AP7 2nd Quarter

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BALANGA CITY

ARALING PANLIPUNAN 7
2 nd
Quarter, Week 1 – Activity 1: Konsepto at Katangian ng
Kabihasnan

PANUTO: Mag-isip ng apat na salita na bubuo sa kahulugan ng salitang


kabihasnan at sibilisasyon. Isulat mo ang bawat isa sa bawat banner sa
ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Kabihasnan
at
Sibilisasyon

Batay sa mga salitang naisip mo, Isulat mo ang nabuo mong kahulugan ng
Kabihasnan at Sibilisasyon.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
1
ARALING PANLIPUNAN 7
2 nd
Quarter, Week 1 – Activity 2: Konsepto at Katangian ng
Kabihasnan

PANUTO: Suriin ang mga larawan. Pagsunud-sunurin ang mga larawan


upang maipakita ang pag-unlad ng pamumuhay sa Sinaunang Asya bago pa
umusbong ang mga kabihasnan. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

A B

D
C

2
ARALING PANLIPUNAN 7
2 nd
Quarter, Week 1 – Activity 3: Konsepto at Katangian ng
Kabihasnan

PANUTO: Makikita sa unang kolum ang mga natuklasan at natutuhang


gawin ng mga sinaunang tao noong panahong ng ebolusyong kultural sa Asya.
Sa ikalawang kolum, iguhit ang kagamitan sa kasalukuyan na kahalintulad
nito ang gamit. Sa ikatlong kolum, ikumpara mo ang noon at ngayon. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.

NOON NGAYON PALIWANA


G

3
ARALING PANLIPUNAN 7
2 nd
Quarter, Week 1 – Activity 4: Konsepto at Katangian ng
Kabihasnan

PANUTO: Pagmasdan ang mga larawan. Suriin at sagutan ang mga


pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Pamprosesong Tanong:
1. Anu-ano ang mga bagay na inilarawan sa itaas?
2. Ano ang naging silbi ng apoy sa mga tao noong unang panahon?
3. Paano napakinabangan ang kweba ng mga sinaunang tao?
4. Sa mga larawan sa itaas, alin ang ginamit nila bilang proteksiyon sa
kanilang katawan?
5. Bakit naging mahalaga ang mga bagay na ito sa mga sinaunang tao?

4
ARALING PANLIPUNAN 7
2 nd
Quarter, Week 1 – Activity 5: Konsepto at Katangian ng
Kabihasnan

PANUTO: Ayusin ang mga letra na nasa ibaba upang matukoy ang mga
pamantayan kung may kabihasnan sa isang lugar. Isulat ang iyong sagot sa
iyong sagutang papel.
__________1. AHLAAAAMPN- Ito ang siyang magpapatupad ng batas na dapat
sundin ng mga nasasakupan upang magkaroon ng isang maayos at
mapayapang lipunan.
__________2. KETNOOLIHAY- ang pagkakaroon ng imbensyon na
makakapagpadali sa pagtugon ng pangangailangan ng populasyon ay isang
marka ng pagtaas ng karunungan ng mga sinaunang tao.
__________3. RTLKUUA- kalakip nito ang pagkakaroon ng karunungan,
kaugalian, paniniwala, tradisyon at batas.
__________4. TSSIEAM GN LAAWININAP- Ang realisasyon na may mataas na
nilalang na may likha ng lahat ng isang tanda ng isang sibilisadong tao.
__________5. ISTEMAS GN TLSGPAUA- Sa pamamagitan nito, naitala ng mga
sinaunang tao ang kanilang mga nagawa at karanasan.

5
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd
Quarter, Week 1 – Activity 6: Konsepto at Katangian ng
Kabihasnan

PANUTO: Suriin ang mga larawan at alamin kung ano ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng bawat isa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nasa
ibaba. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Mga Tanong:
1. Ano ang ipinakikita sa larawan?
2. Saan matatagpuan ang mga Ilog Tigris at Euphrates?
3. Sa anong bansa makikita ang Ilog Huang Ho?
4. Saan matatagpuan ang Ilog Indus?
5. Bakit sa mga lugar na ito nagsimula ang mga unang kabihasnan?

