Pagsusuri Teoryang Humanismo

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

PAGSUSURI

Nina: Princess Kyla Dap-og

Irene Dalaten

I. Anyo ng Panitikan: Patula

II. Pamagat: Bakit Ka Nga Pala Nagalit?

III. May-akda: Ligaya Tiamson-Rubin

IV. Gawad na Natamo: Carlos Palanca Memorial Award for Literature

V. Buod:

Ang tulang “Bakit Ka Nga Pala Nagalit?” ay isinulat ni Ligaya

Tiamson-Rubin na binubuo ng walong saknong. Bawat saknong ay binubuo

ng iba’t-ibang bilang ng taludtod. Wala itong sukat at tugma at masasabing

nakasunod sa istandard na pamantayan ng isang tulang may malayang

taludturan. Matatalinhaga at napanatili ang kariktan sa ginamit na mga

salita ng manunulat sa kabila ng simpleng pag-organisa sa daloy ng tula.

Ito ay nakapokus sa buhay ng isang bata na may madilim na karanasan

ng pangmamaliit at pang-aapi dahil sa hindi pantay na katayuan sa lipunan

o magkasalungat na estado ng buhay. Isinalaysay dito ng manunulat kung

paano nagawa ng karakter/bata ang tama at nararapat na aksyon sa kabila


ng malagim karanasan na tumatak sa kanyang puso’t isipan at naging bunga

ng lubusan niyang kalituhan.

Bakit Ka Nga Pala Nagalit?

Ni: Ligaya Tiamson- Rubin

Sino kamo ako, aba naku naman,

akala ko nama’y magkakilala tayo

dahil kilala kita akala ko’y kilala mo ako

ngunit hindi pala, kaya sige

makinig ka’t sasabihin ko kung ako ay sino

Ako ang galising batang naglilimpiya ng bota

sa malapit sa bahay mo

naglalako ng diyaryo kung minsan

at nakikipaghabulan sa mga sasakyan


kung minsa’y nagtitinda ng sigarilyo

o kahit malamig na sago

kung minsa’y naghahalungkat ng basurahan

kapag mahina talaga ang pagtitinda

aba, hindi mo pala alam ang grasya

na kayang ibukal ng isang dram na basura

Ako ang galising batang minsa’y binulyawan mo

sa gahamang pagtunganga sa iyo

habang kumakain ka at ang pamilya mo

ng pritong manok, pansit at adobo

sa isang malaking restoran

oo, nga pala, bigla kong naalala

ang matagal konang itinatanong sa sarili ko

nakatunganga lang naman ako

at hindi naman namamalimos


pero bakit ka nagalit?

Kahapon ako’y naglalakad- lakad

baka makatisod ng tingga

may narinig akong dumaraing

sa likod ng isang dram

o, diba sabi ko nang di mahuhulaan

ang kayang ibukal ng mga basurahan

Ikaw pala ang narinig kong dumaraing

humihingi ng saklolo. inakupo , ano ito?

naliligo ka sa sariling dugo mo

bakit, bakit, sino ang sumaksak sa iyo?

subalit dapat ba akong magtaka

kung ika’y makita kong duguan

di ba minsan sa gitna ng isang pang- aapi


sa isipan ko’y sinaksak na rin kita?

Ako ang galising batang minsa’y sumilip

sa harap ng iyong gate, sa rehas mong bakal

sa panonood sa nagtatakbuhan mong mga anak

naglalaro ng isang malaking bolang

kailanman sa kamusmusan ko’y hindi ko natikman.

ako’y natanaw mo, muling binulyawan

at dinamba ng mga aso mong nagkakahulan.

Ako’y tumakbo nang tumakbo sa sa matinding gulat

nang ako’y mahimasmasan

wala naman palang sa aki’y humahabol

dalawang araw na taas- lubog ang lagnat ko

lahat yata ng santo sa langit

nadaingan ng nanay ko

subalit hindi mo narinig ang mga ang mga daing na ito


marahil dahil ika’y paos, o ikaw ay bingi’t walang pakiramdam

Kahapon ako’y naglalakad- lakad

ika’y narinig kong dumaraing

daing na humihingi ng tulong

daing ng isang nangangailangan, di kita natiis

pagkat sa iyo’y walang ibang makaririnig

marahil ika’y paos o sila’y bingi’t walang pakiramdam.

