AP4 - QUARTER 1 - MODULE 5b.3 - HEOGRAPIYANG PANTAO (INDUSTRIYA)

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 33

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5b.3:
Pagkakakilanlang Heograpikal Ng Pilipinas:
Heograpiyang Pantao (Industriya)
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 5b.3: Pagkakakilanlang Heograpikal ng Pilipinas: Heograpiyang Pantao
(Industriya)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Narcel R. Calapit
Editors: Alma J. Tuyan, Irlou V. Alado, Nona Leah N.Escopalao, Maria Leida M. Donque,
Denah V. Andres
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Dennison J. Tungala, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos, Aida S. Delon
Tagaguhit: Elthone Loreto G. Bermudez
Tagalapat: Joseph R. Coyaye, Allan T. Basubas
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz- Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon – Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Elpidio B. Daquipil – CID Chief
Juvy B. Nitura – EPSVR, LRMS
Marcelo A. Bocatera –Division ADM Coordinator
Marilou P. Mangansakan- EPSVR, Araling Panlipunan

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: [email protected]
4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5b.3:
Pagkakakilanlang Heograpikal ng
Pilipinas: Heograpiyang Pantao
(Industriya)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Ikaapat na Baitang ng


Self-Learning Module (SLM) para sa araling Pagkakakilanlang Heograpikal ng
Pilipinas: Heograpiyang Pantao (Industriya).
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang panturo


na katulad nito. Ito ay iyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong
mga mag-aaral ang tamang kaalaman upang mapalawak at malinang ang
kanilang karunungan tungkol sa Pagkakakilanlang Heograpikal ng Pilipinas:
Heograpiyang Pantao (Industriya). Ang inyong tamang paggabay ay
makatutulong sa mga mag-aaral upang makamit ang ating mga layunin sa pag-
aaral.

Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain, at sagutin nila


nang tama ang lahat ng mga gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang
inihanda para sa kanila.

Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at


hangarin para sa ating mga mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis at
mabisang pagkatuto.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Ikaapat na Baitang ng Self-Learning


Module (SLM) para sa araling Pagkakakilanlang Heograpikal ng Pilipinas:
Heograpiyang Pantao (Industriya).
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


Sanggunian
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Hello! Kumusta ka ngayong panahon na may pandemya?


Nawa’y manatili ka pa ring malusog at bukas ang isipan sa
pagkatuto.
Sa modyul na ito, tatalakayin ang isa sa heograpiyang pantao
ng Pilipinas, ang industriya. Ano nga ba ito? Ano-ano ang mga sub-
sektor sa ilalim nito? Kung industriya lamang ang pag-uusapan,
maaaring ituring ang Pilipinas na pangunahing lokasyon ng
produksyon sa Asya dahil sa angkin nitong kayamanan. Sagana
ang Pilipinas sa mga likas na yaman na maaaring iproseso upang
maging mas kapaki-pakinabang na bagay.
Tulad na lamang ng puno ng tubo, mula dito ay makagagawa
ng asukal at suka. Ganundin ang niyog, mula sa bunga nito ay
makagagawa din ng mantika at ginagamit bilang sangkap sa
paggawa ng sabon at shampoo.

Essential Learning Competencies:

• Nailalarawan ang pagkakakilanlang heograpikal ng


Pilipinas: b. Heograpiyang Pantao (populasyon, agrikultura,
at industriya)

Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


• Nailalarawan ang mga sub-sektor ng industriya at ang
kahalagahan ng mga ito sa pag-unlad ng ekonomiya ng
bansa.

