Konseptop Pagbasa at Pagsusuri CN10
Konseptop Pagbasa at Pagsusuri CN10
Konseptop Pagbasa at Pagsusuri CN10
PAGBASA AT
PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
Ikalawang Semestre
Aralin #1: Kahulugan ng Pagbasa
Iskiming:
Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto kung
paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang
pananaw at layunin ng manunulat
Iskaning:
Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo o tiyak na sipi na
makakatulong sa iyo, iskaning ang angkop na paraan ng pagbasa na dapat gamitin.
Matulin na pagbabasa:
Mahahalagang bahagi lamang ng isang teksto ang binabasa batay sa layunin ng
bumabasa. Ito ang pinakamahalagang kasanayan ng isang ganap na
mambabasa.
Paghuhula (Predicting)-
Paglilinaw (Clarifying)-
Linawin kung tama o mali ang iyong mga ginawang hula o mga sagot sa iyong mga
tanong
Pag-uugnay (Assimilating)-
Paghuhusaga (Evaluating)-
ISKIMING
Pamagat ng Babasahin:
Tagal ng pagbabasa:
Kahalagahan ng Pagbasa
1.
2.
3.
4.
5.
Aralin #2:IMPORMATIBO
ANG TEKSTONG IMPORMATIBO
Layunin ng may-akda: Magkakaiba ang layunin ng may akda sa pagsulat niya ng isang
tekstong impormatibo. Ang nais nila ay magkaroon nang pag-unawa at malawak na
kaalaman ang mambabasa.
Pangunahing ideya: Ang pangunahing ideya ay dagliang inilalahad sa mambabasa.
Nahahanap ang pangunahing ideya sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa
bawat bahagi at tinatawag itong organizational markers na nakatutulong upang makita
kaagad ng mambabasa ang pangunahing ideya.
Pantulong na kaisipan: Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong na
kaisipan o detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing
ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtampok sa bagay na
binibigyang-diin: Makatutulong sa isang mambabasa ang magkaroon nang malawak
na kaalaman at pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo, ang paggamit ng mga
estilo o kagamitan/sangguniang maagbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng
sumusunod:
2. Pag-uulat Pang-impormasyon
Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang kaalaman o impormasyong tungkol sa
tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay gayundin ang
pangyayari sa paligid.
Halimbawa paksang kaugnay sa teknolohiya, global warming at cyberbullying.
Ang pagsulat ng ganitong teksto ay kinakailangan ng masusing pananaliksik
sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng
katotohanan ukol sa paksa.
3. Pagpapaliwanag
Ito ay uri ng tekstong impormatibong nagbibigay ng paliwanag kung paano o
bakit nagana pang isang bagay o pangyayari.
Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa impormasyong nagsasaad kung
paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan.
Karaniwan ginagamitan ito ng larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang
mga paliwanag.
Halimbawa ay ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng pauparo.
Upang lubos na maunawaan ang tekstong impormatib narito ang isang halimbawa.
Sabado, Nobyembre 26, 2016
Marianne G. Boral ABM-A -- Batas Laban sa Bullying
http://fil.wikipilipinas.org/index.php/Anti-Bullying_Act
http://www.gmanetwork.com/news/story/327044/news/ulatfilipino/batas-laban-sa-
bullying-pinirmahan-na-ni-aquino#sthash.Qx9tMq9f.dpuf
Pangunahing ideya:
Pantulong na kaisipan:
Talaarawan
Proyektong Panturismo
Talambuhay
Rebyu ng pelikula o palabas
Obserbasyon
Akdang Pampanitikan
1. Karaniwang Deskriptibo
Halimbawa
HALIMBAWA 1:
HALIMBAWA 2:
HALIMBAWA #1:
HALIMBAWA #2:
Tekstong argumentatibo
Panimula
Kaligiran o ang kondisyong nagbibigay-daan sa paksa
Ebidensyang susuporta sa posisyon
Counter-argument
Konklusyon sa lalagom sa iyong isinulat
Ikawalang konklusyon at tanong na “ E ano na ngayon kung „yan ang iyong posisyon?”
Isulat na ang draft o burador ng iyong tekstong argumentatibo
Basahin muli ang isinulat upang maiwasto ang mga pagkakamali sa gamit ng wika at
mekaniks
Muling isulat ang teksto taglay ang anumang pagwawasto. Ito ang pinal na kopya.
TEKSTONG PERSUWEYSIBO
Ang Tekstong Persuweysibo ay may layuning manghikayat o mangumbinsi sa
pamamagitan ng mga salitang mapanghikayat na sinusuportahan ng mga matibay na
patunay o ebidensya.
Ginagawa ito upang mapilit ang isang mambabasa na maniwala, o kung hindi na ma‟y
magkaroon ng matibay na posisyon hinggil sa isang isyu.
Ayon kay Mabilin (2009), maging anumang uri ng tekstong gagawin ng isang manunulat,
kinakailangang mayroon itong katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at
mapasang- ayon ang mga mambabasa
Ang tekstong ito ay isinusulat batay sa magkakaugnay at tiyak na mga pangyayari ayon
sa pagkakasunod- sunod.