Nang ika’y ligtas na, ako’y hinanap mo

nasaan ang batang galising batang tumulong sa akin

gusto ko siyang makausap

ilang sandaling hindi ko matiyak

kung ako’y tatakbo o lalapit sa iyo

pagkat posible ring ika’y magalit

sa hindi ko uli malamang dahilan.


Subalit, may bahagyang ngiti sa mamad mong labi

dinantayan mo pa ang aking mga daliri

marami kang sinabing hindi ko mawari

may sinabi ka pang bibigyan mo ako ng salapi.

Ngunit sa mga sandaling ito’y isa lang talaga

ang gusto kong malaman

ano ang sagot mo sa itinatanong ko kanina pa?

bakit ka nga pala nagalit?

nang minsa’y ako’y tumunganga sa pagkain mo

ng pritong manok, pansit at adobo

sa isang restoran

nang ako’y sumilip sa rehas na bakuran mo

sa panonood sa paglalaro ng bola ng mga anak mo

bakit ka nga pala nagalit?

PAGSUSURI
HUMANISMO Ako ang galising batang
naglilimpiya ng bota

Ang pagsusuri ay nakapokus sa malapit sa bahay mo

sa pangkalahatang kaisipan ng naglalako ng diyaryo kung


minsan
karakter na nagpapahiwatig sa
at nakikipaghabulan sa mga
karanasang paghihirap dahil sa
sasakyan
agwat ng katayuan sa lipunan.
kung minsa’y nagtitinda ng
sigarilyo
Sa pananaw na ito, dapat na
o kahit malamig na sago
manatili ang tuon sa
kung minsa’y
kahalagahan ng tao lalong-lalo naghahalungkat ng
basurahan
na ang kanyang saloobin at
kapag mahina talaga ang
damdamin na siyang pagtitinda

pangunahing paksa. Sa kabila ng aba, hindi mo pala alam ang


grasya
kahirapan at pangit na
na kayang ibukal ng isang
karanasan ay pinanatili ng
dram na basura
karakter ang kanyang pagkatao.

Malinaw sa akda na malaya ang Ako ang galising batang minsa’y


binulyawan mo
tao na ipahayag ang kanyang
sa gahamang pagtunganga sa
saloobin at magpasya para sa
iyo
kanyang kapalaran.
habang kumakain ka at ang
pamilya mo
ng pritong manok, pansit at
adobo

sa isang malaking restoran

oo, nga pala, bigla kong naalala

ang matagal konang itinatanong


sa sarili ko

nakatunganga lang naman


ako

at hindi naman namamalimos

pero bakit ka nagalit?

Ako ang galising batang minsa’y


sumilip

sa harap ng iyong gate, sa rehas


mong bakal

sa panonood sa nagtatakbuhan
mong mga anak

naglalaro ng isang malaking


bolang

kailanman sa kamusmusan ko’y


hindi ko natikman.

ako’y natanaw mo, muling


binulyawan

at dinamba ng mga aso mong


nagkakahulan.
Kahapon ako’y naglalakad- lakad

ika’y narinig kong dumaraing

daing na humihingi ng tulong

daing ng isang
nangangailangan, di kita
natiis

pagkat sa iyo’y walang ibang


makaririnig

marahil ika’y paos o sila’y bingi’t


walang pakiramdam.

bakit ka nga pala nagalit?

nang minsa’y ako’y tumunganga


sa pagkain mo

ng pritong manok, pansit at


adobo

sa isang restoran

nang ako’y sumilip sa rehas na


bakuran mo

sa panonood sa paglalaro ng
bola ng mga anak mo

bakit ka nga pala nagalit?


Ang tulang ito ay kabilang sa teoryang Humanismo sapagkat nakatuon

ito sa tao kung saan binibigyang halaga ang indibidwalismo kalakip ang

kalayaan ng isipan at taglay na katangian o kakayahan ng indibidwal.

Binigyang-diin din ang moralidad sa tula kung saan makikita ang maling-asal

at pagpapahalaga lalong lalo na sa dignidad at integridad ng tao. Ang

karakter dito ay naghahanap ng kasagutan sa hindi makatwirang asal na

kanyang natatanggap mula sa tao sa tuwing nagkukrus ang kanilang mga

landas. Malinaw ang pagsasalaysay ng manunulat sa saloobin, katanungan

at damdamin ng karakter sa bawat tagpo. Pinatutunayan ito sa saknong na:

Ako ang galising batang minsa’y binulyawan mo

sa gahamang pagtunganga sa iyo

habang kumakain ka at ang pamilya mo

ng pritong manok, pansit at adobo

sa isang malaking restoran

oo, nga pala, bigla kong naalala

ang matagal ko nang itinatanong sa sarili ko

nakatunganga lang naman ako

at hindi naman namamalimos


pero bakit ka nagalit?