6
ARALING PANLIPUNAN 7
2 nd
Quarter, Week 2 – Activity 1: Sinaunang
Kabihasnan sa Asya

Ang Mesopotamia ang kinilala bilang cradle of civilization. Sa lugar na ito


matatagpuan ang ilog ng Tigris at Euphrates kung saan umusbong ang
kabihasnan Sumer. Naitatag ang ilang pamayanan tulad ng Jericho sa Israel
at Catal Huyuk at Hacilar sa Anatolia. Nagkaroon ng malawakang pagtatanim
ng trigo at barley sa mga lugar na ito at natuto silang mangaso at mag-alaga
ng mga hayop. Natuklasan ang sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform.
Sa Timog Asya makikita ang lambak-ilog ng Indus at Ganges.Bago pa man
umunlad ang kabihasnang Indus ay may mga pamayanan nang naitatag, ito
ay ang pamayanang Mhergah. Masasabing sedentaryo at agricultural ang
pamumuhay ng tao dito batay sa mga nahukay na ebidensya. Dalawang
importanteng lungsod ang umusbong dito, ang Mohenjo Daro at
Harrapa.Pinaniwalaan na ang mga mangangalakal ang unang gumamit ng
pagsulat ng kabihasnang Indus, ang pictogram na walang sinumang eksperto
ang nakapagpaliwanag nito.
Naging tagpuan ng kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinawag
ding Yellow River. May mga pamayanang umusbong dito tulad ng Yangshao at
Lungshan. Isa sa mga pangunahing gawain ay ang paggawa ng tapayan na
mas nahigitan at napaunlad sa pamamagitan ng pagtuklas ng potter’s wheel.
Natuklasan ang sistema ng pagsulat na tinawag na calligraphy na nagsisilbing
tagapag-isa ng Tsina. Bagama’t may iba’t ibang wika, nasentro lamang sa
isang sistema ng pagsulat ang mga Tsino at ang mga simbolo ng mga butong
orakulo ang ginamit na karakter na unang simbolo ng pagsusulat nila.

PANUTO: Sagutan ang talahanayan tungkol sa naging pagbabago at pag-


unlad ng pamumuhay ng mga kabihasnang umunlad sa Asya. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Lugar na Mga Unang Kabihasnang Uri ng Sistema ng


Pinagmulan Pamayanang Umunlad Pamumuhay Pagsulat na
ng Umusbong Nilinang
Kabihasnan

Mesopotamia

Indus Valley

China

7
ARALING PANLIPUNAN 7
2 nd
Quarter, Week 2 – Activity 2: Sinaunang
Kabihasnan sa Asya

Sa kabihasnang Sumer nagsimula ang pag-usbong ng iba’t ibang lungsod


tulad ng Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur at Kish. Naitatag dito ang templo ng
Ziggurat, ang pinakamalaking gusali sa Sumer. Natuklasan ang Sistema ng
pagsulat na tinawag na cuneiform.Nagkaroon din ng pag-unlad sa kanilang
sining at naitala ang mahalagang tradisyon at epiko tulad ng epiko ng
Gilgamesh.Naimbento rin ang teknolohiyasa pagsasaka tulad ng araro at mga
kariton na may gulong at natuklasan din ang pagagawa ng mga palayok at
pagagamit ng perang pilak. Natuklasan din ang pagagamit ng lunar calendar
at ang decimal system. Sa kabihasnang Indus naitatag ang mga lungsod ng
Mohenjo-Daro at Harrapa. Planado at organisado ang mga lungsod na ito na
ipinakita sa mga lansangang nakadisenyong kuwadrado (grid patterned) at
pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan. Patunay ito na magaling sa
matematikaang mga nanirahan dito. May isa o higit pang banyo o palikuran
na nakakonekta sa sentralisadong tubo at imburnal sa ilalim ng lupa.
Sa kabihasnang Shang natuklasan ang potter’s wheel. May mga labing
nahukay ang mga arkeolohiya na nagpatunay sa kabihasnang ito. Isa na rito
ang mga oracles bones o butong orakulo na ginagamit sa panghuhula.
Pinaniwalaan nila na nakakausap nila ang kanilang diyos ng kalikasan at mga
ninuno gamit ang mga butong ito. Natuklasan ang Sistema ng pagsulat na
tinawag na calligraphy. Ipinalagay ng mga Tsino na ang kanilang kabihasnang
umusbong sa Huang Ho ang isa sa mga sinanunang kabihasnang at
pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa daigdig. Ang pananaw nilang
ito ay nagpatuloy tungo sa pagtatatag ng mga imperyo.

PANUTO: Sagutan ang talahanayan ng mga naging mahalagang ambag o


kontribusyon ng mga kabihasnan sa sangkatauhan. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

Mga Kabihasnan Mahahalagang Ambag/


Kontribusyon
Sumer
Indus
Shang

8
ARALING PANLIPUNAN 7
2 nd
Quarter, Week 2 – Activity 3: Sinaunang
Kabihasnan sa Asya

PANUTO: Gamit ang mapa, sagutin ang sumusunod na tanong sa ibaba.


Isulat sa iyong kuwaderno ang mga sagot.

Batay sa mapa, ano ang mga ilog na pinagmulan ng sumusunod na


sinaunang kabihasnan sa Asya?
1.Sumer (Kanlurang Asya)
2. Harrapa at Mohenjo- Daro (Timog Asya) ________________________________
3. Shang (Silangang Asya)________________________________________________
4.Bakit mahalaga ang naturang mga ilog sa mga taong nanirahan sa mga
lambak nito? _______________________________________________________
5.Bakit naging sentro ng mga sinaunang kabihasnan ang naturang pook?

9
ARALING PANLIPUNAN 7
2 nd
Quarter, Week 2 – Activity 4: Sinaunang
Kabihasnan sa Asya

Panuto: Piliin at isulat ang wastong sagot na nasa loob ng panaklong sa iyong

sagutang papel.

1. Tinaguriang (Mesopotamia/ Fertile Cresent) ang sinaunang pook sa

Kanlurang Asya dahil matatagpuan ito sa pagitan ng dalawang ilog.

2. Karaniwang umunlad ang mga sinaunang kabihasnan Asya sa mga

(kabundukan/ lambak-ilog).

3. Sumamba ang mga Sumerian sa maraming Diyos. Kung gayon, sila ay

may paniniwalang (monoteisko/ politeisko).

4. Ihinihiwalay ng (Himalayas/ Gobi Desert) ang China sa iba pang bansa

sa Timog Asya.

5. Mahusay na nakaayos ang mga gusali at tirahan ng mga lungsod sa

(Indus/ Mesopotamia).

10
ARALING PANLIPUNAN 7
2 nd
Quarter, Week 2 – Activity 5: Sinaunang
Kabihasnan sa Asya
Panuto: Tukuyin ang impormasyon sa bawat bilang. Piliin ang sagot ng

HANAY A sa HANAY B. Letra lamang ang isulat sa iyong sagutang papel

HANAY A HANAY B

1. Ilog na kung saan umusbong


ang pamayanan sa A.Ziggurat
Mesopotamia

2. Sistema ng pagsulat ng
B. Yellow River
kabihasnang Sumer

3. Dalawang importanteng
C. Mohenjo-Daro at Harrapa
lungsod sa Kabihasnang Indus

4. Nakilala sa Kabihasnang
Shang ang Ilog Huang o kilala D. Cuneiform
rin bilang

E. Tigris at Euphrates
5. Templo o bahay sambahan ng
mga Sumer
F. Calligraphy

11
ARALING PANLIPUNAN 7
2 nd
Quarter, Week 3-Activity 1: Sinaunang Kabihasnan
sa Asya
PANUTO: Sagutan ang crossword puzzle. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

1 2 3

19 7
4 13
12 8
5 10 6
14 15
9
16 17
11 18

1. Adbenturero ng Karagatan 13. Zodiac __________(pataas)


2. Nakatuklas ng paggamit ng bakal 14. Itlog(Ingles)
3. Mga inapo ng Babylonians 15. Ishtar_____________.
4. Unang gumamit ng barya 16. Ika pitong nota
5. Pinamunuan ni Cyrus the Great 17. Araw(Ingles)
6. Unang kabihasnan sa Mesopotamia 18.Diyos (Ingles)
7. Lupang Pangako ng mga Hebreo 19.Mata at _______ ng Hari
8. Kambal Ilog: ____________at Euphrates 20.bonus
9. Nagtatag ng unang imperyo, ___________ I
10. Unang kabihasnan sa Tsina
11. Tinaguriang ang Mesiah
12. __________at Pilak

12
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 3– Activity2: Sinaunang Kabihasnan
sa Asya

Panuto: Tukuyin ang impormasyon tungkol sa Dinastiya sa Tsina sa bawat


bilang. Piliin ang sagot ng HANAY A sa HANAY B. Letra lamang ang isulat sa
iyong sagutang papel.

