Pagbasa at Pagsusuri 2.2 - Removed

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

11

www.shsph.blogspot.com

Filipino
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Modyul 2.2- Kahulugan at Katangian
ng Tekstong Ekpositori
www.shsph.blogspot.com
Filipino – Baitang 11
Kwarter 1 – Modyul 2.2- Teksto: Kahulugan at Katangian (Ekspositori)

Isinasaad ng Batas Republika 8293, sekyon 176 na “Walang aangkin ng


karapatang-ari ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula,


larawan, ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-akda
at ng tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha ang
pahintulot ng nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi
kinakatawan maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-ari
sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Dorothy H. Gabion

Editor: Ana Maria B. Gojar


Emma D. Gonzales
Daryl R. Orenciada
Tagasuri: Nora J. Laguda
Sharon A. Vito
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo;
Hannah Deyto; Brian Navarro
www.shsph.blogspot.com
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
www.shsph.blogspot.com

Kahulugan at Katangian ng
Tekstong Ekspositori

Panimula:

Kaibigan, heto ulit tayo sa panibagong linggo ng pag-alam


ng ilang mga mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng
teksto. Handa ka na bang matuto?

Sa gawaing ito, matututunan mo ang gamit sa tekstong ekspositori sa


pakikipagtalastasan sa mga mambabasa at ang paglalahad nito ng mga
impormasyon kaugnay sa pinag-uusapang paksa. Maaari mo ring iugnay ang mga
kaisipang nakapaloob sa iyong binasang teksto sa iyong sarili, pamilya, komunidad,
bansa at daigdig.

O, ano kaya ba? Tara nang matuto.

Sa modyul na ito, inaasahan sa iyo ang


kasanayang Natutukoy ang kahulugan at
katangian ng mahahalagang salitang ginamit
ng iba’t ibang uri ng teksto. Naiuugnay ang
mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto
sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at
Layunin
daigdig (W4)

1
www.shsph.blogspot.com

May mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa


araling ito. Magagamit mo ang mga ito upang ganap mong
maunawaan ang mga susunod na talakay tungkol sa ating
paksa. Basahin sa susunod na pahina.

Talasalitaan

Basahin natin.

Naglalahad ng masusing
Nagpapaliwanag at naglalahad pagpapaliwanag kung paanong
ng mga impormasyon at ideya kaugnay naiuugnay sa isang tiyak na paksa ang
sa isang paksa . isang abstrak na konsepto na nasa isip
ng tao.

Tekstong
Ekspositori

Nililinaw nito ang mga


Nagbibigay ng impormasyon
katanungan sapagkat tinutugunan nito
ukol sa sanhi at bunga, nagpapaliwanag
ang pangangailangan ng mga
ng mahalagang impormasyon, ito ay
mambabasa ng malaman ang mga
kadalasang walang pinapanigan.
kaugnay na ideya o isyu.

2
www.shsph.blogspot.com

Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,


subukin mo nga?

Panimulang Gawain

Panuto: Isulat ang denotasyon at konotasyon ng mga salita/pahayag na may


salungguhit sa pangungusap na nakatala sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang na
katapat ng salita. Gawin ito sa isang malinis na papel.
Pangungusap Denotasyon Konotasyon
1. Kinatatakutan ng mga magsasaka ang
kanilang Panginoon.
2. Isang nakatatakot na nilalang ang ahas.
3. Ang batang lalaki ay talagang may gintong
kutsara sa bibig.
4. Marami sa empleyado ng gobyerno ang
buwaya.
5. May pusong bato si Nelia sa mga
manliligaw niya.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 18 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
www.shsph.blogspot.com

Ang galing mo naman kaibigan!

O, di ba kayang-kaya mong ibigay ang kahulugan ng


mga salita/pahayag.

Halika, may inihanda pa akong mga dapat mong


matutuhan at ilang gawaing mas lalong
magpapaunlad sa iyong pagkatuto.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.
Narito ang katangian ng tekstong Ekspositori
Saklaw ng mga tekstong ekspositori ang iba’t ibang nilalaman at
kaalamang kaugnay ng pang-araw-araw na buhay ng tao. Ang mga tekstong
ekspositoring kaugnay ng mga gawi at kaalaman ng tao ay may iba’t ibang hulwaran
at organisasyon.
Pamamaraan ng Epektibong Eksposisyon

DEPINISYON- pagbibigay kahulugan ng isang di-pamilyar na terminolohiya o


mga salitang bago sa pandinig ng mambabasa.