AP4AAB-Ig-h-10

1
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang pamamaraan na ginagawa sa mga raw materials
sa ilalim ng sektor ng industriya?
A. Ginagawang pinakabagong produkto
B. Niluluto upang maging bagong gamit
C. Inaayos upang hindi madaling masira
D. Pinoproseso upang makabuo ng mas kapaki-
pakinabang na produkto

2. Anong pangunahing pangangailangan ang tinutugunan


ng gas?
A. Paglilinis ng sasakyan
B. Pag-aayos ng sasakyan
C. Pagpapatakbo ng mga sasakyan
D. Pagppapakintab ng sahig ng sasakyan

3. Alin sa mga sumusunod na gawain ang naglalarawan sa


pagmimina?
A. Paggawa ng mga tulay at kalsada
B. Pag-akyat sa bundok para mangaso
C. Paggawa ng mga produkto sa pabrika
D. Paghuhukay at pagkuha ng yamang mineral mula sa
lupa

4. Kung ang pagmimina ay paghuhukay at pagkukuha ng


yamang mineral sa lupa, sa paanong paraan naman ang
pagmamanupaktura?
A. Pagkuha ng ginto at pilak
B. Pagproseso ng paggawa ng gusali
C. Pagpagtugon sa pangangailangan sa tubig
D. Paggawa ng produkto gamit ang manual labor

2
5. Alin sa sumusunod na proseso ang tumutukoy sa sektor
ng pagmamanupaktura?
A. Pagbebenta ng kalakal
B. Paggawa ng land improvements
C. Paggawa ng mga yaring kalakal mula sa lupa
D. Pagbabago ng isang raw material upang maging mas
kapaki-pakinabang

6. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapahayag


tungkol sa konstruksiyon?
A. Nagbebenta ng mga grocery items si Ayma
B. Nagtatrabaho si Boboy sa water refilling station
C. Nagpapatayo ang pamilya Duterte ng bagong bahay
D. Nagpoproseso si Allan ng mamahaling bato upang
gawing hikaw at singsing

7. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa serbisyong dulot


ng utilities sa bansa?
A. Tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan
sa pagkain
B. Tumutugon ito sa pangangailangan ng mga
mamamayan sa edukasyon
C. Tumutugon ito sa pangangailangan ng mga
mamamayan sa agrikultura
D. Tumutugon ito sa pangangailangan ng mg
mamamayan tulad ng tubig, kuryente, at gas

8. Ang mga mamamayan sa Baryo San Jose ay may reklamo


dahil sa pahirap na serbisyo ng tubig at kuryente. Dahil
dito napagkasunduan ng mga mamamayan na sulatan

3
ang kinauukulan upang mabigyan agad ito ng aksiyon.
Anong sektor ng industriya ang dapat tumugon dito at
bakit?
A. Pagmamanupaktura, dahil tumutugon ito sa
pangangailangan sa pagkain
B. Konstruksiyon, dahil tumutugon ito sa
pangangailangan ng mamamayan sa mga pabahay
C. Pagmimina, dahil tumutugon ito sa pangangailangan
ng mamamayan sa kuryente at agrikultura
D. Utilities, dahil ito ang tumutugon sa pangangailangan
ng mga mamamayan tulad ng tubig, kuryente, at gas

9. Alin ang naiiba sa mga sumusunod na gawain ang


nagsasaad tungkol sa sektor ng konstruksiyon?
A. Nagsasayos ng mga kalsada at tulay
B. Nagluluto ng mga hilaw na produkto upang maging
pagkain
C. Nagpapatayo ng mga gusali tulad ng paaralan, ospital,
at mga malls
D. Bumubuo ng mga landscapes para mas maging kaakit-
akit ang bakuran

Ninais ni Pangulong Duterte na ayusin ang mga paliparan,


kalsada, at mga daungan ng barko sa bansa kung kayat nabuo
niya ang programang “Build Build Build” ng pamahalaan. Simula
sa kanyang pamumuno ay naging matagumpay ito at hinangaan
siya ng mga mamamayan at mga mangangalakal.

4
10. Ano ang pinakamainam na konklusiyon na mabubuo
mula sa pangyayari na inilalahad sa kahon?
A. Ang paggawa ay mas matagumpay kung
nagtutulungan.
B. Ang pagiging mahina sa impraestraktura ay
nagpapahina rin sa kita ng bansa.
C. Ang bansang may mamamayang nakikipagtulungan sa
pamahalaan ay nagtatagumpay.
D. Ang bansang pinamumunuan ng may puso sa
paglilingkod ay nagdudulot ng magandang imahe sa
buo nitong nasasakupan.

Balikan
Panuto: Suriin kung natatandaan at pinahalagahan mo ba
ang nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsagot
sa mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. Anong rehiyon sa bansa ang may pinakamaraming
populasyon? At bakit?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

2. Sa anong larangan kilala ang bansang Pilipinas?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
3. Ano-anong mga produktong pang-agrikultura mayroon
ang Rehiyon Dose? Magbigay ng tatlong halimbawa at
ipaliwanag.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

5
Tuklasin

Gawain 1 – “TANONG KO, SASAGUTIN MO”

Panuto: Basahin ang tula at pagkatapos ay sagutin ang


pagganyak na mga tanong sa sagutang papel bilang
iyong gabay.
Pagganyak na Tanong:
1. Ano-ano ang mga produkto ng Rehiyon Dose na
nabanggit sa tula?
2. Paano inilarawan ng may-akda ang bansang Pilipinas?

Paghahawan ng Balakid:
1. Utilities – palingkurang-bayan tulad ng electric
cooperative, gasoline station at water district
2. Pagmamanupaktura- isang paraan ng pagbabago ng
isang raw material upang maging mas kapaki-
pakinabang.
3. Industriya – ito ay tumutukoy sa lahat ng uri ng
paggawa na pangkabuhayan na nakapaloob sa
ekonomiya

“Industriyalismo”
ni: Narcel R. Calapit

Pilipinas ay isang bansang mayaman,


Bansang sagana sa likas na yaman,
Nariyan ang malawak na kalupaan,
Palibot din nito ay masaganang karagatan.

Industriya rin nito ay samu’t-sari,


6
Nariyan ang konstruksyon at pagmimina
Ang utilities at pagmamanupaktura,
Lahat ay nagpabuti sa bansa.

‘Bat di mo subukang pumasyal sa Maynila,


Malahiganting gusali ay nakakalula,
Gawa sa semento, buhangin bakal at iba pa,
Sektor na konstruksyon ang tanging may gawa.

Nariyan rin ang pagawaan ng gadyet,


Nagkikinangang mga computer set,
Parang kidlat lamang kung pumalit,
Subalit malaking tulong sa batang maliliit.

Tulad na lang din ng Rehiyon Dose,


Pinagkukunan nito ay hindi pahuhuli,
De latang isda sa Gensan ay marami,
Pwedeng pang-ulam sa umaga at gabi.

Di rin pahuhuli ang Probinsiya ng Cotabato,


Palay, mais at puno ng goma ay marami rito.
Raw materials ay pinoproseso,
Upang gawing gulong at pagkain ng tao.

Lahat ng ito ay dahil sa industriyalismo


Sa pag –unlad ng bansa ay numero uno
Kumpanyang pampubliko man o pribado
Tulong sa pag –unlad ang laging nasa puso.
Ngayon, balikan ang mga pagganyak na tanong at sagutin sa
sagutang papel.

Sa puntong ito, sagutin ang mga pagganyak na katanungan.


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano-ano ang mga produkto ng Rehiyon Dose na nabanggit


sa tula?
________________________________________________________
________________________________________________________

7
________________________________________________________
________________________________________________________

2. Paano inilarawan ng may -akda ang bansang Pilipinas?


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Suriin

Basahin Mo!

Ang Pilipinas ay maituturing na isang mayamang bansa


dahil sa taglay nitong likas na yaman at mga sektor ng
industriya na lalo pang nagpapabuhay sa ekonomiya.
Dahil dito, nakakalikom ang pamahalaan ng sapat na
pundo upang tustusan ang programang pang edukasyon,
kalusugan, imprastraktura at iba pa dahil sa buwis na
nagmumula sa iba’t ibang pagawaan.
Lumikha rin ito ng iba’t ibang produktong mas kapaki-
pakinabang mula sa isang raw material upang magpuno sa
lumalaking pangangailangan ng mamamayan sa bansa.
Ang industriya ay tumutukoy sa lahat ng uri ng paggawa
na pangkabuhayan na nakapaloob sa ekonomiya. Ang
pangunahing layunin ng sektor na ito ay maproseso ang mga
raw materials upang makabuo ng mga produkto na ginagamit
tulad na lamang ng natutunan mo mula sa Gawain 1.
Mahalaga ang sektor na ito sa paglago ng ekonomiya ng
bansa dahil ito ang namamahala sa mga pangangailangan
natin. Ang ekonomiya ng isang bansa ay maaaring bumagsak
kung mahina ang produksiyon ng sub-sektor ng industriya. Sa

8
pamamagitan ng pagproseso sa mga raw materials ay nagiging
kapaki-pakinabang sa paggawa ng gadyet tulad ng cellphone at
computer, gayundin sa pagprepreserba ng mga pagkain.

Apat na Sub-Sektor ng Industriya:


Unang Sub-Sektor: Pagmimina (Mining)

➢ Ito ay isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga


yamang mineral mula sa lupa. Nakukuha mula dito ang
metal at mineral tulad ng uling, ginto, pilak, tanso at
bakal. Ipinoproseso ang mga ito upang gawing tapos na
produkto o kabahagi ng isang yaring kalakal nang
mismong produkto.

Kuhang larawan ni: Narcel R. Calapit


Ikalawang Sub-Sektor: Pagmamanupaktura (Manufacturing)

➢ Ito ay tumutukoy sa paggawa ng mga produkto sa


pamamagitan ng manual labor o gawa ng mga makina
mula sa mga pabrika o pagawaan.
➢ Nagkakaroon ng pisikal o kemikal na transpormasyon
ang mga materyal o bahagi nito sa pagbuo ng mga bagong
produkto.

9
Ikatlong Sub-Sektor: Konstruksiyon (Construction)
➢ Ito ay isang proseso ng paggawa, pagtayo, pagbuo, at
pagsaayos ng mga imprastraktura tulad ng mga gusali,
estruktura, at iba pang land improvements.

Kuhang larawan ni: Narcel R. Calapit

Ikaapat na Sub-Sektor: Utilities


➢ Ito ay binubuo ng mga kompanya na ang pangunahing
layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga
mamamayan tulad ng tubig, kuryente at gas.

Kuhang larawan ni: Narcel R. Calapit

10
Pagyamanin

Gawain 2 –“KATANGIAN KO, TUKUYIN MO”


Panuto: Pag-aralan ang mga larawan. Piliin mula sa kahon
kung anong sektor ng industriya ito napapabilang.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pagmimina Pagmamanupaktura
Konstruksiyon Utility

Halimbawa:
Sagot:

_Pagmamanupaktura

Paglalarawan:
Ang produktong asukal ay
nagmula sa raw material na
tubo na iprenoseso sa tulong ng
mga makina.
Magsimula rito:
Kuhang larawan ni: Narcel R. Calapit

Magsimula rito:

Sagot:
_______________________________
Paglalarawan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
Kuhang larawan ni: Narcel R. Calapit
____________________________________
___________
Sagot:
______________________________
Paglalarawan:
____________________________________
____________________________________
11
____________________________________
____________________________________
_____
Kuhang larawan ni: Virgilio P. Sumaylo Jr.

Sagot:
______________________________
Paglalarawan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
Kuhang larawan ni: Virgilio P. Sumaylo Jr. ____________________________________
_
Sagot:
______________________________
Paglalarawan:
____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
Kuhang larawan ni: Narcel R. Calapit _____

Gawain 3 – “SEKTOR KO, BUUIN MO”

Panuto: Suriin ang mga larawan na nasa loob ng kahon at


pangkatin ang mga ito ayon sa sektor ng industriya.
Isulat ang bilang ng larawan sa loob ng bilog sa
inyong sagutang papel. Ang unang larawan ay
nasagot na upang magsilbing halimbawa.

1 2 3

12
4 5 6

7 8 9

10 11 12
Kuhang larawan ni:
Narcel R. Calapit

pagmimina pagmamanupaktura

konstruksiyon
utilities

13
Gawain 4 – “KrusSalita”

Panuto: Gamit ang inihandang paksa na naglalarawan


tungkol sa sektor ng industriya, hanapin sa
krussalita ang sagot at isulat sa sagutang papel.

Gabay na Tanong:

___________1. Ang sektor na ito ay tumutulong sa


paghahanap/paghukom ng mamahaling bato
upang maiproseso na maging palamuti sa
katawan.

___________2. Mula sa simpleng keypad na celphone napalitan


na ito ng touchscreen na may kasamang koneksyon
sa wifi. Anong sektor ng industriya ang may
kinalaman dito?

___________3. Sektor ng industriya na gumagawa ng tulay na


tawiran upang hindi na mahirapang tumawid ang
mga mag-aaral dahil sa dami ng sasakyan.

___________4. Tumutukoy sa sektor ng industriya na


kinabibilangan ng mga gasolinahan na nagtutustos
sa pangangailangan ng mga sasakyan upang
makatakbo.

P A G M I M I N A N S A M A H A N U

A K I N C T A B X E T Q M C O P C T

G U Y R O X Z G J L S N A B O A Z I

P A G M A M A N U P A K T U R A M L

U Q Q R R T Y W Q C A S V B N A F I

M L W R T F G H S A H Q U X Z B V T

I W W K O N S T R U K S I Y O N T I

14
N S D F T R W A Z V N B M K L X C E

A D F G H T Y O U W Q A I K L F D S

Isaisip

Panuto: Sa bahaging ito, susukatin ang kabuuang natutunan


mo sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
katanungan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Ano-ano ang apat na sektor ng industriya? Ilarawan ang


bawat sektor.

1.1 ___________________ - _______________________________


____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

1.2 ___________________ - _______________________________


____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________

1.3 __________________ - _____________________________


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

1.4__________________ - ________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

15
2. Bakit mahalaga ang bawat sektor ng industriya sa
mamayang Pilipino?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Isagawa

Gawain 5: “TANONG KO, SAGUTIN MO!”

Panuto: Basahin at sagutin ang tanong.

Sa iyong opinyon, ano ang naging epekto ng pandemyang


COVID-19 sa apat na sektor ng industriya?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

16
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at isulat ang


titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang gamit ng hikaw at kuwintas?

A. Pabigat sa katawan
B. Pang-ayos ng katawan
C. Pampalamuti sa katawan
D. Pampakintab ng katawan

2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa sektor ng


pagmamanupaktura?

17
A. Nagpapatayo ng mga malalaking gusali
B. Nagbibigay ng mga mamahaling bato
C. Binubuo ng mga kompanyang tumutugon sa
pangangailangan sa kuryente
D. Gumagawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual
labor o gawa ng mga makina mula sa mga pabrika

3. Alin sa mga sumusunod na gawain ang may kinalaman sa


sektor ng konstruksiyon?

A. Nagpapatayo si Beth ng sari-sari store.


B. Gumagawa si Ruby ng mga sabon at shampoo.
C. Nag-aayos si Joel ng mga sirang kable ng kuryente.
D. Bumubili si Ryan ng mamahaling bato upang gawing
kuwintas at pulseras.

4. Ano ang pangunahing dahilan bakit nagkaroon ng mga tulay


na tawiran para sa tao?

A. Makaiwas sa trapiko
B. Maging pook pasyalan
C. May daanan ang mga sasakyan
D. Mapadali ang pagpapalabas ng mga produkto at kalakal

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa sektor ng


utilities?

A. Gas
B. Kuryente
C. Pagkain
D. Tubig

6. Ano ang pangunahing layunin ng sektor ng industriya?

A. Makapagbigay ng kita sa mamamayan


B. Makapagbuo ng grupo ng mga manggagawa

18
C. Maluto ang mga raw materials upang makabuo ng mga
kapaki-pakinabang na mga produkto
D. Maproseso ang mga raw materials upang makabuo ng
mga kapaki-pakinabang na mga produkto

7. Ano ang masamang epekto ng di-responsableng pagmimina?

A. Nagdudulot ito ng pag-unlad


B. Nakapagdudulot ito ng landslide
C. Nagbibigay ito ng dagdag na kita ng bansa
D. Nagbibigay ito ng trabaho sa maraming mamamayan

8. Paano nakatutulong ang sektor ng pagmamanupaktura sa


ekonomiya ng bansa?

A. Nagsasaayos ng mga sirang daan


B. Nagkakabit ng mga linya ng kuryente
C. Nagpapatayo ng mga poste ng kuryente
D. Nagbibigay oportunidad sa pagbubukas ng bagong
trabaho at panlabas na kalakalan

9. Ang Pilipinas ay bansang sagana hindi lamang sa likas na


yaman kundi pati narin sa industriya nito. Dahil dito
maraming dayuhan ang nais mamuhunan dito na
nakadaragdag sa kita at pundo sa pag-unlad. Ano ang
maaaring maging kahinatnan kung walang dayuhan ang
nais mamuhunan sa ating bansa?

A. Uunlad ang bansa


B. Mananatiling maunlad ang bansa
C. Bababa ang kita at pundo ng bansa
D. Magiging maunlad ang bansa kung walang mga dayuhan

19
10. Maraming mga Pilipino ang nangingibang bansa at tinitiis
ang pangungulila sa mga mahal sa buhay upang
maghanapbuhay. Sa paanong paraan nagiging isa sa mga
pangunahing pangangailangan ng mga OFW ang cellphone?

A. Isa ito sa kanilang mga libangan


B. Mura lang ito doon sa ibang bansa
C. Kailangan nilang kumuha ng ritrato bilang remembrance
D. Maaari nilang makausap ang kanilang mga mahal sa
buhay na nasa malayo sa pamamagitan ng video call
gamit ito.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gamit ang bilang na pananda sa bawat titik ng


alpabeto, buuin ang mga salita patungkol sa sektor
ng industriya na tinutukoy sa bawat bilang. Ang
unang bilang ay nasagot na upang magsilbing
halimbawa.

A B C D E F G H I J
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

K L M N O P Q R S T
11 12 13 14 15 16 17 18 19 20

U V W X Y Z
21 22 23 24 25 26

20
1. Ang hilaw na produkto nito ay nagmumula sa tunnel sa
ilalim ng mga bundok.
P A G M I M I N A
16 1 7 13 9 13 9 12 1

2. Mula sa mga hilaw na produkto ay maaaring makagawa


ng cake.
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
16 1 7 13 1 13 1 14 21 16 1 11 20 21 18 1

3. Isa sa mga halimbawa ng sektor na ito ay ang Gaisano


Mall.
__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
11 15 14 19 20 18 21 11 19 9 25 15 14
4. Ang local na Water District ay isa sa mga halimbawa ng
sector na ito.

__ __ __ __ __ __ __ __ __
21 20 9 12 9 21 9 5 19

5. Sektor ng pamahalaan na may malaking kontribusyon sa


ekonomiya ng bansa.

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __
9 14 4 21 19 20 18 9 25 1

6. Ang pangunahing layunin ng sector ng industriya ay


________________ ang mga raw materials upang maging
mas kapaki-pakinabang na produkto.

__ __ __ __ __ __ __ __ __
13 1 16 18 15 19 5 19 15

7. Ang sektor ng pagmamanupaktura ay tumutukoy sa


paggawa ng mga produkto mula sa mga ______________ at
pagawaan.

__ __ __ __ __ __ __
16 1 2 18 9 11 1
21
8. Sa pagmamanupaktura, nagkakaroon ng pisikal o
kemikal na pagbabago ang mga raw materials upang
maging bagong produkto. Ano ang tawag sa pagbabagong
ito?

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
20 18 1 14 19 16 15 18 13 1 19 25 15 14

9. Sa sektor ng konstruksiyon ay nakagagawa at


nakapagpapatayo ng ___________ tulad ng paaralan,
ospital at iba pang estruktura.

__ __ __ __ __ __
7 21 19 1 12 9

10. Ang mga ___________________ ay pinoproseso upang


maging bagong produkto na kapaki-pakinabang sa pang-
araw-araw na pamumuhay ng mga tao.

__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
18 1 23 13 1 20 5 18 9 1 12 19

22
23
Subukin
Gawain 1 – Gawain 2-
1. D
2. A Tanong Ko, Sasagutin Mo Katangian ko, Tukuyin Mo
3. D
4. D 1. Isda, palay, mais, 1. Utilities – ito ay
5. D puno ng goma nagtutustos sa
6. C pangangailangan sa
7. D 2. Ang Pilipinas ay gasoline upang
8. D bansang mayaman makatkbo ang mga
9. B sa likas na yaman sasakyan
10. D 2. Konstrusiyon – ito
ay halimbawa ng
pagtatayo ng gusali
3. Pagmimina – ito ay
Gawain 3- Isaisip bakal na ginagamit
sa paggawa ng mga
Sektor Ko, Buuin Mo 1.1 Pagmimina – paghukay gusali
at pagkuha ng metal at 4. Pagmamanupaktura
Pagmimina – 6, 8, 10 yamang mineral sa ilalim – ito ay isang gulong
ng lupa. na kailangan ng
Konstrusiyon – 2, 7, 11 1.2 Konstruksiyon – isang sasakyan
paggawa, pagtayo, upang makatakbo
Pagmamanupaktura – 1, 5, 9 pagbuo at pagsasaayos ng maayos.
ng mga imprastuktura
Utilities – 3, 4, 12
1.3 Pagmamanupaktura –
pagproseso ng mga raw
materials upang gawing Gawain 5 –
mas kapaki-pakinabang
na bagong produkto Epekto ni COVID 19
Gawain 4- KrusSalita 1.4 Utilities – tumutugon sa
mga pangangailangan ng - Dahil sa COVID 19
1. Pagmimina mamamayan tulad ng
2. Pagmamanupaktura ay nahinto ang mga
tubig, kuryente, at gas. gawain nang apat na
3. Konstruksiyon
utilities sektor ng industriya
2. Mahalaga ang sektor ng na nagdulot ng
industriya dahil ito ang pagbagsak ng
namamahala sa ekonomiya ng bansa.
pangangailanagan ng bansa.
Tayahin Karagdagang Gawain
1. C 1. PAGMIMINA
2. D 2. PAGMAMANUPAKTURA
3. A 3. KONSTRUKSIYON
4. A 4. UTILITIES
5. C 5. INDUSTRIYA
6. D 6. MAPROSESO
7. B 7. PABRIKA
8. A 8. TRANSPORMASYO
9. C 9. GUSALI
10. D 10. RAW MATERIALS
Susi sa Pagwawasto
References
Ma. Corazon V. Adriano, Marain A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, Noel P.
Miranda, Emily R. Quintos. 2015. Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag- aaral. Pasig,
City: Kagawaran ng Edukasyon.

24
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan
sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa
Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat
mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Printed in the Philippines by Department of Education –


SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: [email protected]

You might also like