Hanay A
_______1. Naimbento ang crossbow at Hanay B
bakal na araro a. Chou
_______2. Dinastiyang pinamunuan b. Chin
ni Shi Huang Ti c. Han
_______3. Itinatag ni Liu Bang noong d. Sui
e. Tang
206 BCE
f. Sung
_______4. Itinayo ang Grand Canal
g. Yuan
_______5. Pangalawang dakilang
h. Ming
dinastiya ni Tsina/China
i. Marco Polo
_______6. Dinastiyang pinamunuan
ni Heneral Zhao Kuangyin j. Li Yuan

_______7. Unang Banyagang k. Genghis Khan

Dinastiya sa Tsina/China
_______8. Ikaaapat na dakilang
Dinastiya sa Tsina/China
_______9. Adbenturero sa Tsina na
nagmula sa Venice, Italy
______10. Itinatag niya ang
Dinastiyang Tang

13
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 3 – Activity 4: Sinaunang
Kabihasnan sa Asya
Panuto: Tukuyin kung anong Dinastiya ang nag-ambag ng mga sumusunod
na larawan. Piliin sa call out ang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1 2

4 5

14
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 4 – Activity 1: Sinaunang
Kabihasnan sa Asya

PANUTO: Tukuyin kung anong dinastiya sa Tsina ang inilalarawan sa bawat


bilang. Gamiting klu ang unang letra upang mabuo ang salita. Isulat sa
sagutang papel ang sagot.

1. Ang kapital ng Dinastiyang ito ay Daidu Y__ __ __

2. Ikaapat na Dakilang Dinastiya C__ __ __

3. Gintong Panahon ng China T __ _ ___

4. Ikatlo sa Dakilang Dinastiya Y __ __ __

5. Naimbento ang bakal na araro C __ ___ __

6. Itinatag ni Liu Bang H __ __

7. Naging punong ministro ni Shi Huang Ti si Li Xi C__ ___ ___

8. Naimbento ang water-powered mill H __ ___

9. Ipinatayo ang Great Wall of China C __ __ __

10. Itinatag ni Yang Jian S___ __

15
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 4 – Activity 2: Sinaunang
Kabihasnan sa Asya

PANUTO: Pagsunod-sunurin ang bawat pangyayari na naganap sa bawat


dinastiya sa China. Letra lamang ang isulat sa sagutang papel.

A. Napabagsak ang hukbo ni Zhu Yuanchang ang Mongol sa Daidu


B. Itinatag ang unang banyagang Dinastiya ng China
C. Nagkawatak-watak muli ang China nang bumagsak ang Dinastiyang
Tang
D. Pax Sinica
E. Nakapasok sa China ang nomadikong mandirigma
F. Pinalitan ng marahas na pamumuno ng Chin
G. Naganap ang konsolidasyon sa China
H. Lumitaw ang pilosopiyang Confucianism at Taoism

1 2 3 4 5

8 7 6

16
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 5– Activity 1: Sinaunang
Kabihasnan sa Asya

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga Dinastiya sa China batay sa timeline.


Isulat ang sagot sa bawat guhit. Pumili ng sagot sa kahon. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

MING (1368-1644 CE) TANG (618-907 CE) CHIN (221-206 BCE)

YUAN (1278-1368 CE) SUI (589-618 CE) CHOU (1112-221 BCE)

SUNG (960-1278 CE) HAN (206 BCE-220 CE)

17
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 5– Activity 2: Sinaunang
Kabihasnan sa Asya

PANUTO: Gamit ang iyong kuwaderno at lapis, gumuhit ng mga ambag ng


mga sinaunang kabihasnan sa Asya sa larangan ng mga sumusunod.

Relihiyon Edukasyon

Arkitektura
Sagutin: Para sa iyo, ano ang naging pinakamahalagang ambag o
kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya na magpahanggang
ngayon ay napakikinabangan pa natin?
________________________________________

(Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno)

18
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 5– Activity 3: Sinaunang
Kabihasnan sa Asya
PANUTO: “Ang naging pamumuhay ng mga sinaunang kabihasnan ay may
malaking kapakinabangan sa kasalukuyan.”Patunayan ang pahayag sa
pamamagitan ng pagbuo ng tsart.Nakatala sa unang kolum ang halimbawa ng
pamumuhay ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya.Sa ikalawang kolum ay
itala mo ang kapakinabangan nito sa kasalukuyan. Isulat sa kuwaderno ang
sagot.