Mayroon tayong tatlong (3) bahagi ng depinisyon, termino o binigyang


kahulugan, uri o klase kung saan nabibilang ang terminong binibigyang
kahulugan, mga natatanging katangian nito o kung paano naiiba sa mga
katulad ng uri.

Ano ang dalawang uri ng depinisyon?

1. DENOTASYON/Formal- dimensyon na karaniwang kahulugang dala ng


diksyunaryo o salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
Halimbawa:
Kinatatakutan ng mga magsasaka ang kanilang Panginoon.
(Diyos/tagapaglikha)

4
www.shsph.blogspot.com
2. KONOTASYON/Informal- dimensyon na di-tuwiran ang kahulugan. Nagkakaroon
ng ikalawang kahulugan ang salita o pahayag. May mga paniniwala na sa
dimensyong ito, pansariling kahulugan ng tao ang maaaring ibigay.
Halimbawa:
Kinatatakutan ng mga magsasaka ang kanilang Panginoon.
(Makapangyarihang may-ari ng lupa)

PAG-IISA-ISA/ ENUMERASYON- Pagtalakay sa pangunahing paksa kasunod


ang pagbanggit isa-isa ng mga kaugnay na mahahalagang kaisipan.

Maaring isagawa ang pag-iisa-isa sa paraang tiyak at pangkalahatan.

• Iniisa-isa ang mga tiyak at mahahalagang detalyeng tinatalakay sa teksto


upang mapadali ang paraan ng pagtanda ng mga mahahalagang kaisipan.
• Sa pangkalahatang paraan naman nakapaloob ang kabuuan ng mga
kaisipang nakakategorya sa bawat subtopic ng isang pangunahing paksa.

Halimbawa: Isa-isahin ang mga uri ng pagpapahayag (tiyak)


1. Pagsasalaysay
2. Paglalarawan
3. Paglalahad
4. Pangangatwiran

Halimbawa: Pangkalahatang pag-iisa-isa

Ang Sining ng Pagbasa

Paghahanda Paglusong sa Pagtatag Kritikal na


Tono
sa Pagbasa Pagbasa ni-tagni Pagbasa

Ano ang dalawang uri ng Enumerasyon?

1. Simple- ito ang pagtatalakay sa pangunahing paksa at pagbanggit ng mga


kaugnay at mahahalagang salita.
2. Kumplikadong pag-iisa-isa- ito ang pagtalakay sa pamamaraang pagtatala ang
pangunahing paksa at magakaugnay na kaisipan na naglilinaw sa paksa.

5
www.shsph.blogspot.com
PAGSUNOD-SUNOD- isinasaayos ng manunulat ang mga kaisipan at ang serye
ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari na humahantong sa pagkakabuo ng
isang kongklusyon,(ginagamitan ito ng mga salitang: una, pangalawa,matapos,
habang,sumusunod at susunod na at iba pa).

May tatlong uri ng pagsusunod-sunod, ang sekwensyal, kronolohikal,


at prosijural.

SEKWENSYAL

Karaniwang ginagamitan ng mga salitang una, pangalawa,


pangatlo, sunod at iba pa ng mga serye ng mga pangyayari.

KRONOLOHIKAL

Pagkakasunod-sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari


ayon sa tamang panahon at oras.

PROSIJURAL

Pagsusunod-sunod ng mga gawain mula sa simula


hanggang sa wakas.

PAGHAHAMBING AT PAGKOKONTRAST- hindi kailanman naghiwalay ang


dalawang ideya lalo na higit sa tekstong ekspositori, isang proceso ito ng
pagpapakita ng mga katangian ng mga bagay. Ayon kay Fulwiler (2002), ang
paghahambing ng dalawang bagay ay upang hanapin ang pagkakatulad at ang
pagkokontras nito. Ang paghahambing at pagkokontras ay kapwa nakatutulong
sa mambabasa na maunawaan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o
higit pang kaisipan.

• Paghahambing- pagpapahayag ng katangian, kahinaan at kalakasan ng isang


bagay tungo sa pagbuo ng isang pasya o kaisipan tungkol sa isang paksa.
• Pagkokontras- pagpapahayag ng pagkakaiba ng mga bagay na pinag-uusapan
sa isang teksto.

