Linggo 1 - Modyul 1 - UNANG MARKAHAN - MODYUL SA PILING LARANG - Edited - V2021 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

12

Filipino sa Piling Larang


( Akademik)
Unang Markahan
Modyul 1
Akademikong Pagsulat
Filipino sa Piling Larang – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan- Akademikong Pagsulat
Unang Edisyon 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda balita, sanaysay, lathalain, tula at larawan na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Tagapagkontekstuwalisa: Norabeth G. Gorrero, MT 1 – Don Carlos A. Gothong MNHS


Ellanie H. Martenit, T2 – Don Carlos A. Gothong MNHS
Marciano C. Placencia Jr., T3 – Don Carlos A. Gothong MNHS
Mga Tagapatnugot: Norabeth G. Gorrero, MT 1 – Don Carlos A. Gothong MNHS
Ellanie H. Martenit, T2 – Don Carlos A. Gothong MNHS

Mga Tagasuri: Imelda Binobo, PSDS – South District 4


Jocelyn B. Tejano, PSDS – North District 4
Phamela A. Oliva, Principal 2 – Basak Community ES
Alice S. Ganar, SHS Asst. Coordinator/ OIC,PSDS – SD8
Tagapamahala: Rhea Mar A. Angtud, Schools Division Superintendent
Danilo G. Gudelosao, Ass. Schools Division Superintendent
Grecia F. Bataluna, Chief – Curriculum Implementation Div.
Marivic C. Ople, EPSvr – Filipino/MTB – MLE
Vanessa L. Harayo, EPSvr – LRMDS
Luis Derasin Jr.,EPS-Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng DepEd Cebu City Division, Region VII


Department of Education – Region VII
Office Address: Imus Avenue, Cebu City
Telefax: 255 - 1516
E-mail Address: [email protected]

i
12

Filipino sa Piling Larang


( Akademik)
Unang Markahan
Modyul 1
Akademikong Pagsulat
Kahulugan at Uri ng Pagsulat
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Akademikong Pagsulat!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang ng Ikalabindalawang Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Akademikong Pagsulat!
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

iv
Suriin/Talakayin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

v
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Panimula
Alinsunod sa Most Essential Competencies at ng Gabay Pangkurikulum, iyong
matutuhan ang batayang kaalaman kaugnay sa Akademikong Pagsulat. Ang
kasanayang pampagkatuto na kailangan mong pagdaanan ay pagbibigay ng
kahulugan ng akademikong sulatin katuwang ang paglilinang sa kakayahang
mapanaliksik.

Bilang pagpapahalaga sa iyong dating kaalaman o “ prior knowledge”, inihanda ang


mga katanungan upang malaman ang iyong mga nakaimbak na karunungan.
Pangunahing layunin sa araling ito na mabigyan ka ng pagkakataong magamit ang
iyong kakayahan sa pag-unawa, pagsusuri mula sa kahulugan, katangian, gamit,
layunin at iba’t ibang uri ng akademikong sulatin.

Mahalagang matutuhan at mabigyan ka ng batayang kaalaman kaugnay sa


akademikong sulatin dahil kinakailangan mong lumikha ng mga sulatin bilang
awtput sa kursong ito. Ito ay daan din upang malinang ang iyong kasanayan sa
pagsulat. Maituturing na makabuluhan ang ganitong pagsasanay dahil
mapaghandaan mo ang mahigpit na kompetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng
edukasyon at trabaho.

Sa mga nakalaang gawain at talakayan, ito ay magsisilbing pundasyon sa mas


masusing talakayan at pagtuklas ng mga kaalaman na huhubog sa iyong
kakayahan at kasanayan. Matapos mong gamitin ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:

PINAKAMAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO:

1. Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat; (CS_FA11/12PB-Oa-c-101)

Pagkatapos ng modyul 1, ikaw ay inaasahang:


1. Nakapagbibigay ng mga katangian sa isang mahusay na manunulat.
2. Natutukoy ang mga uri ng akademikong pagsulat.
3. Nauunawaan ang kahulugan ng bawat uri ng akademikong pagsulat.

