He Grade5 Week 6

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

5

EPP-HE
Markahan 2 - Modyul 6:
Pagbuo ng Kagamitang Pambahay
na Maaaring Pagkakitaan
EPP-HE – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Markahan 2 - Modyul 6: Pagbuo ng Kagamitang Pambahay na Maaaring
Pagkakitaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Jorgen M. Sardan, Ashley S. Bansalan


Editor: Teresita Z. Olasiman, Fe T. Cabio
Tagasuri: Teresita Z. Olasiman
Typesetter: Fe T. Cabio
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, Ed.D.,TM Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, Ed.D.
Antonio B. Baguio, Jr. Ed.D.

Printed in the Philippines by


Department of Education Region VII – Division of Negros Oriental
Office Address: Capitol Area, Dumaguete City, Negros Oriental
Telefax: (035) 225 2376 / 225 2838
E-mail Address: [email protected]
5

EPP - HE
Markahan 2 - Modyul 6:

Pagbuo ng Kagamitang Pambahay


na Maaaring Pagkakitaan
Alamin

Ang modyul sa EPP– HE ay para sa ika– limang baitang na denisinyo para


makamtam ang karagdagang kasanayan sa pagbuo ng isang kagamitang pambahay
na maaaring pagkakitaan. Ito ay nakaankla sa inihandang Most Essential Learning
Competency na naaangkop sa panahon ngayong may COVID– 19.
Ang modyul na ito ay ginawa para tulungan ka sa iyong pag- aaral, tinatalakay
nito ang tungkol sa paggawa ng isang kagamitang pambahay na maaari mong
pagkakitaan. Ang paggawa ng isang kagamitang pambahay ay hindi mahirap gawin.
Ang kailangan laman ay pagsasanay at pagsisikap sa mga gawaing dapat gampanan.
Isa ito sa mga tungkuling dapat pag- aralan ng batang nasa edad mo.
Sa pamamagitan ng modyul na ito, maari mong gamitin ang inyong kakayahan
at kahusayan sa pang- unawa at pagsagot sa mga pagsasanay. Sa araling ito,
tatalakayin ang tamang paraan sa pagbuo ng isang kagamitang pambahay na
naglalayong mahubog ang iyong kasanayan, kaalaman, kaisipan at saloobin mo
bilang mag- aaral upang maranasan ang mga gawain tungo sa pag- unlad ng sarili at
ng sa kalaunan ay makatutulong sa pag- unlad ng ating ekonomiya.

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na:

1. Nakabubuo ng kagamitang pambahay na maaaring pagkakitaan.


2 Nakasusunod sa mga hakbang sa paggawa ng proyekto.
3. Naipakikita ang pagkamalikhain sa pagbuo ng proyekto.

Subukin

Bilang paunang bahagi ng gawain, ikaw ay hinahamon para masukat ang iyong
nalalaman base sa iyong nakaraang kaalaman sa araling ito. Subukan mong suriin
ang iyong nalalaman sa pagbuo ng kagamitang pambahay na maaaring pagkakitaan.

PANUTO: A. Pagtambal- tambalin ang Hanay A sa Hanay B. Titik lamang ang isulat
sa iyong kuwaderno.

HANAY A HANAY B

_______1. Ginagamit sa pagtanggal ng A.


alikabok at pamunas ng kasangkapan.

1
_______2. Ginagamit sa pagwawalis ng B.
magaspang na sahig at sa bakuran.

_______3. Ginagamit sa pagwawalis ng C.


sahig na makinis.

_______4. Ginagamit sa pagpapakintab D.


ng sahig.

_______5. Ginagamit upang dakutin ang mga E.


dumi o basura.

_______6. Panlilinis sa mga kasangkapan.2 F.

_______7. Pamunas ng paa bago pumasok. G.

_______8. Ginagamit sa proteksyon ng kamay. H.

2
______9. Kasuotang pangkusina. I.

______10. Ginagamit na pamunas sa sahig. J.

Lesson
Aralin
16 Pangangalaga sa Sariling
Kasuotan

Tuklasin

PAGHAHANDA NG PLANO SA ISANG GAWAIN

Ang pagpaplano nang mabuti ay kinakailangan sa pag- uumpisa ng isang proyekto


o gawain. Kung mayroong pagpaplano at planong nagawa magiging madali ang
paggawa ng anumang gawain. Ang plano ay karaniwang ginagamit ng mga arkitekto
at inhinyero bilang batayan ng gagawing proyekto o gawain maliit man o madali. Ang
pagpaplano o paggawa ng isang plano ay ginagawa sa pamamagitan ng mahusay at
maingat na pagsusuri upang ang gagawing proyekto o gawain ay magiging maayos.
Kung maihahandang mabuti ang disenyo at plano, magiging madali ang paggawa ng
isang gawain o proyekto.

3
Ang mga hakbang sa paggawa ng gawain ay kinakailangang pag- aralan muna
bago simulan ang paghahanda na iyong napiling proyekto at makabuo ng isang
maayos at mahusay na plano.
A. Pagpili ng gawain ayon sa pangangailangan. Ang proyekto o gawain nararapat
gawin ay kinakailangang may kapakinabangan, madalas gamitin at naaayon sa
pangangailangan sa pang araw- araw na buhay.

B. Pagpili ng mga materyales na may kakayahan. Ang mga materyales na


gagamitin ay kinakailangang piliin nang may pag-iingat nang sa gayon ay
maging matibay ang proyektong gagawin.

C. Pagpili ng gamit na madaling hanapin at bilhin. Ang pagpili ng kagamitang


gagamitin ay kinakailangang madaling makita o mabili upang hindi mahirapan
sa panahon ng pagbuo ng plano sa napiling proyekto.

Sa pagpili at pagbuo ng kagamitang pambahay kailangang isa alang- alang natin


ang mga bagay na matatagpuan sa pamayanan at tiyaking ito ay kapaki- pakinabang
sa loob at labas ng tahanan.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGGAWA NG ISANG PROYEKTO

Ang pagtupad ng mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pagbuo


ng kagamitang pambahay na maaaring pagkakitaan ay makatutulong sa pag- iwas sa
mga sakuna.

1. Gumamit ng mga kasangkapang nasa maayos na kondisyon.


2. Maglaan ng angkop na lalagyan para sa mga kasangkapan.

3. Gamitin ng buong ingat.


4. Tiyakin na nasa mabuting kundisyon ang mga kasangkapan bago
gamitin.
5. Magbigay ng buong atensyon sa paggawa.
6. Huwag makipagkwentuhan o makipagtalo at makipaglaro habang
gumagawa.
1. Maglagay ng proteksyon sa mata at bibig kung gagamitin ang mga kagamitang
maaaring makapipinsala sa mata.
8. Magsuot ng damit pantrabaho habang gumagawa.
9. Itago ng malinis ang mga kagamitan at kasangkapang ginamit.
10. Maghugas ng kamay pagkatapos gumawa.

4
Suriin

Tingnan ang mga larawan na nasa ibaba. Gumuhit ng bahay ( ) kung pwede
itong gawing isang malikhaing proyektong pambahay at ekis ( ) kung hindi.

____________1. ___________ 6.

https://www.pngitem.com/middle/JwmRoo_television-clipart-flat-screen-
tv-samsung-ua32j4003bk-hd/

____________ 2. ___________ 7.

https://www.pngitem.com/middle/JwmRoo_television-clipart-flat-screen-
tv-samsung-ua32j4003bk-hd/

____________ 3. ____________ 8.

https://www.pngkey.com/maxpic/u2e6i1i1a9u2q8i

____________ 4. ___________ 9.

https://clipartstation.com/walis-clipart/

____________ 5. ___________ 10.

https://cdn4.vectorstock.com/i/1000x1000/55/48/pillow-icon-in-cartoon-style-vector-23105548.jpg

5
Pagyamanin

Magkaroon ng pagsasanay sa paggawa ng kagamitang pambahay na maaring


pagkakitaan habang ikaw ay nasa bahay. Suriin ang scorecard na nasa ibaba upang
malaman mo ang mga kriterya sa pagpapahalaga ng isang natapos na proyekto.

Scorecard sa paggawa ng isang kagamitang pambahay na maaaring pagkakitaan.

