Filipino Piling Larang Akademik q1 m3 4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Department of Education Region I

Division of Pangasinan II
MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Manaoag, Pangasinan

Modyul sa Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
S.Y. 2021-2022

MODYUL 3-4
Grade 12

1
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Ikalawang Semestre

Pangalan: Seksiyon: Petsa:

Modyul Blg 3: Pagsulat ng Abstrak


MELC
a. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin ( CS_FA11/12PU-0d-f-
92)
I. Layunin:
1. Maisagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng abstrak
2. Malaman ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa
pamamagitan ng mga binasang abstrak
3. Makasulat ng abstrak ng binasang artikulo

Pambungad na Gawain: Punan ang mga patlang kaugnay ng abstrak.

A - ALAM NM – NAIS N - NATUTUHAN


MALAMAN

Ano- ano ang mga nalalaman mo kaugnay ng abstrak? Ano pa ang mga ibig
mong malaman kaugnay nito? Bakit mahalagang malaman ang mga ito?
Bigyang pansin natin ang sumusunod na kaalaman.
II. Konsepto o Nilalaman
Kahulugan ng Abstrak
Ang abstrak mula sa Latin na abstracum, ay ang maikling buod ng artikulo o
ulat na inilalagay bago ang introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon ng mismong
papel. Ipinaaalam nito sa mga mambabasa ang paksa at kung ano ang aasahan nila
sa pagbabasa ng isinulat na artikulo o ulat. May dalawang uri ng abstrak:
deskriptibo at impormatibo. Ang uri ng abstrak na iyong isusulat ay nakadepende
sa paksa o sa disiplinang kinapapalooban nito.

2
Kalikasan at bahagi ng Abstrak
Sa kabila ng kaiksian ng abstrak, kailangang makapagbigay pa rin ito ng
sapat na deskripsiyon o impormasyon tungkol sa laman ng papel. Ang mga
sumusunod ay mga karaniwang bahagi na bumubuo sa deskriptibo at
impormatibong abstrak. Karaniwang isang pangungusap lamang ang bumubuo sa
bawat bahagi ngunit may Kalayaan ang manunulat na maging malikhain kung
paano aayusin ang mga ito.
Deskriptibong Abstrak Impormatibong Abstrak
• Inilalarawan nito sa mga • Ipinahahayag nito sa mga
mambabasa ang mga pangunahing mambabasa ang mahahalagang
ideya ng papel. ideya ng papel.
• Nakapaloob ditto ang kaligiran, • Binubuod ditto ang kaligiran,
layunin, at tuon ng papel o artikulo. layunin, tuon, metodolohiya,
• Kung ito ay papel-pananaliksik, resulta, at kongklusyon ng papel.
hindi na isinasama ang • Maikli ito, karaniwang 10% ng
pamamaraang ginamit, kinalabasan haba ng buong papel at isng talata
ng pag-aaral, at kongklusyon. lamang.
• Mas karaniwan itong ginagamit sa • Mas karaniwan itong ginagamit sa
mga papel sa humanidades at larangan ng agham at inhinyero o sa
agham panlipunan, at sa mga ulat ng mga pag-aaral sa sikolohiya.
sanaysay sa sikolohiya.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


Maaaring sundin ang mga sumusunod na hakbang sa pagsusulat ng isang
mahusay na abstrak:
1. Basahing muli ang buong papel. Habang nagbabasa, isaalang-alang ang
gagawing abstrak. Hanapin ang mga bahaging ito: layunin, pamamaraan,
sakop, resulta, kongklusyon, rekomendasyon o iba pang bahaging
kailangang sa ri ng abstrak na isusulat.
2. Isulat ang unang draft ng papel. Huwag kopyahin ang mga pangungusap.
Ilahad ang mga impormasyon gamit ang sariling salita.
3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan sa
organisasyon at ugnayan ng mga salita o pangungusap, tanggalin ang mga
hindi na kailangang impormasyon, magdagdag ng mahahalagang
impormasyon, tiyakin ang ekonomiya ng mga salita at iwasto ang mga
maling grammar at mekaniks.
4. I-proofread ang pinal na kopya.

3
Mga Hakbang sa Mahusay na Abstrak
Isaalang-alang ang mga sumusunod na katangian ng isang mahusay na abstrak:
1. Binubuo ng 200-250 salita
2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na nakatatayo sa sarili nito
bilang isang yunit ng impormasyon
3. Kompleto ang mga bahagi
4. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel
5. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa
Pagsasanay 1:
a. Subukin ang Natutuhan
1. Bakit mahalagang basahing muli ang buong papel bago isulat ang
abstrak?

2. Paano ilalahad sa abstrak ang mga impormasyong nakuha sa papel?

3. Ano ang kahalagahan ng pagrerebisa ng unang draft ng abstrak?

4. Bakit kailangang gumamit ng mga simpleng salita at pangungusap sa


abstrak?

