Pagsulong NG Kababaihan Tungo Sa

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Pagsulong ng Kababaihan Tungo sa

Pantay na Karapatan

Samantala, pinaniniwalaan ng marami, na ang mga lalaki ay natural na

“instinctive”.Pinaka-gawain nila, ang protektahan ang buhay nila at ang buhay ng

minamahal nila. Dahil sa papel nila na protektahan ang buhay ng kanilang pamilya,

nalinang nila ang kakayahan na makaisip ng mas mabilis kaysa sa kababaihan. Kaya

maiintindihan natin kung bakit ang mga kalalakihan ay kilala sa pagiging natural na

lider. Marahil ay madalas na nating naririnig ang tinatawag na Great Man Theory of

Leaders na nagsasaad na mayroong mga taong ipinanganak na mayroon nang mga

katangiang kinakakailangan upang maging isang mabuti at responsableng lider na

kayang mamuno ng may awtoridad at kapangyarihan. Ang halimbawa nito ay ang

pagkakaroon ng mga lalaking pinuno ng iba’t -ibang bansa, at pati na rin ang mga

pamilyang pinipili ang mga anak nilang lalaki upang mamahala ng malalaking negosyo.

Subalit, sa kabila ng pagiging natural na lider ng mga kalalakihan, na

pinaniniwalaan na ng karamihan noon pa, ay mayroong mga bagong pag-aaral na mas

magaling umunawa ng emosyon ang mga kakabaihan, sa pamamagitan lamang ng

pagtingin sa mga mata na isang susi sa pagiging isang magaling na namumuno.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa nina Hoffman, Kessler, Eppel, Rukavina, at Traue,

likas sa mga babae ang pagiging mapagmatyag sa kanyang paligid, kaya naman

nagagawa niyang makiramdam sa mga ibang tao. Samantalang, ang pagiging

mahabagin naman ay isang katangiang tinataglay ng mga kababaihan na labis na

nakakatulong sa kanilang karakter at pakikitungo sa kapwa. Mas sensitibo ang mga

kababaihan sa kalagayan ng ibang tao kaysa sa mga kalalakihan at mas nakokontrol

nila ang kanilang pasensya lalo na sa mga mahirap na sitwasyon. Ayon sa isang pagaaral na isinagawa ni
Leslie Man noong 2014, ang mga kababaihan ay mas mahabagin

kaysa sa mga kalalakihan sapagkat mas magaling silang makaramdam at makaunawa

ng sakit na nararanasan ng iba. Bukod dito, isa ring pag-aaral ni Leonardo ChristovMoore noong 2019,
mas mabilis na nagkakaroon ng reaksyon ang isang parte ng mga

utak ng kababaihan na nauugnay sa sakit kaysa sa kabaligtaran nitong kasarian. Ayon


rin sa isa sa mga pinakamataas na lider pang-espiritwal sa Tibet at isang dating lider sa

politika na si Dalai Lama, kinakailangan ng mundo ang mga taong namumuno na

mayroong “compassion” o ang pagiging mahabagin. Kanya ring iniisip na mas kailangan

ng mundo ang mga babaeng lider. Aniya, ang biyolohikal na katangian ng kababaihan

ay mas angkop sa mga gawain ng isang lider kaysa sa kabaligtarang kasarian. Mayroon

rin mas malawak na kalayaan ang mga kababaihan upang maipakita ang kanilang

nararamdaman sa iba na siyang kabaliktaran ng mga kalalakihan na mas pinipiling

hindi ipakita ang kanilang saloobin.

