NegOr Q1 EsP5 Modyul1 v2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

5

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako

NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
Edukasyong Pagpapakatao – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Fe V. Consolacion, Anna Grace T. Bentulan

Editor: Teresita Z. Olasiman


Mayflor P. Tuble

Tagasuri: Juliet L. Amores


Teresita Z. Olasiman
Mayflor P. Tuble
Tagaguhit:

Tagalapat: Geraldin T. Olasiman


Jennibel O. Buling

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Donre B. Mira, Ed. D.


Fay C. Luarez, Ed.D., Ph.D., TM Rosela R. Abiera
Nilita L. Ragay, Ed.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, Ph. D., Ed. D., TM Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education –Region VII Schools Division of


Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: [email protected]
NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 5 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mapanuring Pag-iisip,
Mayroon Ako!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

i NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa araling Mapanuring Pag-iisip, Mayroon Ako!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

ii NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iii NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
Alamin

Sa araw-araw nating pamumuhay ay marami tayong naririnig, napapanood o


di kaya’y nababasang balita. Katotohanan ang hangad nating dala sa mga ito sa
atin.

Bawat isa sa atin ay gusto ang katotohanan. Ang pagpapahalaga sa


katotohanan ay dapat isabuhay ng bawat isa. Paano natin malalaman na ang mga
naririnig, napapanood at nababasang balita ay totoo? Bakit mahalaga sa atin na
makatotohanan ang mga ito?

Nahahati sa tatlong bahagi ang modyul na ito:

1. Ano ang nangyari - na kung saanay sasagutin nila ang inihanda ng gawain na
hindi pa nila lubusang nalalaman ang kasanayang pampagkatuto.
2. Ano ang dapat malaman - kung saan ipaliliwanag ang kasanayang pampagkatuto
na dapat nilang matutunan.
3. Ano ang natutunan – kung saan nasusubok ang kanilang naintindihan sa
kasanayang pampagkatuto na nakapaloob dito.

Inaasahan ang mga mag-aaral na mapahahalagahan ang katotohanan sa


pamamagitan ng pagsusuri sa balitang napakinggan, patalastas na nabasa/narinig,
napanood na programang pantelebisyon at mga nabasa sa internet at magamit ang
mga natutunan sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

1. Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga:


1.1. balitang napakinggan
1.2. patalastas na nabasa/narinig
1.3. napanood na programang pantelebisyon
1.4. nabasa sa internet
EsP5PKP–Ia-27

1 NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
Mga Layunin

Kaalaman: Natutukoy ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa


mga balitang napakinggan at mga nabasa sa internet.
Saykomotor: Nakasusulat ng isang pangako na nagsasaad ng isang
mapanuring pag-iisip.
Apektiv: Napapahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng
pagsusuri sa mga balitang napakinggan, patalastas na nabasa/
narinig, napanood sa programang pantelebisyon at mga nabasa
sa internet.

Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Lagyan ng ✓ ang patlang kung ito
ay nagpapakita ng mabuting pagsusuri sa mga napakinggan, nabasa o
napanood at x naman kung hindi.

___1. Kumakalat ang balitang may paparating na bagyo kaya nakikinig si Jose sa
radyo upang alamin kung totoo ito at nang siya ay makapaghanda.

___2. Bumili ng maraming itlog si Aling Marta dahil nabasa niya sa internet na gamot
daw ito laban sa kanser.

___3. Binigyan ka ng isang gamot pampaputi mula sa iyong kapatid na napanood


niya sa TV.

___4. Hindi nagdalawang isip na ipagbili ni Mang Kanor ang kanyang mga alagang
hayop dahil narinig niya sa kapitbahay ang tungkol sa kumakalat na matinding
sakit ng mga hayop.

___5. May sakit ang iyong ama at kailangan niyang maoperahan. Pinainom mo siya
ng gamot na bigay ng iyong pinsan na nakagagaling daw ng sakit at hindi na
kailangan ang operasyon.

2 NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
___6. Nagtatanong si Ana sa mga kaibigan niyang nakasubok na gamitin ang
pampakinis na sabong ipinakita sa patalastas sa telebisyon tungkol sa epekto
nito sa kanila.

___7. Nag-order kaagad si Gng. Santos ng gamot pampatangkad na napanood niya


sa isang programa sa telebisyon.

___8. Nabasa ni Rowena sa internet ang gamot na makapagpagaling sa CoViD 19,


ngunit hindi siya bumili nito dahil hindi naman niya ito narinig sa balita at
napanood sa telebisyon.

___9. Malungkot si Rosalie dahil hindi natanggal ang mga peklat sa


balat niya pagkatapos gamitin ang gamot na ipinakita sa isang patalastas sa
telebisyon.

___10. Nalulungkot si Kaloy dahil naririnig niyang magugunaw na ang mundo.

Tuklasin

Tukuyin kung nagpapahayag ng mabuting pagsusuri ang sumusunod na mga


sitwasyon. Isulat ang Oo o Hindi sa patlang.

________ 1. Naniniwala si Juan sa kumakalat na pekeng balita sa internet na


tanging mga matatanda lamang ang nahahawaan ng COVID – 19
virus.

