DLP 7 L07 Pagsulat NG Bionote

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus

Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: _____________________________________________________ Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Nilalaman: 8
Petsa: ________________________________________________________ Kabuuan: 15
Guro: ________________________________________________________

Asignatura: Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng Akademik Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Fil sa

Piling Larangan
Paksa: Pagsulat ng Bionote Uri ng Gawain: Concept Notes
- Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote
Layunin: Gawain Bilang: 7
- Naiisa-isa ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng bionote.
- Nakasusulat ng sariling akda o kwento at bionote.

Panimula
Ang bionote ay isang maikling tala ng personal na impormasyon ukol sa isang awtor na maaaring
makita sa likuran ng pabalat ng libro at kadalasang may kasamang litrato ng awtor o may-akda ng nasabing
aklat. Nagsasaad ito ng mga katangian o mga edukasyon at karangalang nakamit at nagawa ng sumulat ng
nasabing aklat.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote

1. Sikaping maisulat ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume kailangan maisulat ito gamit ang
200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng 5
hanggang 6 na pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay. Maglagay
rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes, itala ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman,
kung ito ay marami, piliin lamang ang 2 o 3 na pinakamahalaga.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging malinaw at obhetibo.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong
maunawaan at makamit ang totoong layunin na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang
paraan. Tandaan na ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka.
5. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi nito.

Gawain Bilang 1
Panuto: Ipaliwanag ang isang pahayag sa pagpapakahulugan sa bionote

Duenas at Suanz (2012), ito ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na
madalas ay makikita sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, web sites atbp.

__________________________________________________________________________________________

Gawain Bilang 2
Magbasa ng isang kwento mula sa wattpad na isang social reading platform. Gumawa ng balangkas ng sinopsis
at ibuod ito ayon sa inyong pagkakaunawa sa binasa. Gumawa ng sariling bionote, sikaping sundin ang mga
dapat tandaan sa pagsulat. Sa harapang bahagi ng papel, lumikha ng ilustrasyon o poster ng pamagat na napili o
‘di kaya naman ay ilakip ang pinaka-cover ng kwentong inyong napili.

Pamantayan Puntos
Malikhain (Title Page) 15
Nilalaman (Sinopsis) 30
Nilalaman (Bionote) 35
Larawan mo (2x2) 10
Kalinisan 10
Kabuuan 100

Mga Gabay na Tanong:

1. Ibigay ang sariling pagkakaunawa sa katuturan ng bionote.
2. Ano-ano ang kahalagahan ng pagsulat ng bionote sa alinmang mga akda o aklat?
3. Ano-ano ang mga bagay o impormasyon na makikita sa isang bionote?
4. Bakit kinakailangang simple lamang ang paghahayag ng mga impormasyon sa isang bionote?
5. Batay sa iyong napag-aralan, masasabi mo bang kapaki-pakinabang ang paggawa ng lagom?

You might also like