Fil8 Q4 M3-Final-ok

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8
Zest for Progress
Z P
eal of artnership

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3
Paglalahad ng Damdamin at Mahahalagang
Pangyayari Batay sa Napakinggan

1
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rosemarie R. Alfaro, MT-1


Tagasuri: Elsie V. Malagum, Mary Jill A. Atetio, Thelma P. Opada
Tagalapat: EPS Florencio R. Caballero, DTE
Tagapamahala: SDS Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
ASDS Visminda Q. Valde, EdD
ASDS Raymond M. Salvador, EdD, CESE
ASDS Juliet A. Magallanes, EdD EPS
Florencio R. Caballero, DTE
Josephine L. Tomboc, EdD

Alamin
Sa modyul na ito, matutuhan mo ang paglalahad ng damdamin at
mahahalagang pangyayari batay sa napakinggang aralin.
May mga Gawain akong inihanda para sa iyong sariling pagkatuto . Huwag
kang mag-alala ,gagawin nating magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa . Handa ka
na ba ?
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng
sa isang dakilang akdang pampanitikan na makatotohanang radio broadcast na
mapagkukunan ng mahahalagang kaisipang naghahambing sa lipunang Pilipino sa
magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan
lipunang Pilipino sa kasalukuyan

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Nakapaglalahad ng damdamin o saloobin ng may- akda, gamit ang wika ng


kabataan .( F8WG-IVa-b-35)

• Nakapaglalahad ng mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin .


( F8PN-IVc-d-34 )

• Nakapaglalahad ng damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa


napakinggan. ( F8PN-IVg-h-37 )

PAALALA: HUWAG SULATAN ANG MODYUL NA ITO. MAGHANDA NG SARILING


SAGUTANG PAPEL.

2
Balikan
Sa nakaraang modyul , napag-aralan mo ang talambuhay ni Francisco Baltazar na
mas kilala sa tawag na Francisco Balagtas o may palayaw na Kikong Balagtas. Siya’y
tinaguriang Ama ng Balagtasan at Prinsipe ng Makatang Tagalog . Marami siyang akdang
naisulat at isa sa pinakatanyag ay ang Florante at Laura
,isang awit na isinulat niya noong 1838, ang Panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
Inialay ito ni Francisco kay Maria Asuncion Rivera , ang babaeng kanyang minahal
nang labis na pinagmulan ng kanyang pinakamalaking kabiguan.

Sa pagsisimula ng ating aralin, sagutin mo muna ang mga tanong batay sa iyong
dating kaalaman.

Panimulang Pagtataya :
A.Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Kanino inaalay ni Balagtas ang Florante at Laura ?
A. kay Selya C. sa kabataan
B. sa kanyang sarili D. sa pamahalaan

2. Aling sitwasyon sa ibaba ang naglalarawan ng matapat na pag-ibig ?


A. Pinaksalan ng lalaki ang babae kahit may anak na ito sa iba .
B. Nirerespito ng asawa ang kanyang kabiyak.
C. Ipinaglalaban niya ang nobya mula sa kanyang mga magulang.
D. Nagparaya ang lalaki para sa kaligayahan ng kanyang minamahal

3. Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng masidhing pag-ibig ni


Balagtas kay Selya? .
A. Tinatago at tinitingnan ang larawan ni Selya
B. Si Selya ang dahilan ng kanyang pagluha .
C. Pinagsilbihan niya si Selya noong ito’y nagkasakit.
D. Si Selya ang tanging laman ng kanyang puso’t-isip.

4. Sa lugar na ito madalas nagkikita at sinusuyo ni Balagtas si Selya .


A. Ilog ng Beata C. Tabing dagat
B. Puno ng mangga D. Lawa ng Bai.
5 . Ang lugar na ito ang nagsilbing saksi ng pagdurusa ni Balagtas habang sinusulat
ang Florante at Laura.
A. Bilangguan C. Lawa ng Bai
B. Ilog ng Beata D. Tabing dagat

6. Anong damdamin ang nangingibabaw sa mga tauhan sa taludtod na ito?


Lumipas ang araw na lubhang matamis
At walang matira kundi ang pag-ibig,

A. masaya C. magkaaliw
B. maginhawa D. pagpapahal

3
7. Anong damdamin ng may-akda ang lumulutang sa mga linyang ito ?
Sa kagugunita, luha'y lalagaslas,
Sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad

A. malungkot C. nagagalit
B. nagsisisi D. nasaktan

Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga salitang nakadiin sa pangungusap .


