PilingLarang Akademik Q2 Modyul6 PosisyongPapel-1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 41

11

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Posisyong Papel
Filipino sa Piling Larang (Akademik) – Baitang 11/12
Self-Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Posisyong Papel

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa
telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit
ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring
kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot
sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

2
BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL

Manunulat : Jaynard J. Hernandez, MAEd

Tagamasid Pampurok : Mary Joy C. Agsalon, EdD


Tagapag-ugnay : Virginia C. Urbano, P-I
Mga Tagasuri : Melchora N. Viduya, EdD
Joselito D. Daguison, MAEd
Mga Tagaguhit : Wilson A. Cayabyab
Jay C. Visperas

MANAGEMENT TEAM:

OIC, Schools Division Superintendent : Sheila Marie A. Primicias, CESO VI


Asst. Schools Division Superintendent : Ely S. Ubaldo, CESO VI
: Marciano U. Soriano Jr., CESO VI
Chief Education Supervisor, CID : Carmina C. Gutierrez, EdD
Education Program Supervisor, LRMDS : Rustico P. Abalos Jr., EdD
Education Program Supervisor, Filipino : Melchora N. Viduya, EdD

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Schools Division Office I Pangasinan
Office Address: Alvear St., East Capitol Ground, Lingayen, Pangasinan
Telefax: (075) 522-2202
E-mail Address: [email protected]

3
11

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Posisyong Papel

4
Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling


Larang (Akademik) na tuon sa araling Posisyong Papel. Ang modyul
na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa publiko at pribadong institusyon upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan, pambansa at pandaigdigang hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga
mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang
pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang
mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and
Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang
pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
pantulong, at/o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob
sa modyul.

Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling


Larang (Akademik) na tuon sa araling Posisyong Papel. Ang modyul na
ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

5
Ang modyul na ito ay may mga bahagi na dapat mong
maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang


Alamin
mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang
Pagyamanin mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa dulong bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga tanong o
Isaisip pupunan ang patlang sa pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


Isagawa
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

6
Ito ay gawain na naglalayong mataya o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot
Susi sa at/o rubrik sa lahat ng mga gawain sa
Pagwawasto modyul.

Sa dulong bahagi ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanang materyal sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Narito naman ang ilang mahahalagang paalala tungkol sa paggamit


ng modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Sakaling mahirapan kang sagutin ang mga gawain sa modyul


na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong kay nanay, tatay,
nakatatandang kapatid, o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na nakaaalam sa aralin at tunay na makatutulong sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito ay
makararanas ka ng makabuluhang pagkatuto at makakukuha ka ng
malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo
ito!

7
Alamin

Ang pagbuo ng isang akademikong sulatin ay nagsisimula sa


matiyagang pagtalunton at pag-unawa sa mga batayang elemento at/o
bahagi nito na siyang nagtatakda sa ipinagkaiba ng isa sa iba pang
akademikong sulatin.
Makaraang sumangguni sa mga mapagtitiwalaang hanguan ng
impormasyon ay nakalap ang makabuluhan at napapanahong mga
konsepto na mabisang tumatalakay at naglalarawan sa kaligiran, katangian,
at pamamaraan ng posisyong papel bilang akademikong sulatin.
Sa pagsulat ng posisyong papel matututuhan at kasasanayan ng mga
mag-aaral sa academic track ang obhetibong pagkilala at paggalang sa
kasalungat na panig bagaman may tiyak na tinatangi at pinaninidigang
katotohanan kasangga ang iba’t ibang pruweba, sapagkat buhay ang
paniwala na hindi kailanman mabubuo ang kuwento at hindi mabibigyang-
kaganapan ang isang argumento kung wala ang kabilang panig na susubok
sa katatagan ng katotohanang pinanghahawakan.
Sa gayon, higit na pagpapahalaga sa nilalaman ng modyul na ito ang
kailangan upang ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayang
pampagkatuto o MELC sa pagsulat ng talumpati ay malinang ng/sa bawat
mag-aaral at magawang isalin at gampanan sa realidad:
1. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin;
2. Nakasusulat ng sulating batay sa maningat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika;
3. Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa
pangangailangan; at
4. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin.

Subukin

A. PATOK OF THE TOWN: Tukuyin ang paksa sa tulong ng ilang pahiwatig.

1. Paggamit ng kompiyuter o gadyet at internet


Pagpapatuloy ng pag-aaral habang nasa bahay
Paggamit ng Google classroom ng guro at mga mag-aaral
2. May dalawang gulong
Hindi kailangan ng gasolina para tumakbo o umandar
May pedal at pinapadyak
3. Karaniwang laman ng ayudang relief pack
Sahog sa iba’t ibang klase ng gulay at lalo na sa miswa
May sauce na kulay pula kung saan naliligo ang isa hanggang tatlong
isda

8
4. Gamit upang droplets ay hindi tumalsik at hawaan ay maiwasan
Unang napaulat na naubos noong sa Taal, Batangas ay nag-lockdown
May surgical, N95, neoprene, at D.I.Y.
5. Nabibili sa pinakamalapit na sari-sari store
Kung prepaid, nirerehistro sa promo upang mapakinabangan
Pantawag, text, o wifi kahit saan

B. WASTO o DI-WASTO: Isulat ang Wasto kung angkop ang impormasyon


tungkol sa posisyong papel. Di-wasto naman ang isulat kung taliwas.

1. Ang katuwiran ay dapat laging batay sa opinyon.


2. Ang posisyong papel ay isang sulatin na nagpapahayag ng masaklaw
na paninidigan ng isang tao o grupo tungkol sa isang makabuluhan at
napapanahong isyu.
3. Lalong nagiging kapani-paniwala ang pangangatuwiran kung
gumagamit ng mga ebidensiya mula sa mga mapagkakatiwalaang
sanggunian.
4. Ang pangatnig na ―samakatwid‖ ay pang-ugnay na gamit sa
pagsasaad ng patunay.
5. Subhetibo ang pagtukoy sa panig o paksa sa pagsulat ng posisyong
papel subalit obhetibo ang paninindigan at pangangatwiran nito.

C. PAGBUO NG ARGUMENTO: Matamang pagsunod-sunurin ang nilalaman


ng sulating argumentatibo na pinamagatang ―Filipino: Wika ng
Kaligtasan.‖ Piliin ang tamang letra para sa bilang 1-5.

A. Sa anumang krisis o hamon, tunay na nakapagliligtas ng buhay ang isang


wikang pambansa.
B. Ang wikang Filipino ay isang ingklusibo at pleksibleng wika na katutubo sa
Filipinas. Nagagamit ito sa mga diskusyon sa iba’t ibang larang.
C. Ayon sa survey na isinagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong
2014, Filipino ang gámit na lingua franca sa lahat ng dako ng Filipinas. Ang
malaganap na paggamit ng wikang pambansa sa buong kapuluan ay
nauna nang natuklasan sa pag-aaral ng Ateneo de Manila University
noong 1989. Ibig sabihin, sapagkat Filipino ang wikang higit na
nauunawaan ng nakararaming mamamayang Filipino, higit na magiging
mabisa ang pagpapatupad ng mga polisiya kung ito ang midyum sa
pag-uulat at pagpapaliwanag ng mga eksperto at mga opisyal ng
gobyerno sa mga usaping pangkalusugan.
D. Kaya, dapat Filipino ang magsilbing pangunahing midyum sa
pagbabahagi ng impormasyon sa sambayanang Filipino lalo sa panahon
ng krisis pangkalusugan.
E. Lalong mailalayo sa panganib na dala ng isang uri ng sakit, epidemya, o
pandemya ang mamamayang Filipino kung naaabot ng kaniyang pang-
unawa ang gamit na mga terminolohiya at isyung tinatalakay.

9
Balikan

A. IQ-nek (IKONEK): Ilista ang tatlong elemento ng talumpati na maaaring


masumpungan sa posisyong papel.

Tuklasin

A. TOTOO o MITO: Tukuyin kung tunay o walang katotohanan ang pahayag.

1. Ang pagbasa sa 28 letra ng Alpabetong Filipino ay pa-Ingles.


2. Nag-iisang anak na lalaki si Jose Rizal.
3. Ang ―Noli Me Tangere‖ ay alay ni Rizal sa tatlong paring martir na
GOMBURZA.
4. Ang salitang ―petsa‖ sa Filipino ay mula sa salitang Español na ―fecha.‖
5. Tulad ng Tagalog, ang Pangasinan at Ilokano ay mga Kristiyanisadong
wika.

Suriin

Ang Posisyong Papel ay isang sulatin na nagpapahayag ng tiyak na


paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa makabuluhan at
napapanahong isyu. Naglalaman din ito ng mga katuwiran o ebidensiya
para suportahan ang paninindigan. Bukod sa paninindigan at katuwiran ng
sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga katuwiran ng
kataliwas o katunggaling panig. Karaniwang maikli lamang ang posisyong
papel, isa o dalawang pahina lamang, upang mas madali itong mabasa at
maintindihan ng mga mambabasá at mahikayat silang pumanig sa
paninindigan ng sumulat ng posisyong papel.
Maraming dahilan kung bakit makabuluhang sumulat ng posisyong
papel. Sa panig ng may-akda, nakatutulong ang pagsulat ng posisyong pael
upang mapalalim ang pagkaunawa niya sa isang tiyak na isyu.
Pagkakataon ito para sa may-akda na magtipon ng datos, organisahin ang
mga ito, at bumuo ng isang malinaw na paninindigan tungkol sa isang paksa
o usapin. Sa pamamagitan din ng poisyong papel, naipakikilala niya ang
kaniyang kredibilidad ng mga may kinalaman sa nasabing usapin.