Ako ang galising batang minsa’y sumilip

sa harap ng iyong gate, sa rehas mong bakal

sa panonood sa nagtatakbuhan mong mga anak

naglalaro ng isang malaking bolang

kailanman sa kamusmusan ko’y hindi ko natikman.

ako’y natanaw mo, muling binulyawan

at dinamba ng mga aso mong nagkakahulan.

Ako’y tumakbo nang tumakbo sa sa matinding gulat

nang ako’y mahimasmasan

wala naman palang sa aki’y humahabol

dalawang araw na taas- lubog ang lagnat ko

lahat yata ng santo sa langit

nadaingan ng nanay ko
subalit hindi mo narinig ang mga ang mga daing na ito

marahil dahil ika’y paos, o ikaw ay bingi’t walang pakiramdam

Mapapansing ang mga saknong sa itaas ay umiikot lamang sa

kasalukuyang karanasan ng karakter kung saan hindi pantay ang

pakikitungo ng isang tao sa kanya. Ginamit ang salitang “binulyawan” na

nagpapakita ng hindi pagkagusto ng tao sa karakter kung kaya’t nagawan

itong pakitaan ng asal na hindi katanggap-tanggap kahit wala naman itong

ginagawang kamalian o pinsala sa kanila. Kung ating mapapansin ay

ginamit din ang salitang "bakit ka nagalit?" sapagkat walang makitang

dahilan ang karakter sa aksyong iyon at lubusang nagbigay ng kalituhan sa

isipan nito, bilang isang bata, masyadong maaga upang mamulat ito sa

masaklap na katotohanang mayroong pagitan sa mga taong may pera at

taong naghihirap.Ginamit din ang mga katagang "...binulyawan at

dinamba ng mga aso mong nagkakahulan.." at "...nang ako'y

mahimasmasan/wala naman palang sa aki'y humahabol/dalawang

araw na taas-lubog ang lagnat ko ...", ito ay nangangahulugang ang

pang-aapi ng taong yaon ay hindi lamang nanatili sa kaisipan ng

bata/karakter, samakatuwid, ang pinsala'y umabot din hanggang sa pisikal

na aspeto kung saan labis siyang nagdusa subalit wala man lamang kahit

kaunting awa o konsensiyang umusig sa taong gumawa nito sa kanya,


suportado iito ng mga linyang "...subalit hindi mo narinig ang mga

daing na ito/ marahil dahil ika’y paos, o ikaw ay bingi’t walang

pakiramdam…".

bakit ka nga pala nagalit?

nang minsa’y ako’y tumunganga sa pagkain mo

ng pritong manok, pansit at adobo

sa isang restoran

nang ako’y sumilip sa rehas na bakuran mo

sa panonood sa paglalaro ng bola ng mga anak mo

bakit ka nga pala nagalit?

Sa saknong na ito, batay sa simulain ng pagsulat ng akdang may

teoryang humanismo, ang pangunahing paksa ay ang saloobin at damdamin

ng isang tao. Makikita sa saknong sa itaas ang mga linyang “bakit ka nga

pala nagalit?” kung saan ito ay ang saloobing dinaramdam ng isang

karakter na nangangahulugang labis na pangamba kung bakit nga ba nagalit

ang isang nasabing karakter sa kanya, mapapansing nagmimistulang

nagkukuwento ang daloy ng tula at kung tututukang mabuti ay makikitang

ang mga gawaing sinisilip ng bata sa ibang tao ay yaong hindi niya

naranasan dala ng kahirapan. Ito ay maituturing din na problemang


nadarama o nararanasan na dapat taglayin bilang isang paksa ng

humanismo, kung saan ito ay napabilang sa mga simulaing dapat isaalang-

alang ng isang manunulat. Ang ibang simulain ay suportado ng mga

sumusunod na saknong:

Kahapon ako’y naglalakad- lakad

baka makatisod ng tingga

may narinig akong dumaraing

sa likod ng isang dram

o, diba sabi ko nang di mahuhulaan

ang kayang ibukal ng mga basurahan

Ikaw pala ang narinig kong dumaraing

humihingi ng saklolo. inakupo , ano ito?

naliligo ka sa sariling dugo mo

bakit, bakit, sino ang sumaksak sa iyo?

subalit dapat ba akong magtaka

kung ika’y makita kong duguan


di ba minsan sa gitna ng isang pang- aapi

sa isipan ko’y sinaksak na rin kita?

