas

2. Mga Panandang Naghuhudyat ng Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso


Mga Halimbawa:
a. Pagbabagong-lahad – sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling sabi,
sa ibang pagpapahayag, kung iisipin
 Sa kabilang dako, pinatay nila si Humbaba, pinatag nila ang kagubatan
pati ang pagtangkang siraan ang diyosang si Ishtar ay kanilang ginawa.

b. Pagtitiyak o Pagpapasidhi – siyang tunay, tulad ng, sumusunod, sa kanila,


walang duda
 Walang dudang naging matalik na magkaibigan sina Gilgamesh at
Enkido.

c. Paghahalimbawa – halimbawa, nailalarawan ito sa pamamagitan ng, isang


magandang halimbawa nito ay, gaya ng, tulad ng
 Iba’t ibang pakikipagsapalaran ang ginawa nina Gilgamesh at Enkido
gaya ng pagpatag sa kagubatan, pagpaslang sa halimaw at paggapi sa
toro ng diyosa.

18
d. Paglalahat – bilang paglalahat, bilang pagtatapos, sa kabuoan, sa lahat ng
mga ito
 Sa kabuoan, lubos na naghinagpis si Gilgamesh sa sinapit ng buhay ni
Enkido kaya naman ipinagluksa niya ito nang husto.

e. Pagbibigay-pokus – bigyang-pansin ang, pansinin ang, tungkol sa


 Hindi sana siya maparurusahan kung hindi niya inako ang tungkol sa
kasalanang hindi naman niya ginawa.

f. Pagpupuno o Pagdaragdag – muli, kasunod, din/rin, at, saka, pati


 Sina Gilgamesh at Enkido ay magkaibigan.

g. Pagbubukod o Paghihiwalay – maliban, bukod kay, huwag lang, bukod sa


 Lahat na yata ng katangian ay taglay ni Gilgamesh maliban sa pagiging
abusado sa kapangyarihan.

h. Nagsasaad ng Kinalabasan o Kinahinatnan – tuloy, bunga nito, kaya


naman, kung kaya, kaya nga
 Hindi kasi siya nag-ingat, tuloy nahuli siya.

i. Nagsasaad ng Kondisyon o Pasubali - kapag, sakali, kung

20
21 FT
 Sasang-ayon ako sa pakiusap niya kapag napatunayan kong tapat
siya.

Gawain 3: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika


20
07 RA

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga panandang pandiskursong ginamit sa


pangungusap at tukuyin kung anong uri ito. (A) Mga Panandang Naghuhudyat ng
pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari o (B) Mga Panandang Naghuhudyat ng
Paraan ng Pagkabuo ng Diskurso. Gayahin ang tsart sa ibaba.
D

1. Una si Jules, may liberal na pag-iisip.


2. Sumunod si Gani na maagang nag-asawa’t nagkaanak ngunit mabilis din
silang nagkahiwalay ni Evelyn.
3. Bunga nito, si Gani ay nanirahan na sa abroad kapiling ang bagong pamilya.
4. Ikatlo, ang pinakamalambing na si Jason, na ang kakulangan niya bilang
estudyante ay matagumpay na napagtatakpan ng katangian niya bilang anak.
5. Pagkatapos, ang bunsong si Bingo na namulat sa mundong walang katiyakan,
ngayo’y magtatapos na sa kolehiyo.
6. Makikinig ako sa kaniyang sasabihin kung tatahimik siya.
7. Siyang tunay, katiwa-tiwala talaga siyang alagad ng batas.
8. Naging magkaaway muna sina Enkido at Gilgamesh saka naging matalik na
magkaibigan.
9. Bukod sa pagliligtas ni Enkido kay Gilgamesh sa kalupitan ni Ishtar, inako
niya ang kaparusahan.
10. Bigyang-pansin sana ng pamahalaan ang mga naghihirap ngayong mamayan
sa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Panandang Pandiskurso Uri ng Panandang Pandiskurso


1.
2.
3.
4.
5.

19
6.
7.
8.
9.
10.

Gawain 4: Punan Mo!


Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na mga panandang pandiskurso at isulat ang
tamang sagot sa iyong sagutang papel upang mabuo ang diwa ng talata.

Maraming epiko ang kumalat sa buong mundo. Bawat bansa ay may


kaniya-kaniyang epiko. 1. __________________, mababasa sa kasaysayan na ang
Epiko ni Gilgamesh ay nagsimulang umusbong sa Mesopotamia.
2. __________________ naman ang pagsimula ng kasaysayan ng epiko sa
Europe kay Homer ng Greece 3. __________________ 800 BCE. 4. __________________
ang The Iliad and Odyssey. Ang mga kilalang manunulat ng epiko sa Europe ay
sina Hesiod, Apollonius, Ovid, Lucan 5. __________________ Statius.
Ang estilo ng pagsulat ng epiko ay dactylic hexameter. 6. __________________,
hindi madali ang pagsulat nito. Ito’y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin
mula sa isang musa at naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at
talumpati. 7. __________________ ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan 8.