10
Para sa lipunan naman, ang posisyong papel ay tumutulong para
maging malay ang mga tao sa magkakaibang pananaw tungkol sa isang
usaping panlipunan. Nagagawa ito dahil ang posisyong papel ay
karaniwang ibinabahagi sa publiko sa pamamagitan ng pagbubigay ng
mga kopya o kaya’y sa paglalathala nito sa pahayagan. Karaniwan din,
ang posisyong papel ay nagtatapos sa isang panawagan ng pagkilos, kaya
sa pamamagitan nito nagagamit itong batayan ng mga tao sa kanilang
sariling pagtugon at pagsangkot sa usapin. Dahil sa pagsangkot na ito ng
mga mamamayan na naiimpluwensiyahan ng posisyong papel, masasabing
nakapag-aambag ito sa paglutas ng mga suliranin sa lipunan.
Mahalagang pagtuonan ang dalawang salitang paulit-ulit na
gagamitin sa araling ito: katuwiran at paninindigan. Mas magandang
gamitin ang katuwiran kaysa sa argumento; ang paninindigan kaysa
posisyon. Ang salitang katuwiran ay maaaring galing sa salitang ―tuwid‖ na
nagpapahiwatig ng pagiging tama, maayos, may direksiyon, o layon. Ang
paninindigan naman ay maaaring galing sa ― tindig‖ na nagpapahiwatig
naman ng pagtayo, pagtatanggol, paglaban, at maaari ding pagiging
tama. Mayaman ang kahulugan ng mga salitang katuwiran at paninindigan
sa konteksto ng wika at kulturang Filipino. Muli nitong pinatutunayan ang
kahalagahan ng paggamit ng pambansang wika sa diskursong Filipino.

Aralin Paghahanay ng mga Katuwiran


1

Ang katuwiran ay nakasandig sa katotohanan o ang mismong


katotohanang pinagtitibay ng mga kongkretong ebidensiya. Ito ay totoong
datos at impormasyon na ginagamit sa pagpapaniwala, pangungumbinsi, o
panghihikayat sa iba sa paraang obhetibo o hindi solong opinyon lamang
ng isang manunulat.
Sa paghahanay ng katuwiran, mahalaga na una munang saliksikin
ang tungkol sa paksa o isyu upang maunawaan ang kaligiran nito bago pa
man mangatuwiran na maaaring sang-ayon o salungat, maglatag ng mga
ebidensiya sa bawat panig, at bumuo ng isang makatuturang kongklusyon.
Sa paghaharap ng ebidensiya o patunay, mahalaga ang sitasyon o
ang matapat na pagkilala sa pinagkunan ng impormasyon sapagkat sa
pagbanggit sa isang awtoridad, eksperto, o mga naunang pag-aaral at
pagsisiyasat ay lalong nagkakaroon ng merito ang isang katuwiran dahilan
upang paniwalaaan ang paninindigan ng manunulat.
Pansinin ang halimbawa sa kasunod na pahina upang lalong
maunawaan ang proseso ng paghahanay ng katuwiran.

11
Kaligiran ng Paksa: Ayon kay Sen. Pia S. Cayetano, hindi na dapat pang i-
dub sa wikang Filipino bagkos panatilihin ang pagkakagawa sa wikang
Ingles ng mga programang pambatang ipinapalabas sa mga broadcast
stations ng gobyerno upang maagang maihantad ang mga bata sa
pagkatuto ng Ingles na diumano isang lalong pangangailangan sa
pakikipagsabayan sa ―new normal.‖
Naaangkop lamang ba ang pananaw ng senadora o maituturing na
pagtatwa sa kakayahan ng sariling wika na luminang ng karunungan ng
mga mag-aaral sa bagong normal?

Katuwiran A (Sang-ayon) Katuwiran B (Salungat)


1. Paglalahad ng Paksa 1. Paglalahad ng Paksa
*Ingles ang wika ng globalisasyon *Ang pagsasalin ay isang mabisang
kaya nararapat lamang na sa paraan upang matamo ang
murang edad ay nililinang na ito. mithiing intelektuwalisasyon ng
Sa tulong ng mga pambatang wikang pambansa. Sa kasalukuyan,
palabas na gumagamit ng Ingles dubbing ang isa sa mga popular na
ay maagang makapagtatamo gawi upang maisa-Filipino ang mga
ng kasanayan sa naturang wika palabas na ginawa gamit ang
ang isang batang Filipino at banyagang wika tulad ng Ingles. Sa
kalaunan ay magagamit sa tulong ng bersiyon sa wikang Filipino
pakikiangkop sa patuloy na ay madaling nauunawaan ng
lumalawak na mundo ng wikang maraming batang Filipino ang isang
Ingles. palabas na dayuhan ang
nilalaman. Kaya, maituturing na
hindi pagkilala sa kakayahan ng
sariling wika ang pagpapahinto sa
pagda-dub ng mga pambatang
programa.
2. Katuwirang Sumusuporta, 2. Katuwirang Sumasalungat,
Ebidensiya, at Saligan Ebidensiya, at Saligan
*Ingles ang *Noong 1989 sa pag-aaral na
pinakamaimpluwensiyang wika isinagawa ng Ateneo de Manila
ng akademya at ng mundo ng University, napatunayang
kalakalan, at pangunahing malaganap na ang wikang
wikang sinasalita sa buong pambansa sa buong Filipinas
mundo. Ingles din ang sapagkat 92% sa mga impormant
nangungunang wika na ang nakauunawa ng Tagalog, 82%
ginagamit ng 53% (o 54% sa isang ang nakapagsasalita, 88% ang
pag-aaral noong 2019) ng mga nakababasa, at 81% ang
website at ng mga gumagamit nakasusulat. Sa survey naman ng
ng internet na tinatayang 949 Social Weather Station (SWS) noong
milyong katao 1993, natuklasan na 18% lamang ng
(https://medium.com/swlh/10- mga Filipino ang may ganap na
most-important-business- kahusayan sa paggamit ng wikang
languages-in-global-market- Ingles at karamihan pa sa kanila’y

12
17b49b7cf2d2). isinilang at lumaki sa America at
*Ayon sa direktor ng bumalik lamang dito sa Filipinas.
Government-Academe-Industry Pinatunayan din ng survey sa Filipino
Network, Inc. na si Rex Wallen Tan na isinagawa ng KWF noong 2014
(2020), manipulado ng internet na ang Filipino ay gámit bílang
ang kasalukuyang kalakaran sa lingua franca sa lahat ng dako ng
pagkatuto at maging sa Filipinas.
komersiyo. Ang mga natatanging *Konstitusyon 1987, Artikulo XIV,
institusyon sa buong mundo gaya Seksiyon 6 at 7
ng Harvard, Princeton, Coursera,
edX, pati na ang milyong
nagtuturo gamit ang Youtube ay
nagdudulot ng mga de-kalidad
na kagamitang pampagkatuto
nang libre online gamit ang
wikang Ingles.
3. Kongklusyon 3. Kongklusyon
*Ang mundo kahit noong bago *Matagal nang napatunayan sa
pa sumapit ang ―new normal‖ ay mga pag-aaral (hal. Ducker at
sadyang pinaghaharian na ng Tucher, 1997) ang kahalagahan ng
wikang Ingles. Kaya, mahalaga paggamit ng wikang nauunawaan
itong katutuhan upang hindi ng mga mag-aaral sa instruksiyon
tuluyang mapag-iwanan at upang matiyak ang ganap na
magsilbing tulay sa inaasam na pagkatuto, at kailanman ay hindi ito
kaunlaran. mababali ng anumang sistema sa
―new normal.‖

Aralin Paksa ng Posisyong Papel at Pananaliksik


2 ng mga Kaugnay na Impormasyon
Paksa ng Posisyong Papel
May dalawang posibleng paraan kung paano nabubuo ang paksa sa
posisyong papel. Una, puwedeng reaksiyon ito sa isang mainit na usaping
kasalukuyang pinagtatalunan. Pangalawa, puwedeng tugon lamang ito sa
isang suliraning panlipunan.
Sa una, karaniwang ang posisyong papel ay binubuo para sumangkot
sa isang napapanahong usapin na pinagtatalunan. Halimbawa, legalisasyon
ng marijuana. Noon, hindi sumagi sa isip ng marami na gawing legal ang
paggamit nito. Ngunit nang matuklasan ang medikal na benepisyo ng
marijuana, nagkaroon ng dalawang makatuwirang panig sa isyu. Sa isang
panig, naroon ang mga magulang at simbahan na di-pabor sa legalisasyon
ng paggamit ng marijuana. Sa kabilang banda naman, naroon din ang mga
magulang ng mga may malubhang karamdaman at ilang doktor na pabor

13
sa legalisasyon. Maaring sumulat ng posisyong papel para suporthan ang
alinman sa dalawang panig at sumangkot sa debate tungkol sa usapin.
Sa pangalawa, maari din namang bumuo ng posisyong papel bunsod
ng isang napansing problema sa kagyat na kapaligiran o lipunan.
Halimbawa, ang pagbabalik ng death penalty. Maaaring hindi naman ito
mainit na pinagtatalunan, pero kung may nakapansin na lumalala na
naman ang krimen sa lipunan, maaaring pasiglahin ang pagtatalo hinggil sa
pagbuhay sa parusang kamatayan. Hindi man ito talaga pinagtatalunan sa
kasalukuyan, maaari pa ring bumuo ng posisyong papel para lamang
ipaliwanag ang magkasalungat na posisyon tungkol sa death penalty,
gayundin ang posisyon ng may-akda tungkol dito.

Pananaliksik ng mga Kaugnay na Impormasyon ng Paksa


Mahalaga ang pananaliksik upang magawang himayin at pag-
ugnayin ang mga nasasangkot na kaisipan at impormasyon sa paksa ng
binubuong posisyong papel.

1. Gumawa ng panimulang saliksik. Matapos matiyak ang paksa, gumawa


ng panimulang saliksik. Lalo na kung napapanahon ang isyu, maaaring
magbasa-basa ng diyaryo o magtanong-tanong ng opinyon sa mga
taong may awtoridad sa paksa para mapalalim ang pagkakaunawa sa
usapin. Sikaping maging bukas muna ang isip para makabuo ng matalino
at makatuwrirang posisyon. Iwasan munang kumiling sa isang panig na
maaaring humadlang para makita ang iba’t ibang pananaw sa usapin.