6
www.shsph.blogspot.com
Alam mo bang may mga paraan ng paghahambing at
pagkokontrast?

Magaling! May tatlong (3) paraan sa paghahambing at pagkokontrast. Halika at


alamin natin!
A. Ang pagsusuring punto-per-punto (point-to-point), sinusuri at pinaliliwanag
muna ang katangian ng isa bago ikumpara sa kapuwa ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga ito.
B. Ang pagsusuring kabuuan-sa-kabuuan (whole-to-whole) na nagrerepresinta
ng unang kabuuan at kasunod nito ay kabuuan naman ng isa;
C. Ang pagsusuring pagkakatulad at pagkakaiba (similarity and difference) na
tumatalakay sa pagkakatulad ng dalawang bagay na pinagkukumapara at
pagkatapos ay ang pagkakaiba ng dalawang bagay na pinagkokontras.

SANHI at BUNGA- pagtalakay sa dahilan ng pangyayari at kung ano ang bunga


o magiging epekto, ang bawat pangyayari na nagbibigay—daan. Ang sanhi ay
isang bagay na nagiging dahilan ng pangyayari (something that makes
something else happen); at ang bunga o epekto ang resulta o kinalabasan ng
pangyayari (the thing that happens). Ang sanhi at bunga ay maaring ilarwan ang
mga posibleng epekto sa hinaharap.

Paano magiging epektibo ang isang


eksposisyon?
Ano-ano ang mga katangian ng isang
mahusay na tekstong ekspositori?

Paano magiging epektibo ang isang eksposisyon?

a) Pagkakaroon ng sapat na kaalaman ng isang tao kaugnay sa paksa


-Makabubuo lamang ng isang mahusay na eksposisyon kung ang manunulat
ay may malawak na kaalaman sa paksang pag-uusapan.
b) Pagkakaroon ng kakayahang maghanay ng kaisipan
-ang maayos at organisadong pagkakahanay ng mga ideya at datos ay daan
sa isang mahusay na eksposisyon.

7
www.shsph.blogspot.com
c) Kawalan ng Pagkiling
- Katangian ng isang tekstong ekspositori ang pagiging obhetibo, kaya’t
kailangan na taglay nito ang bukas na isipan upang tanggapin ang iba’t
ibang mahahalagang ideya maging ito man ay taliwas sa sariling
paniniwala ng manunulat.
d) Mahalagang palabasa ang isang manunlat dahil bukod sa mga aklat at
babasahin maaring makakuha ng impormasyon sa kapaligiran at sa mga
gawain sa araw-araw

KAHINGIAN NG EPEKTIBONG EKSPOSISYON

1) Pagkakaroon ng sapat na kaalaman ang isang tao kaugnay na paksa


- makabubuo lamang ng isang mahusay ma eksposisyon kung ang
manunulat ay may malawak na kaalaman sa paksang pag-uusapan.
2) Pagkakaroon ng kakayahang maghanay ng kaisipan
-ang maayos at organisadong pagkakahanay ng mga ideya at datos ay daan sa
isang mahusay na eksposisyon.

3) Kawalan ng Pagkiling
-katangian ng isang tekstong ekspositori ang pagiging obhetibo, kaya’t kailangan na
taglay nito ang bukas na isipan upang tanggapin ang iba’t ibang mahahalagang
ideya maging ito ay taliwas sa sariling paniniwala ng manunulat.

4) Mahalagang palabasa ang isang manunulat ng tekstong ekspositori


upang makakalap ng mga impormasyon.
-mainam na maging mapagmasid ang manunulat dahil bukod sa mga aklat at
babasahin maaring makakuha ng impormasyon sa kapaligiran at sa Gawain araw-
araw.

KATANGIAN NG MAHUSAY AT EPEKTIBONG EKSPOSITORI

a. Malinaw- masasabing malinaw ang tekstong ekspositori kung madaling


nauunawaan ng mambabasa ang nais ipaunawa ng manunulat.

b. Tiyak- nararapat sa manunulat ay kayang panindigan ang mga datos na inilahad


sa loob ng teksto.

c. May kohirens- nararapat na may kaisahan ang mga ideya na inilalahad sa teksto
upang maunawaan ng mga mambabasa.

d. Empasis- ang pagbibigay ng diin o mga karagdagang impormasyon ay mahalaga


at makatutulong sa mambabasa na maunawaan ang teksto.