1
Subukin

A. Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang iyong kasagutan sa isang buong
papel. Sulatan ng pangalan baitang/seksyon at bilang ng modyul.

1. Ito ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit,


talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.

A. pagbasa B. pakikinig C. pagsasalita D. pagsulat

2. Ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para
sa nakararami sa atin maging ito ay pagsulat sa unang wika o pangalawang wika
man. Ito ay ayon kay______________.

A. Paquito Badayos B. Lualhati Bautista C. Helen Keller D. William Strunk

3. Ito ay isang uri ng pagsulat na may kinalaman sa mga sulating pamamahayag


kung saan kasama na rito ang pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo, at
iba pa.

A. Dyornalistik B. Malikhain C. Propesyonal D. Reperensiyal

4-10. Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumusunod na bilang.

Mga mag-aaral na Pinoy, pinakamahina sa 79 bansa sa pag-intindi ng binabasa: PISA


Rose Carmelle Lacuata, ABS-CBN News

MAYNILA - Pinakamababa sa 79 bansa ang nakuhang marka ng mga Filipinong mag-


aaral sa reading comprehension o pag-intindi sa binabasa, base sa resulta ng isang
assessment na isinagawa ng Organisation for Economic Cooperation and Development
(OECD).
Nasa 600,000 mag-aaral na may edad 15 mula sa 79 na bansa ang sumailalim sa
pagsusulit ng Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2018.
Sa resulta ng PISA 2018, nakakuha ng 340 puntos ang mga mag-aaral mula sa
Pilipinas. Mas mababa ito sa average na 487 puntos. Karamihan sa mga mag-aaral na
nasa edad 15 sa Pilipinas ay nasa Grade 9.
Ayon rin sa resulta ng PISA 2018, 1 sa 4 na mag-aaral ang nahihirapan sa iba't ibang
aspeto ng pagbabasa, katulad ng pagkuha sa pangunahing ideya ng binabasa, maging ang
pagdudgtong sa mga impormasyong kanilang nakukuha mula sa kanilang binabasa.
Gayundin, 1 sa 10 mag-aaral lamang ang may kakayahang malaman kung alin ang
katotohanan (fact) at opinyon kapag nagbabasa tungkol sa mga paksang hindi pamilyar sa
kanila.
Lumalabas rin sa resulta ng PISA 2018 na karamihan sa mga mag-aaral ang mas
may kakayahang makahanap ng impormasyon (locating information) kaysa maintindihan
ito. Kabilang ang mga bansang Pilipinas, Brunei Darussalam, Ireland, Malaysia, Malta at
the Netherlands sa may ganitong resulta sa pagsusulit.
Sa larangan naman ng math, nakakuha ng 353 puntos ang Pilipinas, habang
nakakuha naman ito ng 357 puntos sa science.

2
Nasa 489 puntos ang average na marka sa math at science. Kapwa ikalawa sa
pinakamababa ang marka ng Pilipinas sa math at science.
Tanging ang mga mag-aaral mula sa Dominican Republic ang nakakuha ng mas
mababang marka kaysa sa Pilipinas.
Mahigit 60 porsyento rin ng mga mag-aaral mula sa Pilipinas ang naniniwalang hindi
nila kayang mabago ang kanilang talino (intelligence is something about them that they
can't change very much).
Nakakuha ng pinakamataas na marka ang mga mag-aaral mula Beijing, Shanghai,
Jiangsu at Zheijang sa Tsina. Nakakuha sila ng 555 puntos sa reading, 591 puntos sa
math at 590 sa science.
Pumangalawa naman ang mga mag-aaral mula Singapore na nakakuha ng 549
puntos sa reading, 569 puntos sa math at 551 puntos sa science.
Ito ang unang pagkakataon na lumahok ang Pilipinas sa PISA survey.
4. Anong uri ng pagsulat ang tekstong binasa sa itaas?