2. Gumawa ng mas malalim na saliksik. Matapos matiyak ang sariling


paninindigan sa isyu, maaaring magsagawa ng mas malawak at
malalimang saliksik tungkol sa usapin. Sa yugtong ito, maaaring
pagtuonan na ang mga katuwiran para sa panig na napiling panindigan.
Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong journal. Maaaring
makipanayam sa mga taong may awtoridad sa paksang pinagtatalunan.
Mahalaga ring gumamit ng mga ulat ng ahensiya ng pamahalaan, NGO
o Non-Government Organization, pribadong organisasyon, pahayagan,
at magasin upang makapagtampok ng napapanahong datos o
impormasyon.

Pansinin ang talaan ng reaktor sa kasunod na pahina upang


magabayan sa pagpili ng paksang paninindigan sa posisyong papel at
maging sa pagtukoy sa mga kaugnay nitong impormasyon na sasaliksikin
kalaunan.

14
TALAAN NG REAKTOR

Kaligiran ng Paksa: Ayon kay Sen. Pia S. Cayetano, hindi na dapat pang i-
dub sa wikang Filipino bagkos panatilihin ang pagkakagawa sa wikang
Ingles ng mga programang pambatang ipinapalabas sa mga broadcast
stations ng gobyerno upang maagang maihantad ang mga bata sa
pagkatuto ng Ingles na diumano isang lalong pangangailangan sa
pakikipagsabayan sa ―new normal.‖
Naaangkop lamang ba ang pananaw ng senadora o maituturing na
pagtatwa sa kakayahan ng sariling wika na luminang ng karunungan ng
mga mag-aaral sa bagong normal?

Pananaw at/o Kabatiran A Pananaw at/o Kabatiran B


(Sang-ayon) (Salungat)

Naaangkop lamang ang pananaw Maituturing na pagtatwa sa


ni Senadora Cayetano sapagkat kakayahan ng sariling wika na
wika ng daigdig ang Ingles. Ito ang luminang ng karunungan ang naging
pangunahing midyum sa mga pahayag ni Senadora Cayetano.
pormal na transaksiyon lalo sa Pahihinain nito ang kapangyarihan ng
edukasyon at negosyo. wikang pambansa sapagkat
mababawasan ang iilang ganapan o
venue ng intelektuwalisasyon ng
wikang Filipino.

Napiling Panig at Dahilan ng Pagkakapili: Napili kong salungatin ang


pananaw ni Senadora Cayetano sapagkat taliwas din ito sa prinsipyo ng
pahagdang pagkatuto partikular ng wika ng isang lumalaking batang Filipino.
Una munang dapat katutuhan ang unang wika na karaniwa’y katutubo bago
pa man ang wikang banyaga. Isa pa, tuluyan na ngang inalis sa general
education curriculum sa mga kolehiyo ang mga asignaturang Filipino, ano’t
tatangkain pang ipahinto ang ―dubbing‖ na isang maliit na aktibong venue
kung saan nalilinang ang wikang pambansa?

Mga Kaugnay na Paksa Target Pagkunan ng Impormasyon


1. Lawak ng Gamit ng Wikang 1. Pag-aaral na isinagawa ng
Pambansa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
at iba pang akademikong
institusyon
2. Implementasyon ng Mother 2. Kautusang Pangkagawaran
Tongue-Based Multilingual (DepEd Order) Blg. 12, s. 2012
Education (MTB-MLE)

15
Aralin Pagsulat ng Posisyong Papel
3

Matapos mong ihanay ang mga katuwiran, makapili ng paninindigang


paksa, at makapanaliksik ng mga kaugnay na impomasyon na magsisilbing
patunay ay maaari mo na ngayong buoin ang posisyong papel. Maaari din
munang pagtapat-tapatin ang bawat katuwiran at kontra katuwiran para
makita kung alin ang walang katapat o hindi pa nasasagot. Tandaan na
hindi ito pahabaan ng listahan ng katuwiran. Kailangan pa ring timbangin
ang bigat at halaga ng bawat isa.

1. Bumuo ng balangkas. Matapos matipon ang mga datos, gumawa ng


balangkas para matiyak ang direksiyon ng pagsulat ng posisyong papel.
Maaaring gamiting gabay ang sumusunod:

I. Introduksiyon o Panimula. Ipakilala ang paksa. Dito rin ipaliwanag


ang konteksto ng usapin. Maaari na ring banggitin dito ang
pangkalahatang paninindigan sa usapin.
II. Mga Katuwiran sa Kabilang Panig. Isa-isang ihanay rito ang mga
katuwiran ng kabilang panig. Ipaliwanag nang bahagya ang bawat
katuwiran. Banggitin din ang sanggunian o pinagkunan ng katuwirang
ito—mga dokumento, memorandum, interbiyu, at iba pa.
III. Mga Sariling Katuwiran. Isa-isang ihanay rito ang sariling mga
katuwiran. Sikaping may katapat na katuwiran ang bawat isa sa
kabilang panig. Bukod dito, maaari ding magbigay ng iba pang
katuwiran kahit wala itong katapat. Sa gayon, maipapakita ang
kalamangan ng sariling paninindigan.
IV. Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran. Dito maaaring palawigin
ang paliwanag sa sariling mga katuwiran. Maaaring magbigay dito
ng karagdagang ebidensiya para lalong maging kapani-paniwala
ang sariling mga katuwiran.
V. Huling Paliwanag Kung Bakit ang Napiling Katuwiran ang Dapat.
Lagumin dito ang mga katuwiran. Ipaliwanag kung bakit ang sariling
paninindigan ang pinakamabuti at pinakakarapat-dapat.
VI. Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o Pagkilos. Sa isa o
dalawang pangungusap na madaling tandaan, muling ipahayag
ang paninindigan. Sikaping gawing maikli, at madaling tandaan ang
mga huling pahayag na ito. Maaari ding dito sabihin ang mungkahing
pagkilos na hinihikayat sa babasa ng posisyong papel.

(Isang halimbawang hulwaran lang ito. Maaaring subukan ang iba


pang paraan ng pagsasaayos ng posisyong papel.)

16
Pansinin ang isang halimbawa sa ibaba upang lalong maunawaan
ang pagbuo ng balangkas ng posisyong papel.

I. Introduksiyon o Panimula: Ang pagsasalin ay isang mabisang paraan


upang matamo ang mithiing intelektuwalisasyon ng wikang pambansa.
Sa kasalukuyan, dubbing ang isa sa mga popular na gawi upang
maisa-Filipino ang mga palabas na ginawa gamit ang banyagang wika
tulad ng Ingles. Sa tulong ng bersiyon sa wikang Filipino ay madaling
nauunawaan ng maraming batang Filipino ang isang palabas na
dayuhan ang nilalaman. Kaya, maituturing na hindi pagkilala sa
kakayahan ng sariling wika ang mungkahi ni Sen. Pia S. Cayetano na
ihinto ang pagda-dub sa Filipino ng mga pambatang programa sa
broadcast stations ng gobyerno.
II. Mga Katuwiran sa Kabilang Panig: Ingles ang wika ng globalisasyon
at isa ito sa mga wikang opisyal ng bansa kaya dapat itong malinang
sa bawat Filipino lalo pa’t ito ang pinakamaimpluwensiyang wika ng
akademya at ng mundo ng kalakalan, at pangunahing wikang
sinasalita sa buong mundo. Ingles din ang nangungunang wika na
ginagamit ng 53% (o 54% sa isang pag-aaral noong 2019) ng mga
website at ng mga gumagamit ng internet na tinatayang 949 milyong
katao (https://medium.com/swlh/10-most-important-business-
languages-in-global-market-17b49b7cf2d2).
III. Mga Sariling Katuwiran:
A. Sang-ayon sa mga polisiya ng Mother Tongue-Based Multilingual
Education (MTB-MLE), may tamang panahon kung kailan dapat
matutuhan ng isang bata ang pangalawang wika na gaya ng Ingles, at
ito ay sa sandaling malaliman at mapino na ng mag-aaral ang
pagkatuto at paggamit sa una o katutubo nitong wika sa K-3. Kaya,
ano’t ipapapanood sa isang bata ang isang edukasyonal na
programang Ingles na hindi pa niya nauunawaan, maliban na lamang
kung ito ang kaniyang kinagisnang wika subalit…
B. Sa isinagawang survey ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
noong 2014 ay natuklasan na Filipino ang gamit na lingua franca sa
lahat ng dako ng Filipinas. Pinagtibay lamang ng resultang ito ang
nauna nang survey ng Social Weather Station (SWS) noong 1993 kung
saan lumabas na 18% lamang ng mga Filipino ang may ganap na
kahusayan sa paggamit ng wikang Ingles at karamihan sa kanila ay
lumaki sa America at bumalik lamang sa Filipinas. Gayundin, sa pag-
aaral ng Ateneo de Manila University noong 1989, napatunayang
malaganap ang wikang pambansa sa buong Filipinas. Patunay lamang
ang mga binanggit na pag-aaral sa katuparan ng itinatadhana ng
Konstitusyon 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6 kung saan kailangang patuloy
na linangin, payabungin, at pagyamanin ang wikang pambansa
sapagkat…
C. Sang-ayon sa nasasaad sa Seksiyon 7 ay wikang opisyal at wikang
panturo din ang Filipino tulad ng wikang Ingles.