8
www.shsph.blogspot.com
Ano ang mga paraan na ginagamit ng manunulat
ng tekstong ekspositori?

• Paggamit ng sinonim o salitang magkatulad


1

• Intensib na pagbibigay ng kahulugan


2

• Ekstensib na pagbibigay ng kahulugan


3

• Paggamit ng denotasyon at konotasyon


4

Ano-ano ang mga uri ng Tekstong Ekspositori?

1. SANAYSAY – pagpapahayag ng isang manunulat ng kanyang ideya, kaisipan,


pananaw o damdamin kaugnay ng isang paksa.

2. PAGLALAHAD NG PROSESO – maraming bagay sa ating paligid na kailangang


ipaliwanag upang mapakinabangan. Ang matagumpay na pagsasa-gawa ng isang
bagay o ang wastong paggamit ng isang bagay ay nakasalalay sa mahusay na
pagsunod sa mga panuto na magaganap lamang kung maingat at masusing
inihayag ang bawat hakbang na nakapaloob sa isang proseso.

3. SURING – BASA O REBYU – nakatutulong sa mga manonood o mambabasa


upang maging mapanuri sa pagpili ng aklat at pelikulang tatangkilikin.

4. EDITORYAL – isang uri ng eksposisyon na naglalayong ipayahag ang pananaw


ng isang pahayagan o ng isang manunulat kaugnay ng isang isyu: mapa-sosyal,
pulitikal, ispirituwal o cultural na may mahalagang impak sa buhay ng tao.

5. BALITA O ULAT – madalas na nababasa o napapakinggan sa mga radio o


telebisyon na nagbibigay ng mga tiyak at malinaw na detalye kaugnay ng isang
mahalagang pangyayari na madalas ay kagaganap lamang.

9
www.shsph.blogspot.com

Naunawaan mo ba ang
kahulugan at katangian ng
tekstong ekspositori?

Magagawa mo na kayang banggitin


ang mga salitang ginamit sa loob ng
teksto?

Matutukoy mo na ba ang mga


pamamaraang ginamit ng manunulat
sa kanyang isinulat na teksto?

Magaling! Natutunan mo na ang kahulugan at katangian ng tekstong ekspositori.


Maaari mo nang gawin ang sumusunod na mga pagsasanay.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong


nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

10
www.shsph.blogspot.com
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Isulat sa papel ang iyong sagot.


SUBUKIN MO! Pagsasanay 1
Panuto:
Panuto: Basahin ang halimbawang teksto. Mula sa
binasa itala sa talahanayan ang sanhi at bunga na
nakapaloob sa teksto. Isulat ang sagot sa isang malinis
na papel.

Walang patumanggang pagputol ng kahoy sa mga bundok at kagubatan.


Pagwawalang-bahala ng pamahalaan sa iligal na pagkakahoy. Ang hindi pag-uukol
ng atensyon sa muling pagpapasibol at pagtatanim ng mga punungkahoy. Ang ating
mga kabundukan ay kalbo na. Nararanasan na natin ang bunga ng mga gawaing
iyon. Ang pagkakaroon ng tagtuyo’t kung katag-arawan at ang malalaking baha kung
tag-ulan.

Kung dumarating ang malalaking baha, lahat ay napipinsala. Ang mga


pananim ay nasisira. Ang mga kalye ay lalong nasisira. Maraming bahay, kasama
ang mga kasangkapang nababad, ay baha ang nagiging sanhi ng pagkabulok at
pagkasira. Paralisado ang mga sasakyan, tanggapan, at mga eskuwelahan.
Malungkot isipin at sa palagay ko, dalawang uri lamang ng mamamayan ang
natutuwa kapag may baha. Ang mga estudyante pagkat walang pasok sa
eskuwelahan, at ang mga nagtutulak ng kotse at dyip na nasisiraan sa gitna ng
baha.

SANHI BUNGA
1.
2.
3.
4.
5.