________ 2. Pinapahalagan ni Pangulong Duterte ang opinyon ng ibang tao kahit na


ito’y iba sa kanyang sariling opinyon, basta’t ito’y may mabuting
maidudulot sa ating bansa.

________ 3. Nakikinig si Aling Rosa ng mga programa sa radyo na nagtuturo ng


paggawa ng mga makabuluhang bagay.

________ 4. Si Peter ay nangangalap ng iba’t ibang sanggunian ng mga


impormasyon sa tuwing pinagagawa sila ng pag- uulat sa klase.

________ 5. Si Ana ay nagbabasa ng aklat at magasin upang madagdagan ang


kanyang kaalaman at kakayahan.

________ 6. Ginugugol ni Dino ang kanyang oras sa paglalaro ng computer games


kaysa sa paggawa ng kanyang takdang aralin.

3 NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
________ 7. Si Lino ay tumutulong at gumagawa ng mga kapaki- pakinabang na
gawain sa kanilang komunidad kagaya ng pakikilahok sa Clean - Up
drive.

________ 8. Si Tatay ay nagbabasa ng dyaryo upang malaman ang mga


pangyayari sa loob at labas ng bansa.

________ 9. Sinusuring mabuti ni Mayor Santos kung sino ang mas


nangangailangan ng ayuda sa panahong nangyari ang sakuna.

________ 10. Pinapahalagahan ni Tina ang panonood ng teleserye kaysa sa mga


balita.

Suriin

Basahing mabuti ang talakayan.

Hindi lahat ng mga balitang napakinggan, patalastas na nabasa o narinig,


mga napapanood na programang pantelebisyon at mga nabasa sa internet ay totoo.
Kung may naririnig ka na balita ay dapat huwag maniwala kaagad. Alamin mo muna
ang pinanggagalingan nito at kung maaari ay sasangguni muna sa iba upang
matukoy ang katotohanan nito. Kung may patalastas sa isang bagay ay huwag agad
maniwala. Alamin mo muna ang kalidad nito sa pamamagitan ng pagtatanong sa
mga nakasubok na. Minsan ay gusto nating gayahin o subukan ang anumang
nakikita sa programang pantelebisyong ating napapanood. Bago ito gawin ay dapat
alamin muna natin ang maganda at hindi magandang maidudulot nito sa atin kapag
ginawa natin ito. Hihingi ng payo sa mga mas nakakaalam upang maiwasan ang
sakuna. Ang huli ay hindi lahat ng nabasa natin sa internet ay totoo. May
tinaguriang fake news na kumakalat sa internet at social media. Kailangan
munang alamin ang pinanggalingan ng binasa, kung ito ay reliable sources
maaasahang mapagkukunan ba.

4 NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
Pagyamanin

Alamin ang ipinapakita ng bawat larawan at sagutin ang mga tanong. Isulat
ang sagot sa patlang na nasa ibaba ng bawat larawan.

Totoo ba ang lahat ng balitang ating naririning?


Ano-ano ang mga dahilan kung bakit may ilang
mga balita na hindi dapat natin paniwalaan?
Paano natin malalaman na totoo o hindi ang isang
balita?
Iginuhit ni: Laikisha Fay V. Consolacion
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Bakit gumagawa ng patalastas? Dapat ba nating


paniwalaan ang mga ipinapakita sa isang
patalastas? Paano natin aalamin na ang ipinapakita
patalastas ay may katotohanan?

Iginuhit ni: Laikisha Fay V. Consolacion

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Lahat ba ng ating napapanood sa telebisyon ay


makatotohanan? Nakabubuti ba sa lahat ang
ipinapakita sa telebisyon? Ipaliwanag ang sagot.

Iginuhit ni: Laikisha Fay V. Consolacion

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5 NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
Dapat bang paniwalaan agad natin ang mga
nabasa sa internet? Magbigay ng halimbawa ng
fake news na nabasa ninyo sa internet. Bakit
maituturing itong fake news?

Iginuhit ni: Laikisha Fay V. Consolacion

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isaisip

Ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip ay isang katangiang maaaring


ipagmalaki ng isang tao. Tayong mga tao lamang ang may pinakanatatanging
kasanayang gumamit ng mapanuring pag-iisip sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang mapanuring pag-iisip ay naipakikita sa pagtatanong, pagsusuring mabuti sa
mga posibleng kasagutan, at pamimili ng pinakamahusay na sagot bago gumawa ng
kahit ano. Kailangang makapaglaan ng sapat na panahon sa pagtugon sa
kinakaharap na suliranin o gawain gaano man ito kaliit o kalaki.

Napapahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng


mapanuring pag-iisip. Napahahalagahan ang katotohanan kapag nasusuring mabuti
ang mga naririnig, nababasa at napapanood. Kailangan natin na susuriin ang bawat
iniisip upang maiwasan ang pagkakalito at nakikilala kung aling bagay ang
nakabubuti o nakasasama sa atin.