17
IV. Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran:Sa daang-milyong Filipino
kung saan karamihan ay kabataan at mula sa ordinaryong pamilya,
wikang Filipino ang higit nilang nauunawaan at hindi Ingles. Kaya, sa
sandaling ihinto ang dubbing sa Filipino at tuwirang ihantad ang
mga batang mag-aaral sa materyal o panooring Ingles ay tiyak na
wala rin itong magiging kabuluhan sapagkat hindi mauunawaan
kaya hindi kapupulutan ng anumang aral. Isa itong pangyayari na
matagal nang napatunayan sa pag-aaral ng mga iskolar na tulad ni
Pinnock (2009) kung saan ang mga mag-aaral na naturuan sa
wikang hindi nila unang wika ay nakaranas ng mas maraming bilang
ng dropout o paghinto sa pag-aaral o kaya’y pag-ulit sa antas. Kaya
sa kaso ng home-based learning, online learning, at/o blended
learning, posibleng hindi pansinin at paglaanan ng panahon ng mga
bata ang mga materyal na Ingles lalo’t ang kanilang mga magulang
na inaasahang lalong gagabay sa kanila sa ―new normal schooling‖
ay mas sanay din sa paggamit ng wikang Filipino.
V. Huling Paliwanag kung Bakit ang Napiling Katuwiran ang Dapat:
Nararapat na ipagpatuloy ang pagsasalin sa Filipino gaya ng
ginagawang dubbing ng mga materyal na gawa sa wikang
banyaga dahil mahalaga itong salik sa kultibasyon ng isang wika at
pag-unlad ng isang bansa. Ang mabilis na pag-angat ng Arabia,
halimbawa, noong ikalawa hanggang ikasiyam na siglo mula sa
kamangmangan ay dulot ng mga pagsasalin na isinagawa mula sa
wikang Griego na noon ay siyang prinsipal na daluyan ng iba’t ibang
karunungan (Santiago, 2003:2). Higit pa, ito ang pinakamakatutugon
sa pangangailangang matuto ng mga esensiyal na kasanayan ng
mga batang mag-aaral, at tiyak itong magiging mabisa sapagkat
ang midyum sa pagbabahagi ng karunungan sa ―new normal‖ ay
kanilang nauunawaan.
VI. Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o Pagkilos: Panahon
na upang wakasan ang maliit na pagtingin ng sinuman lalo ng mga
opisyal ng gobyerno sa sariling wika at kumikiling sa wikang banyaga.
Kung hindi man makatuwang sa pagsusulong ng intelektuwalisasyon
ng wikang pambansa ay huwag na sanang dumagdag pa sa mga
balakid at paggawa ng mga salungat na hakbang. Huwag nang
muli pang tangkaing limitahan o pahinain ang impluwensiya ng
wikang pambansa sa balak na pagpapahinto sa isa na namang
aktibong ganapan ng intelektuwalisasyon nito, ang dubbing na
nagsisilbi ring kabuhayan ng marami nating talentadong kababayan
sa entertainment industry. Hindi na sana masundan pa ang noo’y
tahasang pag-alipusta sa malaking ganapan ng paglilinang sa
wikang pambansa at pambansang pagkakakilanlan na iginupo ng
CHED Memo No. 20, seryeng 2013 nang katigan ito ng Korte Suprema
noong Marso 5, 2019 at siyang tuluyang nagtanggal sa mga
asignaturang Filipino at Panitikan sa general education curriculum ng
mga kolehiyo at unibersidad, isang pangayayari na kumitil din sa
kabuhayan ng maraming instruktor at propesor. Mangyaring isulong
na ang pagpasa sa House Bill No. 3909 o ang Komisyon sa Wikang
Filipino Act na inaasahang pupuno sa kakulangan ng R.A. 7104 at ng
non-self executory na tadhanang pangwika sa 1987 Konstitusyon.

18
2. Sulatin ang Posisyong Papel. Kung may malinaw na balangkas, madali
nang maisulat ang posisyong papel. Kailangang buo ang tiwala sa
paninindigan at mga katuwiran. Kailangan maiparamdam at
maipahiwatig sa mambabasa na kapani-paniwala ang mga sinasabi sa
posisyong papel. Ipakita ang kaalaman at awtoridad sa usapin.
Patunayan na ang sariling paninindigan ang siyang tama at nararapat.
Alalahanin din na mahalaga sa akademikong sulating tulad ng
posisyong papel ang paggamit ng mga salitang pantransisyon o mga
pang-ugnay na magbibigkis at bubuo sa diwa ng mga kaisipan.
Nasa ibaba ang mga pangatnig na karaniwang gamit sa pagbuo ng
sulatin.

PANG-UGNAY NA PANGATNIG. Ito ang mga kataga o salitang gamit


sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, parirala sa kapwa parirala,
at sugnay sa kapwa sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap.

Halimbawa:
Salita sa kapwa salita: tahimik pero matalino
Parirala sa kapwa parila: mabangong bulaklak at matamis na
tsokolate
Sugnay sa kapwa Sugnay: Matumal ang bentahan ng karne ng
baboy ngayon dahil sa isyu sa African
Swine Fever (ASF).
Mga Uri ng Pangatnig

1. Pandagdag. Nagsasaad ng diwa ng pagpupuno o pagdaragdag


ng impormasyon.
(at, saka, at saka, ni, o, man, pati)

Halimbawa: Nawili siyang magsugal saka lamang niya naisip na


wala silang maisaing.

2. Pagbibigay-eksepsiyon. Nagsasaad ng pagbubukod o


paghihiwalay.
(maliban sa, puwera, huwag lang, kundi lang, bukod sa, lamang)

Halimbawa: Gawa na sana ang maputik na daan sa barangay


namin ngayon kundi lang ibinulsa ang pondo para dito.

3. Pagbibigay-sanhi. Pinag-uugnay ng pangatnig ang grupo ng mga


salita upang magbigay-katwiran at magsabi ng kadahilanan.
(dahil, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kasi, kaya, mangyari)

Halimbawa: Kusa nang pinapatay ng ilang residente sa Bulacan


ang kanilang mga alagang baboy sapagkat ayaw nilang lalo pang
lumala ang kaso ng Afican Swine Fever (ASF) doon.

19
4. Paglalahad ng bunga o resulta. Nagsasaad ng kinalabasan o
kinahinatnan.
(kaya, tuloy, bunga)

Halimbawa: Hilig niya ang pagpapaliban sa paggawa ng mga


dapat gawin tuloy natambakan siya ng proyektong tatapusin lalo’t
patapos na ang semestre.

5. Pagbibigay-layunin. Nagsasaad ng hangarin o naisin.


(ganoon/gayon, mang, upang, para)

Halimbawa: Pagkakaroon ng magandang pag-uugali, pulidong


kasanayan, at matalas na pag-iisip ang kailangan upang
matanggap sa anumang papasukang trabaho.

6. Pagbibigay-kondisyon. Nagsasaad ng kondisyon, panubali o


posibilidad.
(kapag, kung, sakaling, sandaling, basta)

Halimbawa: Sakaling hindi maging tayo, magpapasalamat pa rin


ako at pinagtagpo tayo.

7. Pasalungat. Nagsasaad ng pag-iiba, pagkontra o pagtutol.


(pero, ngunit, sa halip, datapwat, bagaman, samantala)

Halimbawa: Magaling umawit si Sarah Geronimo ngunit higit na


kilala si Lea Salonga sa buong mundo sa larangan ng pag-awit.

8. Pagbibigay-kongklusyon. Nagsasaad ng panghuling pananaw o


opinyon.
(samakatuwid, kung kaya, kaya, kung gayon, anupa’t)

Halimbawa: Hindi dumaan sa legal na proseso ang pagpapasara


sa lahat ng paaralan ng mga katutubong Lumad sa Mindanao
kaya maituturing ito na paglabag sa karapatang makapag-aral
salig sa ating konstitusyon

9. Pagpapatotoo. Nagsasaad ng pagpapatunay.


(sa totoo lang, sa katunayan)

Halimbawa: Sa katunayan, bumaba na ang antas ng kahirapan sa


Bayambang mula ng ilunsad noong Agosto 2017 ng kasalukuyan
nating alkalde ang Rebolusyon Laban sa kahirapan.

Ngayon, maaari mo nang basahin ang halimbawang posisyong papel


sa kasunod na pahina upang maging ganap ang pagkatuto sa pagsulat
ng akademikong sulating ito.

20
Pagsalungat sa Panukalang Ihinto ang Dubbing sa Filipino ng mga
Pambatang Programang Ingles sa Broadcast Stations ng Pamahalaan
(Hunyo 12, 2020)

