Quarter 1 Esp Modyul

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

MODYUL 1: ANG PAMILYA BILANG NATURAL NA INSTITUSYON

Ano nga ba ang Pamilya?

Ayon kay Pierangelo Alejo (2004) ang pamilya ang pangunahing institusyon sa lipunan. Binubuo
sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang pagmamahal. Ayon pa rin
sakanya, ang pamilya ay isang kongkretong pagpapahayag ng positibong aspekto ng pagmamahal sa
kapwa sa pamamagitan ng kawanggawa, kabutihang loob, at paggalang o pagsunod.

PITONG DAHILAN KUNG BAKIT ISANG LIKAS NA INSTITUSYON ANG PAMILYA

1. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao (community of persons) na kung saan ang maayos na
paraan ng pag – iral at pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.
 Ang pamilya ay isang mabuting pangangailangan ng lipunan (necessary good for
society); kaya’t kapag hindi ito iginalang, mapanira ang epekto nito a lipunan sa
kabuuan.
2. Nabuo ang Pamilya sa pagmamahalan ng isang babae at lalaking nagpasyang magpakasal at
magsama nang habangbuhay.
 CONJUGAL LOVE – pagmamahal na namamagitan sa mag-asawa
 PATERNAL LOVE – pagmamahal na namamagitan sa magulang at anak
3. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at
patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin nitong magbigay – buhay.
 Walang lipunan kung walang pamilya. Kung hindi maayos ang pamilya, tiyak na
hindi rin magiging maayos ang lipunan.
 Layunin ng pamilya ang pag -aanak at edukasyon ng mga anak. Ito ang dahilan
kung bakit itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng lipunan.
4. Ang Pamilya nang orihinal na paaralan ng pagmahahal.
 Sa pamilya, binibigyang halaga ang kasapi dahil sa pagiging tao niya, hindi dahil
sa kaniyang kontribusyon o magagawa para sa pamilya. Ang ugnayang dugo ang
likas na dahilan bakit itinuturing ang kapamilya bilang parang sarili, may
dignidad at may karapatang mahalin dahil a pagiging tao niya at hind isa kung
ano ang mayroon siya.
 Sa pamilya, ipinararanas sa tao kung paano mahalin upang ganap niyang
matutuhan kung paano ang magmahal. Ito ang kauna-unahang lugar kung saan
natutuhan ng tao ang tunay na kahulugan ng pagiging tao.
5. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay (the first and
irreplaceable school of social life)
 Ang pamilya ang pinakaepektibong paraan upang gawing makatao at
mapagmahal ang lipunan.
6. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.
 Hindi nilikha ang pamilya para sa kapakanan ng mga miyembro lamang.
Mayroon itong tungkulin sa lipunan kung saan ito ay isang mahalagang bahagi.
Una rito ang hospitality tulad ng pagpapakain sa nagugutom.
 Tungkulin ng pamilya ang gampaning political tulad ng pagbabantay sa mga
batas at institusyong panlipunan – kung ang mga ito ay sumusuporta at
ipinagtatanggol ang Karapatan at tungkulin ng pamilya.
7. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting
pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.

ANG MISYON NG PAMILYA SA PAGBIBIGAY NG EDUKASYON, PAGGABAY SA PAGPAPASIYA, AT


PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA.

Pagbibigay ng Edukasyon
Dahil ang magulang ang ginamit na instrument ng Diyos upang bigyan ng buhay ang kanilang mga
anak, may karapatan at tungkulin ang una upang bigyan ng edukasyon ang huli. Ang karapatan para sa
edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan. Kasama ng pagkakaroon ng karapatan ng
mga bata sa edukasyon ay ang karapatan ng mga magulang na sila ay turuan. Ito ang dahilan kung bakit
ang mga magulang ang itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak sa tahanan.

