Pagsusuring Pampanitikan - Arjay Karl Malonzo
Pagsusuring Pampanitikan - Arjay Karl Malonzo
Pagsusuring Pampanitikan - Arjay Karl Malonzo
Sanggunian:
Ad Veritatem; Volume 12, number 0001 (October 2012) pahina 235-248
IV. TONO
Nangibabaw ang tono ng pagiging seryoso ng artikulo na sa huli ay nagkaroon ng
tono ng pangangaral.
V. MGA TAUHAN
Nagsilbing tauhan sa artikulo ay ang mga nabanggit na teleserye at nobela na may
magkakahalintulad na tema ng romantisismo.
VI. TAGPUAN
Nagsilbing tagpuan ang magkakaibang kwento ng teleserye at nobela na mayroon
ding magkakaibang pinangyarihan na sinuri ng may-akda.
VII. SULIRANIN
Mababasa mula sa artikulo ang mga suliranin sa magkakaibang temang
romatisismo sa mga nobela at teleserye ng Pilipinas. Ang ilan pa sa mga tinakalay na
suliranin ay ang sumusunod:
a. May malaking epekto sa pag-iisip at pag-uugali ng mga Pilipino ang mga
kaugaliang nakikita at nababasa mula sa mga teleserye at nobela
b. Hindi maganda na laging umiiral lamang ang sinasabing “nakalalasing na
aliw” na dulot ng mga teleserye dahil mas malawak dapat ang sakop ng
epekto ng nito sa mga manonood
c. Ang mabilis nating pagtanggap sa mga napapanood ay hindi dapat itinuturing
na reyalidad dahil mas seryoso pang suliranin ang lipunan na dapat pagtuunan
ng pansin
VIII. KASUKDULAN
Ang naging kasukdulan ng akda ay pagbibigay pokus sa 35 pisong Nobelang Pag-
ibig at ang Romantisismo kung saan napaloob na rito ang magkakaibang tema at
kwento ng mga tipikal na istoryang madalas mabasa sa mga kilala nating
pocketbooks. Kadalasan na iisa lang ang ikot ng istorya na patuloy pa ring
nagugustuhan ng mga mambabasa.
IX. KAKALASAN
Kasunod ng tema at kwentong madalas nang mabasa sa mga tig-35 pisong
nobelang pag-ibig ay ang pagpapaliwanag sa pagkahumaling ng mga mambabasa
dito. Ang “aliw” na dulot nito na sa bawat isa kahit ito ay purong “pantasya” lamang.
X. WAKAS
Sa huli, ipinakita ng may-akda ang epekto ng mga temang romantisismong
nakapaloob sa tig-35 pisong nobela at kung paano nito naipamulat sa mga
mambabasa ang panadaliang saya na madadama habang binabasa ang mga akda. Ang
pananabik habang inaabangan ang mga susunod pang mangyayari sa nobela ang
siyang niyakap na pag-uugali ng mga mambabasa na kadalasan ay inuugnay din sa
totoong buhay
XI. REAKSIYON
Maraming halimbawang nailahad ang may-akda sa pagsusuri ng magkakaibang
temang romantisismo. Ipinaliwanag niya ang magkakaibang epekto nito sa
mambabasa na may kaugnayan sa pag-uugali mayroon sa kasaluluyan. Marahil hindi
muna mapapansin ang mga epekto ito dahil ang mga mambabasa ay “lasing sa aliw”
ika ni Santos ngunit kalaunan ay makikitang masyado tayong nagpabihag sa istoryang
ito ng pag-ibig na inakala nating posibleng mangyari sa totoong buhay. Lumikha tayo
ng ilusyon na sarili natin, isang ilusyon na hindi na nakapgpausad sa totoong
sitwasyon ng buhay.
a. Sariling Puna
Makikita sa artikulo ang pagsusuri ni Santos sa magkakaibang kwentong
nakapaloob sa mga teleserye na may kaugnayan sa mga tig-35 na pisong nobelang
nababasa natin. Nasasalamin nito ang pagkahumaling ng mga mambabasa sa mga
kwentong nakapagbibigay ng panandaliang aliw at naisasawalang-bahala ang
pangmatagalan sanang solusyon sa mga kasalukuyang suliranin ng lipunan.
c. Mga Mungkahi
Sa mga susunod pang pagsusuri ay maaari sigurong pagtuunan ng pansin
ang iba pang temang nakapalooob sa mga nobela at teleseryeng tinangkilik ng
karamihan. Anong mga suliraning panlipunan ang tinalakay at kung may epekto
din ba ito sa pag-iisip ng mga mambabasa aat manonood.