1) Ang pagsasalin ay isang mabisang paraan upang matamo ang


mithiing intelektuwalisasyon ng wikang pambansa. Sa kasalukuyan,
dubbing ang isa sa mga popular na gawi upang ang mga palabas na
orihinal sa wikang banyaga tulad ng Ingles ay magkarooon ng bersiyong
Filipino. Sa tulong nito ay madaling nauunawaan ng maraming batang
Filipino ang isang palabas na dayuhan ang nilalaman. Kaya, maituturing
na hindi pagkilala sa kakayahan ng sariling wika ang naging mungkahi ni
Sen. Pia S. Cayetano na ihinto ang pagda-dub sa Filipino ng mga
pambatang programang Ingles sa broadcast stations ng gobyerno.
2) Oo, Ingles ang wika ng globalisasyon at isa ito sa mga wikang opisyal
ng bansa kaya dapat itong malinang sa bawat Filipino lalo pa’t ito ang
pinakamaimpluwensiyang wika ng akademya at ng mundo ng kalakalan,
at pangunahing wikang sinasalita sa buong mundo. Ingles din ang
nangungunang wika na ginagamit ng 53% (o 54% sa isang pag-aaral
noong 2019) ng mga website at ng mga gumagamit ng internet na
tinatayang 949 milyong katao (https://medium.com/swlh/10-most-
important-business-languages-in-global-market-17b49b7cf2d2). Subalit,
hindi Ingles ang pangunahing wikang ginagamit at nauunawaan ng
mayorya ng mga mamamayang Filipino kundi ang wikang katutubo at/o
wikang pambansa. Kaya naman malayong katutuhan sa ngayon ng isang
bata ang mga materyal na Ingles na idudulot sa kaniya lalo’t sa kanilang
tahanan muna siya solong mag-aaral kaagapay ang magulang sa ilalim
ng ―new normal education.‖
3) Sang-ayon naman sa mga polisiya ng Mother Tongue-Based
Multilingual Education (MTB-MLE), may tamang panahon kung kailan dapat
matutuhan o lubusang malinang ng isang bata ang pangalawang wika na
gaya ng Ingles. Ito ay sa sandaling malaliman at mapino na ng mag-aaral
ang pagkatuto at paggamit sa una o katutubo nitong wika sa K-3. Kaya,
ano’t ipapapanood sa isang bata ang isang edukasyonal na programang
Ingles na hindi pa niya nauunawaan, maliban na lamang kung ito ang
kaniyang kinagisnang wika. Subalit, sa isinagawang survey ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) noong 2014 ay natuklasan na Filipino ang gamit na
lingua franca sa lahat ng dako ng Filipinas. Pinagtibay lamang ng resultang
ito ang nauna nang survey ng Social Weather Station (SWS) noong 1993
kung saan lumabas na 18% lamang ng mga Filipino ang may ganap na
kahusayan sa paggamit ng wikang Ingles at karamihan sa kanila ay lumaki
sa America at bumalik lamang sa Filipinas. Gayundin, sa pag-aaral ng
Ateneo de Manila University noong 1989, napatunayang malaganap ang
wikang pambansa sa buong Filipinas.
4) Patunay lamang ang mga inilahad na pag-aaral sa katuparan ng
itinatadhana ng Konstitusyon 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 6 kung saan
kailangang patuloy na linangin, payabungin, at pagyamanin ang wikang
pambansa lalo sa sistema ng lipunang Filipino sapagkat sang-ayon sa
nasasaad sa Seksiyon 7 ay wikang opisyal at wikang panturo din ang
Filipino tulad ng wikang Ingles.
21
5) Malinaw na sa daang-milyong Filipino kung saan karamihan ay
kabataan at mula sa ordinaryong pamilya, wikang Filipino ang higit nilang
nauunawaan at hindi Ingles. Kaya, sa sandaling ihinto ang dubbing sa
Filipino at tuwirang ihantad ang mga batang mag-aaral sa materyal o
panooring Ingles ay tiyak na wala rin itong magiging kabuluhan sapagkat
hindi mauunawaan ang nilalaman kaya hindi kapupulutan ng anumang
aral o kasanayan lalo’t makukulong lamang sila sa ―parroting system‖ o
panggagaya sa mga tunog at kilos na hindi batid ang kahulugan.
Mailalapit ang posibilidad na ito sa matagal nang napatunayan sa pag-
aaral ng mga iskolar na tulad ni Pinnock (2009) kung saan ang mga mag-
aaral na naturuan sa wikang hindi nila unang wika ay nakaranas ng mas
maraming bilang ng dropout o paghinto sa pag-aaral, o kaya’y pag-ulit sa
antas. Kaya sa kaso ng home-based, online, at/o blended learning,
maaaring hindi pansinin at paglaanan ng panahon ng mga bata ang mga
materyal na Ingles lalo’t ang kanilang mga magulang na inaasahang
lalong gagabay sa kanila sa ―new normal schooling‖ ay mas sanay din sa
paggamit ng wikang Filipino o kinamihasnang wika.
6) Sa gayon, nararapat na ipagpatuloy ang pagsasalin sa Filipino gaya
ng ginagawang dubbing ng mga materyal na gawa sa wikang banyaga
dahil mahalaga itong salik sa kultibasyon ng isang wika, mabisang
pagkatuto ng indibidwal, at pag-unlad ng isang bansa. Ang mabilis na
pag-angat ng Arabia, halimbawa, noong ikalawa hanggang ikasiyam na
siglo mula sa kamangmangan ay dulot ng mga pagsasalin na isinagawa
mula sa wikang Griego na noon ay siyang prinsipal na daluyan ng iba’t
ibang karunungan (Santiago, 2003:2). Higit pa, pagsasalin ang
pinakamakatutugon sa pangangailangang matuto ng mga esensiyal na
kasanayan ng mga mag-aaral sa panahon ng borderless education kung
saan bukás na tinatangkilik ang makabuluhang banyagang impluwensiya.
Tiyak na magiging mabisa ang mga saling-materyal gaya na lamang ng
mga programang pantelebisyong ―Amazing Earth‖ at ―I Bilib‖ kung saan
dubbed sa wikang pambansa ang mga bagong tuklas sa siyensiya na
orihinal na tinalakay sa wikang Ingles. Kinatututuhan ng mga bata ang
mga saling-materyal sa Filipino sapagkat ang midyum sa pagbabahagi ng
karunungan ay isang nauunawaan na siyang dapat ipaganap sa bagong
normal na gawi ng pag-aaral.
7) Hindi lamang simpleng usapin ang panukalang pagpapahinto ng
dubbing sa Filipino sapagkat pahiwatig ito ng isang mababang pagtingin
sa sariling wika o sa mismong wikang pambansa, at pagdududa sa
kakayahan nitong dumukal ng karunungan na kayang makipagsabayan
sa mundong manipulado ng Ingles.
8) Panahon na upang wakasan ang maliit na pagtingin ng sinuman lalo
na ng mga opisyal ng gobyerno sa sariling wika at kumikiling sa wikang
banyaga. Kung hindi man makatuwang sa pagsusulong ng
intelektuwalisasyon ng wikang pambansa ay huwag na sanang
dumagdag pa sa mga balakid at paggawa ng mga salungat na hakbang.
Huwag nang muli pang tangkaing limitahan o pahinain ang impluwensiya
ng wikang pambansa sa balak na pagpapahinto sa isa na namang
aktibong ganapan ng intelektuwalisasyon nito, ang dubbing na nagsisilbi
ring kabuhayan ng marami nating talentadong kababayan sa

22
entertainment industry. Hindi na sana masundan pa ang noo’y tahasang
pag-alipusta sa malaking ganapan ng paglilinang sa wikang pambansa at
pambansang pagkakakilanlan na iginupo ng CHED Memo No. 20, seryeng
2013 nang katigan ito ng Korte Suprema noong Marso 5, 2019 at siyang
tuluyang nagtanggal sa mga asignaturang Filipino at Panitikan sa general
education curriculum ng mga kolehiyo at unibersidad, isang pangayayari
na kumitil din sa kabuhayan ng maraming instruktor at propesor.
Mangyaring isulong na ang pagpasa sa House Bill No. 3909 o ang Komisyon
sa Wikang Filipino Act na inaasahang pupuno sa kakulangan ng R.A. 7104
at ng non-self executory na tadhanang pangwika sa 1987 Konstitusyon,
upang mailunsad na ang Kawanihan ng Salin na lalong magpapasigla sa
wikang Filipino at lahat ng mga kaugnay na larangan gaya dubbing.

Aralin Pagbabahagi ng Posisyong Papel


4

Alam Mo Ba?: Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito
maibabahagi sa publiko. Maaaring magparami ng kopya at ipamigay ito sa
komunidad, ipaskil sa mga lugar na mababasa ng mga tao, ipalathala sa
pahayagan, magpaabot ng kopya sa mga estasyon ng telebisyon, radyo, at
iba pang daluyan. Maaari ding gamitin ang social media upang maabot
ang mas maraming mambabasá.
Bago ibahagi ang isang posisyong papel, makabubuti kung tayain
muna ito gamit ang eskala na nasa ibaba at bigyan ng karampatang puntos
ang bawat bahagi upang matiyak na kalidad ang akademikong sulatin.
3 – Nakatutupad; 2 – Bahagyang Nakatutupad; o 1 – Hindi Nakatutupad

_____Masinop at mabisang nailalahad ang:


_____Introduksiyon o Panimula;
_____Mga Katuwiran ng Kabilang Panig;
_____Mga Sariling Katuwiran;
_____Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran;
_____Huling Paliwanag Kung Bakit ang Napiling
Katuwiran ang Dapat; at
_____Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o
Mungkahing Pagkilos.
_____Wasto ang pagkakagamit sa mga salitang pantransisyon
upang mapag-ugnay-ugnay ang mga kaisipang inilalahad.
_____Masinop ang sitasyon o pagkilala sa mga pinagkunan ng
impormasyon.
_____Kapani-paniwala ang kabuoang sulatin sapagkat
Naghaharap ng mga ebidensiya.
_____Nagtataglay ang posisyong papel ng maimpluwensiyang
bagong kaisipan.
Mungkahi: _________________________________________________

23
Sa pagbabahagi ng posisyong papel, isaalang-alang ang
pamantayan na nasa ibaba.

5 4 3 2 1
Malawakang Naibabahagi Naibabahagi Naibabahagi Hindi
naibabahagi sa mga sa limang sa tatlong naibabahagi
ang isang kamag-aral kamag-aral, kamag-aral, sa iba ang
masinop at sa silid-aralan kabilang na kabilang na balangkas ng
kapani- ang isang ang kritik, ang kritik, posisyong
paniwalang masinop at ang isang ang papel.
posisyong kapani- masinop at balangkas
papel. paniwalang kapani- lamang ng
posisyong paniwalang posisyong
papel. posisyong papel.
papel.

Matapat at Kinikilala ang Kinikilala ang Hindi Hindi kinikilala


masinop ang mga mga masinop ang ang mga
sitasyon sa pinagkunan pinagkunan sitasyon sa pinagkunan
lahat ng ng ng mga ng
pinagkunan impormasyon impormasyon pinagkunan impormasyon
ng sa sa ng .
impormasyo paglalahad paglalahad impormasyon
n sa ng mga pansuportan .
kabuoang pansuportan g katuwiran
posisyong g katuwiran sa sariling
papel. sa parehong panig
panig. lamang.

Pagyamanin

A. PAGHAHANAY NG KATUWIRAN. Balangkasin ang magkaibang katuwiran


tungkol sa isang paksa.

Kaligiran ng Paksa: Sa pag-aaral nina Espada et al. (2017), natuklasan na


hiráp unawain ng mga mag-aaral ang mga konsepto sa mga
asignaturang itinuturo gamit ang mother tongue o unang wika at hiráp
din ang mga mag-aaral sa pagbigkas at paggamit sa mga “luma”
umanong salita. Sa gayong pangyayari, nararapat pa bang magpatuloy
ang implementasyon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education
(MTB-MLE) sa buong bansa?