Ang balita ay maaaring isang maganda o mapanghamong balita. Ang


magandang balita ay nangangahulugang mayroong positibong impormasyon na
parating pa lamang. Kadalasan ito ay nagdudulot ng kasiyahan sa karamihan lalo na
kung ang magandang balita ay mayroong mabuting maidudulot sa tagapakinig nito.

Ang mapanghamong balita ay tumutukoy sa mga pangyayaring may


kinalaman sa karahasan, ipinagbabawal na gamot, seksuwal at marami pang iba na
hindi angkop sa mga batang nanonood o nakikinig. Kabaligtaran nito ang tinatawag
na magandang balita na tumutukoy sa ulat ng mga positibo at magagandang
pangyayari tungkol sa ginagawa ng tao na makakapagpabatid at magbibigay
libangan sa mga mambabasa, nakikinig o nanonood.

6 NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong pangako na maging mapanuri sa


narinig na balita sa radyo, nabasa sa pahayagan o internet. Ilahad ang
iyong pangako sa ibaba.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________

Rubriks

8-10 7-5 4-3 2-0 Marka


Napakahusay Mahusay Hindi Kailangang
Gaanong Magsanay
Mahusay
1. Ang talata ay
tungkol sa
pagkakaroon ng
masusing
pag-iisip sa
narinig na balita
sa radyo,
nabasa sa
pahayagan o
internet.
2. Maikli ngunit
malaman.
3. Maayos at
malinis ang
ginawang talata.
Kabuuan

7 NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
Tayahin

Suriing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang TAMA kung
nagpapakita ng mabuting pagsusuri at MALI naman kung hindi.
________ 1. Bumili agad ng gamot dahil nakagagaling daw ito ayon sa kanyang
kapitbahay.

________ 2. Nanghihiram ng diyaryo sa kapitbahay dahil babasahin niya ang isyu


na kinasasangkutan ng kanyang kaibigan.

________ 3. Tumutulong sa ina sa mga gawaing bahay.

________ 4. Nagsasaliksik tungkol sa dahilan ng pagguho ng lupa na nangyayari sa


bansang Pilipinas.

________ 5. Nakagawa ng magandang proyekto sa EsP dahil sa nabasang


impormasyon mula sa internet.

________ 6. Kapag nagustuhan ang mga ginagawa ng tauhan sa isang palabas sa


telebisyon ay ginagaya mo ito.

________ 7. Hindi na pinahahalagahan ang patnubay ng magulang kung manonood


ng telebisyon dahil ikaw ay walong taong gulang na.

________ 8. Tinatanto kung may mabuti bang maibubunga ang paggaya sa mga
hindi mabubuting eksena na napanood sa telebisyon.

________ 9. Kung nalilito tungkol sa napanood na programa ay nagtatanong sa mga


magulang o nakakatanda kung ito ba ay totoo.

________ 10. Pinag-aaralan kong mabuti ba ang puna ng mga doktor ukol sa epekto
ng sobrang panonood ng telebisyon.

8 NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
Karagdagang Gawain

Isulat sa kahon ang mga balitang iyong napakinggan sa radyo, nabasa sa


pahayagan, o internet. Ikategorya ito sa Magandang Balita o Mapanghamong Balita.

Magandang Balita
1.
2.
3.
4.
5.

Mapanghamong Balita
6.
7.
8.
9.
10.

Pagpapayaman/ Pagninilay

Natutunan ko ang ____________________________________________


___________________________________________________________.

Naisip ko na_________________________________________________
___________________________________________________________.

Mula ngayon gagawin ko na ang_________________________________


___________________________________________________________.

9 NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
Talahulugan

COVID – 19 – ay isang sakit sa palahingahan. Ito ay sanhi ng isang bagong virus.

Fake news – hindi totoong balita/impormasyon

Gampanan - magsagawa, isakatuparan

Kakayahan - mga bagay na kaya mong gawin o mga bagay kung saan ka
magaling

Kawilihan - interes, pakiramdam o katayuan ng pagkawili

Pagninilay - pag-iisip ng malalim, pagtutuon ng pansin, pag-iisip ng mabuti,


pagmumunimuni

Patalastas - isang paraan ng pag-aanunsyo ng mga produkto o serbisyo sa


pamamagitan ng iba't ibang anyo ng komunikasyon

Saloobin - tumutukoy sa damdamin o disposisyon ng isang tao tungkol sa isang


pinag-uusapang paksa.

Tungkulin - bagay na inaasahang magagawa o maisakatuparan ng isang tao

10 NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

11 NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
MGA SANGGUNIAN

Oriental, DepEd - Schools Division of Negros. 2018. DLP in EsP V . Dumaguete:


DepEd - Schools Division of Negros Oriental.

Ylarde, Zenaida R. and Peralta, Gloria A., Ed.D. 2016. Ugaling Pilipino sa
Makabagong Panahon Manwal ng Guro. Pasig: Vibal Group.

Ylarde, Zenaida R. and Peralta, Gloria A., Ed.D. 2016. Ugaling Pilipino sa
Makabagong Panahon Batayang Aklat. Pasig City: Vibal Group.

Consolacion, Laikisha Fay V. 02/19-20/2022.

12 NegOr_Q1_EsP5_Modyul1_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: [email protected]
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like