Pamumuhay at Nagawa ng mga Kapakinabangan sa Kasalukuyang


Sinaunang Kabihasnan sa Asya Panahon

Naimbento ang gulong

Pagsasaka

Nagkaroon ng Sistema ng Pagsulat

Gumamit ng mga kagamitang yari sa


bronse

Dike at Kanal

19
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 5– Activity 4: Sinaunang
Kabihasnan sa Asya

PANUTO: Kumpletuhin ang pangungusap. Buuin ang mga sumusunod na


pangungusap batay sa iyong naging pang-unawa. Piliin ang sagot sa kahon sa
ibaba at isulat sa sagutang papel.

1. Matatagpuan sa kontinente ng A____ ang tatlo sa mga sinaunang


k________ sa d_________.
2. Umusbong ang mga k______ ito sa mga pook na malapit sa i________.
3. Pinatutunayan nito na ang t_____ sa mga sinaunang k_________ sa
daigdig ay umunlad sa kontinente ng A_______
4. Ito ay ang mga Kabihasnang S_______, Kabihasnang I_______ at
Kabihasnang S_______.
5. Ang pagkakatatag ng mga kabihasnang ito ay nagpapatunay ng
k_________ ng mga
A ______ na makapagtaguyod ng m________ at natatanging kabihasnan.

ASYA KABIHASNAN SUMER DAIGDIG TATLO

ILOG INDUS SHANG TAO ASYANO MALIKHAIN

20
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 5– Activity 5: Sinaunang
Kabihasnan sa Asya

PANUTO: Tukuyin kung anong kabihasnan ang mga sumusunod. Isulat


ang KSR para sa Kabihasnang Sumer, KI para sa Kabihasnang Indus, at KSG
para sa Kabihasnang Shang. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

_____1. Mesopotamia

_____2. Ziggurat

_____3. Huang-Ho

_____4. China

_____5. Potter’s wheel

_____6. Imperyo

_____7. Indus at Ganges

_____8. Mohenjo Daro

_____9. Nagkaroon ng pagkukulang sa kaalaman tungkol sa kabihasnang ito

_____10. Scribe

21
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 6- Activity 1: Kaisipang Asyano

Panuto: Punan ng wastong sagot ang patlang. Hanapin sa loob ng ulap ang

tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Para sa Hapones ang kanilang emperador ay nagsimula kay


_________________.

2. Banal ang pinagmulan ng emperador ng ____________ mula kay Prinsipe


Hwaning.

3. Sa India, ang mga hari ay kinilala bilang ____________ at cakravartin bilang


hari ng daigdig.

4. Sa __________at sa ibang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang mga


namumuno ay kinilala batay sa katapangan, kagalingan at katalinuhan.

5. Sa mga Muslim ang kanilang pinuno na tinawag na caliph ay utos at


basbas ni __________.

ALLAH PILIPINAS DEVARAJAH


KOREA

AMATERASU INDIA

22
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 6- Activity 2: Kaisipang Asyano

PANUTO: Kilalanin at ilarawan kung ito ay tradisyon, pilosopiya, relihiyon,


pananaw o paniniwala. Punan ang mga patlang sa pangungusap upang
mabuo ang iyong paliwanag. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

BEING HAPPY DOESN’T


MEAN EVERYTHING IS
PERFECT, IT MEANS
YOU’VE DECIDED TO SEE
BEYOND
1 THE
2
IMPERFECTIONS

4 5

ANG IKATLONG
ANG IKALAWANG LARAWAN
LARAWAN ANG UNANG
AY______SAPAGKAT_____
AY________SAPAGKAT LARAWAN _.
AY_________. AY______SAPAGKAT_
_____.

ANG AKING
ANG IKAAPAT NA ANG IKALIMANG
NABUONG
LARAWAN LARAWAN AY
KONSEPTO SA
AY________SAPAGKA _______SAPAGKAT
BUONG
T AY________. AY______.
LARAWAN AY:

23
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 7- Activity 1: Kaisipang Asyano

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa


sagutang papel ang sagot.
1. Anu – ano ang mga mensahe na ipinarating ng mga larawan?
2. Ano ang iyong sariling pakahulugan tungkol sa paniniwala,
pilosopiya, relihiyon, tradisyon at pananaw?
3. Magbigay ng mga halimbawa sa ibinigay na sariling
pakahulugan tungkol sa paniniwala, pilosopiya at relihiyon.
4. Gaano kahalaga ang relihiyon sa buhay ng tao?
5. Sa iyong pananaw, paano nakatulong ang tradisyon, pilosopiya,
at relihiyon sa paghubog ng sinaunang pamumuhay ng mga
Asyano?