Pangunahing dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga anak ang wastong paggamit ng
kalayaan sa mga material na bagay. Kailangang maturuan ang mga bata na mamuhay nang simple. Sa
ganitong pagmumulat, maisasapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa
kung ano ang mayroon siya. Maaaring isipin na simpleng turo ito ngunit ang turong ito ay magbubunga
ng iba pang mga pagpapahalaga tulad ng:

a. PAGTANGGAP - dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang tao bilang siya at hindi siya susukatin
batay sa kung ano ang maaari niyang maibigay.
b. PAGMAMAHAL - dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin ang isang tao na hindi tumitingin sa
kaniyang kakayahan at katangian ay tanda ng malalim na pagmamahal.
c. KATARUNGAN- dahil sa nagbubunsod ito upang kilalanin at igalang ang dignidad ng tao.
Sabi nga,

 Kung ang isang bata ay namumuhay sa pamumuna sa pamimintas, natututo siyang maging
mapanghusga.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa katiwasayar natututo siyang maniwala sa kaniyang sarili.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa poot, natututo siyang lumaban.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa takot, palagi siyang mababalot ng pag-aalala.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa pagkilala, natututo siyang bumuo ng layunin sa buhay.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa awa, palaging may awa sa kaniyang sarili.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa papuri, natutuhan niyang magustuhan ang kaniyang
sarili.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa selos, natututo siyang palaging makaramdam ng
pagkakasala.
 Kung ang isang bata ay namumuhay sa pakikipagkaibigan, natutuhan niya na masarap mabuhay
sa napakagandang mundo.
MODYUL 2: PAGMAMAHALAN AT PAGTUTULUNGAN: PAGTIBAYIN

Ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan sapagkat dito


nagsisimulang matuto ang isang indibidwal kung paano ang magmahal. Ang pamilya bilang
orihinal na paaralan ng pagmamahal ay binibigyang-halaga nito ang mga kasapi ng
importansiya. Sa pamilya ipinaparanas sa tao kung paano mahalin upang ganap na
matutuhan kung paano ang magmahal. Ito ang kauna-unahang lugar kung saan
natututuhan ng tao ang tunay na kahulugan ng pagiging tao – ang isang tao na binibigyang
halaga para sa kaniyang sariling kapakanan at nakakamit ang kaganapan sa pamamagitan
lamang ng matapat na pag- aalay ng sarili para sa kapuwa.
Hindi lamang naipapakita ang pagmamahal sa pagbibigay ng mga materyal na
bagay kundi sa mga pagpapahalaga. Ito ay hindi lamang mararamdaman at makikita
ang pagmamahal sa loob ng tahanan maaari ring maramdaman ito sa Panginoon at kapuwa.
Naipapakita at naipadarama ang pagmamahalan kung naisasagawa ang mga angkop
na kilos tulad ng mga sumusunod:

1. Paggalang sa bawat isa.


2. Maglaan ng oras at panahon sa pamilya.
3. Pagtupad sa kanilang mga itinakdang alituntunin at mga ipinag-uutos.
4. Humingi ng kapatawaran at matutong magpakumbaba.
5. Pahalagahan ang mga kabutihang nagagawa ng bawat isa.
Kaakibat ng pagmamahal ay ang pagpapakita ng pagsuporta sa pamamagitan ng
pagtutulungan.
Ankop na kilos upang lalong mapagtibay ang pagtutulungan sa pamilya:

1. Makiisa sa mga gawaing bahay


2. Pagsasakripisyo para sa kapakanan ng pamilya
3. Pagpapakita ng suporta sa bawat is
4. Pagtulong na makamit ang minimithing pag-unlad ng pamilya
MODYUL 3: ANG TATLONG PINAKAMAHALAGANG MISYON NG PAMILYA

PAGBIBIGAY NG EDUKASYON
Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
Ang ilan sa mga banta sa pagsasakatuparan nito ay ang mga sumusunod:
1. Kahirapan
Ito ang pinakamabigat at pinakamalalang banta sa pagganap ng pagbibigay ng
edukasyon.
Maaaring mapagtagumpayan ang bantang ito kung may pagtutulungan at pagsasakripisyo
ang bawat isa.
2. Masamang barkada o kaibigan
Kung hindi tama ang mga napiling kaibigan ay maaaring makaapekto sa pag-aaral ng isang
bata. Kaya mahalaga na makakilala ng isang kaibigan na maaasahan, masasandalan,
malalapitan sa oras ng kagipitan at higit sa lahat makatutulong sa pagtupad ng mga pangarap.
3. Nasasayang na oras o panahon
Gamitin ang oras nang tama at gugulin ito sa mga makabuluhang bagay.

