Demo Leson Plan
Demo Leson Plan
Demo Leson Plan
Bautista, Pangasinan
Banghay Aralin sa Filipino 8
Pakitang-turo
I. Mga Layunin:
II. Paksang-Aralin:
A. Paksa: ANG PAGDATING NG GERERONG MORO
B. Sanggunian: Florante at Laura ni Franisco Balagtas, pahina 55-58,
Copyrigth,2014 by AKLAT ANI Publishing and Educational
Trading Center
C. Kagamitan: Powerpoint Presentation, laptop, TV, Manila Paper, Pentel Pen
III. Pamamaraan:
A. Pagbabalik-aral
Paano mo ilalarawan si Laura batay sa mga nagugunita o naaalala ni Florante patungkol
sa kanya?
B. Pagganyak
Magpapanood ang guro patungkol sa pag-ibig at pagkatapos ay magbibigay ng isang
katanungan.
Kung ikaw ang nasa vidyo gagawin mo rin ba ang ginawa nya bakit? Ipaliwanag.
C. Paglalahad ng Aralin:
a. Pagpapakilala sa mga tauhan
Aladin- mandirigmang Moro na anak ni Sultan Ali Adab ng Persya.
- Nagligtas kay Florante sa bingit ng kamatayan.
- Kasintahan ni Flerida at naparusahan ng kanyang amang Sultan na lisanin ang
kanilang bayan.
Flerida - Ang kasintahan ni Aladin na
napusuan ni Sultan Ali Adab. Ang tumudla kay Adolfo.
-Pumayag sa kagustuhan ni Sultan Ali Adab na pakasalan ang sultan kapalit sa paglaya
ni Aladin.
Sultan Ali-Adab -ang sultan ng Persyang umagaw sa kasintahan ni Alading si Flerida.
Siya ay isang malupit na ama.
b. Talasalitaan
pika – sibat na ginagamit sa pakikipaglaban
Adarga – pananggang hugis biluhaba o oblong na
ginagamit na kalasag
Puryas /furia – mga diyosang malulupit buhat sa
impyerno, binubuo nila Megeras, Tisi Phore at Alekto
Marte- diyos ng pakikidigma ng mga Romano, na
pinangalanang Ares ng mga Griyego
panggabing ibon (night ravens)- mga ibong karaniwa’y malalabo ang mata kung
araw at aktibong palipad-lipad kung gabi.