A. Dyornalistik B. Malikhain C. Propesyonal D. Reperensiyal

5. Anong bansa ang nakakuha ng pinakamababang marka sa 79 na lumahok?

A. Beijing ng Tsina B. Dominican Republic C. Pilipinas D. Singapore

6. Ilang puntos ang nakuha ng Singapore sa pagsusulit na Reading?

A. 549 B. 551 C. 555 D. 591

7. Ano ang pangunahing paksa ng binasang teksto?

A. Ang Dominican Republic ang nakakuha ng pinakamababang marka kay sa

Pilipinas.

B. Mataas ang kakayahan ng mga Filipinong mag=aaral na makahanap ng

impormasyon kaysa maintindihan ito.

C. Pinakamahina ang mga Filipinong mag-aaral sa pag-intindi sa binabasa batay

sa assessment na isinagawa ng OECDI.

D. Isa ang mga Filipinong mag-aaral sa 79 na bansang nakakuha ng

pinakamababang marka sa assessment ng PISA.

8. Ang mga sumusunod na pahayag ay wasto MALIBAN sa __________________.

A. 1 sa 4 na mag-aaral ang nahihirapan sa iba’t ibang aspeto ng pagbabasa.

B. Madali lamang sa mga mag-aaral na malanam kung alin ang katotohanan at

opinyon kapag nagbabasa tungkol sa mga paksang hindi pamilyar sa kanila.

C. Nahihirapan ang mga mag-aaral sa pagkuha ng pangunahing ideya ng

binabasa at pagdudugtong sa mga impormasyong nakuha.

D. Ikalawa ang Pilipinas sa may pinakamababang marka sa Math at Science.

3
9. Ano ang paniniwala ng 60 porsyento ng mga mag-aaral mula sa Pilipinas sa
kanilang talino?

A. Mapapaunlad ng mga mag-aaral ang kanilang talino sa pamamagitan ng


malawakang pagbabasa.

B. Mapapaunlad ng mga mag-aaral ang kanilang talion sa pamamagitan ng tulong


ng pagtuturo ng kanilang mga guro.

C. Maaaring mabago ang talino ng mga mag-aaral kung sapat ang nutrisyong
nakukuha mula sa kanilang mga kinakain araw-araw.

D. Naniniwala ang mga mag-aaral na hindi kayang mabago ang kanilang talino.

10. Bakit mahalaga ang pagbasa sa pang-araw-araw na pamumuhay?

A. Mahalaga ang pagbasa dahil ito ay nagagamit sa pang-araw-araw na gawain.

B. Mahalaga ang pagbasa dahil ito ay isang behikulo upang magtagumpay ang isang
lipunan kung may malalim na pagpapahalaga at kasanayan ang mga mamamayan
nito.

C. Mahalaga ang pagbasa dahil ito ang nagiging tulay upang hindi tayo mapag-
iwanan ng nagbabaging panahon gawa ng mga makabagong teknolohiya na
nagsusulputan ngayon.

D. Mahalaga ang pagbasa dahil natutuklasan ang maraming kaalaman at


karunungan na tutugon sa pangangailangang pangkabatiran at pagpapaunlad sa
pang-araw-araw na pamumuhay, pangangalakal at gayundin sa iba’t ibang disiplina.

Aralin
Kahulugan at Uri ng
1.1 Pagsulat (Unang Linggo)

Alamin

Ang pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayan na dapat mahubog sa mga mag-
aaral. Ayon nga sa paglalarawan nina Peck at Buckingham sa pagsulat, ito ay
ekstensiyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,
pagsasalita at pagbabasa. Ayon naman kay Badayos (2010), ang mahusay na
pagsulat ay may indayog, masarap sa pandinig na gaya rin ng isang awit ng pag –
ibig, ito ay nanunuot at tumatagos sa puso. Pagkatapos ng modyul na ito
inaasahan na matutuhan mo ang kahulugan ng pagsulat ng akademikong
sulatin at naiisa – isa ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong
pagsulat.

4
Balikan

Guhitan ng ☺ ang patlang kung ang bilang ay obhetibo ang ginamit na pananaw

at  naman ang isulat kung ang pananaw na ginamit ay subhetibo.