20
21 FT
__________________ The Fall of Troy, The Foundation of Rome, The Fall of Man, at
iba pa. Ang mga tauhan nito ay maharlika.
Sinasabing noong panahon ng Medieval, napakaraming epiko ang naisulat,
20
9. __________________ ito’y madalas basahin. Ang bawat bansa ay nakalikha ng
07 RA

kanilang dakilang manunulat ng epiko. Sa Italy, 10. __________________ kay Virgil


ay mayroon din silang Dante. Ang kilalang epiko ni dante ay ang The Divine
Comedy. Ito’y naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng
maraming dantaon, 11. __________________, si T.S. Eliot naman ay nagdala ng
kopya nito sa bulsa ng kaniyang amerikana. Ang The Divine Comedy ay
D

dinisenyuhan ni Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo.


Isa sa mga epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio
Cid na kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar at sa French
naman ay ang Chanson de Roland na kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake
sa kaniyang tropa ni Basques at Roncevaux noong 778. 12. __________________,
ang dalawang epikong ito ay tungkol sa kabayanihan ng mga pangunahing tauhan
sa pakikidigma. 13. __________________, may dalawang epikong German naman
ang nakilala sa buong mundo. Ito ay ang The Heliad, ika-19 na siglong bersyon ng
Gospels sa Lumang saxon; at ang The Nibelungenlid. Ang 14. __________________
ay kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen at Atila the hun.
15. __________________, sa Pilipinas naman, tinatayang umaabot sa 28 ang
kilalang epiko. Karamihan sa mga epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na
hindi pa nagagalaw ng makabagong proseso ng pagpapaunlad ng kultura tulad ng
mga katutubo at etnikong grupo sa Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo
ng mga Muslim.

huli kung kaya samantala noong gayon din


at maliban kaya naman kabiland din sa kabilang dako
tulad ng sumunod una sa dakong huli

20
Pagyamanin

Gawain 5: Ihambing Mo!


Panuto: Muling balikan ang dalawang epikong binasa sa araling ito at bumuo ng
paghahambing gamit ang mga panandang pandiskurso. Gayahin ang pormat ng
tsart sa sagutang papel at punan ito ayon sa hinihingi.

EPIKO NI GILGAMESH AMAYA

Ayon sa Elemento ng Epiko Ayon sa Elemento ng Epiko

20
21 FT
20
Kahinaan: Kahinaan:
07 RA
D

Kalakasan: Kalakasan:

Gawain 6: Panoorin Mo!

Panuto: Panoorin ang isang video clip ng Amaya sa link na ito


https://www.youtube.com/watch?v=5mGKdWcQBLU. Matapos panoorin, sagutin
ang mga tanong na sumusunod sa iyong sagutang papel.

1. Ano supernatural na pangyayari ang napanood mo sa video?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Ano ang ipinakikitang ugnayan ng tauhan sa puwersa ng kalikasan?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

21
Isaisip

Gawain 7: Sagutin Natin


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang pandang pandiskurso?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano-anong mga bahagi ng pananalita ang ginagamit sa panandang


pandiskurso?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Paano makatutulong ang mga panandang pandiskurso sa pagsusulat ng

20
isang akda?
21 FT
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
20
07 RA
D

Isagawa

Upang matiyak mo kung talagang naintindihan ang araling ating tinalakay sa


mga nagdaang araw tungkol sa epiko at mga panandang pandiskurso, isagawa ang
paglalapat sa hiwalay na sagutang papel.

Gawain 8: GRASPS

Sumulat ng talata tungkol sa paksang “Bayani ng Buhay Ko”.


Goal
Gumamit ng iba’t ibang mga panandang pandiskuro sa pagsulat.
Role Ikaw ay magiging manunulat.
Audience Guro, mga kapwa mag-aaral.
Ipagpalagay na ikaw ay isang manunulat ng isang pahayagan at ikaw
Situation
ay magsasalaysay ng kuwento sa isang taong katangi-tangi sa iyo.
Product Salaysay tungkol sa bayani ng iyong buhay.
A. Malinaw na nilalaman…………………….……………….… 35 puntos
B. Estruktura ng pagkakasulat……...……………….……......35 puntos
Standards C. Paglalapat ng panandang pandiskurso….…………………20 puntos
D. Dating sa mambabasa.…....…………………..……….….. 10 puntos
Kabuoan.……….…………..………………..…..............….100 puntos

22
Tayahin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang
natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang
iyong kaalaman sa nakalipas na aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at piliin sa kahon ang tinutukoy ng pahayag sa ibaba. Isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

A. Gilgamesh
B. Enkido
C. Anu
D. Humbaba
E. Irkalla

20
F. Ereshkigal
21 FT
_____ 1. Reyna ng kadiliman.
_____ 2. Demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar
20
07 RA

_____ 3. Hari ng Uruk at ang bayani ng Epiko.


_____ 4. Reyna ng kalaliman
_____ 5. Lalaking kasama ng mga hayop sa kagubatan.

B. Panuto: Isulat ang Tsek (√) sa sagutang papel kung ang ipinahahayag ay Tama
D

at Ekis (X) naman kung ito’y Mali.