8. Sa nararamdamang kasawian,naging malupit para kay Balagtas ang
kanyang kapalaran.
A. nega C. waley
B. chaka D. pitmalu

9. Ang sigla sa mukha ni Balagtas ay wala na buhat nang magkakalayo sila ni


Selya.
A. nega C. okey
B. waley D. keri

10. Nag-alala si Balagtas dahil siya ay mahirap samantalang ang kanyang karibal kay Selya
ay mayaman.
A. Masalapi C. mapera
B. madatong D. mapower

Gaano mo kakilala ang nasa larawan?

B. Panuto: Isulat ang ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa kanya . Isulat ang inyong
sagot sa sagutang papel.

Buong pangalan:
Lugar ng Kapanganakan:
Petsa ng Kapanganakan:
Palayaw :
Pangalan ng kanyang asawa:
Petsa ng Pagpanaw
Edad ng Pumanaw:
Pangalan ng kanyang ama:
Pangalan ng kanyang ina:
Akdang isinulat sa bilangguan:

4
Tuklasin
Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap sa ibaba . Iguhit ang hugis sa mga
bilang na Naglalahad ng Damdamin o Saloobin at hugis kung ito’y Naglalahad
ng Pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Nagpakasal si Balagtas kay Juana Tiambeng noong Hulyo 22, 1842.

2. Puno ng kalungkutan ang puso ni Balagtas nang isinulat niya ang Florante at Laura.

3. Naging pangunahing tinyente at tagapagsalin sa korte si Balagtas sa taong


1856.

4. Nag-alala nang husto si Balagtas kay Maria Asuncion Rivera.

5. Si Balagtas ay naging katulong ni Donya Trinidad noong 1799 sa Tondo, Maynila.

B . Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang katumbas na kahulugan ng salitang sinalungguhitan


sa loob ng pangungusap na naglalahad ng damdamin ng may- akda gamit ang wika ng
kabataan .Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Pitmalu ang naging kapalaran ng pag-iibigan namin ni Maria Asuncion


Rivera . Puno ito ng hirap at dusa.
2. Nosi ba sila na ako’y pahirapan ? Ikatutuwa ba nilang Makita akong
nahihirapan?
3. Nalungkot akitch nang sobra sa pagkakalayo namin ni MAR.
4. Ginamit ng kalaban ko ang kanilang werpa para ako’y magdurusa.
5. Amat ba na sa likod ng aking kasawian, ako’y magsaya ? .o

Power mata
malupit ako
sino tama

Suriin
Batid ko na kailangan mo ng sapat na gawain upang mahasa ng husto ang iyong pag-
unawa . Aasahan kong ang susunod na gawain ay makatutulong sa iyo para madali mong
makuha at maisagawa ang mga inaasahang layunin sa araling ito .
Ngayon , handa ka na bang sisirin ang kailaliman ng ating aralin? Magaling
! Simulan mo na ngayong basahin ang saknong 1-22 ng Aralin- 3 ( Kay Selya ) ng
Florante at Laura.
Pakinggan at unawaing mabuti ang mga mahalagang kaisipan at damdaming
nangingibabaw sa may-akda/ mga tauhan na iyong napakinggan

5
dito. Basahin mo ito nang maraming beses para maisagawa mo nang tama ang mga
kasunod na gawain.

Kay Selya( Isang Paghahandog )

1 Kung pagsaulan kong basahin sa isip ang


nangakaraang araw ng pag-ibig
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib

2 Yaong Selyang laging pinanganganiban, baka


makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.

3 Makaligtaan ko kayang di basahin,


nagdaang panahon ng suyuan namin?
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?

4 Lumipas ang araw na lubhang matamis at


walang matira kundi ang pag-ibig, tapat na
pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.

5 Ngayong namamanglaw sa pangungulila, ang


ginagawa kong pang-aliw sa dusa, nagdaang
panaho'y inaalaala,
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa.

6 Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel,


kusang inilimbag sa puso't panimdim
nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
at di mananakaw magpahanggang libing.