PAGGABAY SA PAGPAPASIYA
Ang ilang mga banta kaugnay ng paggabay sa pagpapasiya ay ang mga sumusunod:
1. Kawalan ng oras at panahon sa mga anak
Ang kawalan ng oras at panahon para sa mga anak ay nangangahulugan ng kawalang
paggabay sa kanilang pagpapasiya. Tiyakin na kahit gaano kaabala ay nakapaglalaan ng oras at
panahon sa kanila upang matiyak na makagawa sila nang tama at mabuting pagpapasiya.
2. Malayo ang loob ng isa’t isa
Bilang kasapi ng pamilya, maging bukas sa bawat isa upang magabayan nang tama at
maiwasang makagawa ng mga bagay na pagsisisihan sa huli.
3. Sobrang paggamit ng social media
Ang social media ay hindi magiging banta kung ituturo ang pagiging responsable sa paggamit
nito. Siguraduhing magtakda ng limitasyon sa paggamit nito.
PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA
Ang pangunahing makatutulong upang mahubog ang mga birtud ng pananampalataya ay
ang mga magulang. Ngunit ang paghubog na ito ay hindi madali sapagkat may mga banta na
nagiging balakid. Ang ilan sa mga banta ay ang mga sumusunod:

1. Kawalan ng tiwala sa Diyos


Marami ang mga nawawalan ng tiwala sa Diyos marahil sa mga pagsubok na
dumarating sa kanilang buhay. Hindi nila naisip na ang pagkakaroon ng tiwala sa Kaniya ay dapat na
walang pag-aalinlangan sapagkat sa pamamagitan nito ay maiingatan ang ating sarili gayundin
ang pamilya sa mga hamon sa buhay.

2. Mga tukso at paggawa ng kasalanan


Walang maidudulot na kabutihan ang mga tukso sapagkat dahilan lamang ang mga ito
kung bakit nakagagawa ng kasalanan.

3. Kakulangan ng oras ng bawat kasapi ng pamilya


Kung ang bawat isa ay maglalaan ng oras para sa isa’t isa mas lalong titibay ang relasyon
nila.
MODYUL 4: Angkop na Kilos sa mga Gawi sa Pag-aaral at Pananampalataya: Isagawa

I. Pagtalakay
Ang mga anak ay napakahalagang regalo para sa pamilya. Kaya nga hindi lamang
nagtatapos sa ipanganak, bigyan ng makakain, maiinom at masusuot ang mga ito ng mga
magulang kundi gampanan din ang tungkulin na arugain, mahalin, pag-aralin, gabayan at
hubugin ang pananampalataya nila.
Ang pagiging mapanagutan ng mga magulang ay nangangahulugang pagganap nang buong
husay sa mga tungkuling nakaatang sa balikat nila. Ang pagpasok sa buhay pamilya ay marami-
raming mga hamon ang haharapin at ilan nga sa mga ito ay ang pagbibigay edukasyon, paggabay sa
pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya ng bawat kasapi ng pamilya.
Ang paghuhubog at pagpapaunlad sa mga wastong gawi sa pag- aaral at pagsasabuhay ng
pananampalataya ay nagmumula sa pamilya. Sa pagtupad ng mga ito, kailangan ang maayos na
pakikipag-ugnayan sa mga kasapi sa pamilya. Maisasakatuparan lamang ang mga ito kung ang
sandigan ay ang mga angkop na kilos sa pag-aaral at pananampalataya.
Ano-ano nga ba ang mga angkop na kilos na makatutulong sa pamilya pagdating sa pag-
aaral at pananampalataya?
Narito ang ilang mga angkop na kilos sa pag-aaral:

1. Maglaan ng oras
2. Magtakda ng mga layunin
3. Makinig sa mga guro
4. Umiwas sa mga sagabal
5. Pagiging aktibo sa klase

Kaakibat ng mga gawing ito, mahalaga na lakipan ng pagkapit sa Poong Maykapal. Kahit ano
pang mga pagsubok at tagumpay ang marating sa buhay mahalaga na humingi ng gabay sa Diyos.
Narito naman ang ilang mga angkop na kilos sa paghubog ng pananampalataya.