Ayon sa pag-aaral kung saan ipinakita sa 90,000 katao ang larawan ng iba'tibang mata at naatasan silang
tukuyin ang mga emosyon nito, ay naipakitang ang

resulta ay higit na magaling ang mga babae kumpara sa mga lalaki. Sinasabi lamang

dito na pagdating sa pag-intindi ng emosyon ay mas higit na may kakayahan ang mga

babae. Isa pang pag-aaral ang nagsasabing mas mataas ang naging marka ng mga

babae sa empathy test kumpara sa mga lalaki. Ngunit, hindi ito dahil sa natural na

kakayahan ng mga babae, kundi sa kung gaano natin pinakikinggan ang ating

pakiramdam. Isinaad

din dito na lahat naman tayo ay may kakayahang makiramdam, ang pinagkaiba nga

lamang ay ang mga kababaihan ay maalam makinig sa sinasabi ng kanilang damdamin.

Sa pamamagitan ng pagiging maunawain sa emosyon ng bawat tao, nagagawa ng mga

kababaihang mamuno nang maayos sa kanilang nasasakupan. Dahil sinasabi ng

siyensya na sa pagtaas ng empathy ng isang tao ay siya ring pagtaas ng talino niyang

pang akademiko. Nakasaad sa isang pag-aaral na mas magaling na lider ang mga

kababaihan dahil naibibigay nila ang personal na pangangailangan ng kanilang mga

tagasunod dahil bukas sila sa mga bago at iba't-ibang opinyon ng mga ito. Mapapansin

ding marunong makuntento ang mga kababaihan, kung kaya't mas napahahalagahan

nila at nabibigyan ng karampatang gantimpala ang bawat taong sumusunod sa kanila.

Sa kabilang banda, ang mga lalaki ay mas pinipiling hintaying lumala ang problema

bago ito solusyonan at kung minsan pa ay hindi nila dinadaluhan ang mga kritikal na

pagpupulong. Isa pang basehan ng pagiging magaling na lider ng mga babae ay ang
isang pag-aaral na nagsasabing mataas ang husay ng mga kababaihan sa

pagpapakita ng integridad at katapatan, self-improvement, pag-abot sa mga layunin,

kakayahang makiangkop at pangunahan ang mga tao sa paligid niya.

Sa kabilang banda naman, marami ring babae ang maipagmamalaki ng ating

bansa. Ilan na dito ay sina Hidilyn Diaz at Maria Ressa. Nabalitaan na siguro natin kung

sino si Hidilyn Diaz, hindi ba? Pagdating sa larangan ng sports gaya ng weightlifting,

ang mga kababaihan ay magaling din. Sinasabi ng lahat na ang larong ito ay para

lamang sa mga kalalakihan, ngunit ang katotohanan ay kayang-kaya ito ng mga

kababaihan gaya nalamang ni Hidilyn Diaz. Nakamit ni Diaz ang unang puwesto sa 55-

kg weightlifting competition, at kinilala bilang kaunaunahang Olympic gold medallist ng

Pilipinas. Ang kaniyang pagkapanalo, ang nagbigay sa Pilipinas ng kauna-unahang

gintong medalya pagdating sa Olympics. Siya ay 30 taong gulang nang manalo siya sa

women's 55 kg category sa weightlifting sa Tokyo 2020. Sa ikaapat na pagsali sa

Olympics, binuhat ni Hidilyn Diaz ang combined weight na 224 kg at ito ay isang

bagong Olympic record. Ipinapakita nito, na ang larong weightlifting ay hindi lamang

para sa mga kalalakihan, sapagkat ang mga kababaihan ay kayang-kaya itong gawin

at mag-uwi ng karangalan para sa ating bansa.

Ang isa pang maipagmamalaking babae ng Pilipinas ay si Maria Ressa. Siya ay

kinilala sa kaniyang kagalingan at katapangan sa paghahayag ng balita. Ang

kahalagahan ng mga mamamahayag na nagsasagawa ng malaking panganib na dalhin

sa mga tao ang katotohanan sa mga bansa, kung saan kinasasangkutan nito ang

pakikipaglaban sa mga awtoridad na pamahalaan, ay kinilala ng desisyon ng komite ng

Nobel, na igawad ang premyong pangkapayapaan noong Oktubre 2021 kay Maria

Ressa. Isa siya sa dalawang mamamahayag na ginawaran ng Nobel Peace Prize bilang

pagkilala sa kanyang mga pagsisikap na pangalagaan ang kalayaan sa

pagpapahayag, na isang paunang kondisyon para sa demokrasya at pangmatagalang

kapayapaan. Isa siyang mamamahayag sa Asya sa loob ng mahigit 35 taon.Ito ang

kauna-unahang pagkakataon na naibigay ang parangal na ito sa isang mamamahayag.