Ang pinakalayunin sa pagsulat nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga kaganapan.
Nasaad ang ganitong layunin sa paglalahad ng mga mahahalagang pangyayari ayon sa
panahon at pagkakataon.
Kadalasang halimbawa ng mga sulating ito ay mga maikling kwento o katha, nobela,
sanaysay at iba pang uri ng tekstong naratib.
KAIBAHAN SA PAGLALARAWAN
Mas pinagtutuunan nito kung paano nagkakadustong-dugtong ang mga
pangyayari, at hindi ang mismong pangyayari lamang.
Kinakailangan ang pagsubaybay ng mgfa mambabasa o mga tagapakinig
hanggang sa wakas para maunawaan ang ideya o kaisipang nais nitong
ipamahagi.
TEKSTONG NARATIBO/NAGSASALAYSAY
FREYTAG PYRAMID
Rurok
Eksposisyon Resolusyon
EKSPOSISYON
RUROK
PABABANG AKSYON
RESOLUSYON
Ayos ng Banghay
a. Linyar
Isinasalaysay nito ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari. Tinatawag din itong
kronolohikal na ayos.
b. Pagbabalik- Tanaw
Binabalikan at inaalala ng punto de bista ang mga naganap sa isang tauhan o sa isang
lugar.Tinatawag itong in-medias res.
c. Sorpresa
Ito ang mga kagulat-gulat na mga wakas.
Kung lohikal ang daloy ng kwento, may mga pahiwatig o foreshadowing na ibinibigay sa
unahan pa lamang ng kwento. Sa kabilang banda, maaaring may twist na dulot ng
swerte kung kaya nagiging Masaya ang wakas ng kwento.Tinatawag itong dues ex-
machine.
2. Tauhan
Ang mga gumaganap sa kwento.
e. ROUND
Misteryoso ang karakter ng isang tauhan.
f. FLAT
Paglalarawan sa karakter ng isang tauhan sa ugali at pisikal na anyo.
3. Punto de Bista
Ang punto de bista ang mata ng buong kwento.
OMNISCIENT- kapag ang tagapagsalaysay ay tila pumapasok sa katauhan ng bida o iba pang
tauhan sa kwento upang ilarawan ang damdamin o iniisip nito. Kung baga, malalim ang
pagsasalaysay sa galaw ng tauhan.
4. Tagpuan
Ang tagpuan ang sumasagot sa tanong na kalian at saan naganap ang pangyayari, na
nagbibigay- kaligiran sa kwento.
TEKSTONG PROSIDYURAL
Ito ay isang uri ng teksto na nagbibigay ng impormasyon kung paano isagawa ang
isang bagay o gawain. Sa tekstong ito, pinapakita ang mga impormasyon sa
“Chronological” na paraan o mayroong sinusunod na pagkakasunod-sunod.
• Panuntunan sa mga laro (Rules for Games) – Nagbibigay sa mga manlalaro ng gabay
na dapat nilang sundin.
1. Recipe ng spaghetti
• Mga Kagamitan / Sangkap – Tumutukoy ito sa mga kagamitan na dapat gamitin para
maisakatuparan ang gawain.
1. Pamagat – ang nagbibigay ng ideya sa mga mambabasa kung anong bagay ang
gagawin o isasakatuparan.
3. Sub-heading – Kung mayroon nang seksyon, dapat ito ay binibigyan din ng pamagat na
magsasabi kung anong parte iyon ng prosidyur.
4. Mga larawan o Visuals – Mahalaga ang larawan sapagkat may mga bagay na mahirap
ipaintindi gamit lamang ang mga salita.
• Ang tekstong prosidyural ay laging nakasulat sa ikatlong panauhan (third person point of
view)
Aralin#8: PANANALIKSIK
1. MASIPAG- Hindi maaaring doktorin ng mananaliksik ang resulta ng kanyang pananaliksik. Kung
magiging tamad siya, mahahalata ito sa kakulangan ng kanyang datos, kakulangan ng katibayan
para sa kanyang mga pahayag at mga hindi mapangatwirang kongklusyon.
2. MATIYAGA- Kakambal na ng sipag ang tiyaga. Sa pangangalap kasi ng mga datos, kailangan
maging pasensyoso ang isang mananaliksik. Kapag inaakala niyang kumpleto na ang mga datos,
maaaring imungkahi pa rin ng kanyang guro/tagapayo ang pagdaragdag sa naunanang mga nakalap
na datos.
4. SISTEMATIKO- Kailangang sundin ng isang mananaliksik ang mga hakbang nito ayon sa
pagkasunod-sunod.
5. KRITIKAL O MAPANURI- Ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain. Pinaglalaanan ito ng buhos
ng isip, kailangan maging kritikal o mapanuri ang isang mananaliksik sa pag-ieksamen ng mga
impormasyo, datos, ideya o opinyon upan
URI NG PANANALIKSIK
1. Analisis- Sa pananaliksik na ito, kinalap ang iba‟t ibang uri ng datos at pinag-aaralan
upang hanapan ng pattern na maaaring magsilbing gabay sa mga susunod pang
hakbangin.