24
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 7- Activity 2: Kaisipang Asyano

PANUTO: Tukuyin kung saang bansa sa Asya nagmula ang mga sumusunod
na paniniwala. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Pumili ng sagot mula
sa panaklong.

(Israel, Tsina, Japan, Korea, India, Pilipinas, Thailand, Saudi Arabia)

1. Paniniwala sa Karma at Reinkarnasyon________

2. Nagmula ang kanilang emperador kay Amaterasu Omikami_______

3. Naniniwala sila sa Devaraja o Haring-Diyos________

4. Nagmula ang kanilang emperador kay Prinsipe Hwaning__________

5. Naniniwala sila sa mga Anito at Diwata na karaniwang nakatira sa Bundok

Banahaw_______

6. Naniniwala sila na ang kanilang lahi ang sentro ng daigdig. ______

7. Paniniwala sa Nat at Phi_______

8. Si Allah lamang ang kanilang Diyos_________

9. Sumusunod sila sa mga aral turo ng Kristiyanismo__________

10. Nagmula sa kanila ang isa pinakamatandang relihiyon sa daigdig, ang

Judaismo.

25
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 8 – Activity 1: Kalagayan at
Bahaging Ginagampanan ng Kababaihan

PANUTO: Magtala ng kalagayan ng kababaihan noon at kababaihan ngayon


sa iba’t ibang larangan. Gamitin ang iyong kuwaderno para sa iyong talaan.

Kalagayan ng Kababaihan

Noon Ngayon

Tahanan Tahanan
➢ ➢

Edukasyon Edukasyon
➢ ➢

Pamahalaan Pamahalaan
➢ ➢

26
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 8 – Activity 2: Kalagayan at
Bahaging Ginagampanan ng Kababaihan mula sa
sinaunang kabihasnan hanggang sa Ika labing-anim na
siglo

PANUTO: Tukuyin kung kaninong kodigo ang mga sumusunod na pahayag.


Isulat ang sagot sa talahanayan gamit ang iyong kuwaderno.

Pagbebenta sa mga kababaihan.


Hindi pagpapahintulot sa mga Brahmin na makipagtalik sa isang mababang
uri
ng babae sa lipunan.
Parusang kamatayan sa mga babaeng hindi tapat sa kanyang asawa.
Pagkakaloob ng dote sa pamilya ng babae.
Mahigpit ang pagbabawal sa paglahok ng babae sa kalakalan.

Kodigo ni Hammurabi Kodigo ni Manu

27
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 8 – Activity 3: Kalagayan ng
Kababaihan

PANUTO: Magtala ng tig limang katangian ng mga kababaihan noon at


kababaihan ngayon. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon gamit ang iyong
kuwaderno.

NOON NGAYON

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

28
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 9 – Activity 1: Kontribusyon ng mga
Sinaunang Lipunan at Komunidad sa Asya

PANUTO: Gumawa ng poster na may temang “Kontribusyon ng


mga Sinaunang Komunidad at Pamayanan sa Asya”. Isulat sa
iyong sagutang papel.

Pamantayan sa Pagmamarka: Paggawa ng Poster


Pamantayan Indikador Puntos Natamong
Puntos
Nilalaman Naipakita at naihayag nang 40
maayos ang tungkol sa
konsepto ng paggawa ng
poster
Kaangkupan sa Maliwanag at angkop ang 25
Aralin paglalarawan ng konsepto
Orihinal Orihinal at hindi ginaya sa 25
iba ang gawa
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang 10
kombinasyon ng kulay upang
maipahayag ang konsepto at
mensahe
Kabuuan 100 %

29
ARALING PANLIPUNAN 7
2nd Quarter, Week 9 – Activity 2: Kontribusyon ng mga
Sinaunang Lipunan at Komunidad sa Asya

PANUTO: Lumikha ng slogan tungkol sa Kahalagahan ng mga


Kontribusyon ng Sinaunang Lipunan at Komunidad sa Asya.
Gawin sa iyong sagutang papel.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Pamantayan Indikador Puntos Natamong
Puntos
Nilalaman Ang mensahe ay mabisang 30
naipakita ang tungkol sa
paksa
Kaangkupan sa Maliwanag at angkop ang 30
Paksa pagkakasulat sa paksa
Orihinal Orihinal at hindi ginaya sa 25
iba ang gawa
Kalinisan Malinis ang pagkakasulat ng 15
Islogan
Kabuuan 100 %

30

You might also like