Si Maria Ressa rin ang nagtatag ng Rappler, ang nangungunang digital lamang na site
ng balita na nangunguna sa laban para sa kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas.

Bilang CEO at presidente ng Rappler. Ginamit niya ang kanyang online na organisasyon

ng balita, ang Rappler, upang ilantad ang pang-aabuso sa kapangyarihan, paggamit

ng karahasan at lumalagong awtoritaryanismo sa ating bansa. Ilan lamang ito sa mga

dahilan kung bakit ang mga kababaihang Pilipino ay karapat-dapat na bigyan ng

sapat na pagpapahalaga at opurtunidad sa lipunan.

Dumako naman tayo, sa mga gawaing bahay at responsibilidad ng isang babae.

Kung tradisyon at norm ang pag-uusapan, masasabing palaging babae ang naiiwan sa

bahay upang mag-alaga ng anak at gumawa ng mga gawaing bahay. Sinasabi na ang

mga babae ay dapat maging maybahay na lamang, magluto ng hapunan, tumulong sa

mga takdang-aralin at ang pinaka-importante ay ang magkaroon ng anak at ang mga

lalaki naman ang syang bahala sa paghahanap-buhay. Maskulado ang lalaki kaya't ang

mga mabibigat na gawain ay kaya nila, samantala ang mga babae ay may maliit at

may malambot na pangangatawan kaya't magagaang gawain lamang ang para sa

kanila. Sinasabi pa rito, na karamihan sa mga kababaihang walang sapat na suporta ay

nakararanas ng depresyon lalo na kapag malapit nang manganak o pagkatapos nito,

kung kaya't kailangan ang kooperasyon ng asawa upang lumaki nang maayos ang

kanilang anak. Napatunayan naman mula sa isinagawang pag-aaral ng Federal Reserve

Bank of St. Louis na mas nagiging produktibo ang mga babaeng may anak kaysa sa mga

babaeng walang anak. Ito ay dahil sa pagdaming ng anak ay siya ring pagdami ng

gawa ng magulang. Ayon din dito, karamihan sa mga babaeng nagpaplanong

magkaroon ng anak ay nagagawang ayusin ang kanilang buhay, akma sa pagiging

magulang.

Ngunit ayon sa pag-aaral, ang pag-aalaga sa anak ay responsibilidad ng magasawa at hindi lamang ng
babae. Sinasabing ang pamilya ang pinakamaliit na yunit ng

lipunan at binubuo ito ng isang ama, ang haligi ng tahanan, isang ina na siyang ilaw nito,

at ng mga anak. Umuunlad ang isang pamilya dahil sa pagtutulungan ng bawat

miyembro nito na pinamumunuan ng ulo ng tahanan, ang ama na siya ring gumagawa ng

desisyon sa buong tahanan. Habang ang mga ina naman ay gumagawa ng mga
gawaing bahay, nag-aalaga ng mga anak, at sinusuportahan ang asawang lalaki sa

pamumuno nito. Kung kaya’t, nagiging mahirap para sa isang ina, ang pag-aalaga ng

anak, lalo na kung wala siyang nakukuhang suporta mula sa kaniyang asawa o pamilya.

Base sa mga paunang pahayag ay isinusulong ang punto ng adbokasya ng mga

kababaihan patungkol sa feminism, kung saan dito nailahad ang mga iba’t ibang

kakayahan ng mga kababaihan sa iba’t ibang larangan at parte ng buhay, na tila hindi

nabibigyang-pansin ng karamihan. Sapagkat noon ay malaki ang pagpapahalaga na

ibinibigay sa mga babaylan o kilala ring mga likas na babaeng manggagamot. Ngunit

mula ng dumating ang mga espanyol sa bansa, dahil sa kaibahan ng paniniwala ng mga

babaylan sa paniniwala ng espanyol sa relihiyon, ay kanilang dinungisan ang pangalan

ng mga kababaihan. Dito na nagsimulang masira ang reputasyon ng mga babae na

naging dahilan kaya’t hindi gaanong nabibigyan ng oportunidad ang mga kababaihan

na makakuha ng sapat na karapatan at maipakita ang kanilang kakayahan. Sa

kabilang banda naman, dahil rin sa kakayahan na ipinamalas ng mga lalaki ay madalas

ring naiikumpara ang kakayahan ng mga babae sa kakayahan ng mga lalaki. Kung

kaya’t masasabing madalas hindi pantay ang tingin ng karamihan sa kakayahan

ng babae at lalaki, at sa halip ay minamaliit ang karapatan ng mga babae.

Subalit, sa mga paunang pahayag ay nailahad din ang mga husay at kakayahan

ng mga babae sa iba’t ibang larangan gaya na lamang ng, pagdating sa pisikal na

kakayahan at kahusayan sa pagpapahayag ng mga opinyon na nakapupukaw sa

damdamin ng mga tagapakinig. May kakayahan din ang mga babae na ito ay

magampanan. Ang mga nagpatunay nito ay ang dalawang kilalang mahusay na babae

sa Pilipinas na sina Hidilyn Diaz at Maria Ressa. Ang Nobel Peace Prize 2021 ay nakamit

ni Ressa, at ang kauna unahang gintong medalya naman ng Pilipinas, pagdating sa

Olympics ay nakamit ni Diaz sa kinatatampukan niyang weight lifting kompetisyon. Sila

ang mga patunay na ang mga kababaihan ay may mga natatangi ring kakayahan na

talagang maipagmamalaki sa karamihan.

Samantala, pagdating naman sa pamilya ay parehas na may kalakip na gampanin

ang ina at ama. Sapagkat, ang pagkakaroon ng hanap buhay ay isang kakayahang
parehas tinataglay ng bawat isa, dahil mayroon ring mga babae na siyang nagsisilbing

maghanap-buhay, upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya, malaki

man o maliit ang gawain ay parehas may sapat na kakayahan ang babae at lalaki na

ito ay magampanan.

Bagamat, kung politika o pamumuno ang usapan, marahil hindi pantay ang

karapatan ng kababaihan at kaiba ang oportunidad na nakukuha sa pagkandidato at

pag boto, kumpara sa kalalakihan. Ngunit sa isang banda, nabanggit din sa napaunang

pahayag na mas mataas ang iskor ng mga babae sa lalaki pagdating sa pagiging

direktor. Ang kababaihan ay higit rin na nagtataglay ng kakayahang maka ramdam ng

emosyon, kung kaya't ang mga babae ay higit na may pang unawa, na siyang

nagsisilbing basehan sa pagtaglay ng mataas na kaisipan o sapat na katalinuhan upang

sa gayon ay mabuti ring mapamunuan ang nakararami. Samantala, kaiba sa iba pang

kakayahan ng mga kababaihan, ay may kakayahan din ang mga lalaki na magtanyag

ng natural na kakayahan pagdating sa responsableng pamumuno. Sapagkat, dahil sa

pokus nila na maprotektahan ang mga mahal nila sa buhay, ay kanilang nalinang ang

kakayahan nilang bilis na maka isip ng solusyon sa mga mahirap na sitwasyon. Ngunit,

ang mga kababaihan ay mas higit paring likas sa pag-unawa, pagpapahayag,

pagpukaw ng damdamin, at gayon rin sa pakikiramdam kumpara sa mga kalalakihan.

Kung kaya’t ang adbokasya ng feminism ay isinusulong naming mga kababaihan

upang maipaglaban ang pantay na karapatan at pribelehiyo ng bawat isa. Sapagkat

kung tutuusin, nabanggit din sa paunang pahayag na marami din namang kakayahan

ang mga babae na higit pa sa kakayahan ng mga lalaki. Kaya’t masasabing may

kakayahan din ang mga kababaihan na magampanan ang iba pang mga tungkulin, na

tila sa mga lalaki lamang ipinagkakatiwala. Kaya, marapat din na pahalagahan at

mabigyan ng sapat na oportunidad ang mga babae sa lahat ng bagay.

https://plato.stanford.edu/entries/feminist-philosophy/

https://asiafoundation.org/2012/03/07/early-feminism-in-the-philippines/?

fbclid=IwAR1csNYdZY6vw_4HKHd1W316UjndVaLiPZktPAEqXzuy_Vk2dGdZukD-scY

https://library.fes.de/pdf-files/bueros/philippinen/14072.pdf?
fbclid=IwAR3ITMzKAs0rZgl3gcfbwUqAEl-onUrPu0PKWfOXA8yoh5UdciYjmBr68Is

https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S000169181000140X

https://www.inderscienceonline.com/doi/pdf/10.1504/IJBGE.2013.052743

https://japan-forward.com/olympic-impressions-weightlifter-hidilyn-diaz-wins-historicfirst-gold-for-
philippines/?

fbclid=IwAR0CSJUsSvSsBxzIdS7pUDCValtBOTjFKIFy4pWMUgUNmDig-ddRAr-EmA0

https://theconversation.com/maria-ressa-nobel-prize-winner-risks-life-and-liberty-tohold-philippines-
government-to-account-169564?fbclid=IwAR38PTBq-T97O6Z_hmxiZqA9N-
nlVShanNU_dEgEq5cwbRtON28dJ0RYO8

https://fisher.osu.edu/blogs/leadreadtoday/why-women-are-better-leaders

https://nypost.com/2017/06/16/science-confirms-womens-intuition-is-a-real-thing/

https://www.thecut.com/2016/10/heres-one-theory-for-what-womens-intuition-reallyis.html

https://www.pregnancybirthbaby.org.au/your-physical-and-emotional-wellbeing

https://beboldbeuma.com/study-says-working-moms-are-more-productive-thancolleagues-without-
kids/

https://www.ftms.edu.my/journals/brPaper.php?codec=downloadCount&paperid=22

https://www.nairaland.com/143533/why-men-natural-leaders-more

https://haribon.org.ph/ang-babae-noon-at-ngayon/

https://www.123helpme.com/essay/Why-Women-Should-Stay-Home-And-Be-503592

https://centexcatholic.com/news/men-are-natural-leaders

https://www.theatlantic.com/sexes/archive/2013/06/the-dalai-lama-says-femaleleaders-are-more-
compassionate-hmm/276843/

https://newsroom.ucla.edu/stories/womens-brains-show-more-empathy

Mga Sanggunian

https://scopeblog.stanford.edu/2013/06/20/are-women-more-compassionatethan-men-what-the-
science-tells-us/

https://greatergood.berkeley.edu/article/item/are_women_more_compassionate_th

an_men

https://www.chicagotribune.com/lifestyles/health/sc-health-0514-plucky-women20140516-story.html

Mga Sanggunian

ABELLERA, Kyla Veronne M.


ARELLANO, Jenina M.

ATIENZA, Dorothy Amor C.

BARIGA, Janelle B.

DELLOSA, Princess Yesha M.

DIMAYACYAC, Jen lssa Mari B.

DE VILLA, Shanley A.

GABRIDO, Alexa A.

LIBUTAN, Hannah C.

MARQUEZ, Honey Asrah D.

MONTECALVO, Frances Pauline E.

QUIA, Hannah Jean J.

SAMARITA, Brainjosh L.

UMALI, Jhane Dharah S.

Mga Miyembr

You might also like