Pagsasanay 2:
Ilapat ang Natutuhan sa Tunay na Buhay
Isa ka sa pinakamaasahan at pinakamahusay na junior writer sa isang
writing consultancy firm. Sa pagkakataong ito, ikaw ang inatasan ng inyong team
leader na gumawa ng mga abstrak ng mga artikulong ipinadala ng inyong
kliyente. Urgent ito. Ang kliyente ay nasa yugto na ng pananaliksik para sa
kanyang tesis na tungkol sa multikulturalismo sa Pilipinas. Nangalap siya ng mga
iskolarling artikulo at humiling siyang gawaan ninyo ng abstrak ang mga ito. Isa
sa mga artikulo ang “Ang Balangkas ng Multikulturalismo at ang Pagbubuo ng
Bansang Pilipino” na mababasa sa
http:/lumina.hnu.edu.ph/articles/demeterioOct09.pdf. tatayain ng kliyente kung
kompleto ito sa impormasyon at sa lahat ng bahagi, simple ang mga salita at
pangungusap na ginamit at wasto ang grammar.

4
Pagsasanay 3:Ilapat ang Natutuhan.
Basahin ang sumusunod na abstrak ng siyentipikong artikulong nailathala
sa isang internasyunal na journal at sagutin ang mga kaugnay na tanong
pagkatapos.
Siler, C. D. & Brown, R. M. (2010). Phylogeny-based Species
Delimination in Philippine Slender Skinks (Reptilia: Squamata: Scincidae:
Brachymeles): Taxonomic Revision of Pentadactyl Species Groups and
Description of Three New Species. Herpetological Monographs 24 (1), 1-54.
Abstrak
Gamit ang datos mula sa panglabas na kaanyuan at mga gene sequence
mula sa mitochondria, nagsagawa kami ng rebisyon ng tatlong species ng reptile
(reptile) na nabibilang sa genus na Brachymeles. Sa kabila ng malaking
pagkakaiba sa kaanyuan ng mga populasyon sa ib’at ibang isla, dalawang kalat
na species – Brachymeles boulengeri at Brachymeles schadenbergi – ang patuloy
na kinikilala dahil sa magkakatulad na laki ng katawan at pagkakahawig ng kulay
at anyo ng kanilang kaliskis. Ang ikatlong species, ang Brachymeles talinis, ay
matatagpuan sa isla ng Jolo at sa gitna at hilagang bahagi ng Pilipinas.
Ipinapakita ng aming datos na ang bawat isa sa apat na subspecies ng B.
boulengeri at ang dalawang subspecies ng B. schadenbergi ay may natatanging
kalamnang henetiko, may bukod-bukod na distribusyon, at naiiba sa ibang
miyembro ng genus sa maraming aspekto ng panlabas na kaanyuan at
samakatuwid ay nararapat na kilalanin bilang ganap na species. Binibigyang-
katuwiran ng aming datos henetiko ang pagkilala sa populasyon ng B. talinis
mula sa Luzon bilang bagong species at ang pagtuklas ng isang hindi inaasahang
bagong species mula sa isla ng Masbate. Sa huli, kinikailangan ding makilala
ang populasyon ng B. talinis mula sa isla ng Jolo bilang isang bago at ganap na
species dahil sa namumukod nitong kaanyuan. Sa pamamagitan ng rebisyong ito,
tumataas ang bilang ng species na nabibilang sa genus na Brachymeles mula sa
Pilipinas sa 25.
1. Tungkol saan ang pag-aaral ayon sa binasang abstrak?

2. Anong uri ito ng abstrak?

5
3. Ano-anong mga bahagi ang makikita mo rito?

4. Ano-ano angmga kalakasan at kahinaan ng abstrak na ito?

Sanggunian:
Contantino, Pamela C. at Zafra, Galileo S.
RBS Filipino sa Piling Larangan
(Akademik)Unang Edisyon
Inilimbag: Hunyo 2016
Inilathala na may karapatang-ari 2016 at ipinamahagi ng Rex Book Store, Inc
namay punong tanggapan sa 856 Nicanor Reyes Sr. St. Sampaloc, Manila
Dela Cruz, Mar Anthony Simon
Diwa Senior High School Series: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
Akademik
Karapatang-ari 2016 ng Diwa Learning Systems
INC4/F SEDCCO 1 Bldg.
120 Thailand corner Legaspi St. Legaspi Village, Makati City

2
Department of Education Region I
Division of Pangasinan II
MANAOAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Manaoag, Pangasinan

Modyul sa Filipino sa Piling Larang


(Akademik)
S.Y. 2021-2022

MODYUL 4
Grade 12

3
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)
Ikalawang Semestre

Pangalan: Seksiyon: Petsa:


Modyul blg. 4 : Sinopsis o Buod
MELC
a. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin CS_FA11/12PU-0d-f-
92
Paunang Gawain: Kilalanin ang tamang sagot sa mga katanungan. Isulat ang
letra ng tamang sagot.
1. Maraming gawain ditto ang nangangailangan ng masusing pagbasa,
panunood, pagsasalita, pakikinig at pagsusulat.
a. Akademiya b. opisina c. kantina d. liberal
2. Ito at isang siksik at pinaikling bersyon ng isang teksto. Pinipili rito ang
pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.
a. Abstrak b. Bionote c. Sinopsis d. Hawig
3. Katangian ng gamiting salita sa pagbubuod o pagsulat ng synopsis
upang makamtan ang layuning makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng
seleksiyon o akda.
a. Matalinghaga b. payak c. tayutay d. idyoma
4. Ito ay maaaring lantad na makikita sa akda o minsan naman, io ay di
tuwiang nakalahad kaya mahalagang basahing Mabuti ang kabuuan nito.
a. Buod b. abstrak c. tesis d. pahayag na tesis
5. Mahalagang isulat kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng
akda.
a. Sanggunian b. akda c. pamagat d. may-akda

Konsepto o Nilalaman:
• Ang buod ay isang lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa
tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela, dula, parabula,
talumpati at iba pang anyo ng panitikan. Ang pagbubuod o pagsulat ng
synopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng
seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang
gagamitin.
4
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG SINOPSIS O BUOD
1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.
2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na sipi nito.
3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging
ang kanilang mga gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa
kuwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginagawa ay binubuo ng
dalawa o higit pang talata.
5.Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay at mga bantas na ginamit sa
pagsulat.
6.Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o
kinuha ang orihinal na sipi ng akda.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINOPSIS O BUOD


1. Basahin ang buong seleksiyon o akda at unawaing mabuti hanggang
makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa, magtala at kung maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinion o
kuro-kuro ang isunusulat.
5. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaiikli pa ito nang hindi
mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat
na buod.

Halimbawa ng buod:
“Ang Alibughang Anak”
May isang amang may dalawang anak. Kinuha ng bunsong anak ang mana
nito at kanyang ginugol sa mga makamundong Gawain. Dumating ang panahong
naubos ang lahat ng kayamanang minana niya at lubos siyang naghirap at nagdalita
at namuhay nang masahol pa sa katayuan ng mga alipin sa kanilang tahanan. Dahil
sa mga hirap at sakit na kanyang naranasan, napagtanto niya ang kanyang
masasamang ginawa. Nagpasya siyang bumalik sa kanyang ama, nagpakumbaba
at himingi ng tawad. Dahil sa labis na pagmamahal ng ama sa anak, buong puso
niya itong tinanggap, at hindi lang ito, ipinagdiwang pa ang kanyang pagbabalik
na ikinasama naman ng loob ng panganay na kapatid dahil ni minsan ay hindi niya
naranasang ipaghanda ng piging ng kanyang ama. Subalit siya ay inalo ng kanyang
ama at ipinaliwanag na siya ay lagi niyang kapiling at ang lahat ng ari-arian niya
ay para sa kanya subalit ang bunsong anak na umalis ay itinuring nang patay ngunit
muling nabuhay, nawala, ngunit muling nasumpungan.
-Sanggunian: Hinango sa Magandang Balita Bibliya, Lukas 15:11-32

5
III- Pasasanay:
a. Pagsagot sa Katanungan. Tukuyin at sagutin ang mga katanungna.
1. Ano-ano ang layunin ng pagbubuod o synopsis?

2. Bakit kailangang panggitin ang pamagat at pinanggalingan ng akda sa


iyong pagbubuod?

3. Batay sa paksa, masasabi mo bang kapaki-pakinabang ang pagsunod sa


mga pamamaraan sa paggawa ng synopsis o buod?
4.
5. Bakit kailangang basahin o panoorin ang buong seleksiyon, , akda o
pelikula bagokasumulat ng buod?

b. Gamit ang story map, ibuod ang isang kwento o akdang pampanitikan na
hinding hindi mo makakalimutan.
STORY MAP

Pamagat:

Simula:

Tagpuan:

Mga Tauhan:

Problema/Banghay:

Kasukdulan:

Kinalabasan/ Solusyon

Resolusyon

6
c. Pagtukoy sa katangin ng synopsis. Suriin ang kahulugan, kalikasan,
mgakatangian, layunin, gamit, anyo. Naikikilalaang iba’t ibang sulat sa
chart.

Sinopsis
Kahulugan

Kalikasan

Katangian

Layunin

Anyo( porma)

Sanggunian:
Contantino, Pamela C. at Zafra, Galileo S.
RBS Filipino sa Piling Larangan
(Akademik)Unang Edisyon
Inilimbag: Hunyo 2016
Inilathala na may karapatang-ari 2016 at ipinamahagi ng Rex Book Store, Inc na may punong tanggapan sa
856 Nicanor Reyes Sr. St. Sampaloc, Manila

Dela Cruz, Mar Anthony Simon


Diwa Senior High School Series: Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
AkademikKarapatang-ari 2016 ng Diwa Learning Systems INC
4/F SEDCCO 1 Bldg.
120 Thailand corner Legaspi St. Legaspi Village, Makati City

You might also like