24
Katuwiran A Katuwiran B
1. Paglalahad ng Paksa 1. Paglalahad ng Paksa
2. Katuwirang Sumusuporta, 2. Katuwirang Sumasalungat,
Ebidensiya, at Saligan Ebidensiya, at Saligan
3. Kongklusyon 3. Kongklusyon

B. PAGSUSURI NG KATUWIRAN: Suriin ang tekstong argumentatibo na nasa


loob ng kahon. Sipiin ang hanap na pangungusap o talata sang-ayon sa
kinauukulang bahagi o elemento na nasa kasunod na pahina.

Ituloy ang K to 12

NGAYON mag-uulat sa sambayanan si President Aquino.


Idedetalye niya sa kanyang ikalimang sona ang mga nagawa ng
kanyang administrasyon. Isa sa maaaring ireport niya ay ang tungkol sa K
to 12 at marami ang nagsasabi na dapat ituloy-tuloy ito at paglaanan pa
ng pondo sapagkat nakikita ang magandang kahihinatnan ng mga
kabataan. May magandang makakamtan sa programang ito.
Hindi naman dapat pakinggan ang panukala ni Sen. Antonio
Trillanes IV na dapat suspendehin ang K to 12. Ayon sa senador, dapat
suspendehin ang programa sapagkat maraming problemang
kinakaharap. Hindi raw ito uubra sapagkat hindi handa ang pamahalaan
sa programang ito. Unahin daw muna ang mga pangunahing problema
sa sektor ng edukasyon bago itong K to 12. Ilan sa mga binanggit ni
Trillanes ay ang problema sa kakapusan ng mga classroom, kakulangan
sa mga guro, at ang mababang sahod ng mga guro. Sabin i Trillanes,
nagkaroon daw ng siya ng konsultasyon sa mga nagpanukala ng K to 12
program at nakita niyang walang kahandaan dito ang kasalukuyang
pamahalaan. Kaya ang suhestiyon niya ay suspendehin habang maaga
pa ang programa at pagtuonan muna ang mga problema ng education
sector. Malaking problema rin aniya ang kahaharaping retrenchment ng
85,000 college professors at employees sa 2016 kapag hindi sinuspende
ang K to 12.
Bakit ngayon lang nagsalita si Trillanes? Kung kalian nakaporma na
at naikasa na saka naman niya sasansalain ang K to 12. Kung talagang
may pagmamalasakit ang senador sa sektor ng edukasyon, dapat noon
pa siya nagpanukala na resolbahin ang kakulangan sa classrooms at
guro. Dapat noon pa siya nagpakita ng pagtutol dito.
Sa ilalim ng K to 12, ang mga estudyante ay nararapat dumaan sa
kindergarten, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high
school, at dalawang taon sa senior high school. Magkakaroon ng
kasanayan ang mga estudyante sa sistemang ito. Handang-handa na
sila. Huwag ipagpaliban ang programang ito.

Pinagkunan: http://www.philstar.com:8080/punto-mo/2014/07/28/1351116/editoryal-
ituloy-ang-k-12

25
PAGSUSURI NG KATUWIRAN

1. Paksa: ________
2. Paraan ng Paglalahad ng Paksa
(Lagyan ng tsek ang ginamit na pamamaraan)

___Paunang Pagsusuri ___Pag-uugnay sa


Kasalukuyang Pangyayari
___Depinisyon ___Enumerasyon ___Iba pa: ________
Sipìng Patunay: _______________
3. Katuwiran
a. Sumusuporta: ____________
Ebidensiya: ______________
Saligan: _________________
at/o
b. Sumasalungat: ___________
Ebidensiya: ______________
Saligan: _________________
4. Sipìng Kongklusyon: _________
5. Sipìng Implikasyon: __________

C. TALAAN NG REAKTOR: Ilahad ang magkasalungat na papanaw at/o


kabatiran tungkol sa legalisasyon ng marijuana sa Filipinas. Tukuyin ang
panig na tatalakayin sa posisyong papel at ang pangunahing dahilan sa
pagpili ng naturang panig. Ilista rin ang mga kaugnay na impormasyong
sasaliksikin.

Pananaw at/o Kabatiran A Pananaw at/o Kabatiran B


(Positibo) (Negatibo)

Napiling Panig at Dahilan ng Pagkakapili:


__________________________________
Mga Kaugnay na Paksa Target Pagkunan ng Impormasyon

D. PAGKRITIK NG PAKSA NG ISANG POSISYONG PAPEL: Suriin ang teksto na


nasa loob ng kahon. Sipiin ang hanap na pangungusap o talata sang-
ayon sa kinauukulang bahagi o elemento na nasa kasunod na pahina.

26
Paggamit ng mga Hayop sa Pananaliksik ng Makabagong Gamot

Ang paggamit ng hayop upang subukan ang mga bagong gamut ay


lubos na nakatulong sa modernisasyon ng gamut. Mangilan-ngilan na
lamang ang nagkakararoon ng polio ngayon dahil sa bakunang sinubukan
sa mga hayop. Ang pagsulong ng antibiotics, insulin, at iba pang gamut ay
naisakatuparan sa tulong ng mga pananaliksik gamit ang mga hayop . Sa
kabila ng maraming kabutihang naidulot ng paggamit ng hayop sa mga
ganitong klaseng pananaliksik, marami pa ring naniniwala na hindi tama ang
paggamit sa mga ito.
Kung iisipin natin, hindi hamak na matipid ang paggamit sa mga
hayop sa mga eksperimento upang makatuklas ng mga tamang gamut sa
mga sakit. Maraming laboratoryo ang gumagamit ng daga upang sa kanila
subukan ang mga tinutuklas na gamut. Hindi rin ganoon kamahal ang
magparami ng daga upang magamit sa kanilang pananaliksik. Ngunit
marami ang pumipigil sa ganitong gawain dahil hindi raw ito makatarungan
para sa mga hayop. Sila raw ay mga nilalang na may buhay na dapat
igalang, isa raw itong pagmamalupit sa mga hayop. Subalit hindi ba hamak
na mas malupit kung ang gagamitin sa pananaliksik ay mga bata? At hindi
ba’t isang kalupitan din kung hahayaan nating mamatay na lamang ang
maraming tao dahil hindi nalunasan ang kanilang sakit?
Sinasabi ring mayroon na tayong sapat na mga gamut na maaaring
gamitin para mabigyang-lunas ang maysakit, subalit taon-taon ay
naglalabasan ang iba’t ibang uri ng nakamamatay na sakit. Kailangang
ipagpatuloy ang pagtuklas ng mga gamot.
May 99 na porsiyento ng mga doktor ang sumasang-ayon sa pagsubok
ng mga gamot sa mga hayop imbes na sa tao. Hindi nila lubos maisip kung
ilang tao ang magbubuwis ng buhay upang malaman kung epektibo ba
ang isang gamot. Tunay nga namang nakadudurog ng puso kung
mamamatay ang maraming tao.
Hindi natin matatawaran ang napakalaking tulong ng mga hayop sa
pananaliksik ng mga modernong gamot na tutulong sa pagsagip sa mga
tao. Ang tungkulin natin ay pangalagaan ang mga ito at siguruhing sulit ang
kanilang sakripisyo para sa ikabubuti ng sangkatauhan.

Pinagkunan: http://imavex.vo.llnwd.net/o18/clients/smekenseducation/images/Genre_Specific/Pers-
Arg-Full-Essays.jpg

PAGKRITIK NG PAKSA NG ISANG POSISYONG PAPEL

1. Paksa: ___________________________
2. Magkasalungat na Pananaw:
a. ______________ vs b. ________________
3. Napiling Panig at Dahilan: ______________________
4. Mga Kaugnay na Paksa o Impormasyong Sinaliksik: __________
5. Pinagkunan ng mga Impormasyon: ___________________________

27
E. PAGLILISTA NG MGA KAUGNAY NA PAKSA o IMPORMASYON: Basahin ang
kaligiran ng paksa ng bubuoing posisyong papel. Ilista ang limang
kaugnay na impormasyon nito na iyong sasaliksikin.

Kaligiran ng Paksa: Ayon sa Population Commission (POPCOM), tatlong


sanggol kada minuto ang ipinapanganak sa Pilipinas o kung susumahin
ay mahigit 1.5 milyon kada taon. Pero kung hindi ito magbabago, nasa 2
milyon kada taon ang itataas ng bilang ng populasyon sa bansa
(https://news.abs-cbn.com/news/03/28/19/bilang-ng-mga-mahihirap-
tataas-pa-sa-paglobo-ng-populasyon). Sa gayon, napapanahon na nga
ba upang magpatupad ng “One Child Policy” ang gobyerno ng Filipinas
tulad sa naging hakbang ng bansang China noong lumobo ang
populasyon nito?

Isaisip

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang katangian o kaligiran ng katuwiran?
2. Paano binubuo ang isang katuwiran?
3. Ano-ano ang mga bahagi ng posisyong papel?
4. Bakit maituturing na subhetibo ang pagtukoy sa paksa ng posisyong
papel?
5. Bakit dapat na maging maingat sa paggamit ng mga pangatnig sa pag-
uugnay ng mga idea sa posisyong papel?

Isagawa

A. SANG-AYON o SALUNGAT: Ilahad ang pananaw sa mga napapanahong


isyu sa bansa. Pumili kung sang-ayon o salungat at saka ilakip ang
maikling paliwanag sa mapipiling panig.

1. Isyu Ngayon: Pagpaparusa sa mga sibilyang lumabag sa mga


panuntunan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) habang
hindi kinakastigo ang mga opisyal ng gobyerno na lumabag sa
parehong patakaran
Sang-ayon o Salungat?: _________
Bakit?: _________

28
2. Isyu Ngayon: Pagtitinda ng mga produkto online nang walang price
tag at sa halip “pm sent” ang tugon ng seller kapag nagtanong ang
mamimili kung magkano ang halaga ng ipinagbibili.
Sang-ayon o Salungat?: _________
Bakit?: _________

B. PAGBALANGKAS NG POSISYONG PAPEL: Taglay ang napiling panig at


mga kaugnay na paksang sinaliksik, balangkasin ang posisyong papel
tungkol sa legalisasyon ng marijuana sa Filipinas.

I. Introduksiyon o Panimula: ___________________


II. Mga Katuwiran sa Kabilang Panig (Salungat): ______________
III. Mga Sariling Katuwiran (Sang-ayon): _____________________
IV. Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran: ___________________
V. Huling Paliwanag Kung Bakit ang Napiling Katuwiran ang Dapat: ___
VI. Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o Pagkilos: _______________

C. PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL: Taglay ang napagtagumpayang


balangkas, isulat ang isang makatuwirang posisyong papel.

D. PAGTUKOY SA PANGATNIG: Ilista ang mga pang-ugnay na pangatnig na


matutukoy sa tampok na posisyong papel.

KABATAAN PA RIN ANG PAG-ASA NG BAYAN

Lumolobo ang bilang ng mga kabataang nasasangkot sa krimen. Nito


lamang mga nagdaang linggo sa kasidhian ng Netflix series na ―Money
Heist,‖ isang mag-aaral sa kolehiyo ang dinakip ng mga awtoridad dahil sa
malawakang pagnanakaw nito ng pera sa mga bank account ng iba’t
ibang tao gamit ang kompiyuter. Sa gayong pangyayari, tuloy hindi
maiwasang pagdudahan ang minsang tinuran ni Rizal: Kabataan pa rin nga
ba ang pag-asa ng bayan?
Sa maraming pagkakataon na nasangkot ang mga kabataan sa mga ilegal
na gawain kabilang na ang panggagahasa at pagpatay, mainam na
marahil kung limutin na ang paniwala ng ating pambansang bayani. Wala
nang maaasahan pa sa kasalukuyang kabataan sapagkat sa halip na pag-
aaral ay higit na lulong sa bisyo at sugal kaya nasasadlak sa masasamang
gawain. Ang kasanayan at talino ay mas pinipiling gamitin sa panlalamang
sa kapuwa. Subalit, tila may kulang na elemento. Nasaan na ang mga
naatasang kumalinga at humubog sa kanila? Ibig sabihin, hindi nararapat na
limutin ang tinuran ni Rizal lalo’t may pagkukulang sa panig ng tahanan,
paaralan, at simbahan na kailangang unang mapunan upang magawang
igiya muli sa tamang landas ang napariwara nating kabataan.

29
Sa gayon, naniniwala pa rin ako sa kakayahan ng kabataang Filipino.
Nangangailangan lamang ng higit na pagpapahalaga ang mga ito. Sa
wastong paggabay, ang kanilang abilidad ay higit pang mapapanday at
magiging produktibo’t ikararangal ng lipunang Filipino. Magagawa nilang
baguhin ang imahen ng Filipinas sa buong mundo gamit ang angking talino
at talento. Sa katunayan, maraming kabataang Pinoy na ang gumawa ng
kasaysayan.
Sa larangan ng palakasan, ang World Gymnastics Champ na si Carlos
Yulo ay isang ehemplo. Idolo naman sa kantahan ang tinaguriang ―Asia’s
Pop Sweetheart‖ na si Julie Ann San Jose. Pagdating sa pamumuno, bukod
kay Yorme Isko Moreno, hinahangaan din ang abilidad ng millennial leader
na si Pasig City Mayor Vico Sotto. Ilan lamang sila sa mga kabataang buong
sigasig na hinubog kaya naging matagumpay at ngayo’y katuwang sa
pagpapaunlad ng bayan.
Kakayahan ng kabataang Pinoy ay ating paniwalaan upang tunay
nating mamalas ang isang magandang bukas. Higit pang darami ang
kabataang tulad nina Yulo, San Jose at Sotto, at tulad ko at mo kung
pagkalinga at suporta lalo ng sariling pamilya ay tunay na matatamasa.
Kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan sapagkat sa kabataan
sumisibol ang bagong talino at lakas na makapagpapaunlad sa bayan.
Kaya, kabataan ay ating pangalagaan.

E. PAGGAMIT NG PANGATNIG: Gamitin sa makabuluhang pangungusap


ang sumusunod na pangatnig:

1. sapagkat 4. sa katunayan
2. tuloy 5. samakatwid
3. ngunit

Tayahin

A. PATOK OF THE TOWN: Tukuyin ang paksa sa tulong ng ilang pahiwatig.

1. Nabibili sa pinakamalapit na sari-sari store


Kung prepaid, nirerehistro sa promo upang mapakinabangan
Pantawag, text, o wifi kahit saan
2. Karaniwang laman ng ayudang relief pack
Sahog sa iba’t ibang klase ng gulay at lalo na sa miswa
May sauce na kulay pula kung saan naliligo ang isa hanggang tatlong
isda
3. Gamit upang droplets ay hindi tumalsik at hawaan ay maiwasan
Unang napaulat na naubos noong sa Taal, Batangas ay nag-lockdown
May surgical, N95, neoprene, at D.I.Y.

30
4. Paggamit ng kompiyuter o gadyet at internet
Pagpapatuloy ng pag-aaral habang nasa bahay
Paggamit ng Google classroom ng guro at mga mag-aaral
5. May dalawang gulong
Hindi kailangan ng gasolina para tumakbo o umandar
May pedal at pinapadyak

B. WASTO o DI-WASTO: Isulat ang Wasto kung angkop ang impormasyon


tungkol sa posisyong papel. Di-wasto naman ang isulat kung taliwas.

1. Ang pangatnig na ―samakatwid‖ ay pang-ugnay na gamit sa


pagsasaad ng patunay.
2. Subhetibo ang pagtukoy sa panig o paksa sa pagsulat ng posisyong
papel subalit obhetibo ang paninindigan at pangangatwiran nito.
3. Ang katuwiran ay dapat laging batay sa opinyon.
4. Ang posisyong papel ay isang sulatin na nagpapahayag ng masaklaw
na paninidigan ng isang tao o grupo tungkol sa isang makabuluhan at
napapanahong isyu.
5. Lalong nagiging kapani-paniwala ang pangangatuwiran kung
gumagamit ng mga ebidensiya mula sa mga mapagkakatiwalaang
sanggunian.

C. PAGBUO NG ARGUMENTO: Matamang pagsunod-sunurin ang nilalaman


ng sulating argumentatibo na pinamagatang ―Filipino: Wika ng
Kaligtasan.‖ Piliin ang tamang letra para sa bilang 1-5.

A. Lalong mailalayo sa panganib na dala ng isang uri ng sakit, epidemya, o


pandemya ang mamamayang Filipino kung naaabot ng kaniyang pang-
unawa ang gamit na mga terminolohiya at isyung tinatalakay.
B. Sa anumang krisis o hamon, tunay na nakapagliligtas ng buhay ang isang
wikang pambansa.
C. Kaya, dapat Filipino ang magsilbing pangunahing midyum sa
pagbabahagi ng impormasyon sa sambayanang Filipino lalo sa panahon
ng krisis pangkalusugan.
D. Ayon sa survey na isinagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong
2014, Filipino ang gámit na lingua franca sa lahat ng dako ng Filipinas. Ang
malaganap na paggamit ng wikang pambansa sa buong kapuluan ay
nauna nang natuklasan sa pag-aaral ng Ateneo de Manila University
noong 1989. Ibig sabihin, sapagkat Filipino ang wikang higit na
nauunawaan ng nakararaming mamamayang Filipino, higit na magiging
mabisa ang pagpapatupad ng mga polisiya kung ito ang midyum sa
pag-uulat at pagpapaliwanag ng mga eksperto at mga opisyal ng
gobyerno sa mga usaping pangkalusugan.
E. Ang wikang Filipino ay isang ingklusibo at pleksibleng wika na katutubo sa
Filipinas. Nagagamit ito sa mga diskusyon sa iba’t ibang larang.

31
Karagdagang Gawain

A. PALITANG PAGKIKRITIK. Gamit ang pamantayan sa Aralin 4 at ang eskala


na nasa ibaba, ikritik at bigyan ng karampatang puntos ang bawat
bahagi ng ginawang posisyong papel ng kamag-aral bago pa ito
ibahagi sa alinmang naising daluyan.

3 – Nakatutupad
2 – Bahagyang Nakatutupad
1 – Hindi Nakatutupad

B. PAGSASAAYOS SA NILALAMAN NG KINRITIK NA POSISYONG PAPEL:


Rebisahin o paunlarin ang (mga) bahagi ng posisyong papel na nasa
eskala 2 at 1. Isaalang-alang din ang iba pang mapakinabang na
mungkahi ng kritik.

C. PAGBABAHAGI NG POSISYONG PAPEL: Ibahagi ang pinal na posisyong


papel sa ibig na daluyan nang may pagsasaalang-alang sa holistikong
rubrik na tinalakay sa Aralin 4.

32
Susi sa Pagwawasto

Subukin

A. Patok of the Town


1. Online Learning/Education 4. Face Mask
2. Bike o Bisikleta 5. Load
3. Sardinas

B. Wasto o Di-wasto
1. Di-wasto (katotohanan) 4. Di-wasto
2. Di-wasto (tiyak) (pagbibigay-kongklusyon)
3. Wasto 5. Wasto

C. Pagbuo ng Argumento
1. B 4. D
2. C 5. A
3. E

Tuklasin

A. Totoo o Mito
1. Totoo 4. Totoo
2. Mito 5. Totoo
3. Mito

Pagyamanin

A. Paghahanay ng Katuwiran
Pamantayan: 3 – Nakatutupad (Napupunan ang
magkabilang panig ng mga impormasyong
sinaliksik lalo ang bahaging katuwiran.
Nakabubuo ng masinop at mabisang panimula
at kongklusyon.)
2 – Bahagyang Nakatutupad Nakatutupad (Napupunan
ang magkabilang panig ng mga impormasyong sinaliksik
lalo ang bahaging katuwiran. Hindi malinaw ang
paglalahad ng paksa at kongklusyon.)
1 – Hindi Nakatutupad (Napupunan ng impormasyong
sinaliksik o simpleng opinyon ang isang panig lamang.
Walang sinulat na panimula at kongklusyon sa balangkas.)

