W3MODULE Filipino G.11 2nd Sem
W3MODULE Filipino G.11 2nd Sem
W3MODULE Filipino G.11 2nd Sem
LEARNING MODULE
FILIPINO11
TEKSTONG NARATIBO
O NAGSASALAYSAY
[Module 3]
Pangalan: ____________________________
Baitang/Seksyon: ___________________
Petsa: _____________________________
Inihanda ni: Bb. RITA E. FRANCISCO
Guro sa FILIPINO
1
Talaan ng Nilalaman
I- Gabay sa Mag-aaral……….……………………………………………………………. 2
II- Mga Layunin sa Pag-aaral …………………………………………………………….. 3
III- Pagtalakay …………………………………………………………………….. 3
IV- Paglilinang …………………………………………………………………… 7
V- Sanggunian ……………………………………………………………………. 11
Gabay Sa Mag-aaral
1. Ang modyul na ito ay inilaan para sa dalawang linggo ng pag-aaral.
2. Ito ay isang self-paced na modyul.
3. Ang mga modyul na ito ay binubuo ng mga:
a. Panimula- ito ay naglalaman ng pangkalahatang- ideya ng modyul.
b. Layunin ng pag-aaral-ito ang mga layunin na kailangang maisagawa ng mga mag-aaral.
Ito ang mga kaalaman na kailangang makuha ng mga mag-aaral.
c. Pagtalakay- sa bahaging ito naglalaman ang lahat ng mga aralin, mga katanungan, at
mga gawain para sa modyul na ito.
d. Pagpapalalim- ang layunin nito ay ang malaman at maunawaan ang pangunahing
konsepto sa paksa at ilapat ang konseptong ito sa paglutas ng mga prblema sa totoong
buhay.
e. Paglilinang/ Pagpapatibay- ito ay naglalaman ng mga gawain o pagsubok upang
masukat ang pagkatuto ng mag-aaral.
f. Sanggunian- ang bahaging ito ay naglalaman ng pinagkukunang mga kagamitan upang
mabuo ang modyul na ito.
4. Maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga guro para sa modyul na ito sa mga sumusunod na
iskedyul:
a. Iskedyul: sundin ang tinalagang iskedyul ng klase.
b. Para sa pakikipag-ugnayan:
[email protected] / 09358259547
c. Zoom meeting
Pangalan
Paksa/Asignatura, baitang at seksyon
Mga tanong
Mga Layunin sa Pag-aaral:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang maisasagawa ang mga sumusunod:
nakapaglalahad ng mga elemento ng tekstong naratibo:
nakasusuri ng ilang tekstong naratibo batay sa mga elementong taglat nito; at
2
nakapaghahayag nang malaya tungkol sa iba’t ibang damdamin sa pamamagitan ng
pagsusulat.
Pagtalakay
Ano ang Tekstong Naratibo?
Sa tekstong naratibo ang mga pangyayari ay may pagkakasunod-sunod. Pinadadaloy ang mga
pangyayari ayon sa nais ng manunulat. Dahil pagsasalaysay ang pangunahing ginagawa ng tekstong
naratibo, nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na makabuo ng imahe sa kaniyang isip. Ngunit,
kaiba sa tekstong deskriptibo, binibigyang-diin nito ang takbo ng mga pangyayari lalo na ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga ito.
Ang pagsasalaysay ay maaaring magamit para sa iba-ibang paksa o layunin ng teksto. Ilan sa
mga uri ng tekstong naratibo ang sumusunod:
salaysay na nagpapaliwanag
salaysay ng mga pangyayari
salaysay na pangkasaysayan
likhang katha batay sa kasaysayan
salaysay na pantalambuhay
salaysay ng nakaraan
salaysay ng pakikipagsapalaran
Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong naratibo ang
maikling kuwento, nobela, mito, kuwentong-bayan, alamat, at parabula
anekdota
talambuhay
paglalakbay
balita
report tungkol sa nabasang libro/ nobela
rebyu ng pelikula, aklat, o palabas
buod ng kuwento
1. Banghay
binubuo ang banghay ng mga kawil-kawil na pangyayari. Inaayos ang mga pangyayari upang
makabuo ng isang estruktura o porma. Ang isang kuwento na walang banghay ay sinasabing isa
lamang pagsasalaysay ng mga pangyayari. Ang banghay ay tumutukoy sa pagkakaayos ng mga
pangyayari habang isinasalaysay ito; pinag-isipan kung paano ilalahad at pinipili kung alin ang
mga itatampok na pangyayari. Tumutukoy ito sa paraan ng pagkakalahad ng mga pangyayari.