1. Sama-samang pagdarasal
2. Pagbabasa at pagbabahagi ng mga salita ng Diyos
3. Gawing sentro ng buhay pampamilya ay ang Poong Maykapal
4. Magsimba kasama ang lahat ng miyembro ng pamilya
5. Pagsunod at pagsasabuhay sa mga utos ng Diyos
MODYUL 5: Mga Uri ng Komunikasyong Pampamilya

I. Pagtalakay
Ang kawalan ng komunikasyon sa pamilya ay nakaaapekto sa pakikipag-
ugnayan ng bawat isa. Ito ay isang napakahirap na hamon sa bawat pamilya.
Maaaring magdulot ito ng away o samaan ng loob, hindi pagkakaunawaan at
paglayo ng loob sa bawat isa. Halimbawa nito sa isang pamilya na laging abala ang
mga magulang sa trabaho, nawawalan ng panahon na kumustahin at kausapin ang
mga anak. Dahil dito nawawalan ng mabuting koneksyon ang bawat isa.
Sa madaling salita, mahalaga ang bukas na komunikasyon sa pamilya. Ang
pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa pamilya ay nakatutulong upang
magkaroon ng pag-uunawaan, pagkakaisa, pagmamahalan, at pagtutulungan.
Paraan din ito upang maipadama ang nasa isip o oipinyon at damdamin sa bawat
miyembro na kung saan ito ay magiging tulay sa maayos at matiwasay na pamilya.
Ang pamilyang may oras para sa isa’t isa ay naglalaan ng makabuluhang
oras. Maaaring gawin ang pagkukwentuhan habang nanonood ng telebisyon, sama-
samang nagsisimba at namamasyal, sabay- sabay kumakain at nagdadamayan sa
tuwing may pagsubok na dumarating.
Ang komunikasyon ay makatutulong upang magkaisa subalit maaari ding
makapag-wasak ng pamilya kaya nga mahalagang matukoy at masuri kung anong
mga uri ng komunikasyon ang kailangang umiral sa pamilya.
Mayroong karaniwang mga uri ng komunikasyon, ang pasalita, pasulat,
pasenyas, at paggamit ng modernong teknolohiya.
1. Pasalita
Ito ang madalas na ginagamit upang makipag-ugnayan. May mga salitang
lumalabas mula sa bibig ng isang tao.

2. Pasulat
Ang pasulat ay ginagamit sa pagpapahayag ng nararamdaman sa
pamamagitan ng pagsulat.

3. Pasenyas
Ito ay pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng paggamit ng mga
senyas ng katawan tulad ng mga body language, pagpalakpak, pagkindat, at marami
pang iba.

4. Paggamit ng modernong teknolohiya/virtual


Komunikasyon na kung saan gumagamit ng iba’t ibang teknolohiya
kagaya ng laptop, cellphone, radyo, telebisyon, at iba pa.

Mayroon ding komunikasyong umiiral sa pamilya tulad ng consensual,


pluralistic, protective at laissez-faire na komunikasyong pampamilya.

1. Consensual na Komunikasyong Pampamilya


Ito ay uri ng komunikasyong umiiral sa pamilya na kung saan ay
tinatanong ng magulang ang mga anak subalit sila pa rin ang masusunod. Sa
komunikasyong ito, kinukumbinsi ang anak na magsalita ng nais, nararamdaman at
mga iniisip subalit ang magpapasiya pa rin sa bandang huli ay ang mga magulang.