______1. Pagsulat ng liham pangkaibigan

______2. Pagsulat ng editoryal tungkol sa COVID – 19

______3. Pagsulat ng talumpati tungkol sa kaibigang pumanaw

______4. Sanaysay na tekstong impormatibo tungkol sa kahirapan

______5. Balita sa pagpapaimbistiga sa nawawalang mga donasyong manok

Tuklasin

Basahin at suriin ang teksto sa ibaba at sagutan ang mga katanungang kasunod
nito.

31 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Cebu City


ni CHARLIE HERA Inilathala noong May 4, 2020 12:47am

Umabot sa 31 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Cebu City sa pinakabagong


tala ng Health Department ng lungsod noong Linggo.
Ayon sa lokal na pamahalaan, 22 sa mga bagong kaso ay galing sa Sitio Alaska sa
Barangay Mambaling; dalawa sa Tres Borces sa Barangay Mabolo; dalawa sa
Barangay Labangon; isa sa Spolarium, Barangay Duljo Fatima; isa sa A. Abellana,
Barangay Guadalupe; isa sa Barangay Carreta; isa sa Sitio San Isidro, Barangay
Inayawan; at isa sa Sitio Mary Grace, Barangay Budlaan.
Una nang inihayag ni Mayor Edgardo Labella na ang mga bagong kaso ay dadalhin
sa Cebu City Barangay Isolation Center para magamot ng mga kawani ng Cebu City
Health Department.
Sa kabuuan mayroon nang 910 na kaso ng COVID-19 ang Cebu City, kung saan
pito ang namatay habang 22 naman ang nakapag-recover na.
Samantala ipinagpaliban muna ang isasagawang targeted COVID-19 testing sa
lungsod—sa Lunes sana ang simula nito—ayon sa post ni Mayor Labella sa kanyang
official Facebook page. Mayroon lang daw na dapat i-address na mga isyu at concerns
ang lungsod hingil sa gagawing targeted COVID-19 testing.

5
Mga Katanungan:

1. Ano ang paksa ng tekstong iyong binasa?______________________________________

2. Sino – sino ang mga taong kasangkot sa tekstong iyong binasa?_________________

3. Bakit mahalaga ang paksa sa teksto? ___________________________________________

__________________________________________________________________________________

3. Paano nakatutulong ang tekstong ito sa iyo bilang mambabasa?________________

__________________________________________________________________________________

4 . Sa iyong palagay anong uri ng teksto o pagsulat ang iyong nabasa?_____________

__________________________________________________________________________________

* Ito ay isang lathalain o balita na isa sa mga uri ng pagsulat na dyornalistik.

Suriin/Talakayin

Ang Pagsulat
Ano nga ba ang kahulugan ng pagsulat?

May maraming kahulugan ang pagsulat ayon sa iba’t ibang dalubhasa. Ang
iilan sa mga nagbigay ng pagpapakahulugan nito ay ang mga sumusunod:

Ayon kina Xing at Jin, ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan


na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at
iba pang mga elemento.

Ayon naman kay Badayos (2010), ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa
ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito ay pagsulat
sa unang wika o pangalawang wika man.

Sinabi naman ni William Strunk E.B White na ang pagsulat ang bumubuhay
at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao.

Ayon naman kay Kellogg, ang pag – iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak,
gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad
ng pag – iisip.

Dagdag pa nito ang pagpapakahulugan ni Helen Keller na ayon sa kanya,


ang pagsulat ay isang biyaya, kabuuan ng pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng pagsulat sa pang – araw – araw na


pamumuhay nating mga tao dahil kung walang pagsulat hindi natin malalaman ang
mga nangyari sa nakaraan, walang matibay na katibayan ang ating kasaysayan at
higit sa lahat hindi tayo makakakuha ng sapat na impormasyong ating

6
kinakailangan. Dito pumapasok ang mga uri ng pagsulat, kung saan tatlong uri ng
pagsulat muna ang ating tatalakayin sa araw na ito.

Uri ng Pagsulat
Ang mga uri na ito ng pagsulat ay halaw mula sa aklat ng Filipino sa Piling
Larangan nina Julian at Lontoc.

