Alegado Jester LP10

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

University of Rizal System

Kolehiyo ng Edukasyon
Antipolo Campus

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA
ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan ng Guro: Jester Alegado Petsa: February 18, 2022


Baitang: 10 Pangkat: Melchora Aquino

I. LEARNING OBJECTIVES (LAYUNIN)


A. DepEd Competency & Code:

1. Nasusuri ang sistema ng edukasyon sa bansa (AP10ICC-IVa1)


2. Natatalakay ang mga suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon sa bansa
(AP10ICC-IVc4)

B. Objectives (Layunin)
Sa pagtatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang…
1. Nasusuri ang sistema ng edukasyon sa bansa.
2. Naibibigay ang mga suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon sa bansa.
3. Napahahalagahan ang mga programa ng pamahalaan sa pagsulong ng pantay-pantay
na edukasyon sa bansa.
4. Nakabubuo isang panukalang proyekto na naglalayong masolusyonan ang mga
suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon sa bansa.

II. LEARNING CONTENT (PAKSANG ARALIN)


A. Topic (Pangunahing Paksa): Mga Isyung Pang-Edukasyon
B. Subtopics (Kaligirang mga paksa): Access sa Edukasyon
C. References (Mga Sanggunian):

 Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan.2008. pp. 374-375


 https://prezi.com/gm07w0de7364/isyung-pang-edukasyon/
 https://youtube.com/watch?v=7zcFEKb7G54&feature=share
 https://www.academia.edu/14247613/
Basic_Education_Curriculum_in_the_Philipines
 https://www.officialgazette.gov.ph/k-12/
 Olaya, C. (2015, August 5). K to 12 presentation tagalog version Revised basic
education curriculum(rbec). (2015, August 5). Kurikulum
Kasaysayan

D. Learning Resources & Materials (Mga Kagamitan):

 AP Modyul Kontemporaryong Isyu


 PowerPoint presentation
 Picture
 Textbook
III. LEARNING PROCEDURE (PAMAMARAAN)

A. Preliminary Routines
● Panalangin
● Pagbati ng Guro
● Pagtatala ng liban
● Online Class Rules

B. Preparatory Activity (Panimulang Gawain)


 Review
Panuto: Gamit ang link na ibibigay ng guro, bilang balik-aral sagutan ang mga sumusunod na tanong.
Minute: 5 minuto
Link: https://forms.gle/DA4UfDnhj1NSLYfcA

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap, at ibigay ang tinutukoy nito.
1. Ito ang isa sa mga ugat ng pang-aabuso sa kababaihan at kabataan. SEX SLAVERY
2. Ito ang tinaguriang pinakamatandang uri ng propesyon sa buong mundo. PROSTITUSYON
3. Siya ang may akda ng Anti-Prostitution Act of 2010. PIA CAYETANO
4. Ang sinumang nakikilahok sa prostitusyon ay maaring maparusahan ng batas na ito. R.A 9208
5. Ayon sa kanya, ang prostitusyon ay bahagi ng kasaysayan ng isang bansa. RENE OFRECENIO

 Motivation
Pamagat: Picture Analysis
Minuto: 5 minutes
Panuto: Suriin ang bawat larawan, pagkatapos sagutan ang gabay na tanong sa ibaba.

Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang iyong napansin sa larawan?
2. Ano sa tingin ninyo ang ibig ipakahulugan ng mga larawan?
3. Ano sa tingin ninyo ang paksang tatalakayin sa araw na ito?
C. Learning Experiences (Karanasang Pagkatuto)
C.1. Discussion (Pagtatalakay)

Ang kasalukuyang umiiral na sistema ng pormal na edukasyon sa Pilipinas ay ang K+12 Program.


Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay pinangangasiwaan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd).
Ito ay karaniwang nahahati sa dalawang uri, ang pormal na edukasyon at ang di-pormal na
edukasyon.