_____ 1. Si Gilgamesh ay kalahating tao at kalahating diyos.


_____ 2. Pinakinggan ng mga diyos ang hiling ng mga tao na makalaya na sila.
_____ 3. Para kay Enkido, lubos na kahiya-hiya ang mamatay sa karamdaman
kaysa sa mamatay sa isang digmaan.
_____ 4. Nanaginip si Gilgamesh sa isang lugar na maaaring puntahan ng mga
namayapa na.
_____ 5. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan.

C. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng


tamang sagot.

_____ 1. Nagsimula ang kasaysayan ng Gilgamesh sa ________ tulang Sumerian.


A. 2 B. 5 C. 7 D. 9

_____ 2. Ang pinakamatandang epiko sa buong mundo at kinikilala bilang


kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.
A. Beuwulf C. Gilgamesh
B. Ibalon D. Iliad at Odyssey

23
_____ 3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang
epiko?
A. Nababasa sa isang upuan lamang
B. Nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng tauhan
C. Nagpapakita ng kabayanihan ng mga pangunahing tauhan.
D. Nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa tao.

_____ 4. Galing sa salitang Greek na ________ ang epiko na nanganaghulugang


salawikain o awit.
A. Epis C. Epix
B. Episo D. Epos

_____ 5. _______________________ ang estilo ng pagsulat ng epiko.


A. Dactylic Hexameter C. Dactylic Pentameter
B. Dactylic Centimeter D. Dactylic Gigameter

D. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng


tamang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. Sa maagang pag-aasawa ni Gani, mabilis din silang nagkahiwalay ng
kaniyang asawa, Bunga nito siya’y nanirahan na sa abroad. Anong
panandang pandiskurso ang ginamit sa pangungusap?

20
A. Bunga nito C. Sa abroad
21 FT
B. Mabilis din D. Sa maagang

_____ 2. Si Julian ay naging manhid sa asawa at parang walang pakialam. Ang


20
nasalungguhitan ay nagsasaad ng ______________.
07 RA

A. Kinalabasan C. Pagdaragdag
B. Pagbubukod D. Pasubali

_____ 3. Maliban sa pagiging ina sa limang anak na pulos lalaki si Amanda ay


D

isa ring tipikal na maybahay. Ang nasalungguhitan ay nagsasaad ng


____________.
A. Kinalabasan C. Pagdaragdag
B. Pagbubukod D. Pasubali

_____ 4. Ang mga panandang tuloy, bunga nito, kaya ay nagsasaad ng ________.
A. Kinalabasan C. Pagdaragdag
B. Pagbubukod D. Pasubali

_____ 5. Nagsasaad ng kondisyon o pasubali ang sumusunod MALIBAN sa


_______________.
A. Kapag C. Saka
B. Kung D. Sakali

E. Panuto: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga nabanggit na panandang


pandiskurso sa iba’t ibang sitwasyon.

1. Uri ng Panandang Pandiskurso: Nagsasaad ng Kinalabasan o Kinahinatnan


Sitwasyon: Pagtalima sa Quarantine Protocols.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

24
2. Uri ng Panandang Pandiskurso: Pagtitiyak o Pagpapasidhi
Sitwasyon: Panukalang Anti-Terrorism Bill
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Uri ng Panandang Pandiskurso: Nagsasaad ng Kondisyon o Pasubali


Sitwasyon: Panukalang Pagpapalit ng Pangalan ng NAIA sa Paliparang
Pandaigdig ng Pilipinas
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Uri ng Panandang Pandiskurso: Pagbubukod o Paghihiwalay


Sitwasyon: Balik-Probinsya Program
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

20
21 FT
5. Uri ng Panandang Pandiskurso: Paglalahat
Sitwasyon: Mass Testing
___________________________________________________________________________
20
___________________________________________________________________________
07 RA

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
D

Muling pagbati sa’yo mahal na mag-aaral. Marami


ka na namang nalamang impormasyon tungkol sa
Epikong mula sa Iraq (Sinaunang Mesopotamia) at
ang paggamit ng mga panandang pandiskurso
bilang hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari. Nawa’y manatili sa iyong isipan ang
mga aral na ito. Ngayon, ihanda mo ang iyong
sarili sa panibago na namang aralin – Modyul 5
(Maikling Kuwento mula sa France).