2. Aral-Kaso o Case Study- Inoobserbahan dito ang mga gawi o pagkilos ng isang sabjek
sa isang sitwasyon o kaligiran. Sinisiyasat din ang mga sanhi nito, maging ang maaaring
maging tugon o reaksyon sa panibagong kaligiran.
3. Komparison- Dalawa o higit pang umiiral na sitwasyon o sabjek ang pinag-aaralan ditto
upang tukuyin ang kanilang mga pagkakatulad at pagkakaiba
4. Korelasyon-Prediksyon- Sinusuri dito ang mga istatistikal na datos upang maipakita
ang pagkakaugnay ng mga ito sa isa‟t isa upang mahulaan o mahinuha ang kalalabasan
ng mga baryabol sa katulad, kahawig o maging sa ibang sitwasyon.
5. Ebalwasyon- Inaalam sa pananaliksik na ito kung nasunod nang wasto ang mga
itinalagang pamamaraan kaugnay ng pagsasagawa o pamamahala ng isang bagay at
sinusuri kung nakamit baa ng mga inaasahang bunga.
6. Disenyo-Demontrasyon- Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa sa mga tuklas ng
nakaraang pananaliksik upang subukin ang validity at reability ng mga iyon.
7. Sarbey-Kwestyoneyr- Sa pamamagitan ng talatanungan, inaalam at iniinterpret sa
pananaliksik na ito ang mga gawi, pananaw, kilos, paniniwala o preferensya ng iba‟t
ibang pangkat hinggil sa isang paksa o usapin.
8. Istatus- Masusing sinusuri ang isang piniling sampol upang matukoy ang kanyang mga
natatanging katangian at kakayahan.
9. Konstruksyon ng Teorya- Ang pananaliksik na ito ay isang pagtatangkang makahanap
o makabuo ng mga prinsipyong magpapaliwanag sa pagkabuo, pagkilos o ang
pangkalahatang kalikasan ng mga bagay-bagay.
10. Trend Analisis- Hinuhulaan dito ang maaaring kahinatnan ng mga bagay-bagay o
pangyayari batay sa mga napansing trend o mga pagbabagong nagaganap sa mga
sitwasyong sangkot sa pag-aaral.
Isyu ng Plagyarismo
Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng
isang akda, programa, himig at iba pa na hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. Ito ay isang uri ng
pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo (Bernales, et. al, 2009).
Sina Atienza, et al. (1996) ay nagtala ng mga halimbawa ng plagyarismo at mga kaparusahang
maaaring ipataw sa isang plagyarista. Ito ang ilan sa plagyarismong kanilang itinala:
a. kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi ipinaloob sa panipi;
c. kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa iba‟t ibang akda at pinagtagpi-tagpi;
d. kung isinalin ang ideya, termino, pahayag at dahil nasa ibang wika na ay inangkin na at hindi
itinala na salin na ito;
e. kung ninakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig at hindi kinilala ang pinagkunan
ng inspirasyon at;
f. kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at pinalabas niyang
siya ang nagkalap ng mga datos na ito.
Samantala, ang mga parusang maaaring ipataw sa plagyarista ay ang mga sumusunod:
a. para sa magaang na parusa, bigyan ng lagpak na marka ang estudyante para sa kurso;
c. kung nakagradweyt na at kahit ilang taon na ang nakalipas ngunit natuklas na ang kaniyang
pananaliksik ay kinopya, maaari siyang tanggalan ng digri
d. maaari ring ihabla ang sinumang nangopya batay sa Intellectual Property Rights Law at maaaring
sistensyahan ng multa o pagkabilanggo.
1. Kasapatan ng Datos- Kailangang may sapat nang literature hinggil sa paksang pipiliin. Magiging
labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan-ngilan pa lamang ang mga aveylabol
na datos hinggil doon.
2. Limitasyon ng Panahon- Tandaan, ang kursong ito ay para sa isang semester lamang.
Magiging konsiderasyonh sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito. May mga paksa kasing
mangangailangan ng mahabang panahon, higit pa sa isang semestree, upang maisakatuparan.
3. Kakayahang Finasiyal- Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa. May mga paksang
mangangailangan ng malaking gastusin na kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad
ng pananaliksik, Samakatuwid, kailangan pumili ng paksang naaayon sa kakayahang finasyal ng
mananaliksik.
4. Kabuluhan ng Paksa- Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhgan
ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluha. Samakatuwid, kailangan pumili ng
paksang hindi lamang napapanahon, kundi maaaring ring pakinabangan ng mananaliksik at ng
iba pang tao.
5. Interes ng Mananaliksik. Magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng mga
datos kung ang paksa niya ay naayon sa kanyang kawilihan o interes. Hindi niya rin kailangang
pilitin pa ang sarili sa pananaliksiki kung ang gianagwa niya ay nauukol sa bagay na gusto
naman talaga niya.
PAGLILIMITA NG PAKSA
Panahon
Edad
Kasarian
Perspektib
Lugar
Profesyon o Grupong kinabibilangan
Anyo o Uri
Partikular ma Halimbawa o Kaso
Kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan