Teoryang Historikal

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Saint Peter’s College of Ormoc

Fr. Ismael Cata-ag St., Ormoc City, 6541 Leyte, Philippines

http://spcormoc.edu.ph/; (053) 255-7597


A member of the Association of Benedictine Schools

AY 2021-2022 School Theme: Benedictine Education- Mission at the Service of the Human Person
PAN.6 PANUNURING PAMPANITIKAN
TAKDANG-ARALIN: TEORYANG HISTORIKAL
JULIEN P. TOMOLAC BSED FILIPINO III

Matapos ang diskusyon ni G. Calumpag, narito ang mga natutuhan ko sa


Teoryang Historikal. Napag-alaman ko na ang layunin ng panitikang ito ay ipakilala ang
kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Bukod pa rito, nais ding ibahagi ang
karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng
kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay
ng tao at ng mundo. Saklaw din ng teoryang ito ang pagsusuri ng teksto na nakabatay
sa impluwensiyang nagpapalutang sa isang akda.

Napag-alaman ko rin na ang tagapagtaguyod ng Teoryang Historikal ay si


Baruch Spinoza, isang Dutch na pilosopo ng Portuges. Siya ay itinuturing din na isa sa
mga pinakamahalagang pilosopo, tiyak at pinakaradikal sa unang bahagi ng modernong
panahon. Natutuhan ko rin na mayroong iba’t ibang paraan ng pagsusuri para sa
teoryang ito: Source Criticism ito ang pagkukwestiyon sa kung paano nabuo ang isang
teksto gamit ang source, awtor na pinagbasehan at historical na konteksto, Form
Criticism ito naman ang pagkuwestyon sa paraan ng paggamit ng mga salita at
pagbuo ng talata, at ang Redaction Criticism ang paghulma ng editor sa isang teksto
upang masuportahan ang sariling teorya.

Binigyan din ng pagsusuri ng taga-ulat ang isa sa mga popular na nobela na


isinulat ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal, ang Noli Me Tangere.
Gamit ang balangkas ay mas madali kong naunawaan ang konsepto at daloy ng
nobela.

You might also like