______________________________________________________________

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 18.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

11
www.shsph.blogspot.com
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isa
pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

Panuto: Tukuyin ang kahulugan at


katangian ng ng mga salitang ginamit
sa teksto at nakasulat ng madiin at
may salungguhit sa loob ng teksto.
Pagsasanay2 Isulat isang malinis na papel ang
iyong kasagutan.
Bahagi lamang.

May ‘laglag bala’ na, may salisi pa


RESPONDE Ni Gus Abelgas (Pang-Masa)
Updated September 30, 2015 – 12:00am

Kung sa mga bus at jeepney ay may modus ng ‘laglag barya’, grabe naman
pala sa NAIA kung saan ay may ‘laglag bala’.
Isa-isa nang lumabas ang mga naging biktima ng ganitong modus ng ilang
tiwaling tauhan sa airport na sinasabing nagtatanim ng bala sa mga bagahe ng
target nilang mga pasahero.
Sa huli, iisa syempre ang gusto at estilo, ito ay ang paghingi ng pera sa
kanilang bibiktimahin.
Ang kawatan sa bus at jeep na ‘laglag barya’ naghuhulog ng barya sa lapag.
Kunwari ay nagmamalasakit pa ito na sabihan ang katabi na nahulog ang kanyang
pera, yun pala, sinisimulan na siyang dukutan at kuhanan ng mahahalagang bagay.
Sa modus sa airport na ‘laglag bala’ ihuhulog ang bala sa mga iniinspeksyon
na mga bagahe at bag ng mga pasahero. Lingid sa kaalaman ng mga ito, itinatanim
na ang bala na kunwari eh sila rin ang makakakita.
Siyempre pa mabibigla ang biktima, eh bakit nga naman siya magdadala ng
bala, bawal na bawal ito at para tapos na ang argumento, ang mga tiwaling tauhan
pa ang mag-aalok na pag-usapan na lang.
Itong si pasahero ayaw na ring maabala pa, bibigay na sa hirit ng tiwaling
tauhan sa NAIA.
Ganun kadali ang modus.
Kaya nga ngayon, may panukala ang ilang kongresista na kanilang
irerekomendang sumailalalim muna sa matinding body search ang mga tauhan ng

12
www.shsph.blogspot.com
Office for Transportation Security (OTS) bago sila sumabak sa kanilang duty, para
maiwasan ang ganito o kahawig nitong modus.
Eto pa, hindi pa man natatapos ang ganitong kontrobersiyang
kinasasangkutan ng OTS, hindi lang pala ‘laglag bala’ ang estilo rito, meron ding
salisi na mismong ang mga nagbabantay ang sangkot.
Isang pasahero rin ang nagreklamo nang nawalan ng bag. Ang siste, kitang
kita sa kuha ng CCTV na mismong mga unipormadong security sa airport ang
siyang nakuhanang sangkot.

SALITA PAGPAPAKAHULUGAN
1.
2.
3.
4.
5.

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.


Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang masagutan


ang sumusunod na pagsasanay.

Panuto: Isaayos ang bawat talata upang


maging kronolohikal ang pahayag. Isulat ang
bilang na 1-5 sa patlang bilang sekwens o Pagsasanay 3
pagkakasunod-sunod ng pahayag. Isulat ang
iyoung sagot sa malinis na papel.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


________1. Taong 1940, ipinalabas ni pangulong Quezon ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang

13
www.shsph.blogspot.com
Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo
ng Wikang pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa.

________2.Taong 1955,nilagdaan ni Pangulong ramon Magsaysay ang


proklamasyon Blg. 186 bilang pagsusog sa Proklamasyon Blg. 12 serye ng 1954
upang ilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon
mula ika-13 hanggang ika -19 ng Agosto.

_______3. Taong 1935 sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang


pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksyon 3 na “Ang
Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”

_______4. 1954 nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang proklamasyon Blg.12 na


nagpapahayag na ipagdiriwang ang Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29
hanggang Abril 4 taun-taon sang-ayon sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang
Pambansa. Ang araw ni Balagtas (Abril 12) ay kabilang sa itinakdang Linggo ng
Wika.

_______5. Taong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang
mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na
magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng
wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng
komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng
“Wikang Pambansa”

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 18.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

14
www.shsph.blogspot.com
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo
sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong
kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na
kailangan mong sagutin.

Isulat Mo!

Panapos na Pagsubok Panuto: Sumulat ng sarili mong halimbawang


tekstong ekspositori. Pumili ng paksa na nakatala sa
ibaba. Isulat ang iyong teksto sa isang malinis na papel.
Paksa:
1. Mataas na singil sa kuryente ngayong may pandemya
2. Pang-araw-araw na pamumuhay sa panahon ng pandemya
3. Pagbubukas ng klase ngayong 2020
4. Paglala ng kaso ng Dengue

Puntos Pamantayan
• Nakapagsusulat at nakapagtalakay nang sapat na nilalaman sa
isang kawili-wiling paraan at may kakayahang magpalawig.
4
• Gumamit ng estilo sa pagsulat nang may kahusayan; may
kakayahang gumamit nang wastong salita sat gramatika
• Sapat ang pagtalakay sa nilalaman ngunit kapos sa mas malinaw
na pagpapaliwanag ng nakatalagang paksa.
3 • May estilo sa pagsulat at marunong pumili ng wastong mga salita
subalit may ilang mga pagkakamali at pagkukulang sa pagsunod
sa gramatikang Filipino.
• Kulang ang pagtalakay sa nilalaman hindi masyadong malinaw
ang pagkakapaliwanag ng paksa.
2 • Iba-iba ang estilong ginamit sa pagpili ng mga salitang ginamit sa
teksto at may kakulangan sa pagsunod sa panuntunan ng
gramatikang Filipino.
• Hindi sapat ang nilalaman ng sulatin at hindi nakapagpalawig sa
pagtalakay ng paksa.
1
• Mali ang gamit ng mga salita at may kalituhan sa pagsunod sa
panuntunan ng gramatikang Filipino.

15
www.shsph.blogspot.com

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 18.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

Ang ganda ng aralin natin.


Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga
gawain at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.
Tara magtulungan tayo!
Karagdagang Gawain

Panuto: Gamit ang iyong natutunan sa modyul na ito, gawin ang nasa venn
diagram. Gamitin ang Paghahambing at Pagkokontrast. Isulat sa iyong kuwaderno
ang iyong kasagutan.

A. SABONG PANLABA
Kailangang matulungan si Labandera X upang mapaghiwa-hiwalay
ang magkakatulad at magkakaibang katangian ng mga produktong sabong panlaba
at nang makapili siya ng pinakamagandang produkto.

Sabong
Panlaba
A

Sabong Sabong
Panlab Panlab
aB aC

16
www.shsph.blogspot.com
B. Kandidato sa Pagkapangulo

Suriin ang ating mga kandidato sa pagkapangulo kung sila ay


nakapagtamo ng mga kwalipikasyon alinsunod sa pagtatadhana ng partikular na
probisyon ng ating umiiral na Saligang batas 1987.

Kandidato
A

Mga
Kwalipikasyon
Kandidato ng Pangulo Kandidato
D alinsunod sa B
Saligang Batas
ng 1987

Kandidato
C

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.


Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo
ang mga pagsasanay at gawain.
Ang husay mo kaibigan!

17
www.shsph.blogspot.com
Sanggunian
Aklat
Pacay, Wilmor III L. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik K-12 Complaint Worktext for the senior High School.JFS Publishing Services
Inc.Pasay City.
Gonzalvo, Romeo Jr. P.2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik (Batayang Aklat sa Filipino Senior High School).Unlimited Books Library
Services & Publishing Inc. Intramuros, Manila.

Elektroniko
https://www.coursehero.com/file/36608705/Week-6-Ekspositori-Katangian-ng-Tekstong-
Ekspositori-Modulepdf/

http://darkemo04.blogspot.com/2014/04/sanhi-at-bunga.html

https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk00N1oNq3IeJqGAtUo2SB1LmprSuGA%3A15938313222
49&source=hp&ei=mu__XqXlDI7ahwPbf4Dw&q=konotasyon+at+denotasyon&oq=konotasyon+at+d
enotasyon&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAzIFCAAQkQIyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIA
DICCABQ5AlYxD1gyEdoAHAAeACAAawHiAGLE5IBAzYtM5gBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psy-
ab&ved=0ahUKEwilmquuzLLqAhUO7WEKHf7-Df8Q4dUDCAc&uact=5

https://brainly.ph/question/2149303

19
www.shsph.blogspot.com

Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o


tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: [email protected]

You might also like