Kahapon ako’y naglalakad- lakad

ika’y narinig kong dumaraing

daing na humihingi ng tulong

daing ng isang nangangailangan, di kita natiis

pagkat sa iyo’y walang ibang makaririnig

marahil ika’y paos o sila’y bingi’t walang pakiramdam.

Nang ika’y ligtas na, ako’y hinanap mo

nasaan ang batang galising batang tumulong sa akin

gusto ko siyang makausap

ilang sandaling hindi ko matiyak

kung ako’y tatakbo o lalapit sa iyo

pagkat posible ring ika’y magalit

sa hindi ko uli malamang dahilan.


Subalit, may bahagyang ngiti sa mamad mong labi

dinantayan mo pa ang aking mga daliri

marami kang sinabing hindi ko mawari

may sinabi ka pang bibigyan mo ako ng salapi.

Mapapansin sa ikalawang saknong na naging malayang siyang mag-isip

sa kahit anong sitwasyon, minsa'y naisip niyang gantihan ito at likas sa

taong magdamdam sa tuwing may nararanasang hindi katanggap-tanggap,

maging ito man ay galit, kalungkutan kasiyahan o kung anumang emosyon

subalit ang karakter ay piniling panatilihin ang kanyang pagka-makatao ng

tulungan nito ang taong umapi sa kanya at may kakayahang magpatawad sa

kabila na masasakit na karanasan. Ito din ay nakasaad sa simulain ng

teoryang humanismo. Naipakita din gamit ang mga linyang "...may sinabi

ka pang bibigyan mo ako ng salapi…" ang isa sa kalikasan ng tao ang

magpasalamat gamit ang iba't ibang paraan sa tuwing nakatatanggap ng

tulong sa panahon nang pangangailangan ngunit gayun din ang katangian

ng isteryotipong kaisipang ukol sa dibisyong inilatag ng katayuan sa lipunan

o estado ng pamumuhay kung kaya't mailap na ang bata't nanatiling sa isip

ang katanungang "bakit ka nga pala nagalit".


KAUGNAY NA TEMA

Malinaw na nais ipahiwatig ng manunulat sa tulang ito ang pagiging

makatao at laging gawin ang tama kaninuman at sa kung ano mang

sitwasyon gaya ng kung paano tumulong ang bata sa taong siya ring

nang-api rito dahil lamang sa katotohanan nang buhay na siya ay laki sa

hirap. Karamihan sa mga tao ay pinanganak na mahirap. Kaya araw-araw

ay mulat na ang mga ito sa kahirapan. Nagdudulot ng dalamhati,

kalungkutan o gutom ang kahirapan. "Mahirap maging mahirap." Kadalasang

hindi nagkakasundo ang matataas sa lipunan sa lipunang inihahalintulad sa

bigas lupa. Dalawang mundong bibihira lamang magkasundo, kadalasa'y

magkatunggali kung kaya't ang nais ipahiwatig ng akdang tula ay laging

piliin na maging mabuti sa kabila ng pang-aapi, sumagi man sa isip na

gumanti, tiyaking ang huling desisyon ay makapagbibigay ng kapayapaan sa

sarili. Ang desisyong ito ay makakamit lamang kung ang aksyon ay tama,

nararapat sa mata ng batas at lalong lalo na sa mata ng Diyos.

May kaugnayan sa akdang 'Bakit Ka Nga Pala Nagalit', makikita ang

dalawang katangian ng taong napapabilang sa mababa at mataas na

lipunan, kung saan ang nasa mababa na lipunan ay nakararanas ng pang-

aapi mula sa isang taong na nasa mataas na lipunan. Ang pangyayari ay

siyang tunay na napapansin sa kasalukuyang panahon.. Sa mga


naisagawang suri, makikita ang iba't ibang katangian upang ito'y

maipabilang sa temang pang-kahirapan at pang- aapi.

You might also like