2. Pluralistic na Komunikasyong Pampamilya


Sa paraang ito mayroong bukas na komunikasyon na kung saan ang bawat
miyembro ay hinihikayat na magsabi ng kanilang mga ninanais, opinyon, ideya,
pangangailangan, iniisip, at nararamdaman. At dahil dito, anumang hidwaan at
samaan ng loob ay madaling masosolusyunan.

3. Protective na Komunikasyong Pampamilya


Uri ng komunikayong pampamilya na hindi pinapahalagahan ang bukas na
komunikasyon. Bihira lamang ang pag-uusap ng bawat miyembro ng pamilya sa
ganitong uri ng komunikasyon.

4. Laissez-Faire na Komunikasyong Pampamilya


Ito ang uri ng komunikasyon na kung saan ginagawa ng anak ang lahat
ng kanyang gustong gawin. Kaunti lamang ang kanilang oras pagdating sa pag-
uusap. At dahil ginagawa lahat ng anak ang gusto niyang gawin maging sa
pagpapasiya ay gumagawa siya ng sarili niya. Mahirap makakuha ng suporta ang
anak mula sa mga magulang maging sa iba pang kasapi ng pamilya.
MODYUL 6: Angkop na Kilos na Magpapaunlad sa Komunikasyong Pampamilya

I. Pagtalakay
Ang komunikasyon ay mga senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang
ipahayag ang kanyang iniisip at pinahahalagahan, kabilang dito ang wika, kilos, tono
ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay, at mga gawa. Ito ang ating sandata sa ating
pakikipag-ugnayan sa ating pamilya at kapuwa.
Ang bukas na komunikasyon ay kailangang paunlarin ng mga kasapi ng
pamilya sapagkat malaki ang maitutulong nito para malinang ang pang- unawa at
kakayahan sa pakikikinig. Kung ang kakayahang ito ay naituro sa tahanan pa lamang
ay may malaking posibilidad na magiging kaaya-aya ang pakikipag-ugnayan niya sa
kaniyang kapuwa.
Ang komunikasyon ay ang pagpapalitan ng mga pasalita, di-pasalita at
virtual na impormasyon sa pagitan ng bawat miyembro ng pamilya at mga kapuwa
sa ating lipunang kinabibilangan. Sa pamamagitan nito, naipapahayag ng indibidwal
ang mga ideya, opinyon, pangangailangan, at nararamdaman nila. Ang mga
komunikasyon pasalita ay ang madalas na uri ng komunikasyong ginagamit upang
maipahayag ang kanilang mga nasa sa loob. Ang di-pasalita naman ay ang
pagpapahayag ng mga nararamdaman at pangangailangan sa pamamagitan ng
senyas, ekspresyon ng mukha, body language at iba pa. Samantalang ang mga
virtual naman ay komunikasyong ginagamitan ng makabagong teknolohiya kagaya
ng facebook, messenger, google meet, e-mail at iba pa. Mahalagang masuri ng
bawat isa ang mga komunikasyong ito upang makatulong sa pagpapaunlad ng
pakikipag-ugnayan.
Ang komunikasyon ay maaaring hatiin sa limang antas. ( Reusch at
Baterson)
1. Intrapersonal

Tumutukoy sa komunikasyong pansarili. Mula sa limang antas, ito ang


itinuturing na pinakamababang antas sapagkat ang komunikasyon ay ginagawa
lamang ng nag-iisa, ang sarili mismo. Halimbawa nito ay ang pagninilay-nilay,
personal na repleksiyon, at marami pang iba.
2. Interpersonal

Ang komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao.


Halimbawa naman nito ay pakikipag-usap sa magulang, kaibigan, at marami pa.
3. Pampubliko
Ito ay ang komunikasyon sa pagitan ng isang tao at malaking grupo ng
tao. Halimbawa, kapag may seminar (ang speaker at mga grupo ng tagapakinig).
4. Cross-cultural

Komunikasyong ipinakikilala ang isang bansa o isang


lugar.
Halimbawa, ang komunikasyong namamagitan sa tuwing may lakbay-aral.
5. Pang-midya
Pinagmumulan ng mensaheng ginagamitan ng midya.