Ang pormal na edukasyon ay nagaganap sa loob ng paaralan at pinangangasiwaan ng isang guro


namay sapat na kaalaman at kasanayan sa pagtuturo. Habang ang di-pormal na edukasyon ay
tumutukoy sa organisasyong pang-edukasyon aktibidad sa labas ng establisadong pormal na
Sistema.

C.2. Activity (Gawain)


Pamagat: Pangkatang Gawain
Miinuto: 20
Panuto: Ang guro ay hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Bawat grupo ay may nakaatang na iba’t-
ibang gawain. Pagkatapos ng talakayan, ang mag-aaral ay sasagutan ang mga nakahandang
pamprosesong tanong.

Pangkat 1: Bumuo ng isang graphic organizer na nagpapakita ng estruktura ng edukasyon sa


Pilipinas.
Pangkat 2: Ipaliwanag ang mga programa at polisiya na nagsusulong ng pagkapantay-pantay na
edukasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabalita.
Pangkat 3: Ibigay ang mga suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon sa Piipinas sa
pamamagitan ng role playing.

Pagkakasunod-sunod ng presentasyon:
Pangkat 1: Estruktura ng Edukasyon- Pangkat 3
Pangkat 2: Programa at Polisiya- Pangkat 2
Pangkat 3: Suliranin ng Edukasyon- Pangkat 1

Pagbibigay ng puntos sa bawat pangkat sa pamamagitan ng rubriks:


C.3. Analysis (Pagsusuri)
Ang mga mag-aaral ay sasagutin ang mga sumusunod na tanong;

1. Batay sa naging talakayin, bakit mahalagang malaman ang sistema ng edukasyon sa ating
bansa? Ano ang maari mong gawin upang mapataas ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas?
2. Sa iyong palagay, sapat ba ang mga hakbang na ipinapatupad ng pamahalaan upang matiyak
na ang edukasyon ay maibigay sa lahat? Ipaliwanag.
3. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang mga programa at polisiya na
isinulong ng pamahalaan? Pangatwiranan.
4. Bakit mahalaga na bigyan pansin at bigyan solusyon ang mga suliranin sa sektor ng
edukasyon?

C.4 Abstraction (Abstraksyon)


Pamagat: I know!
Minuto: 5 minuto
Panuto: Buuhin ang pangungusap sa ibaba batay sa iyong natutunan.

Natutunan ko na ang sistema ng edukasyon sa ating bansa ay____________________________.

C.4 Application (Paglalapat)

Pamagat: Panukalang Proyekto


Panuto: Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang panukalang proyekto na nagbibigay solusyon ukol sa
mga suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon sa bansa. Gamitin ang pormat na ibibigay ng
guro. Ipapasa ito sa google classroom.

IV. LEARNING EVALUATION (PAGTATAYA NG PAGKATUTO)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Ibigay ang tamang sagot.
Link: https://forms.gle/GnpF2J26YRSWY8RVA

1. Ito ay tumutukoy sa kabuuan ng lahat ng salik na may kinalaman sa pormal na Pag-aaral.


2. Ito ang kasalukuyang kurikulum bg edukasyon sa Pilipinas.
3. Ito ay naglalayong magbigay ng libreng access sa pag-aaral.
4. Ito ay uri ng edukasyon na kung saan pinangangasiwaan ng mga gurong may sapat na kaalaman.
5. Ito ay uri ng edukasyon katulad ng TESDA at ALS.

Susing Sagot
1. Sistemang Pang-edukasyon
2. K+12
3. Republic Act 9155
4. Pormal na Edukasyon
5. Di-pormal na Edukasyon

Index of Mastery
5-
4-
3-
2-
1-
0-
V. ASSIGNMENT / HOMEWORK (TAKDANG-ARALIN)

Panuto: Ang mga mag-aaral ay gagawa ng Digital Poster nagpapakita ng pamamaraan upang makatulong sa pagpapataas
ng kalidad ng edukasyon sa bansa.

Mga Apps o website na maaaring gamitin:


Canva.com
Poster Maker Adobe

Inihanda ni: G. JESTER ALEGADO


Guro, AP 10

You might also like