ARALIN 10 Pagbasa at Pagsuri NG Iba't Ibang Mga Teksto Tungo Sa Pananaliksik

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

Etikal na

Pananaliksik at mga
Responsibilidad ng
Mananaliksik
Aralin 10
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Mga layunin:
1. Maunawaan ang etikal na pananaliksik at
mga responsibilidad ng mananaliksik
2. Matukoy ang mga gabay sa etikal na
pananaliksik
3. Maunawaan ang plagiarism at ang mga
responsibilidad ng mananaliksik
Daloy ng Talakayan:
 Etikal na Pananaliksik

 Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik

 Plagiarism at ang mga Responsibilidad ng


Mananaliksik
Pagganyak:
Magbigay ng nabalitaan
at natatandaan mong
naging kaso ng
plagiarism sa bansa.
etika
 Ayon sa diksyonaryong Merriam-Webster (2014), una itong ginamit
noong ika-14 na siglo . Ito ay nagmula sa Middle English na ethic, na
nagmula naman sa katagang Griyego na ēthikē, na galing sa katagang
ēthiko.

 Ayon sa Free Dictionary (2014), ang etika ay tumutukoy sa mga


pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa mga katanggap-tanggap
na ideya sa kung ano ang tama at mali.
etika
 Sa larangan ng pilosopiya, ang etika ay itinuturing na isang sangay ng
pag-aaral na nakapokus sa grupo ng mga prinsipyo at paniniwala sa kung
ano ang mabuti at nararapat.

 Kung ilalapat ito sa pananaliksik, ang pagiging etikal sa larangang ito ay


pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa katapatan,
kabutihan, at pagpapanguna sa kapakanan ng kapuwa.
ETIKA
Tinukoy ni William Trochim (2006) sa Web Center for Social Research
Methods ang dalawang (2) pangyayari pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig na naging dahilan ng pagbuo ng konsensus hinggil sa mga etikal
na prinsipyo sa pananaliksik:

1. Nuremberg War Crimes Trical


Paggamit ng mga doktor at mga siyentistang Aleman sa mga taong bihag
ng concentration camp bilang kasangkapan sa eksperimento.

2. Tuskegee Syphilis Study


Hindi hinayaang makagamit ng gamut para sa syphilis ang mga kalahok sa
pananaliksik na African-American.
01

Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik


Narito ang tinukoy na mahahalagang prinsipyo sa etikal na
pananaliksik batay sa American Psychological Association (2003)
at Center for Social Research Methods (2006).
Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik
1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa Pananaliksik
Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang
mananaliksik at iskolra na naging tuntungan at pundasyon
ng iyong pananaliksik, dito makalilikha ng komunidad ng
mga mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.
Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik
2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok
Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o
respondent sa pagbibigay ng impormasyon o anomang
partisipasyon sa pananaliksik.
Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik
3. Pagiging Kumpedensiyal at Pagkukubli sa
Pagkakakilanlan ng Kalahok
Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang
impormasyon na magmumula sa kanila ay gagamitin
lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik.
Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik
4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik
Mahalagang ipaalam sa mga tagapagsagot ang
sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan
ng pag-aaral.
02

Plagiarism at mga Responsibilidad ng


mananaliksik
Plagiarism at mga Responsibilidad ng mananaliksik

Ayon sa Purdue Online Writing Lab (2014), ang


plagiarism ay ang tahasang paggamit a pangongopya
ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang
pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.
Plagiarism at mga Responsibilidad ng mananaliksik

Anyo ng plagiarism ayon sa Plagiarism.Org (2014):


o pag-angkin sa gawa, produkto, o ideya ng iba;
o hindi paglagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag;
o pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping
pahayag;
Plagiarism at mga Responsibilidad ng mananaliksik
Anyo ng plagiarism ayon sa Plagiarism.Org (2014):
o pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin
ng teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na
pagkilala; at
o pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang
pinagkunan na halos bumuo na sa iyong produkto, tukuyin man o
hindi ang pinagmulan nito.
Plagiarism at mga Responsibilidad ng mananaliksik
Mula sa Council of Writing Programs Administrator (2003):

Kaso rin ng plagiarism ang pagsusumite ng papel o anomang produkto


na gawa ng iba o kaya ay sabay na pagsusumite ng iisang papel sa
magkaibang kurso

Mula sa University of Minnesota, Center for Bioethics (2003):

Itinuturing na rin na paglabag ang redundant publication kung saan


nagpapasa ang isang mananaliksik ng iisang pag-aaral sa dalawang
magkaibang refereed journal para sa publikasyon at ang self plagiarism.
Plagiarism at mga Responsibilidad ng mananaliksik

Evasco et.al 2011:

Maging ang gawain ng ilang mananaliksik na pagpaparami ng listahan ng


sanggunian kahit na hindi naman ito nagamit sa pananaliksik o kaya ay
paglalagay ng aklat o materyales na hindi naman personal na nabasa at
nagamit, bagkus ay nakita lamang na binanggit sa aklat ng iba, ay mga
porma rin ng plagiarism.

You might also like