Ang mahusay na paghahanda ng estruktura ng mga pangyayari ang makahihikayat sa
mambabasa na basahin ito. Karaniwang sinusunod na banghay ang pagkakaayos ng mga
pangyayari ayon sa Freytag’s Pyramid na nagsisimula sa eksposisyon, patungong
komplikasyon, kasukdulan, pababa sa kakalasan, at tungong wakas. Ngunit hindi ito
kinakailangang sundin sa paglalahad ng mga pangyayari sa isang salaysay. Maaaring gumamit
ng kronolohikal na ayos ng mga pangyayari o kaya’y pagbabalik-tanaw upang ipaliwanag ang
isang bagay na nakalipas na. maaari ding simulan ang kuwento sa kalagitnaan ng mga
pangyayari (in medias res) at balikan ang simula hanggang umabot muli sa gitna ang salaysay at
ituloy hanggang wakas. Bukod pa rito ay pinipili lang din kung aling tagpo ang dapat isalaysay
nang madetalye at kung alin lamang ang maaaring banggitin na tila buod ng mga pangyayari.
2. Tagpuan
3
Walang pagsasalaysay o naratibo na mabubuo kung walang lugar na pinangyarihan ng kuwento
at panahon kung kailan ito naganap. May mga pangyayaring nagsimula at natapos lamang sa
iisang lugar at mayroon ding nag-iiba-iba ng lugar dahil hinihingi ng sitwasyon. Mahalagang
mailarawan ang tagpuan dahil nakadaragdag ito sa organisasyon ng naratibo. Nagaganap ang
isang pangyayari sa isang tiyak na oras, araw o panahon. Ito rin ang dahilan kung bakit may
nauunang pangyayari at may nahuhuli. Maging malinaw sa pagtukoy ng mga panahon sa
pagsasalaysay upang hindi mailto ang mambabasa sa daloy nito. Dapat ding naaalinsunod ang
mga pangyayari sa kahingian ng tagpuan.
3. Tauhan
Tauhan ang nagdadala at nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang salaysay. Sila ang kumikilos
sa mga pangyayari at karaniwang nagpapausad nito. Maaaring manggaling sa kanila ang dahilan
ng pagbabago-bago ng mga pangyayari.
4. Suliranin o Tunggalian
Ang bahaging nagpapakita ng suliranin at tunggalian sa isang kuwento ang pinakadramang
tagpo ng kuwento at inaasahang may maidudulot na mahalagang pagbabago patungo sa
pagtatapos. Mula rito ay maaaring makakuha ng kaisipan o mensahe na magsisilbing layunin ng
tekstong naratibo. Wala yatang kuwento na hindi nagtataglay ng suliranin. Kung magkakagayon,
walang hamong ihaharap sa mambabasa. Nakasalalasy rito ang pagbabago ng daloy ng isang
naratibo. Kung minsan ay ang tauhan ang nagiging suliranin sa kuwento. Minsan naman ay
bunga ito ng mga kalamidad at suliraning panlipunan. Maaari ring mag-ugat sa loob ng mga
tauhan ang suliranin.
5. Diyalogo
Kapag nagsalita na ang tauhan sa isang kuwento, siya ay nagigig totoong tao, ngunit hindi lahat
ng pagsasalaysay ay kailangang may diyalogo. Ginagamitang diyalogo upang gawing
makatotohanan ang mga pangyayari sa pamamagitan ng pag-uusap ng mga tauhan.
Layunin ng may-akda
Anong uri ng pagsasalaysay ang ginamit sa teksto?
Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang pagsulat?
Mabisa ba ang ginamit na uri ng pagsasalaysay upang maisakatuparan ang layunin ng may-
akda?
Malinaw bang naipakita sa teksto ang naging layunin ng may-akda na magsalaysay ng
magkakaugnay na pangyayari?
Ang Paglahok ng Hapon sa Digmaan at ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
Muling nahati sa dalawang magkatunggaling panig ang Europa noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Nagsanib ang Alemanya at Italya na nakilala bilang Axis Powers. Hinarap naman ito ng
Allied Powers na binuo ng Gran Britanya, Pransiya, Unyong Sobyet, at Estados Unidos. Mas
mapaminsala ang mga labanan noog Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Mula sa Europa, lumawak
ang sigalot sa halos lahat ng panig ng daigdig kabilang ang Asya-Pasipiko.
Bago pa man sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay lantad na ang hangarin ng
Hapon na manakop ng mga karatig na lupain sa Asya, tulad ng ginawa nitong pagpasok sa
Manchuria. Kagaya ng mga bansang Kanluranin nong ika-19 hanggang ika-20 dantaon, naghangad
din ang Hapon na magkaroon ng mga teritoryong mapagbebentahan ng mga produktong Hapones at
mapagkukunan ng mga likas na yaman upang panatilihin ang pag-unlad ng bansa. Nang maganap
ang krisis pang-ekonomiya noong 1929, bumaba nang mahigit 50 porsiyento ang kabuuang kita ng
bansa mula sa pagluluwas ng seda at bigas. Kasabay nito ang kawalan ng bans ang mapagkukunan
ng karbon, langis, at batong-bakal na mahalaga tungo sa ganap na industriyalisasyon. Dahil sa mga
ito, lalong tumindi ang pagsusulong ng mga pinunong military na palawakin ang saklaw na teritoryo
ng Hapon. Para sa kanila, sa militarismo nakasalalay ang kaligtasan ng bansa. Higit sa lahat, ito ay
pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo at pagsamba sa emperador na itinuturing nilang kataas-
taasang nilalang. Noong 1940, naging pangatlong kasapi ng puwersang Axis ang Hapon nang
lagdaan nito ang Tripartite Pact.
