Aralin 3 Handout

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)
Schools Division Office of Tabaco City
TABACO NATIONAL HIGH SCHOOL
Tabaco City

ESP 10 HANDOUT
ARALIN 3: Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

Ang Tunay na Kalayaan


 Ayon kay Sto. Thomas de Aquino, “ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos
tungo sa maaari niyang hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito.”
 Ang tao ang nagtatakda ng kaniyang kilos para sa kaniyang sarili.
 Karaniwang tinitingnan ang kalayaan bilang kawalan ng panlabas na hadlang sa pagkamit ng ninanais ng tao.
Bibihirang kinikilala na ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas kundi ang
nagmumula mismo sa loob ng tao.
 Isang napakahalagang karapatan ng isang tao ang kalayaan - walang sinuman ang pwedeng humadlang o pumigil
sa anumang naisin at gawin sa kanyang buhay. Malayang gampanan ang anumang bagay na magpapaunlad at
magpapaligaya nito. Malayang lumikha, magtatag at magsagawa ng anumang makabuluhang bagay sa ikakaunlad
ng sarili, mga kasamahan at maging ang iyong pamayanan at walang magiging anumang agam-agam o alalahanin
sa paggawa ng mga ito. Mapayapa, mahusay, at maligaya ka sa pagtupad ng mga tungkulin bilang masunuring
mamamayan (Johann).

Bagama’t may kalayaan ang taong piliin at gawin ang isang kilos, hindi sakop ng
kalayaang ito ang piliin ang kahihinatnan ng kilos na pinili niyang gawin. Palaging may
pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng kaniyang piniling kilos. Ang kakambal ng kalayaan ay
responsibilidad.

Dalawang Responsibilidad sa Paggamit ng Kalayaan o Pananagutan na Nakaaapekto sa Ideya ng Kalayaan

1. Kalayaang kaugnay ng malayang kilos loob.


 Simulan natin sa pagsasabing ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako.” Ito ay kilos na nagmula
sa akin. Sa puntong ito, ang kalayaan ay nakakabit sa aking sarili (sa pagiging ako), sa aking kakayahang
kumilos, sa aking sariling kagustuhan, sa pagsasabi ng oo o hindi sa mga nakapalibot sa akin, sa
pagpapasiya ko kung ano ang aking gagawin. Ito ang kalayaang kaugnay ng malayang kilos-loob at
mayroon ako nito dahil ako ay tao, likas ito sa akin.

 Sapagkat ang tao ay tao, siya ang pinagmumulan ng kaniyang kilos; kaya may pananagutan siya sa
kalalabasan ng kaniyang ginawa. Nangangahulugan itong kailangan niyang harapin ang kahihinatnan ng
kaniyang ginawa.

2. Kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ng sitwasyon


 Bilang tao, ako ay responsable sa aking mga kilos, subalit hindi ito nangangahulugang ako ay isang
responsableng tao. Ang responsibilidad sa sukdulang kahulugan nito ay hindi lamang pananagutan kundi
ito ay kakayahan o abilidad na magbigay paliwanag (give account).

 Ang responsableng tao kung gayon ay ang taong tinutuon ang kaniyang kilos bilang tugon sa obhektibong
tawag ng pangangailangan. Kaya nga kapag isinaalang-alang niya ang mga salik sa konteksto ng
sitwasyon bago ang pagsasagawa ng kaniyang kilos, may pagsisikap siyang tumugon ayon sa mga salik
na ito at hindi ang pagpapairal ng sariling kagustuhan; kaya hindi siya mahihirapang ipaliwanag at
bigyang-katwiran ang kaniyang ginawang kilos.

 Ang kalayaan ay hindi lamang nangangahulugan ng pagkakaroon ng kakayahang kumilos ayon sa aking
kagustuhan, ang pagiging malaya ay nangangahulugang mayroon akong kakayahang kumilos nang
rasyonal o naaayon sa katuwiran.

