Esp 4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa

Pagpapasiya, at Paghubog ng Pananampalataya

Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugan ng

malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa

anomang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito.

Mahalagang may kakayahan silang harapin ang anomang hamon sa lahat ng pagkakataon na
ginagabayan ng prinsipyong moral. Mahalaga ring maisapuso nila ang pagkakaroon ng
pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsiyensiya, at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila
ng Diyos upang paglingkuran at alagaan.

Pagbibigay ng Edukasyon

Ang magulang ang ginamit na instrumento ng Diyos upang bigyan ng

buhay ang kanilang mga anak. May karapatan at tungkulin ang una upang bigyan ng
edukasyon ang huli. Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at
pangunahing karapatan. Hindi magagampanan ng mga magulang ang kanilang tungkulin
sa edukasyon ng kanilang mga anak kung hindi sila bibigyan ng karapatan para rito.
Katuwang nila ang mga institusyon sa lipunan sa pagkamit nito. Kasama ng pagkakaroon
ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ay ang karapatan ng mga magulang na sila ay
turuan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga magulang ang itinuturing na una at
pangunahing guro ng mga anak sa tahanan.

“Magulang: una at pangunahing guro.”


Pangunahing dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastong paggamit ng
kalayaan sa mga materyal na bagay. Maaaring isipin na simpleng turo ito ngunit ang turong ito
ay magbubunga ng iba pang mga pagpapahalaga tulad ng:

a. pagtanggap – dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang tao

bilang siya at hindi siya susukatin batay sa kung ano ang maaari

niyang maibigay,

b. pagmamahal – dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang isang tao na


hindi tumitingin sa kaniyang kakayahan at katangian ay tanda ng malalim na
pagmamahal at;
c. katarungan – dahil nagbubunsod ito upang kilalanin at igalang ang dignidad
ng tao.

Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasya

Isa sa mga pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging

matagumpay, masaya, at magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sa

kaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na makagawa ng mabuting pagpapasya at


pagkatapos ay bigyan siya ng laya na magpasya para sa kaniyang sarili.
Ang mga pagpapasyang isasagawa ng mga bata hanggang sa kanilang pagtanda
ang siyang magdidikta kung anong uri ng tao sila magiging sa hinaharap. Ang mga
pagpapasyang ito ay makatutulong upang mataya ang kaniyang kakayahan na maibahagi
sa kaniya ang tulong o paggabay na kaniyang kailangan.

Paghubog ng Pananampalataya

Kailan ka huling nagsimba o sumamba kasama ang iyong pamilya? Kailan

ang huling pagkakataon na sama-sama kayong kumain at nagbigay ng

pasasalamat dahil sa mga biyayang inyong tinanggap bilang pamilya? Siguro, madalas walang
pagkakataon, abala ang lahat. Maging ikaw abala rin. Pero napansin mo ba na kapag hindi
sama-sama, parang may kulang?
Sabi ni Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly Effective
Families, may mga pag-aaral na nagpapatunay na ang pakikibahagi ng isang tao sa mga
gawaing pangrelihiyon ay mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipa pandamdaming
kalusugan at katatagan. Ito rin ay nakapagpapatibay ng pagsasamahan ng pamilya.

Narito ang ilan sa mga pamamaraan

na maaaring makatulong sa iyo at sa iyong

pamilya.
1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng buhay-pampamilya.
Mahalagang tanggapin at yakapin ng lahat ng kasapi ng pamilya na ang Diyos at ang tunay na
pananampalataya sa Kaniya ang makapagbibigay ng katiwasayan sa pamilya at sa ugnayan ng
mga kasapi nito.

2. Ituon ang pansin sa pag-unawa.


Ang pakikinig sa panalangin o sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa pananampalataya
(hal. Qu’ran sa mga Muslim at Bibliya sa mga Kristiyano) ay hindi sapat kahit pa ang
pagmemorya sa nilalaman nito. Makabubuting maipaunawa sa anak ang halaga nito para sa
kaniyang buhay.

3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong mensahe.


Hindi natin malilimutan ang mga karanasan na nagkaroon ng malalim na epekto sa
ating pagkatao. Mas magiging malalim ang mensaheng maibibigay ng aral ng
pananampalataya kung ito ay mararanasan sa pang-araw-araw na buhay.

4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat kasapi ng pamilya na makinig at
matuto.

Ang paghubog sa tao sa pananampalataya ay hindi dapat ipinipilit. Kapag ginawa ito,
lalong lalayo ang loob ng kasapi ng pamilya.

5. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa kanilang isipan ang mga itinuturo
tungkol sa pananampalataya. Mabilis makalimot ang tao.

Mahalagang maisagawa ang pagtuturo nang paulit-ulit upang ito ay tumanim nang
malalim sa kanilang puso at isipan.

PIVOT 4A CALABARZON
6. Iwasan ang pag-aalok ng “suhol.”

Mahalaga na matulungan ang mga kasapi ng pamilya na gawin ang pagsisimba o

pagsamba at pagdarasal nang kusang-loob at buong-puso. Sa ganitong

pagkakataon lamang ito magkakaroon ng lalim para sa kanila.

7. Ipadanas ang pananampalataya nang may kagalakan.


Mas masaya, mas hindi malilimutan. Ito ang mahalagang tandaan kung

magtuturo tungkol sa pananampalataya. Tiyakin na lilikha ng mga pagkakataon

na magiging masaya ang kasapi ng pamilya na matuto.

You might also like