1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)

Ang uri na ito ng pagsulat ay nagbibigay ng aliw, nakapupukaw ng damdamin


at nakaaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Ito ay bunga ng malikot
na isipan o kathang – isip ng manunulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari
ng kanyang buhay o ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang mga uri ng malikhaing
pagsulat ay mga kuwento, dula, tula, maikling sanaysay, komiks, iskrip ng teleserye,
kalyeserye, musika, pelikula at iba pa. Halimbawa nito ay ang kuwento na
pinamagatang “Luha ng Buwaya” ni Amado V. Hernandez, at ang tula na
pinamagatang “Ang Pamana” ni Jose Corazon De Jesus.

2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)

Layunin ng pagsulat na ito ang pag-aralan ang isang proyekto o kaya ay


bumuo ng isang pag – aaral na magbibigay ng kalutasan sa isang suliranin o
problema. Maituturing na malawak ang kaisipang nasasakop ng ganitong uri ng
sulatin at inaasahan na ang makauunawa lamang nito ay ang mga taong may
kaugnayan sa proyekto o suliranin na may kinalaman sa tiyak na disiplina o
larangan. Halimbawa nito ay ang mga Risk Assessment on Working in an Office
Environment, Feasibility Study on Fish Propagation Business, at Proyekto sa
Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina.

3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)

Ito ay isang pagsulat na may kinalaman sa tiyak na larangang natutuhan sa


akademya o paaralan. Binibigyang-pansin nito ang paggawa ng mga sulatin tungkol
sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa nito ay police report na
ginagawa ng mga pulis, lesson plan na ginagawa ng mga guro, patient’s journal ng
mga doktor, investigative report ng mga imbestigador at mga legal forms o pleadings
ng mga abogado.

4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)

Ito ay may kinalaman sa mga sulating pamamahayag kung saan kasama na


rito ang pagsulat ng balita, editorial, lathalain, artikulo, at iba pa. Mahalaga ang mga
sumusulat ng ganitong uri ng pagsulat dahil kailangan bihasa sila sa pangangalap
ng totoo, obhetibo at mga makabuluhang balita na kasalukuyang nagaganap sa
ating lipunan.

5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)

7
May dalawang pangunahing layunin ang ganitong uri ng sulatin, una ay
layunin ng pagsulat na ito ay magbigay ng pagkilala sa mga pinagkunan ng
kaalaman o impormasyon sa paggawa ng isang konseptong papel, tesis o
disertasyon. Pangalawa at panghuli, ang layunin ng pagsulat na ito ay irekomenda
sa iba pang manunulat ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang
kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa. Kalimitang nakikita ang ganitong uri ng
sulatin sa huling bahagi ng isang pananaliksik o kaya naman sa kabanata kung
saan naglalaman ng RRL o Review of Related Literature. Ang RRL ay mga pag-aaral
na pinaghanguan ng mga prinsipyo at batayan upang makapagbalangkas ng mga
konsepto sa pagbuo ng isinasagawang pananaliksik.

Halimbawa:

Ang resulta ng isang pananaliksik na isinagawa sa mga mag-aaral sa grade 1


hanggang grade 3 sa Lubuagan, isang outskirt village ng Cordillera Administrative
Region sa Pilipinas, sa Mother Tongue Based-Multi-Lingual Education ang nagpatibay
para ito ay mabuo at gamitin sa sistema ng edukasyon. Ang pananaliksik ay
nagsimula sa isang paaralan noong 1999 at matagumpay na nagsimula noong 2005
na may tatlong paaralan sa pang-eksperimentong grupo at tatlo sa control group.
Isinagawa ang pagsusuri pagkatapos ng tatlong taon at lumalabas na pare-pareho
ang lamang ng mga mag-aaral sa mother tongue. Sila ay mas mahusay kaysa sa mga
nag-aaral sa mga control schools sa Ingles, Filipino, Reading, at Math (Walter &
Dekker, 2011).