PUNTOS
PAMANTAYAN
5 4 3 2 1
A. BATANG GUMAWA:

1.Kumpletong Kagamitan

2.Nasunod ang pangkalusugan at pangkaligtasang


gawain

3.Natapos sa takdang oras

4.Napanatiling malinis ang pagawaan


B. PAGGAWA NG KASANAYAN:
1.Wasto at maingat na paggamit ng mga
kasangkapan
2.Nasunod ng maayos ang mga hakbang
C. KABUUANG ANYO:
1.Nasusunod ba ang disenyo ng proyekto
2. Kaakit- akit

Pagpapakahulugan:
40-31 = Napakahusay
30-21 = Mahusay
20-11 = Mahusay- husay
10-01 = Kailangan pang Magsanay

6
Isaisip

Paano nakatulong ang pagbuo ng mga gawaing pambahay?

A. Ano- ano ang mga katangiang dapat taglayin sa pagbuo o paggawa ng isang
proyekto?
B. Ano- ano ang mga proyektong maaaring gawin bilang pagkakitaan?
C. Bakit mahalaga ang pagsunod- sunod sa mga bahagi sa pagbuo ng isang
plano ng proyekto o gawain?
D. Sa pagbuo ng isang proyekto, ikaw ba ay nakalikha ng isang kapaki-
pakinabang? Bakit?

Isagawa
Gumawa ng isang mesitera para sa halaman o bulaklak. Tingnan ang mga larawan
na nasa ibaba at gamitin ang mga ito bilang gabay sa pagsasagawa ng isang
malikhaing proyekto.

https://homebnc.com/best-diy-flower-pot-ideas/ https://www.pinterest.ph/pin/78390849740957704/

https://www.apieceofrainbow.com/wp-content/uploads/2016/03/32-creative-
https://i.pinimg.com/originals/29/f9/f3/29f9f386973b4f DIY-planters-apieceofrainbowblog-14.jpg
4b1872069eab0e17c2.jpg

7
Rubric sa Paggawa ng Malikhaing Proyekto

Magkaroon ng pagsasanay sa paggawa ng kagamitang pambahay na maaring


pagkakitaan habang ikaw ay nasa bahay. Suriin ang scorecard na nasa ibaba upang
malaman mo ang mga kriterya sa pagpapahalaga ng isang natapos na proyekto.
Scorecard sa paggawa ng isang kagamitang pambahay na maaaring pagkakitaan.
PAMANTAYAN PUNTOS
5 4 3 2 1
A. BATANG GUMAWA:
1. Naipapamalas ang pagkamalikhain
2. Nasunod ang pangkalusugan at pangkaligtasang
gawain
3. Natapos sa takdang oras
4. Malinis ang pagkakagawa ng proyekto
B. PAGGAWA NG KASANAYAN:
1. Wasto at maingat na paggamit ng mga kasangkapan
2. Nasunod ng maayos ang mga hakbang
C. KABUUANG ANYO:
1. Naisusunod ba ang disenyo ng proyekto
2. Kaakit- akit

Pagpapakahulugan:
40-31 = Napakahusay
30-21 = Mahusay
20-11 = Mahusay- husay
10-01 = Kailangan pang Magsanay

Tayahin

A. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang kaisipan at MALI
kung hindi wasto. Gawin sa iyong kuwaderno.

__________1. Ang pagpapahalaga ay isinasagawa bago simulan ang gawain o


proyekto.
__________2. Maaaring isagawa ang pagpapahalaga sa sariling gawa o ipagawa sa
iba.
__________3. Ang pagiging matapat ay mahalaga sa pagmamarka ng natapos na
gawain.

8
__________4. Huwag nang gumawang muli ng proyekto kung mababa nakuhang
marka.
__________5. Rubriks at scorecard ay may layuning malinang ang kakayahan sa
pagsusuri.

B. Kilalanin kung anong kagamitan ng paglilinis ang tinutukoy sa mga sumusunod.


Isulat ang tamang sagot sa patlang.

__________ 1. Ginagamit sa pagwawalis ng magaspang na sahig at sa bakuran.


__________ 2. Ginagamit sa pagpapakintab ng sahig.
__________ 3. Ginagamit upang dakutin ang mga dumi o basura.
__________ 4. Ito ay kasuotang pangkusina upang hindi marumihan ang inihandang
pagkain.
__________ 5. Ginagamit ito sa pamunas ng sahig.