“Ang tunay na kalayaan ay hindi sariling kalayaan ng tao na hiwalay sa sambayanan


kundi isang kalayaang kabahagi ang kaniyang kapuwa sa sambayanan. Dahil nabubuhay ang
tao sa isang sambayanan, ginagamit ang kalayaan sa pakikipagkapuwa-tao sapagkat ang
tunay na kalayaan ay ang pagpapahalaga sa kapuwa: ang magmahal at maglingkod.” -Lipio

Dalawang Aspekto ng Kalayaan


1. Kalayaan Mula Sa (Freedom From)
 Kailangang kilalanin na ang tunay na nakahahadlang sa kalayaan ng tao ay hindi ang nagaganap sa labas
niya o sa kaniyang paligid kundi ang nagmumula sa kaniyang loob.

 Ano kung ang nakahahadlang sa kalayaan mula sa loob ng tao? Ito ay ang mga negatibong katangian at
pag-uugaling ipinaiiral ng tao kaya’t kahit mayroon siyang kilos-loob, pumipigil ito sa kaniya sa
pagkamit at paggamit ng tunay na diwa ng kalayaan.

 Mga negatibong katangian at pag-uugali na kailangang iwasan para ganap na maging malaya
a. Makasariling interes c. Kapritso
b. Katamaran d. Pagmamataas

2. Kalayaan Para Sa (Freedom For)


 Ang tunay na kalayaan ayon kay Johann ay ang makita ang kapuwa at mailagay siyang una bago ang
sarili. Kung malaya ang tao mula sa pagiging makasarili at maiwasang gawing sentro ng kaniyang buhay
ang kaniyang sarili lamang, magkakaroon ng puwang ang kaniyang kapuwa sa buhay niya.
 Maging malaya ang tao mula sa mga pansariling hadlang upang maging malaya siya para sa pagtugon sa
pangangailangan ng kaniyang kapuwa- ang magmahal at maglingkod.

Ang nasa kalooban kong pagpapakatao ang nagpapakilos sa akin upang tumugon sa tawag na
magmahal ng kapuwa. Sa pagtulong sa nangangailangan, ipinakikita ko ang aking pananagutan sa
kanila, lumalaya at naliligtas ako mula sa aking makasariling mga interes, pagmamataas,
katamaran at iba pang hindi kaayaayang ugali. Binubuksan nito ang aking kamalayan na gamitin
ang aking kalayaan para maglingkod sa kapuwa at palalimin ang aking pagkatao (Lipio, F. 2004
ph. 14).

Ayon kay Scheler, ang kalayaan ay kilos kung saan dumaraan ang isang tao mula sa pagtataglay nito patungo sa pagiging
isang uri ng taong ninais niyang makamit. Higit sa pagkakaroon ng kalayaan, tinatawag tayo na maging malaya bilang
tao. Ang kalayaang likas sa tao ay nauugnay sa pagpapahalaga na ninanais niyang taglayin bilang tao. Kung paano ito
ginagamit ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng isang tao at nagpapakilala ng uri ng kaniyang pagkatao.

Dalawang Uri ng Kalayaan

1. Malayang Pagpili (Free Choice o Horizontal Freedom)


Ito ay tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kaniya (goods). Pinipili natin ang
isang bagay dahil nakikita natin ang halaga nito sa atin.

2. Vertical Freedom or Fundamental Option


Ito ay tumutukoy sa pangunahing pagpiling ginagawa ng isang tao.

May dalawang fundamental option na bukas sa tao:


a. Ang pagtaas o tungo sa mas mataas na halaga o fundamental option ng pagmamahal - nangangahulugan
ito ng pagpili sa ginagawa ng tao; kung ilalaan ba niya ang kaniyang sarili na mabuhay kasama ang
kaniyang kapuwa at ang Diyos

Ang fundamental option ng pagmamahal ayon kay Johann ay isang panloob na kalayaan

b. Ang pagbaba tungo sa mas mababang halaga o fundamental option ng pagkamakasarili (egoism) - ito ang
mas mababang fundamental option; nabubuhay para lamang sa sarili

“Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa pagsisimula ng kalayaan ng iba.”

Ngayong naunawaan mo na ang tunay na kahulugan ng kalayaan,


suriin mo ang iyong kilos at ang dahilan mo sa paggawa nito …
tunay ka bang malaya?

You might also like