7 Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw sa


lansanga't nayong iyong niyapakan; sa ilog
Beata't Hilom na mababaw,
yaring aking puso'y laging lumiligaw.

8 Di mamakailang mupo ang panimdim sa


puno ng manggang naraanan natin; sa
nagbiting bungang ibig mong pitasin, ang
ulilang sinta'y aking inaaliw.

9 Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik


sa buntunghininga nang ikaw'y may sakit,
himutok ko noo'y inaaring langit,
paraiso naman ang may-tulong silid.
10 Nililigawanko ang iyong larawan sa
Makatang Ilog na kinalagian; binabakas ko rin
sa masayang do'ngan, yapak ng paa mo sa
batong tuntungan.

6
11 Nagbabalik mandi't parang hinahanap dito
ang panahong masayang lumipas:
na kung maliligo'y sa tubig aagap,
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

12 Parang naririnig ang lagi mong wika


"Tatlong araw na di nagtatanaw-tama," at
sinasagot ko ng sabing may tuwa " Sa isa
katao'y marami ang handa."

13 Anupa nga't walang di nasisiyasat ang


pag-iisip ko sa tuwang kumupas; sa
kagugunita, luha'y lalagaslas,
sabay ang taghoy kong "O, nasawing palad!"

14 Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib? ang


suyuan nami'y bakit di lumawig? nahan ang
panahong isa niyang titig ang siyang buhay
ko, kaluluwa't langit?

15 Bakit baga noong kami'y maghiwalay ay di


pa nakitil yaring abang buhay? kung gunitain
ka'y aking kamatayan,
sa puso ko Selya'y di ka mapaparam.

16 Itong di matiis na pagdaralita nang


dahil sa iyo,O nalayong tuwa ang siyang
umakay na ako'y tumula, awitin ang buhay
ng isang naaba.

17 Selya'y talastas ko't malabis na umid mangmang


ang musa ko't malumbay ang tinig; di kinabahagya
kung hindi malait,
palaring dinggin mo ang tainga't isip.

18 Ito'y unang bukal ng bait kong kutad na


inihahandog sa mahal mong yapak; tanggapin
mo nawa kahit walang lasap, nagbuhat sa puso
ng lingkod na tapat.

19 Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop tubo


ko'y dakila sa puhunang pagod;
kung binabasa mo'y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.

20 Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,


Sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
kayo ngayo'y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

21 Ahon sa dalata't pampang na nagligid,


tonohan ng lira yaring abang awit
na nagsasalitang buhay ma'y mapatid, tapat
na pagsinta'y hangad na lumawig.

7
22 Ikaw na bulaklak niring dilidili,
Selyang sagisag mo'y ang M. A. R.
sa Birheng mag-ina'y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F. B.

Modyul ng Florante at Laura nina Nora M. Dillague at mga kasama , pahina 7-9
Kumusta ang iyong pakikinig ? May nangingibabaw bang damdamin o
saloobin ng may akda o mga tauhan ang iyong napakinggan? May mga
mahahalagang pangyayari bang naganap ?

Tama ka ! May mga narinig kang mahahalagang pangyayari at


damdamin ng may-akda /mga tauhan pero bago mo ilalahad ang mga ito ,
kailangan mo munang unawain at tandaan ang ilang mahalagang bagay na
alam kong makadadagdag at makatutulong sa iyong sariling paglinang.

Unawain at Tandaan :

• Ang damdamin o saloobin ay may kinalaman sa nararamdaman ng isang tao sa


isang bagay , tao o pangyayari kagaya ng Pagmamahal ,Pagkamuhi
,Paghahangad , Pagkatuwa ,Pagkalungkot , pagdamdam , pagkagalit
,pagkaawa,pagkabahala , pagkatakot ,pag-alala , pangangamba,pagkainis
,paghanga atbp.

Hal. Nalulungkot si Balagtas nang magkalayo sila ni MAR o Maria Asuncion


Rivera.

• Ang mahahalagang pangyayari naman ay tumutukoy sa isang napaka- importanting


bagay na naganap sa isang tagpo.

Hal.Ang pamimitas ng bunga ng mangga na magkasama.


