FPL Akad Q1 W6 Mga Termino Sa Pagsulat NG Mga Sulating Akademiko Sarmiento V4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

MGA TERMINO SA

PAGSULAT NG MGA
SULATING AKADEMIKO
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino sa
Piling Larang-Akademik

Unang Markahan Modyul 1 Linggo 6

EDNA D. SARMIENTO
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Pampangasiwaan ng


Cordillera
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera
Wangal, La Trinidad, Benguet

Inilathala ng
Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad ng Hanguan ng Pagkatuto
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera

KARAPATANG-ARI
2021

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
kung saan ginawa ang akda upang pagkakitaan ito. Kabilang sa maaaring gawin ng
nasabing ahensya o tanggapan ay ang magpataw ng royalty bilang kondisyon.
Ang modyul na ito ay nilinang sa ilalim ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera, para sa implementasyon ng K to 12
Curriculum partikular ngayong panahon ng pandemya. Alinmang bahagi ng
materyal na ito ay pinahihintulutang kopyahin o paunlarin para sa layuning
edukasyonal lamang basta’t humingi ng pahintulot at kilalanin ang may-ari nito.
Hindi pinahihintulutan ang paghalaw ng anumang likha mula rito kung ang layunin
ay pangkomersiyo o pagkakakitaan.
Ipinauunawa ring ang modyul na ito ay nabuo sa tulong din ng mga
impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian na may mga karapatang-ari. Kung
may pagkukulang sa pagsipi o iba pang kamalian sa modyul, ito ay hindi sinasadya
at ang bumuo nito ay bukas sa anumang pagwawasto.

ii
ALAMIN
Isang mapagpalang araw sa iyo aking mag-aaral! Nasa ikaanim na
linggo na tayo ng ating makabuluhang talakayan. Natutuwa ako sa iyong
pagiging masigasig sa paglikom ng kaalaman gamit ang mga modyul. Alam
mo bang ito ay idinesenyo upang sa kabila ng ating kinakaharap ay patuloy
na mapunan ang iyong kaalaman at kamalayan ? Sa ngayon ay inaasahan
kong magagawa mo uli ito nang mabuti sa pamamagitan ng pagsunod sa
mga panuto at pagkumpleto sa kinakailangang gawain.
Ang pagsusulat ay isang mahalagang makrong kasanayan na dapat
na malinang sa bawat isa ngunit ito ay hindi basta-basta lalo na kung ito ay
kailangan sa iba’t ibang pagkakataon. May mga termino na dapat na
isaalang-alang na gamitin nang sa gayon malinaw mong maipabatid ang
iyong nais o mensahe.
Sa pagtatapos ng modyul, inaasahan kong matamo mo ang layuning:
Nabibigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan
sa piniling sulatin (CS_FA11/12PT-Om-o-90).
Nais mo na bang alamin ito? Halika, samahan kita sa iyong pagtuklas
ng bagong kaalaman! Paalala lamang na panatilihing malinis ang iyong
papel at huwag susulatan ang modyul na ito. Gamitin ang kalakip na
sagutang papel.
Handa ka na ba? Tara, simulan na natin.

SUBUKIN
Bago tayo umusad, is a munang paunang gawain ang susubok sa kung ano
na ang nakaimbak sa iyong kaalaman. Huwag kang mag-alala kung mababa man
ang una mong iskor sapagkat kung may mga hindi ka alam, ito ay iyong malalaman
din sa pagtatapos ng modyul. Iminumungkahi kong magpatuloy ka lang hanggang
sa wakas. Basahin ang mga panuto bago sumagot.

Gawain 1: PAKATIMBANGIN
Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at MALI
kung ito ay hindi sa patlang.

_______1. Ang isang salita ay may ibang kahulugan kung ito ay ginamit sa ibang
larangan.
_______2. Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng mga
salitang sa biglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang
pagkakagamit dahil sa kahulugang taglay nito.
1
_______3. Isang tiyak na halimbawa ng register ng wika ang magkakaibang tawag
sa binibigyan ng serbisyo ng bawat propesyon o larangan.
_______4. Ang register ay isang varayti ng wika.
_______5. Nararapat lamang na pakinggan mabuti ang daloy ng usapan at huwag
agad makisangkot.
_______6. Ang doktor at nars ay hindi pareho ang register ng wika.
_______7. Ang terminong credit na may kaugnayan sa paggamit ng cell phone ay
tumutukoy sa bayad para sa isang serbisyo, halaga ng perang inilo-load
sa cell phone upang magamit sa pakikipag-usap sa taong malayo sa
kanya.
_______8. Ang dressing, sa larangan ng medisina ay ang paglilinis ng sugat o
pagpapalit ng benda o takip ng sugat upang maiwasan ang impeksyon o
paglala nito.
_______9. Ang bituin sa larangan ng astrolohiya ay isang flaming ball of gas na
makikita sa kalawakan samantalang ang bituin sa larangan ng
edukasyon ay nangangahulugang mahusay.
______10. Hindi na dapat pag-isipan pa ang mga salitang gagamitin kung susulat
ng mga sulating akademiko dahil ipinapakita rito ang pagiging malikhain.

GAWAIN 2 :ADD-ONE-OUT
Suriin ang mga salita at alamin kung alin ang hindi dapat kabilang
dito. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.
______11. ( a. point guard b. dribble c. jump shot d. lady guard)
______12. ( a. direktor b. manonood c. blockbuster d. prodyuser)
______13. (a. timer b. partido c. canvassing d. poll watcher)
______14. ( a.meteor b. hydrogen c. kometa d. asteroid)
______15. (a. puhunan b. produkto c. konsumo d. korapsyon)

BALIKAN
Sandali muna, balikan muna natin ang mga salitang iyong natutunan noong
ikaw ay nasa elementarya at junior high. Piliin sa loob ng salamin ang mga salitang
hiram mula sa Ingles at Kastila at ilagay ito sa nakalaang kahon. Uriin din kung saan
o sa anong pagkakataon ito madalas na ginagamit ang mga terminong ito.

Ingles
cheque
liquid
control
meeting
teacher
educacion Kastila
telefono
leader
memorandum
litro

2
TUKLASIN
Bago ka magpatuloy sa mismong aralin, nais ko munang punan mo ang
nawawalang letra upang mabuo ang disenyo ng facemask sa pamamagitan ng
pagtukoy sa tamang termino na ginagamit sa iba’t ibang larangan.

GAWAIN 3: MAGDESIGN TAYO…KERI MO?


Panuto: Tukuyin ang terminong ginamit sa pahayag at ilagay ito sa loob ng
facemask.Pagkatapos kulayan ang facemask gamit ang batayang kulay sa legend
na nasa ibaba. Kung papansinin, ito ay mga kulay ng LGBTQ Community. Halika
na, keribels lang yan.
1. Pinagbuti ni Ernest John Obiena ang kanyang galaw sa pole vault upang
maiwasan ang foul at naitala niya bagong record sa Pilipinas na 5.91 meters
kung saan nakuha niya ang silver sa 2021 Meeting de Paris sa France.
2. Ang organo na gawa sa kawayan ang ginamit ng choir sa simbahan at
naging daan ito upang marami pa ang sumali sa grupo.
3. Tawag-pansin ang pumipikit-dilat na mouse kaya agad niya itong binili.
4. Ang bawal magsalita sa pampublikong sasakyan ang ipinapanukalang batas
ngayong panahon ng pandemya.
5. Hinding-hindi kailanman malilimutan ang mga bituing minsang nagpasaya sa
oras ng ating kalungkutan.
6. Hindi basta-basta ang pag-aangkat ng mga produkto dahil sa limitado ang
pampublikong sasakyan.

1.___ ___ 1. ___ ___ ___ S


___

2. ___ ___ ___ ___ ___ A


3. __ __ K __ __ __ __ __ __ __ __
4. ___ ___ L ___ ___ ___ ___ ___
5. ___ R ___ ___ ___ ___ ___
6. ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ K ___

1. Legend: 1.Red; 2. Orange; 3. Yellow; 4.Green; 5. Blue; 6. Violet)


4

Nagustuhan mo ba ang gawain? Napakayaman ng ating wika hindi ba?


Natutukoy natin ang kahulugan dahil sa pagkagamit nito sa pahayag. Alam mo bang
marami pang mga salita na ginagamit sa iba’t ibang larangan. Tara, atin nang
galugarin ang mga ito.
3
SURIIN
Alam mo bang sa mga sulating akademiko, hindi
maikakailang pinipili natin ang mga salitang ating
gagamitin? Kung ating susuriin, may mga salitang iisa
ngunit napakarami ang kahulugan nito. Kaya, isang
matalinong pagpasya na gamitin ang mga salita nang
wasto sa gayon ay hindi malihis ang kahulugan nito at
magiging malinaw ang daloy ng komunikasyon pasalita
man o pasulat.

REGISTER NA WIKA

Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng mga


salitang sa biglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang pagkakagamit
dahil sa kahulugang taglay nito. Dapat nating tandaan na maraming salita ang
nagkakaiba-iba ng kahulugan ayon sa larangang pinaggamitan. Natutukoy lamang
ang kahulugan nito kung malalaman ang larangang pinaggamitan nito. Ito ang
tinatawag na register ng wika.

Pansinin ang pagbibigay-kahulugan sa salitang register.

 isang opisyal na listahan ng mga pangalan, kapanganakan, pagpapakasal,


kamatayan
 isang listahan ng mga bisita sa isang hotel (turismo)
 pagpapatala ng isang sulat sa post office (komunikasyon)
 pagpapatala ng pangalan sa halalan (politika)
 pagpasok ng mga mensahe sa utak/pagtanda o pag-alala sa natutuhan
(sikolohiya)
Mahalagang matukoy ang larangan kung saan ito ginamit upang hindi
ipagkamali ang kahulugan ng salita at maging madali ang pag-unawa rito. May mga
akronim tayo tulad ng CA na ang kahulugan sa medisina ay cancer, calcium sa
nutrisyon, Communication Arts sa Komunikasyon at Civil Aeronautics sa kursong
Aeronautics, Chartered Accountant, Chief Accountant sa Accounting, Chronological
Age, Coast Artillery, at Consular Agent.

Samantala, ang withdrawal ay maaaring mangahulugang pag-atras o


pagsuko sa larangan ng military, pagkuha ng salapi sa bangko (banking),
pagpapalabas ng semilya upang hindi makapasok sa kaangkinan ng babae
(science), pagtigil o pagpigil sa bagay na gustong sabihin o gawin (komunikasyon).

Sa iba’t ibang track sa senior high, kapansin-pansing kapag nagsasagawa ng


mga sulatin ang mga mag-aaral ay nakaangkop sa kanilang asignatura ang mga
salitang ginagamit. Ang mga halimbawa ng mga salitang debit, credit,at supply ay

4
nasa larangan ng ABM samantalang ang mga salitang teammates, score, at foul ay
madalas na sa klase ng Isports. Ibig sabihin, may kanya-kanyang angkop na salita
ang madalas na nagagamit sa mga asignaturang ito.

Isang tiyak na halimbawa ng register ng wika ang magkakaibang tawag sa


binibigyan ng serbisyo ng bawat propesyon o larangan. Narito ang mga halimbawa:
Propesyon o Larangan Tawag sa binibigyan ng serbisyo
guro estudyante
doktor at nars pasyente
abogado kliyente
pari parokyano
tindero/tindera suki
drayber/konduktor pasahero
artista taagahanga
politiko nasasakupan/mamamayan

Hups, bago tayo magpatuloy, pag-aralan


muna natin ang mga sumusunod na register.
Masasabi mo ba ang kahulugan ng salita sa iba pang
larangan?
Subukan mo ang gawaing nakalaan para
rito.

GAWAIN 4: SALOK-DUNONG
Ang salitang beat sa larangan ng isports ay nangangahulugang tinalo o
pagkatalo. Ano naman kaya ang kahulugan nito sa iba pang larangan gaya ng mga
sumusunod? Isulat sa kahon ang iyong sagot.
sayaw at awit
pagluluto
pamamahayag
batas trapiko
medisina

Mahusay! Binabati kita sa iyong pagbibigay ng


kahulugan! Tama ang iyong sagot.

5
PAGYAMANIN
Sana ay naunawaan mo ang unang bahagi ng modyul na ito. Sa bahaging
ito, may inihanda akong pagsasanay upang mas lumalim ang iyong pag-unawa sa
paksa. Gawin mo ang mga ito upang ikaw ay lalong matuto.
GAWAIN: Piliin sa loob ng kahon ang mga termino o salita at ihanay ito sa larangan
kung saan ito kabilang.

pamahalaan kita kalakal pamilihan


batas prosa korte awit
pagsusulit kongreso senado puhunan
enrolment akademiks mitolohiya awtor
kurikulum akda konsumo kampus

Ekonomiks Politika Edukasyon Literatura

GAWAIN 5: TEKNOLOHIYA ARANGKADA!


Gumawa ng pangungusap gamit ang mga salitang pangkompyuter sa ibang
larangan.Pagkatapos ibigay kung sa anong larangan o propesyon ito nagamit.

Halimbawa: monitor- Laging minomonitor ng doktor ang kanyang kalagayan.-


medisina
1.document 6. scroll
2.window 7. menu
3.memory 8. shift
4.firewall 9. save
5.virus 10. file

Yahoo!! Lalo mo akong pinabilib! Pinatunayan


mong kaya mo itong gawin. Basta magtiyaga
ka lang tiyak na madaragdagan ang iyong
kaalaman.

6
ISAISIP
Inaasahan kong marami kang natutuhan at natuklasan mula sa iyong sarili.
Nawa ay nadagdagan ang iyong kaalaman hinggil rito. Dugtungan ang parirala sa
ibaba at isulat ito sa iyong sagutang papel.

Natutunan kong

ISAGAWA
Napakabilis ng pag-usad ng panahon. Simula pagkabata ay mayroon nang
pangarap ang bawat isa. Ikaw bilang isang mag-aaral ng senior high ay may
namumuong pangarap na inaasam at gustong kamtin. Maaari mo bang ilahad ito?
GAWAIN: PANGARAP KO
Sumulat ng maikling sanaysay sa kursong nais mong kunin sa kolehiyo.
Kinakailangang makapagtala ka ng sampung register tungkol sa kursong kukunin
mo. Isulat din ang kahulugan ng mga itinalang register sa iba pang larangang
pinaggagamitan ng mga ito.
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay Puntos
Lubhang kasiya-siya ang husay sa pagsulat at kaalaman sa 19-20
register
Kasiya-siya ang husay sa pagsulat at kaalaman sa register 16-18
Katamtaman ang husay sa pagsulat at kaalaman sa register 13-15
Kailangan pa ng pagpapabuti sa pagsulat at pagpapayaman ng 0-12
register

Muli, natutuwa ako at nakapagsulat ka


ng iyong nais na kurso. Alam mo, kayang-
kaya mo itong abutin basta maging
masigasig sa pag-aaral! Gawin mo itong
inspirasyon.

7
TAYAHIN
Bilang panapos, sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit sa ibaba. Sundan
GAWAIN 6: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng katotohanan
at MALI kung ito ay hindi sa patlang.

_______1. Ang doktor at nars ay hindi pareho ang register ng wika.


_______2. Ang terminong credit na may kaugnayan sa paggamit ng cell phone ay
tumutukoy sa bayad para sa isang serbisyo, halaga ng perang inilo-load
sa cell phone upang magamit sa pakikipag-usap sa taong malayo sa
kanya.
_______3. Ang dressing, sa larangan ng medisina ay ang paglilinis ng sugat o
pagpapalit ng benda o takip ng sugat upang maiwasan ang impeksyon o
paglala nito.
_______4. Ang bituin sa larangan ng astrolohiya ay isang flaming ball of gas na
makikita sa kalawakan samantalang ang bituin sa larangan ng
edukasyon ay nangangahulugang mahusay.
_______5. Hindi na dapat pag-isipan pa ang mga salitang gagamitin kung susulat
ng mga sulating akademiko dahil ipinapakita rito ang pagiging malikhain.
_______6. Ang isang salita ay may ibang kahulugan kung ito ay ginamit sa ibang
larangan.
_______7. Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng mga
salitang sa biglang malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang
pagkakagamit dahil sa kahulugang taglay nito.
_______8. Isang tiyak na halimbawa ng register ng wika ang magkakaibang tawag
sa binibigyan ng serbisyo ng bawat propesyon o larangan.
_______9. Ang register ay isang varayti ng wika.
_______10. Nararapat lamang na pakinggan mabuti ang daloy ng usapan at huwag
agad makisangkot.

GAWAIN 7 :ADD-ONE-OUT
Suriin ang mga salita at alamin kung alin ang hindi dapat kabilang
dito. Isulat ang titik ng sagot sa patlang.
______11. ( a. lady guard b. dribble c. jump shot d. point guard )
______12. ( a. direktor b. blockbuster c. manonood d. prodyuser )
______13. (a. partido b. timer c. canvassing d. poll watcher)
______14. ( a.meteor b. asteroid c. kometa d. hydrogen )
______15. (a. puhunan b. produkto c. konsumo d. korapsyon )

8
KARAGDAGANG GAWAIN
Ngayong panahon ng pandemya, maraming mga termino ang namayagpag .
Maaari mo ba itong bigyan ng kahulugan?
Salita kahulugan
Face mask
Front liner
Face shield
Social distancing
Health protocols

Mahusay! Binabati kita at natapos mong isagawa


ang mga gawain sa modyul na ito. Inaasahan kong
gagamit ka ng tamang termino o salita sa
pagpapahayag nang sa gayon ay maipahayag mo nang
wasto at malinaw ang iyong saloobin. Ipagpatuloy mo
ang pagiging masigasig sa mga susunod pang mga
modyul! Tandaan, laging lamang ang taong may alam.
Paalam!

9
10
SUBUKIN BALIKAN
1. T Ingles TUKLASIN
2. T Control
3. T 1. ISPORTS
Meeting 2. MUSIKA
4. T
Teacher
5. T 3. TEKNOLOHIYA
6. M Leader
Memorandum 4. POLITIKA
7. T
8. T
5. ARTISTA
9. T Kastila 6. EKOMOMIKS
10. M Cheque
11. D Liquid
12. B Educacion
13. A Telefono
14. B
litro
15. D
TAYAHIN
1. M 11. A
2. T 12. C SURIIN:Gawain 4:Salok-Dunong
3. T 13. B
4.T 14. D *Beat ang tunog ng perkusyon o baho sa isang kanta o
5.M 15. D tunog
6. T *Beat ang aktong pagbati o paghalo ng itlog.
7. T *Beat ang tawag sa mga mga nangangalap ng mga
8. T balita.
9. T *Beat ang tawag sa paghabol sa ilaw trapiko.
10. T *Beat ay ang pulso at tibok ng puso.
PAGYAMANIN
EKONOMIKS POLITIKA EDUKASYON LITERATURA
kita pamahalaan pagsusulit akda
konsumo batas enrollment prosa
kalakal kongreso kurikulum awit
puhunan senado kampus mitolohiya
pamilihan korte akademiks awtor
SUSI SA PAGWAWASTO
TALASANGGUNIAN
Aklat

Baisa-Julian, Ailene at Lontoc, Nestor (2016). Pinagyamang Pluma: Filipino sa


Piling Larang. Phoenix Publishing House, Inc. Quezon Ave. Quezon City.

Taylan, Dolores et.al (2016Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino. REX Book Store,Inc. Quezon City.

Internet
Elcommblus Contributor. Ang Register at Iba’t Ibang Barayti ng Wika.August
22,2020. https://www.elcomblus.com/ang-register-at-ibat-ibang-barayti-ng-wika/

11

You might also like