25
26
PAUNANG PAGTATAYA
A. Iba-iba ang sagot. B.
1. Bukod sa
2. Kung
3. Dahil
4. Saka
5. Sa madaling sabi
ARALIN 1.1 (Panitikan: Epiko ni Gilgamesh)
BALIKAN
Gawain 1: Alegorya, Ipaliwanag Mo! Iba-iba ang sagot.
TUKLASIN
Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan Iba-iba ang sagot.
Gawain 3: Pag-unawa sa binasang Epiko Iba-iba ang sagot.
D

Gawain 4: Pagsusuri sa Tauhan Iba-iba ang sagot.


Gawain 5: Opinyon Ko, Mahalaga!
Iba-iba ang sagot.
07 RA

SURIIN
20
Gawain 6: Mahalaga Ka Epiko! Iba-iba ang sagot.
PAGYAMANIN
21 FT
Gawain 7: Unawain Mo!

20
Iba-iba ang sagot.
Gawain 8: Bakit nga ba?
Iba-iba ang sagot.
ISAISIP
Gawain 9: Punan Mo! Iba-iba ang sagot.
ISAGAWA
Gawain 10: Iguhit Mo! Iba-iba ang sagot.
Susi sa Pagwawasto
27
ARALIN 1.2 (Wika at Gramatika: Mga Panandang Pandiskurso
bilang Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari)
BALIKAN
Gawain 1: Ibuod Mo! Iba-iba ang sagot.
TUKLASIN
Gawain 2: Sa Iyong Pag-unawa Iba-iba ang sagot.
SURIIN
Gawain 3: Pagsasanib ng Gramatika at Retorika
Panandang Pandiskurso Uri ng Panandang Pandiskurso
1. Una A
2. Sumunod A
3. Bunga nito B
4. Ikatlo B
5. Pagkatapos B
6. Kung B
7. Siyang tunay B
8. Saka B
9. Bukod sa B
10.Bigyang-pansin B
D

Gawain 4: Punan Mo!


1. Una 6. kaya naman 11.sa kabilang dako
2. Sumunod 7. kabilang din 12.sa madaling sabi
3. Noong 8. tulad ng 13.samantala
07 RA
20
4. Gayon din 9. kung kaya 14.huli
5. at 10.maliban 15.sa dakong huli
PAGYAMANIN
21 FT
20
Gawain 5: Ihambing Mo! Iba-iba ang sagot.
Gawain 6: Panoorin Mo!
Iba-iba ang sagot.
ISAISIP
Gawain 7: Sagutin Natin
Iba-iba ang sagot.
ISAGAWA
Gawain 8: GRASPS
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. B. C. D.
1. E 1. X 1. B 1. A
2. D 2. √ 2. C 2. C
3. A 3. √ 3. A 3. B
4. F 4. X 4. D 4. A
5. B 5. √ 5. A 5. C
E. Iba-iba ang sagot.
Sanggunian
Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc. pa. 100-113.
Kasaysayan ng Epiko. Nahango noong Mayo 17, 2020 mula sa
https://www.facebook.com/notes/ernel-galang-jr/baitang-10-modyul-17-
kasaysayan-ng-epiko-epiko-ni-gilgamesh/10153169289401026/.
Elemento ng Epiko. Nahango noong Mayo 20, 2020 mula sa
https://sigmafourblog.wordpress.com/2016/05/03/epic-blog/amp/.

Panandang Pandiskurso. Nahango noong Mayo 20, 2020 mula sa


https://szhayne.wordpress.com/wika/modyul-3-7-panandang-pandiskurso/.

Epiko ni Gilgamesh. Nahango noong Mayo 20, 2020 mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=sWppk7-Mti4.

Amaya: Unang Pagsubok (GMA 7). Nahango noong Mayo 20, 2020 mula sa

20
https://www.youtube.com/watch?v=5mGKdWcQBLU
21 FT
Biag ni Lam-ang (Buod). Nahango noong Hunyo 27, 2020 mula sa
https://www.panitikan.com.ph/biag-ni-lam-ang-buod/
20
07 RA

Bidasari (Epikong Mindanao). Nahango noong Hunyo 27, 2020 mula sa


https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-
bidasari-epikong-mindanao_606.html
D

Bidasari Epiko. Nahango noong Hunyo 27, 2020 mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=9zRDLJGT0W0

“Amaya”. Nahango noong Hunyo 27, 2020 mula sa


https://danielledecastro129.wordpress.com/2015/03/11/amaya/

Amaya (Full Episodes). Nahango noong Hunyo 27, 2020 mula sa


https://www.youtube.com/watch?v=oHqCvBi9oX0&list=PLGRhcC_vtOragNyYUbl3
ujCX8p4DNkZwL

28
20
21 FT
20
07 RA
D

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like