Ap Q3 W3 4
Ap Q3 W3 4
Ap Q3 W3 4
Diskriminasyon Sa Kababaihan
1. Hindi pagkakapromote sa mataas na posisyon sa kompanya sa kadahilanang siya ay babae (maaaring
magbuntis)
2. Glass Ceiling/Old boys network/patriarchal ideology
3. Mababang pagtingin sa kakayahan
4.Hindi natatamasa ang ilang mga karapatan gaya ng paggalang, pagiging malaya, pag-aaral,
pagkakaroon ng pamilya at pangalan
Diskriminasyon sa Kalalakihan
1. May mga posisyon na hindi rin sila tinatanggap sa isang kompanya sapagkat ito raw ay pambabaeng
posisyon gaya ng sales representative.
2. Pagbibigay ng mga mas mabibigat at mas delikadong trabaho sa kanila (sundalo, construction worker
atbpa)
3. child custody in divorce cases (napupunta ang bata sa ina)
4. Mas maikli ang paternity leave nila
5. Sa sexual assault, mas binibigyang pansin ang babae kumpara sa lalaki ng korte sapagkat siya ay
lalaki. Pinaniniwalaang malakas, matapang at mas may kakayahang manakit o mang abuso
GAWAIN 2: Maglista ng mga trabahong sa tingin mo ay angkop sa mga sumusunod na kasarian: (at
least tatlong trabaho sa bawat kasarian)
a.LGBTQIA
b.Babae
c.Lalaki
Mga Pamprosesong Tanong:
1. Naging madali ba ang iyong pagsagot sa gawain? Ipaliwanag.
2. May mga trabaho bang katulad din sa trabahong naisulat sa ibang kasarian? Bakit may mga
pagkakatulad?
3. May mga trabaho bang wala sa ibang kasarian? Ipaliwanag.
4. May kilala ka bang babae na matagumpay sa larangang itinuturing na para sa lalaki (halimbawa,
piloto, engineer, boksingero, astronaut)? Ilista ito.
5. May kilala ka bang lalaki na matagumpay sa larangang itinuturing na para sa babae? Ilista ito.
6. May kilala ka bang miyembro ng LGBT na matagumpay sa larangang kanilang napili? Ilista ito.
7. Batay sa mga nailista, ang kasarian ba ay batayan sa trabahong papasukan? Ipaliwanag.
PERFORMANCE TASK 3: Mag interview ng isang lalaki, isang babae, isang LGBT at isang lider ng
relihiyon (pari, madre, ministro, o pastor) sa pamamagitan ng messenger, text, o tawag ukol sa kanilang
opinyon at saloobin sa mga karapatan ng mga LGBTQIA.
Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan
Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng pang-aalipusta, hindi
makatarungan at di pantay na pakikitungo at karahasan. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay
umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at lipunan sa daigdig. Mababanggit ang kaugaliang foot binding
noon sa China na naging dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.
Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga babaeng ito
ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa
talampakan. Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga
buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong paa.
Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang milenyong umiral ang
tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng
yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay
may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha. Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa panahon ng panunungkulan ni
Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyong ito.
May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng kababaihan.
Subalit ang nakakalungkot dito, ang pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling paniniwala. Mababanggit
na halimbawa ang breast ironing o breast flattening sa Africa.
Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa.
Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo
o spatula na pinainit sa apoy. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang
babaeng may edad siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa nito ay
normal lamang at ang mga dahilan nito ay upang: maiwasan ang (1) maagang pagbubuntis ng anak; (2)
paghinto sa pag-aaral; at (3) pagkagahasa. Ang mga dahilan nanabanggit ay mula sa paniniwala ng ina
na ang paglaki ng dibdib ng anak.
Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong daigdig.
Sa katunayan, itinakda ang Nobyembre 25 bilang International Day for the Elimination of Violence
Against Women.
Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and
Action) ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng
kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang mga ito ay ang (1)
pambubugbog/pananakit, (2) panggagahasa, (3) incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso, (4) sexual
harassment, (5)sexual discrimination at exploitation, (6) limitadong access sa reproductive health, (7) sex
trafficking at prostitusyon.
Karahasan sa Kalalakihan
Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na
nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima
rin. Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng karahasan sa mga lalaki ay hindi madaling makita o kilalanin.
Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t ibang uri; emosyonal, seksuwal,
pisikal, at banta ng pang-aabuso. Tandaan din na ito ay maaaring maganap sa heterosexual at
homosexual na relasyon. Ngayon, iyong tunghayan ang mga palatandaan ng ganitong uri ng karahasan.
Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:
tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa ibang tao, iniinsulto ka;
pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan; sinusubukan kang kontrolin sa
paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng droga;
pinagbabantaan ka na sasaktan;
sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop;
pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban at
sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang ginagawa niya sa
iyo.
Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual at transgender:
Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang iyong
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at transgender
Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente
GAWAIN 3: Mula sa mga isyung tinalakay ukol sa kasarian, an-ano ang iyong mga nahinuha o
repleksiyon? Bumuo ng sampung pangungusap na repleksiyon.