• Ang pitmalu , nosi,ermat ,werpa at amat ay ilang lamang sa mga wika ng kabataan na
binubuo sa pamamagitan ng pagbabaligtad ng mga pantig , pagpapalit ang posisyon
mga pantig ,pagpapaikli o pagdadaglat mga salita
at slang tulad ng salitang jejemon at bekimon kung saan nagbabago ang
banghay at ispeling ng salita.

Hal. Yorme - mayor .


Chaka- pangit Best –
best friend Akitch –
ako
Idol – lodi

8
Pagyamanin
Sa pagkakataong ito ay nais kong subukan mo kung gaano na kalalim ang iyong
kaalaman sa ating aralin . Subukan mong isagawa
ang Gawain A, B at C.

A. Panuto: Kilalanin ang mga nakasalungguhit sa bawat saknong .Isulat sa unang hanay
ng kahon ang naglalahad ng damdamin na nahahati sa dalawa ( sa may-akda o sa
mga tauhan ) habang sa ikalawang hanay naman ang mahahalagang pangyayari.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Saknong 2
Yaong Selyang laging pinanganganiban, baka
makalimot sa pag-iibigan;
ang ikinalubog niring kapalaran
sa lubhang malalim na karalitaan.

Saknong 3
Makaligtaan ko kayang di basahin,
Nagdaang panahon ng suyuan namin?
Kaniyang pagsintang ginugol sa akin At
pinuhunan kong pagod at hilahil?

Saknong 4
Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang matira kundi ang pag-ibig, tapat na
pagsuyong lalagi sa dibdib hanggang sa libingan
bangkay ko'y maidlip.
Saknong 20
Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai,
Sirenas, ang tinig ay kawili-wili, kayo
ngayo'y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na Musa kong imbi.

A. Damdamin o Saloobin B. Mahalagang Pangyayari


May-akda Mga tauhan

B. Panuto: kilalanin kung anong damdamin ang ipinapahiwatig ng bawat taludtod.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. “Pinuhunan kong pagod at hilahil”.


a. pagkainip c. pagkabagot
b. pagkalungkot d. pagdurusa

9
2. “Lumipas ang araw na lubhang matamis.”
a. puno ng kasiyahan c.puno ng masarap
b. puno ng kasaganaan d.puno ng suyuan

3. “Itong di matiis na pagdaralita.”


a. sobrang kahinaan c. sobrang kalungkutan
b. sobrang kahirapan d. sobrang pang-aabuso

4. “Walang matira kundi ang pag-ibig.”


a. nangingibabaw ang pagsuyo
c. nangingibabaw ang pagkagiliw
b. nangingibabaw ang pagmamahal d
nangingibabaw ang pag-asa

5. “Tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib.”


a. katapatan c. pagpapakumbaba b.
pagpapahalaga d. makatotohanan

C. Panuto: Angkopan ng wika ng kabataang nasa loob ng kahon sa ibaba ang patlang sa
pangungusap.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Si Selya ay hindi kundi kasintahan siya ni Balagtas na


nagpapasaya sa kanya.
2. Sa likod ng nararamdamang pagkabagot ni Balagtas sa loob ng
bilangguan,hindi siya sa halip nagsusulat siya.
3. Masaya silang nagsuyuan at sa isa’t-isa.
4. Maraming ang nabuo sa isip ni Balagtas tuwing naiisip
masayang romansa nila ni Maria Asuncion Rivera.
5. ang naging suyuan nila ni MAR, na tuwing naalala niya ay
nagpapaligaya nang sobra sa kanya.

bongga nagpabebe
nagyoyosi katropa
hugot kaibigan

D.Panuto:Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel batay sa damdaming isinasaad sa
sumusunod na taludturan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
1. Di ko akalaing iyong sasayangin maraming luha mong ginugol sa aki
2. Ay, Laura poo’y bakit isinuyo sa iba ang sintang sa aki’y pangako.

3. Halos buong gubat ay nasasabugan ng dinaing- daing nalubhang malumbay.


4. Ibinigay ko naman yaring dibdib ,wala sa gunita itong nasasapit.
5. Ang kahima’t sinong hindi maramdamin kung ito’y makita magmamahabagin.

a.paghihinayang b. pagtitiwala c. pagseselos d.


panunumbat e. pagdaramdam f. pagkaawa

1
Isaisip

Mahusay ! Binabati kita na naitawid mo nang buong husay ang ang mga
Gawain . Ngayon para masubok kung gaano na kalalim ang iyong kaalaman at
pag-unawa sa mga mahalagang kaisipan ng ating aralin. Pag- isipan at sagutin ang
mga katanungan sa ibaba sa pamamagitan ng pagpupuna sa patlang batay sa hinihingi na
sitwasyon.