Samantala, mahalaga ang papel na ginampanan ng Estados Unidos sa pagharap sa mga
Hapones noong panahong ito. Katulad noong Unang Digmaang Pandaigdig, sinubukan ng mga
Amerikano na umiwas sa sigalot subalit unti-unti itong nagbago dahil sa tumitinding agresyon ng
mga Hapones sa Asya-Pasipiko. Dahil nangamba ang Estados Unidos na mapasakamay ng mga
Hapones ang Pilipinas at Pearl Harbor sa Hawaii, ang punong-himpilan ng hukbong pandagat ng
mga Amerikano sa Pasipiko, nagpataw ito ng mga parusang pang-ekonomiya sa Hapon. Itinigil ng
Estados Unidos ang pagluluwas ng langis at anumang hilaw na materyales na magagamit sa
digmaan. Pinigilan din ng Estados Unidos ang paggalaw ng pera at yaman ng Hapon sa iba’t ibang
bangko at institusyong pampinansiyal sa rehiyon.
Sa kabila ng mga hakbang na ginawa ng Estados Unidos, hindi natinag ang Hapon sa
hangaring imperyalista nito. Noong ikapito ng Disyembre, 1941, sa gitna ng usapang diplomasya sa
pagitan ng mga opisyal na Amerikano at Hapones sa lungsod ng Washington D.C., walang abisong
binomba ng hukbong panghimpapawid ng Hapon ang Pearl Harbor. Kasunod nito ay binomba rin
nila ang ibang lupain sa Asya na nasa ilalim ng Allies tulad ng Pilipinas, Hongkong, at Malaya. 5
Matapos ang limang buwan, dumagdag sa nasasakupang teritoryo ng Hapon ang Burma, Sinagpore,
Sumatra, at rehiyong Indochina matapos talunin ng mga puwersa nito ang Allies sa Pasipiko.
Tinangka ring sakupin ng Hapon ang Mongolia at ilang teritoryo ng Rusya na malapit sa
Pangalan: ________________________________ Modyul #: _____
Baitang at Seksiyon: __________________
6
Paglilinang
A- Piliin sa loob ng kahon ang titik ng salitang tinutukoy sa unang hanay. Isulat ang sagot na titik sa
patlang.
a. tagpuan f. tauhan
b. Salaysay na Pangkasaysayan g. kronolohikal
c. in medias res h. suliranin
d. banghay i. flashback
e. Kathang Pangkasaysayan j. Salaysay na Nagpapaliwanag
______________________________________________________________________.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
3. Paano maiuugnay ang kabuuang mensahe ng binasang teksto sa iyong sarili, pamilya, komunidad,
bansa, at daigdig? Anong pangyayari o pagbabago ang maidulot ng impormasyong nakuha mula sa
binasa?
Sagot:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
Karaniwan na lamang sa aming pamilya ang pumasok sa ganoong hanapbuhay. Ang aking
ama ay naging sundalo noon ngunit siya ay nagbitiw dahil may paniniwala siya na kung gusto mong
magpamilya ay huwag kang papasok sa pagsusundalo o pagpupulis. Dagdag pa niya, “Walang
kasiguruhan kung makakalabas ka pa nang buhay mula sa isang giyera. Mahirap mawalan ng haligi
ng tahanan ang isang pamilya.” Marahil naman ay alam ng lahat ng pumasok sa ganitong trabaho
ang kapalit ng kanilang serbisyo. Gayundin siguro’y may iba-iba silang rason kung bakit sila
nagpapatuloy rito.
Noong Enero 24, 2015, lumabas ang balita tungkol sa misencounter sa pagitan ng Philippine
National Police-Special Action Force (PNP-SAF), Moro Islamic Liberation Front(MILF), at
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao. Nakabasa
rin ako ng post sa Facebook mula sa aking pinsan ukol dito. Ipinapanalangin niya na sana hindi
kasama ang kaniyang kapatid sa insedenteng ito. Hindi ko iyon masyadong pinansin dahil naisip8
kong sa dinami-dami ng pulis na nasa lugar na iyon, maliit lamang ang tiyansa na makasama siya
rito. Masyado rin siguro akong naging kampante at naging positibo kaya ganoon na lamang ang
aking naisip.
1. Ano ang paksa at layunin ng personal na sanaysay?
Sagot:
______________________________________________________________________
9
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
2. Anong pangyayari ang isinalaysay sa sanaysay? Paano inilahad ang mga pangyayari?
Sagot:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
Tauhan
Tagpuan
Suliranin/ tunggalian
Banghay
4. Bigyan ng komento ang paraan ng pagsasalaysay ng may-akda. Paano naging mabisa ang sanaysay
sa paggamit ng paglalarawan?
Sagot:
______________________________________________________________________
10
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
5. Magbigay ng reaksiyon sa paksa ng sanaysay. Iugnay ito sa kahit anong konseptong may kinalaman
sa sarili at komunidad.
Sagot:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.
Sanggunian:
Libro
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
11