6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)

Ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat kung saan


nakatutulong ito sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang
larangan. Ayon kay Arrogante et al. (2007), ang pagbuo ng akademikong sulatin ay
nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal. Ang mga manunulat ng
akademikong pagsulat ay kinikilala dahil sa husay ng kanilang kakayahan sa
pangangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip,
mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, may inobasyon
at kakayahang gumawa ng sintesis. Pili na pili ang mga salitang ginagamit sa
akademikong pagsulat at isinaalang-alang ang layunin ng mambabasa.
Isinasaalang-alang din ang mahigpit at wastong paggamit ng retorika sa mga
ganitong uri ng sulatin. Dagdag pa ni Edwin Mabilin, et al. (2012), ang lahat ng uri
ng pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akademikong pagsulat. Kung saan lubos
na pinataas ng masusing pag-aaral sa pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik
(Julian et al., 2016).

Halimbawa:

KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK

Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang
mga pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal,
mental, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim

8
sa quantitative method at ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan
ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang
bilang ng mga respondente ay tatlumpo’t lima (35) na batang ina na may edad na
labindalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna.
Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik
kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at kapag
igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-
aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag
igrinupo sa estadong marital.

Isaisip

✓ Ang PAGSULAT ay isang mental at pisikal na aktibidad na


isinasakatuparan para sa iba’t ibang layunin. Mahalaga ang aktibidad
na ito sapagkat ipinapalabas nito ang kakayahang pampag-iisip ng
isang indibidwal sa pamamagitan ng pagsatitik nito. Masusukat din ang
pagkamalikhain ng isang indibidwal sa pamamaraan ng kanyang
pagsulat.
✓ Napakahalagang sanayin at pag-ibayuhin mo ang iyong PAGBABASA
kung nais mong maging matagumpay sa PAGSULAT dahil ang lawak ng
iyong maisusulat ay nakabatay sa lawak ng iyong pagbabasa.

Isagawa

A . Panuto: Magtala ng mga katangian na dapat taglay ng isang manunulat at itala


rin ang iyong katangian bilang manunulat. Pagkatapos ay sagutin ang karugtong na
katanungan na nasa ibaba ng kahon.

KATANGIAN NG ISANG KATANGIAN MO BILANG


MAHUSAY NAMANUNULAT MANUNULAT

1. ____________________________ 1. ____________________________

2. ____________________________ 2._____________________________

3. ____________________________ 3. _______________________

9
4. ________________________
4. ____________________________

5. ________________________
5. ____________________________

Batay sa iyong mga natala sa itaas, handa ka na ba para magsulat ng sarili


mong mga sulatin? Ipaliwanag ang iyong mga kasagutan.

______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

B. Panuto: Mag- isip ng tatlong salita na naglalarawan sa iyong kakayahan sa


pagsulat. Isulat ang salita sa bawat kahon at ipaliwanag kung bakit ang mga salitang
ito ang iyong napili.

SALITA 1: SALITA 2: SALITA 3:


_______________ _______________ _______________
_
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Pagyamanin/Karagdagang Gawain

Gawain 1 Pag-unawa sa Kahulugan ng Pagsulat


A. Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang T sa patlang bago ang
bawat bilang kung wasto ang pahayag. Kung ang pahayag ay mali, salungguhitan
ang salitang nagpamali rito at isulat sa patlang ang wastong salita. Isulat ang iyong
kasagutan sa hiwalay na papel at huwag kalimutang isulat ang iyong pangalan,
baitang/seksiyon at bilang ng modyul

10
_____________________1. Si William Strunk ang nagsabi na ang pagsulat ang
bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao.
_____________________2. Sinabi nina Xing at Jin na ang pagsulat ay isang
komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan,
pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.
_____________________3. Ayon kay Badayos, ang pagsulat ay isang biyaya, kabuuan
ng pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
_____________________4. Binanggit naman ni Kellogg sa kanyang aklat na ang
kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa
nakararami sa atin maging ito ay pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.
_____________________5. Si Helen Keller ang nagsabi na ang pag – iisip at pagsusulat
ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo
kung walang kalidad ng pag – iisip.

Gawain 2 Pagsusuri Batay sa Pamamaraan ng Pagsulat


Panuto: Suriin ang mga siniping talasalitaan, pangungusap at talata mula sa mga
akda batay sa pamamaraan ng pagsulat. Tukuyin ang uri ng akda nito at paraan ng
pagsulat. Isulat ang iyong kasagutan sa hiwalay na papel.
1. Uri ng Pagsulat:__________________

2. Pamamaraan ng Pagsulat:________

ALAMAT NG BUNDOK KANLAON


Nang dumating ang kawal ni
Datu Sagay ay nakita nila ang
pagtagumpay ni Laon laban sa uluong.
Ang mga lawin at mga bubuyog ay
dumudukot sa mga mata ng ulupong
habang ang mga langgam naman ay
mula sa blog ni KNM OCELOTO na nilathala noong ika – 10 ng Marso, 2014
pumunta sa katawan ng ulupong at
kumakagat.
Si Laon naman ay pumupugot
3. Uri ng Pagsulat:
naman ng mga ulo ng ulupong. Sa huli,
_________________________________________ namatay ang ulupong.
Agad namang ibinigay ng hari
4. Pamamaraan ng Pagsulat: ang kanyang pangako na ipakasal si
__________________________________________ Laon sa kay Prinsesa Talisay. Ang
bundok ng ulupong ay ipinangalan sa
kanya bilang pagkilala sa kanyang
kabayanihan.
Inilathala sa Philippine News na sinulat ni Maestro Valle Rey noong
ika – 19 ng Agosto, 2019

11
Pagbati sa ngalan ni San Juan 5. Uri ng Pagsulat:
Bautista De La Salle!
__________________________________
Magalang po naming inihahapag sa 6. Pamamaraan ng Pagsulat:
inyong butihing tanggapan ang
posisyong papel na ito ng __________________________________
Departamento ng Filipino ng De La
Salle University (DLSU) – Manila,
may sentro ng Kahusayan na
Filipino, hinggil sa paggamit ng
wikang Filipino bilang wikang
panturo sa kolehiyo, at
pagkakaroon ng mga asignaturang
Filipino bilang mandatory core
course sa kolehiyo.
Inilathala sa facebook page ng Tanggol Wika noong ika – 31 ng
Hulyo, 2014

Gawain 3 THINK BEFORE YOU CLICK


Ang tagline na ito ay ginamit ng GMA News and Public Affairs para isulong
ang responsableng paggamit ng social media sapagkat ang bawat isa sa atin ay
mayroong karapatan sa malayang pagpapahayag ngunit kaakibat ng kalayaang ito
ay ang responsibilidad natin bilang mamamayan ng ating bansa at sa ating kapwa.

Bilang isang mag-aaral na kasalukuyang nag-aaral ng Akademikong Pagsulat,


magbigay ng mga paalala sa iyong kapwa kabataan hinggil sa responsableng
paggamit ng social media. Dahil ikaw ay tinaguriang 21st century learner o mag-aaral
sa ika dalawamput-isang siglo inaasahan na ikaw ay magiging malikhain sa iyong
post sa Facebook/Twitter/Instagram at lagyan ng #AkademikongPagsulat
#ResponsablengPamamahayag #ResponsablengMag-aaral. Isulat ang iyong
sagot sa isang bondpaper.

12
Tayahin

Panuto: Suriin ang mga talata batay sa uri ng pagsulat. Piliin ang mga kasagutan sa
ibaba (A-F). Isulat ang iyong kasagutan sa isang buong papel. Sulatan ng pangalan
baitang/seksyon at bilang ng modyul.
A. Malikhaing Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat
B. Teknikal na Pagsulat E. Reperensyal na Pagsulat
C. Propesyonal na Pagsulat F. Akademikong Pagsulat

___________1. Ito ay uri ng pagsulat na para sa tiyak na larangan sa akademya.

___________2. Ito ay uri ng pagsulat na ginawa upang bigyang kalinawan o lutasin


ang isang problema o suliranin.

___________3. Ang pagsulat na ito ay ginawa upang magbigay ng aliw, pumukaw ng


damdamin, makaantig ng imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.

___________4. Ang uri na ito ng pagsulat ay tinutukoy na isang intelektuwal na


pagsulat kung saan kinakailangan ang isang masusing pagsisiyasat at pananaliksik.

___________5. Ang pagsulat na ito ay may kaugnayan sa pamamahayag kung saan


ang isang mamamahayag ay kinakailangan pinapahalagahan ang totoo, obhetibo, at
makabuluhang balita.

___________6. Sa oras na 11:50 ng gabi ng Setyembre 14, 2014. Iniulat at humingi


ng police assistance ang tanod ng Bano, Legazpi City sa hinihinalaang naganap na
behikular na aksidente sa Vinzon St., Albay District, Legazpi City.

___________7. Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong


Unibersidad ng Pilipinas(PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL),
Samahan ng mga BatangEdukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas,
PUP Sentro sa MalikhaingPagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan

___________8. Ang kaibigan, para sa akin, ay maaaring bagay o hayop. Pero ayon sa
iba, ito ay kadalasang tao. Ang kaibigan ay isang taong mapagkakatiwalaan,
matapat, maaasahan o masasandalan sa oras ng pangangailangan.

___________9. Dito sa Pilipinas, nananatili pa ring tatlo ang nagpositibo at pawang


Chinese ang mga biktima na nakauwi na sa kanilang bansa. Isa naman ang naiulat
na namatay. Wala pang Pinoy na direktang nahawahan ng sakit. Ibig sabihin,
naipatutupad ng pamahalaan ang mga pag-iingat at sinisigurong walang
makakapasok na may taglay na virus.

___________10. Sa kasalukuyang siglo, ang edukasyon ay karaniwang dinadala ng


mga paaralan at iba pang organisasyon. Hindi rin kaila na ang makabuluhang mga
bagay na nasa komunidad ay naaapektuhan ng malaki sa pamamagitan ng media
(Dushkin/ McGraw-Hill, 2000).

13
Sanggunian:
Julian, Ailene Baisa, and Nestor B. Lontoc. Pinagyamang Pluma Filipino Sa Piling
Larangan (Akademik). Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, 2016.
Constantino, Pamela C., and Galileo S. Zafra. Filipino Sa Piling Larangan
(Akademik). UNA ed. Quezon City, Philippines: Rex Printing Company, 2016.

Unlisted. "LATHALAIN: Ang Mapagpagaling Na Pagmamahal Ng Ating Ama Sa


Pamamagitan Ni Fr. Fernando Suarez." Philstar.com. Accessed July 15, 2020.
https://www.philstar.com/opinyon/2011/07/04/702104/lathalain-ang-
mapagpagaling-na-pagmamahal-ng-ating-ama-sa-pamamagitan-ni-fr-fernando-
suarez.
Batuigas, Bening. "Paalala Sa Cebuanos." Philstar.com. June 26, 2020. Accessed
July 15, 2020. https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2020/06/27/2023778/paalala-sa-cebuanos.
"Halimbawa Ng Abstrak." Halimbawa Ng Abstrak. Accessed July 15, 2020.
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-
abstrak.html.
LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2
September 2015

Ocelot®, Knm. "RARE Tagalog Words." ®YUZON. January 01, 1970. Accessed July
15, 2020. http://lastbassmaster.blogspot.com/2014/03/rare-tagalog-words.html.

Alamat Ng Bundok Kanlaon – Ang Alamat Tungkol Sa Bulkan Ng Negros. "Alamat


Ng Bundok Kanlaon - Ang Alamat Tungkol Sa Bulkan Ng Negros." Philippine News.
August 19, 2019. Accessed July 15, 2020.
https://philnews.ph/2019/08/19/alamat-ng-bundok-kanlaon-ang-alamat-
tungkol-sa-bulkan-ng-negros/.
https://news.abs-cbn.com/spotlight/12/04/19/mga-mag-aaral-na-pinoy-
pinakamahina-sa-79-bansa-sa-pag-intindi-ng-binabasa-pisa

You might also like