1. Nangingibabaw na damdamin o saloobing naramdaman ni Balagtas sa loob ng


bilangguan

2. mahalagang pangyayari sa pag-iibigan nina


Rivera at Balagtas ang nagpapasaya kay Balagtas tuwing maalala.
3. Sa pamamagtan ng naipalabas ni Balagtas ang
kanyang naramdamang kasawian at kalungkutan sa loob ng bilangguan

4. ay mahalagang pangyayaring nagpapalungkot nang


husto kay Balagtas tungkol sa relasyon nila ni Maria Asuncion Rivera .

5. Maliban sa pagsulat ng awit na Florante at Laura, paraan ng ginawa


ni Balagtas para mabawasan ang naramdamang kalungkutan sa loob ng
bilangguan

Bravo ! Ang galing mo ! Ngayon para masubok ang ganap mong pagkaunawa sa
ating aralin , sagutin ang ating pagtataya A at B.

Tayahin
A. Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot .Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Ang Kinatatakutan ni Francisco noong mga panahong siya ay
nakakulong.
A. Mabilanggo siya nang matagal
B. Hindi na sila magkikita si Selya C.
Makalimutan na siya ni Selya D. Mag-
away sila ni Selya

1
2. Ano ang nagugunita ni Francisco Baltazar na kanilang lumipas na panahon
ni Selya?
A. Masasayang sandali
B. Suyuan nila ni Selya
C. Malulungkot na sandali
D. Masasaya at malulungkot na sandali

3. Namimighati sa bilangguan si Balagtas at ang tangi lamang nakaaaliw sa kanya


ay ang paggunita sa na inilimbag niya sa kanyang puso, isip at
damdamin.

A. Pag-ibig kay Selya C. Larawan ni Selya


B. Masayang sandal kay Selya D. Pag-alala kay SElya

4. Naaalala ni Balagtas ang mga lugar sa kanilang naging tagpuan sa matamis


nilang suyuan ni Selya, maliban sa isa .
A. ilog Makata C. Puno ng kahoy
B. ilog Beata D. Puno ng mangga

5. Isang bagay na pinagsisisihan ni Balagtas na hindi niya nagawa noon kaya


naagaw ng iba si Selya .
A. Di pagtanan kay Selya
B. Di pagpapakasal kay Selya
C. Di pagmamakaawa kay Selya
D. Kaduwagan

6. Sa tuwing nagugunita ni Balagtas ang nangyari sa kanyang buhay, lagi siyang


.
A. Nalulungkot C. Natulala
B. Nagsusulat D. Napapaiyak

7. Ang laging hinahanap ni Balagtas na nagdulot sa kanya ng libong


kaligayahan.
A. Kanyang mga mahal sa buhay C. Si Selya
B. Mga magulang D. Kaibigan

8. Dahilan kung bakit isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura.


A. Dahil kay Selya
B. Dahil sa kanyang kasawian
C. Dahil sa kanyang pagkabilanggo
D. Dahil sa labis na pag-ibig kay Selya

9. Kapag naalala ni Balagtas ang Ilog Makata , Ilog Beata at Puno ng


mangga ay sinasariwa niya ang kanilang ni Selya.
A. Masasayang sandali C. Sumpaan
B. Matatamis na suyuan D. Nakaw na sandal

10. Walang ikalawang ama ka sa lupa sa anak na kandong ng pag-aaruga. A. dalawa


ang naging matimbang sa puso ng ama
B. walang kapantay si Duke Briseo sa pagiging ama
C. lumaki sa kandungan ng ama si Florante
D. hindi na muling mag-aasawa ang kanyang ina

1
11. Bakit ang buhay mo’y paunang napatid, ako’y inulila sa gitna ng sakit.
A. namatay ang ama sa gitna ng labanan
B.namatay ang ama sa sakit
C. naunang namatay ang ama at siya’y naulila
D. naulila siya sa gitna ng paghihirap