33
B. Pagsusuri ng Katuwiran
1. Paksa: Implementasyon ng K to 12
2. Paraan ng Paglalahad ng Paksa
___Iba pa: Popular o paggamit/pagbanggit sa dami ng naniniwala
upang akitin ang masa
Sipìng Patunay: ―Isa sa maaaring ireport niya ay ang tungkol sa K to 12
at marami ang nagsasabi na dapat ituloy-tuloy ito at paglaanan pa
ng pondo sapagkat nakikita ang magandang kahihinatnan ng mga
kabataan.‖
3. Katuwiran
a. Sumusuporta: ―May magandang makakamtan sa programang ito.‖
―Hindi naman dapat pakinggan ang panukala ni Sen. Antonio
Trillanes IV na dapat suspendehin ang K to 12‖
Ebidensiya: (Hindi naging haylayt ng sulatin. / Hindi nakapagharap
ng ilang matibay na batayan gaya ng magandang epekto ng
pagpapatupad ng higit sa sampung-taong batayang edukasyon
sa mga karatig-bansa.)
Saligan: (Wala)
at/o
b. Sumasalungat: ―Dapat suspendehin ang programa sapagkat
maraming problemang kinakaharap.‖ –Senador Trillanes IV
Ebidensiya: ―Problema sa kakapusan ng mga classroom,
kakulangan sa mga guro, at ang mababang sahod ng mga guro.‖
Saligan: Konsultasyon sa mga nagpanukala ng K to 12
4. Sipìng Kongklusyon: ―Kung talagang may pagmamalasakit ang
senador sa sektor ng edukasyon, dapat noon pa siya nagpanukala na
resolbahin ang kakulangan sa classrooms at guro. Dapat noon pa siya
nagpakita ng pagtutol dito.‖
5. Sipìng Implikasyon: ―Magkakaroon ng kasanayan ang mga
estudyante sa sistemang ito.‖

C. Talaan ng Reaktor
Pamantayan: 3 – Nakatutupad (Naibibigay ang magkaibang
pananaw at/o kabatiran sa isyu; nabibigyang-
katuwiran ang pagkakapili sa isang panig; at
naililista ang dalawang kaugnay na paksa o
impormasyon at mga posibleng pagkunan sa
mga ito.)
2 – Bahagyang Nakatutupad Nakatutupad (Naibibigay
ang magkaibang pananaw at/o kabatiran sa isyu;
nakapipili ng isang panig subalit hindi nabibigyang-
katuwiran; at naililista ang pagkakapili; at naililista ang
isang kaugnay na paksa o impormasyon at posibleng
pagkunan nito.)
1 – Hindi Nakatutupad (Naibibigay ang isa lamang na
pananaw at/o kabatiran sa isyu.)

34
D. Pagkritik ng Paksa ng Isang Posisyong Papel

1. Paksa: Paggamit sa mga hayop sa mga eksperimento’t pananaliksik


upang makatuklas ng mga bagong gamot sa iba’t ibang lumilitaw na
sakit
2. Magkasalungat na Pananaw:
a. ―Lubos itong nakatutulong sa vs b. ―Hindi tama ang paggamit sa
modernisasyon ng gamot‖ sa mga hayop‖
3. Napiling Panig at Dahilan: ―Mas matipid ang paggamit sa mga hayop
upang makatuklas ng mga tamang gamot sa mga sakit.‖ ―Mas
malupit kung ang gagamitin sa pananaliksik ay mga bata.‖
4. Mga Kaugnay na Paksa o Impormasyong Sinaliksik: “May 99 na
porsiyento ng mga doktor ang sumasang-ayon sa pagsubok ng mga
gamot sa mga hayop imbes na sa tao. Hindi nila lubos maisip kung
ilang tao ang magbubuwis ng buhay upang malaman kung epektibo
ba ang isang gamot.‖
5. Pinagkunan ng mga Impormasyon: (Hindi binanggit sa paglalahad)

E. Paglilista ng mga Kaugnay na Paksa o Impormasyon


Narito ang ilan sa mga posibleng sagot ng mga mag-aaral:
*Mga Dahilan sa Paglobo ng Bilang ng Populasyon
*Epekto ng Paglobo ng Populasyon sa Ekonomiya ng Filipinas
*Mga Batas na Sumasaklaw sa Pagkontrol ng Populasyon (kung mayroon)
*Mga Mabisang Pamamaraan sa Pagpaplano ng Pamilya
*Iba’t ibang Sektor na Apektado ng Lumolobong Populasyon
*Implikasyon ng Pagpapatupad ng One Child Policy sa China at iba pang
bansa
*Mga Karapatang Pantao Posibleng Maapektuhan ng One Child Policy
(kung sakali)

Isagawa

A. Sang-ayon o Salungat
Pamantayan: 3 – Nakatutupad (Nakapipili ng panig at
masinop na naisusulat ang paliwanag na
suportado ng isang ebidensiya.)
2 – Bahagyang Nakatutupad Nakatutupad (Nakapipili ng
panig at masinop na naisusulat ang karaniwang
reaksiyon.)
1 – Hindi Nakatutupad (Nakapipili ng panig
subalit walang naisusulat na paliwanag.)

35
B. Pagbalangkas ng Posisyong Papel
*Titiyakin lamang ng guro kung napupunan ng mag-aaral ang bawat
bahagi gamit ang mga impormasyong sinaliksik lalo’t gagamitin ito sa
pagsulat ng pinal na posisyong papel. Makakukuha ng hanggang limang
puntos lamang ang mag-aaral kapag napunan ang kahingian ng
balangkas.

C. Pagsulat ng Posisyong Papel


Gamitin ang tseklist sa pagtaya ng posisyong papel.
_____Masinop at mabisang nailalahad ang:
_____Introduksiyon o Panimula;
_____Mga Katuwiran ng Kabilang Panig;
_____Mga Sariling Katuwiran;
_____Mga Pansuporta sa Sariling Katuwiran;
_____Huling Paliwanag Kung Bakit ang Napiling Katuwiran
ang Dapat; at
_____Muling Pagpapahayag ng Paninindigan at/o
Mungkahing Pagkilos.
_____Wasto ang pagkakagamit sa mga salitang pantransisyon
upang mapag-ugnay-ugnay ang mga kaisipang
inilalahad.
_____Masinop ang sitasyon o pagkilala sa mga pinagkunan ng
impormasyon.
_____Kapani-paniwala ang kabuoang sulatin sapagkat
naghaharap ng mga ebidensiya.
_____Nagtataglay ang posisyong papel ng maimpluwensiyang
bagong kaisipan.

D. Pagtukoy sa Pangatnig

dahil sa sa halip
tuloy subalit
at bukod kay
kung kaya
sapagkat
ibig sabihin sa gayon
upang sa katunayan

E. Paggamit ng Pangatnig (Iwawasto ng guro ang bawat


makabuluhang pangungusap nang may pagsasaalang-alang sa
gamit ng bawat pangatnig.)

1. sapagkat (Pinag-uugnay ang grupo ng mga salita upang magbigay-


katuwiran at magsabi ng kadahilanan)
2. tuloy (Nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan)

36
3. ngunit (Nagsasaad ng pag-iiba, pagkontra o pagtutol)
4. sa katunayan (Nagsasaad ng pagpapatunay)
5. samakatwid (Nagsasaad ng panghuling pananaw o opinyon)

Tayahin

A. Patok of the Town


1. Load 4. Online Learning/Education
2. Sardinas 5. Bike o Bisikleta
3. Face Mask

B. Wasto o Di-wasto
1. Di-wasto 3. Di-wasto (katotohanan)
(pagbibigay-kongklusyon) 4. Di-wasto (tiyak)
2. Wasto 5. Wasto

C. Pagbuo ng Argumento
1. E 4. C
2. D 5. B
3. A

Karagdagang Gawain

A. Palitang Pagkikritik
*Gabayan ang mga mag-aaral
sa matamang pagkikritik.

B. Pagsasaayos sa Nilalaman ng
Kinritik na Posisyong Papel
*Alalayan ang mag-aaral sa
pagsasaayos ng nilalaman
upang maisapinal ang
posisyong papel.

C. Pagbabahagi ng Posisyong
Papel
*Gamitin ang holistikong rubrik.

37
Mga Sanggunian

Almario, Virgilio S. 2015. Pagpaplanong Wika at Filipino. Maynila: Komisyon


sa Wikang Filipino.
Constantino, Pamela C. at Galileo S. Zafra. 2016. Filipino sa Piling
Larangan
(Akademik). Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.
Dayag, Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. 2016. Pinagyamang Pluma:
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik.
Lungsod Quezon: Phoenix Publishing House, Inc.
Dayag, Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. 2016. Pinagyamang Pluma:
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Lungsod
Quezon: Phoenix Publishing House, Inc.
Lartec, Jane K. 2010. Istruktura ng Wikang Filipino.
Santiago, Alfonso O. 2003. Sining ng Pagsasaling-wika.
Accessed June 11, 2020.
https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/741682/pia-cayetano-to-
tv-stations-show-cartoons-in-original-english/story/
Accessed June 11, 2020.
https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/741682/pia-cayetano-to-
tv-stations-show-cartoons-in-original-english/story/
Accessed June 11, 2020. https://medium.com/swlh/10-most-important-
business-languages-in-global-market-17b49b7cf2d2
Accessed June 11, 2020. http://kwf.gov.ph/ulat-sa-estado-ng-wika-2019-sola-
2019-ang-katutubo-at-banyaga-sa-filipino/

38
39
1

You might also like