C.Basahin ang mga pangungusap. Gumuhit ng bituin ( ) sa linya kung ang


pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at gumuhit naman ng buwan ( )
kung hindi.
_________ 1. Ang pagpaplano nang mabuti ay kailangan sa pag- uumpisa ng isang
proyekto o gawain.
_________ 2. Kung may pagpaplano at planong nagawa, magiging madali ang
paggawa ng anumang gawain.
_________3. Ang plano ay karaniwang ginagawa ng arkitekto o inhinyero bilang
batayan sa gagawing proyekto maliit man o malaki.
_________ 4. Ang pagpaplano o paggawa ng proyekto ay dapat hindi paghusayin at
hindi dapat pagtuunan ng pansin.
_________5. Hindi kinakailangan gumawa ng mga hakbang sa pagpaplano ng isang
proyekto.

Karagdagang Gawain
Marami ang magagawang kagamitann pambahay mula sa mga patapong
bagay. Maging malikhain lamang. Narito ang isang kagamitang tiyak na
magugustuhan sa inyong tahanan. Gawin ito ayon sa mga panutong nakasaad.
Magpatulong sa mga magulang o nakatatandang kapatid kung kailangan.

Wrapping Paper Vase

Mga Kagamitan:
1 pirasong basyong bote (Long neck o anumang hugis)
Mga lumang wrapping paper (Pambalot ng mga regalo), mas

9
Maganda kung may disenyo.
Glitter glue (opsiyonal), anumang kulay na nais.

MGA PARAAN SA PAGGAWA:


1. Gupitin ang wrapping paper pahaba sa laking 2-3 pulgada ang lapad.
Lumikha ng disenyo ayon sa disenyo ng wrapping paper.
2. Pahiran ng glue ang itaas na bahagi ng bote.
3. Idikit sa boteng may may glue ang mga ginupit na wrapping paper. Diin
upang hindi matanggal ang papel. Tiyaking nagsasalikuran (overlap)
ang mga idinikit na papel upang matakpan nang maayos at walang
makikitang bahagi ng bote.
1. Kapag nabalutan na ang buong bote, kuskusin ng daliri ang mga
bahaging may air bubbles o natuping papel upang magpantay.
5. Pahiran ng glitter glue ang ginawang plorera kung nais.
6. Patuyuin ang ginawang plorera nang magdamag.

Rubrik sa Wrapping Paper Vase

PUNTOS
PAMANTAYAN
5 4 3 2 1
1. Kompleto ang mga kagamitan
2. Nakasunod nang maayos sa mga direksyon sa
paggawa.
3. Malinis, maayos ang pagkakagawa

2. Naging malikhain

PAGPAPAKAHULUGAN
20-15 = Napakahusay
14-10 = Mahusay
9-6 = Mahusay- husay
5-1 = Kailangan pang Magsanay

10
Susi sa Pagwawasto

10. 5.
10. C Answers may vary
9. B Pagyamanin
8. D 4.
7. A 9.
6. E
5. J 3.
4. I
8.
Answers may vary
3. H Isaisip 2.
2. G 7.
1. F
Subukin 1.
6.
Answers may vary C
5. Isagawa Mop 5.
Apron 4.
Pandakot 3.
4. Bunot 2.
Walis tingting 1.
3. B
Tama 5.
Mali 4.
Tama 3.
2. Mali 2.
Tama 1.
1. A
Tayahin

Suriin

Sanggunian
Peralta, G. A., Arsenue, R.A., Ipolan, C.R., Quiambao, Y.L., de Guzman, J.D. (2016).
Kaalaman at kasanayan tungo sa kaunlaran 5. Matina, Davao City: Vibal Group
Inc.

Efren S. Basilla, Jr., Vladimir L. Ahunin (2011) Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan 5. Embarcadero Street Santa Ana, Manila Philippines.///
Future Builder Publications, Inc.

https://www.youtube.com/watch?v=0EpinulvKTA

https://lrmds.deped.gov.ph

https://doc-0cg-c8-

https://www.google.com.ph/search?rlz=1C1RLNS

11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: [email protected]
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like