B . Panuto: Palitan sa wika ng kabataan ang salitang sinalungguhitan sa loob ng


pangugusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.
12. Sana lahat kagaya ni Balagtas na kayang tiisin ang hirap nang dahil sa pag-
ibig
A. Maging lahat C. Sana all
B. Ang lahat D. Lahat-lahat

13. Walang mababakas na saya sa mukha ni Balagtas sa tuwing naiisip niya ang
kasawian ng pag-ibig nila ni Selya.
A. hindi C. ayaw
B. Alaws D. Weh

14. Sa pusong umiibig ,di pinansin ang hirap basta makasama ka lang sa hinaharap.
A. baliwala C. wala
B. dedma D. iwasan

15. Madalas nangungulila si Balagtas at nag-aabang na makita si Selya.


A. Naghihintay C. Abangers
B. Sumisilip D. Sabik

Karagdagang Gawain
Sa pagtatapos , gawin nating makabuluhan ang panibagong kaalamang
natutunan mo ngayon sa ating aralin . Inaasahan kong mailalapat mo ang iyong mga
natutuhan sa pamamagitan ng pagsulat
ng isang Sanaysay.

Gamit ang ilang wika ng kabataan , sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa


kadakilaan ng pag-big ng isang magulang sa kanyang anak . Narito ang pamantayan
sa pagmamarka.

1
Rubrik

Kategorya 15 10 5 Puntos
Ang kaisipang Ang ilan sa mga Marami
napapaloob ay kaisipang inilahad sa mga kaisipang
1. Nilalaman naglalahad ng ay hindi angkop sa inilahad ay hindi
kadakilaan ng kadakilaan ng pag- angkop sa
pag-ibig ni ibig ni Balagtas kadakilaan ng
Balagtas Lohikal ang pag-ibig ni
pagkakaayos ng mga Balagtas
Lohikal at ideya subalit ang Walang patunay na
mahusay ang mga ideya ay hindi organisado ang
2. Organi- pagkakasunud- ganap na nadebelop. pagkakalahad ng
sasyon sunod ng mga sanaysay.
ideya; gumamit
din ng mga
transisyunal na
pantulong tungo sa May 5-10
kalinawan ng mga pagkakamali sa
ideya. Walang mga bantas, Napakarami ang
pagkakamali sa kapitalisasyon mga pagkakamali sa
3.Gramatika mga bantas, pagbabaybay at mga
/Balarila kapitalisasyon gamit ng salita bantas,kapitalisa s-
pagbabaybay at yon pagbabaybay at
gamit ng salita. gamit ng mga salita.

Kabuuan

1
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian:

Department of Education. Most essential learning competencies in Filipino.


Philippines: Department of Education, 2020.

Dillague, Nora. Modyul sa Florante at Laura. Quezon City: Souvenir


Publications, Inc.

Francisco Balagtas. Accessed December 2020.


https://en.wikipedia.org/wiki/Francisco_Balagtas.

Gime, Arjohn and Macascas, Cristina. “WikaGenZ: Bagong anyo ng Filipino slang sa
Pilipinas.” International Journal of Research Studies in Education 9, no. 3 (2020):
10.5861/ijrse.2020.5823.
Lim, May and Lim, Arlene. “Mga saknong ng Florante at Laura.” Accessed

December 2020. https://www.slideshare.net/mobile/VBienSarEs/florante-


atlaurasaknong.

1
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound, Every


Here the Badjaos roam the seas
valleys and Dale Zamboangueños,
Here the Samals live in peace
Tagalogs, Bicolanos,
Here the Tausogs thrive so free
Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,
With the Yakans in unity
Ilongos,
All of them are proud and true

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer


One night I had a dream. I dreamed I think that I shall never see
that I was walking along the beach
A poem lovely as a tree.
with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets A tree whose hungry mouth is prest
of footprints – one belong to me and Against the earth’s sweet flowing
the other to the LORD. breast;
Then, later, after a long walk, I
noticed only one set of footprints. A tree that looks at God all day,

“And I ask the LORD. Why? Why? And lifts her leafy arms to pray;
Why did you leave me when I am sad and
helpless?” A tree that may in Summer wear

And the LORD replied “My son, My A nest of robins in her hair;
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the Upon whose bosom snow has lain;
sand, because it was then that I Who intimately lives with rain.
CARRIED YOU!

1
6

You might also like