Sports Article

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pagbabalik ng isports sa San Vicente ES

Muling nanumbalik ang sigla at saya sa mga batang vicente Sapagkat pag katapos ng dalawang
taon ay muling nagbalik ang pampaaralang pampalakasan na ginanap noong Ika labing anim ng Enero
hanggang ika dalwampu 2023.

Pinasinayaan ng punong guro ng Mababang paaralan ng san Vicente na si Gng. Rizza M. Garcia
ang pagbubukas ng palarong pampaaralan sampu ng kanyang mga guro, Kapitan ng Barangay na si
Getulio Banal, Kagawad sa edukasyon na si Romeo Kabiling, Pangulo ng PTA na si Marvin Waje at
kanyang mga opisyales, mga magulang at ang kanilang mga anak.

Naging makasaysayan ang naganap na sports fest na ito sapagkat pagkatapos ng mahigit na
dalawang taon ito ang unang aktibidad sa paaralan ng San Vicente na makakasalumuha ng mga mag-
aaral ang kanilang mga kapwa mag aaral pagkatapos ng pandemya.

Naging hudyat ng pasisimula ng aktibidad ang parada ng magkakalabang mga kupunan. Sa


parada pa lang,kitang-kita ang excitement sa mukha at kilos ng mga mag-aaral, na habang naglalakad ay
isinisigaw ang kani-kanilang yell. Nang matapos ang parada, agad na nagtipon-tipon ang lahat ng mga
mag-aaralat mga guro sa Covered Court upang pormal na simulan ang nasabing aktibidad sa
pamamagitan ng isang maikling programa. Pagkatapos ng Pag sindi ng torch at pagpapalipad ng mga
lobo pormal ng sinimulan ang mga laro.

Sa unang araw ng sports fest nagtagisan ng galling ang mga nasa ikaapat, ikalima at ikaanim na
baiting sa larong volleyball at para sa mga kinder, una, ikalawa at ikatlong baitang naman ay sinimulan
na ang laro ng lahi. Sa ikalawang araw ito naman ay pagkakataon ng mga batang atleta na masubok ang
kanilang bilis at layo ng pag talon at pagbato para sa atlethics. Sa ikatlong araw sinubok naman ang
kanilang diskarte at aalino sa larong chess. Pagdating ng ikaapat na araw nasubukan naman ang tatag ng
kanilang katawan at baga sa paglangoy para Makita kung sino ang pinakamabilis sa larangan ng
swimming. Pagkatapos ng apat na araw na tagisan ng galling at bakbakan sa court sa huling araw ng
sports fest pinarangalan ang mga pinaka magagaling na atleta ng paaralan.

Ang mga laro at pampalakasan ay malaking tulong sa mga mag-aaral dahil sa maraming bilang
ng mga benepisyo sa kanila mula sa pisikal at sikolohikal na pananaw.

You might also like