Ang kaayusan at kaaya-ayang ugnayan ay mangingibabaw kung


naipapahayag ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang mga nararamdaman at
pangangailangan. Magagawa lamang na mapagtibay ang samahan kung isasagawa
ang mga sumusunod na angkop na kilos sa pagpapaunlad ng komunikasyon sa
pamilya at kapuwa.

1. Maging tapat sa isa’t isa


Isa ito sa mga sangkap ng mabisang komunikasyon. Ginagawa ito upang
maiwasan ang kasinungalingan at pandaraya sa pamilya maging sa kapuwa. Sa
pamamagitan nito, umaani ang isang tao ng tiwala mula sa pamilya at kapuwa.

2. Magpakita ng pag-aalala at malasakit sa iyong kausap


Sa tuwing makikipag-usap, magpakita ng pag-aalala at malasakit,
sinuman o anuman ang kaniyang kalagayan sa buhay. Huwag mamimili o titingin sa
estado sa buhay, mayaman man o mahirap, bata man o matanda, babae man o lalaki
, lahat ay pantay-pantay.
3. Maging bukas o hayag
Sa pakikipag-usap, kailangang maging bukas o hayag. Unawain ang sinasabi
bago magsalita o manghusga.

4. Magpakita ng paggalang
Ang pagpapakita ng respeto o paggalang ay nakabubuti at nararapat ibigay
kahit na kanino pa man. Napakahalaga nito sa pakikipagtalastasan upang maiwasan
ang hindi pagkakaintindihan at samaan ng loob.

5. Magpakita ng pagiging malikhain sa pakikipag-usap


Kailangang gamitin ng tao ang kaniyang talento upang makapag- isip ng
mga paraan kung paano makapagpapahayag ng kaniyang opinyon,
nararamdaman at mga pangangailangan.

6. Mayroong isang salita


Ang mga salitang binibitawan ay maaaring makapagbuklod o
makapagwasak kaya mahalagang sa tuwing makikipag-usap o maglalahad ng
saloobin ay tumutupad ka sa iyong mga sinasabi.

7. Maging alerto sa mga di-pasalitang mensahe


Ang isa sa mga uri ng komunikasyon ay ang mga di-pasalita. Mahirap man
unawain kung minsan ang mga ito, kailangang maging alerto upang maintindihan
ang mensaheng nais iparating ng iyong kausap.
MODYUL 7: Panlipunan at Pampolitikal na Gampanin ng Pamilya
I. Panimula
“No man is an island”. Walang taong nabubuhay mag-isa. Bilang tao, kailangan natin ang
tulong at ang makisalamuha sa ating kapuwa. Ito ang dahilan kung bakit lahat ng indibidwal ay
ipinanganak sa pamilya na itinuturing na pinakamalapit na kapuwa. Kailangan ang pamilya upang
may mag-aruga, magmahal, gumabay at magturo ng mga pagpapahalaga kagaya ng kakayahan sa
pakikipag-ugnayan.
Hindi nilikha ang pamilya para lamang sa kapakanan ng kaniyang miyembro kundi para na
rin sa kaniyang kapuwa. Mayroon itong tungkulin sa lipunang kaniyang kinabibilangan. Ibig
sabihin, ang pamilya ay may panlipunan at pampolitikal na gampanin.

II. Pagtalakay
Lahat ng tao ay isinilang sa isang pamilya sapagkat ito ang magsisilbing kaniyang taga-
akay at tagahubog sa pang-araw-araw niyang pamumuhay. Ang tao ay ipinanganak ng walang
kakayahan kaya nga hindi siya mabubuhay ng walang nag-aaruga, nagpapakain, at nagbibigay ng
kaniyang pangangailangan. Ang pamilya ang magpupuno sa mga pangangailangang ito habang
siya ay bata pa hanggang sa kaniyang paglaki. Subalit hindi lahat ng pangangailangan ng isang
bata ay maaaring mapunuan ng pamilya kaya mahalaga rin ang gampanin ng ating kapuwa. Ang
ating kapuwa ang tutulong upang mapuno at mahubog ang pagkatao ng isang indibidwal.
Ang pamilya ay may gampaning panlipunan at pampolitikal sa kaniyang lipunang
ginagalawan. Hindi mabubuhay ang isang tao ng walang tulong mula sa kapuwa. Kailangan natin
ang bawat isa.
Isa sa pinakadakilang utos ng Diyos mula sa Mateo 22: 37-39 “Ibigin mo ang iyong kapuwa
na gaya ng iyong sarili”, ipinapakita lamang dito na kailangang mahalin ang ating kapuwa kagaya
ng pagmamahal sa ating mga sarili. Paano nga ba maipapakita ang pagmamahal sa ating kapuwa?
Paano makatutulong ang pamilya sa ibang tao?
Ang ilan sa mga halimbawa ng panlipunang ginagawa ng pamilya sa kapuwa ay ang mga
sumusunod:

1. Bayanihan
Ito ay kaugaliang Pilipino na kung saan naipapakita ang pagtutulungan at
pagkakaisa. Noong unang panahon, ito ay ang sama- samang pagbubuhat ng isang bahay mula sa
isang lugar patungo sa ibang lugar. Sa kasalukuyan, ito ay naipapakita sa pamamagitan ng
pakikiisa at pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

2. Pagiging Bukas Palad


Ito ay ang pagiging matulungin at mapagbigay sa kaniyang kapuwa na hindi naghihintay
ng kapalit. Ang pagiging bukas palad ay maipapakita
ng pamilya sa pamamagitan ng mga gawaing panlipunan. Maaari itong makilahok sa mga
samahan na boluntaryong naglilingkod sa pamayanan o kaya’y tumutulong sa mga kapus-palad.

3. Magiliw na Pagtanggap ng Bisita


Isa sa ipinagmamalaki nating katangiang Pilipino ang magiliw na pagtanggap ng
mga panauhin (hospitality) . Inihahain ang pinakamasarap na pagkain para sa mga bisita,
ipinagagamit ang mga magagandang kasangkapan at pagpapahiga sa mga pinakamainam na
higaan. Subalit ang pinakamalalim na kahulugan nito ay ang pagbubukas ng ating pintuan sa mga
higit na nangangailangan.
Ang pagtulong, pagmamalasakit, at paglilingkod sa kapuwa ay dapat na bukal sa puso at
hindi naghihintay ng kahit na anumang kapalit.
Ang panlipunang gampanin ng pamilya ay hindi lamang nagtatapos sa pagtulong at
pakikiisa kundi maging sa pakikisangkot sa politika. Maging alerto at mapagmatyag sa mga batas
na ipinatutupad. Marapat na ang pamilya ang manguna sa pagsasakatuparan ng mga ito at hindi
dapat na taliwas at lumalabag sa tinatawag na kabutihang panlahat.

Ang mga sumusunod ay ang mga karapatan ng pamilya:

1. Ang karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya.

2. Ang karapatang isakatuparan ang kaniyang pananagutan sa pagpapalaganap ng buhay at


pagtuturo sa mga anak.

3. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya.

4. Ang karapatan sa pagkakaroon ng bigkis at institusyon ng kasal.


5. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at paglaganap nito.
6. Palakihin ang mga anak ayon sa tradisyon, pananampalataya at pagpapahalaga, at kultura.
7. Magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal, at pang-ekonomiyang seguridad.
8. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
9. Ang karapatan upang makapagpahayag at katawanin sa harap ng mga namamahala o
namumuno kaugnay ng mga usaping pang-ekonomiya, panlipunan, at kultural.

10.Magbuo ng asosasyon.
11.Mapangalagaan ang mga kabataan.
12. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang.
13. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at kamatayan.
14. Mandayuhan sa ibang probinsiya o bansa para sa
mabuting pamumuhay.
Mahalagang matutuhan ang pagtulong at pagtupad sa mga politikal na gampanin ng
pamilya.
Lahat tayo ay nakatulong na sa ating kapuwa. Bagaman iba-iba ang pamamaraan, maliit
man o malaki ang naitulong ang mahalaga ay nakapagpasaya tayo ng taong nangangailangan.

You might also like