AP 7module 1 PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 36

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1
Heograpiya ng Asya
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Heograpiya ng Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Edna Casa-Nueva Ecija, Angelo C. Bombita, Ma. Nelia O. Eque, Cecilia A.
Leong, Shanni Lou R. Castardo
Editor: April G. Formentera, Noralyn Joy O. Ramos, Arlan S. Ravanera, Emily E. Baculi,
Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca
Tagasuri: April G. Formentera, Noralyn Joy O. Ramos, Arlan S. Ravanera, Emily E.
Baculi, Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca
Tagaguhit: Nica Marie Pama
Tagalapat: April G. Formentera
Tagadisenyo ng Pabalat: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Romelito G. Flores - Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudes - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny A. Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A. Palomo – Division EPS In-Charge of LRMS
Gregorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Lito S. Adanza- Divison EPS Araling Panlipunan

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: [email protected]
7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Heograpiya ng Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan sa ikapitong


baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Heograpiya ng
Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

ii
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Heograpiya ng Asya!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o

iii
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Bilang isang Pilipino, alam mo ba kung ano ang mga magaganda at


mayamang likas ang makikita sa Pilipinas? Napuntahan mo na ba ang mga ito?
Bakit maraming mga dayuhan ang pumupunta sa ating bansa, o maging sa iba’t
ibang panig ng Asya? Ano kaya ang batayan sa paghahati nito sa iba’t ibang rehiyon
ng Asya? Ang lahat ng mga katanungang ito ay masasagot habang tinatalakay natin
ang paksang ito, kaya handa ka na ba? Simulan na natin.
Ang saklaw ng modyul na ito ay ang:
Katangiang Pisikal ng Asya
Sa modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ito:
1. Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya tungo na paghahating heograpiko:
Kanlurang Asya, Timog Asya, Timog-Silangang Asya, Silangang Asya at
Hilaga/Gitnang Asya (AP7HAS-Ia-1.1)
Para maisagawa mo ito, kailangan mong:
1. Naiisa-isa ang mga rehiyon sa Asya at ang mga bansang napapabilang
dito
2. Nailalarawan ang katangiang pisikal sa kapaligiran ng bawat rehiyon sa Asya:
Kanlurang Asya, Timog Asya, Timog-Silangang Asya, Silangang Asya at
Hilaga/Gitnang Asya

1
Subukin

Ngayon, subukan mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.
Bigyang pansin ang mga tanong na hindi masagutan ng wasto at alamin ang
tamang sagot pagkatapos ng aralin. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.
1. Ito ay ang pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig
a. Agham
b. Heograpiya
c. Kasaysayan
d. Araling Panlipunan

2. Ang Asya ay nahahati sa limang rehiyon. Alin sa mga sumusunod ang


isinaalang-alang na aspekto sa paghati nito?
a. Kultural at historikal
b. Pisikal at kultural
c. Pisikal at historikal
d. Pisikal, kultural at historikal

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang


pisikal ng kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong
lupa o anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa, tangway,
kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto, at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng kapaligiran batay sa mga
tumutubong halaman.
d. Ang iba’t ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may
malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano

4. Bakit tinawag na Farther India at Little China ang Timog-Silangang Asya?


a. Dahil napagitnaan ito ng India at China
b. Dahil dito matatagpuan ang mga bansang India at China
c. Dahil, karamihan sa mga naninirahan dito ay mga Hindu at Tsino
d. Dahil sa impluwensiya ng China at India sa kultura ng rehiyong ito.

5. Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang sub-region, ang Mainland


South East Asia at Insular South East Asia. Ano anong mga bansa ang
napabilang sa Mainland South East Asia?
a. Pilipinas, Thailand, Indonesia, Malaysia
b. Myanmar, Vietnam, Singapore, Pilipinas
c. Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia
d. Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor

2
6. Alin sa mga sumusunod na rehiyon sa Asya matatagpuan ang hangganan ng
kontinenteng Europe, Aprica at Asya?
a. Silangang Asya
b. Kanlurang Asya
c. Hilagang Asya
d. Timog Asya

7. Ang archipelago o kapuluan ay isang pangkat ng mga pulo at matatagpuan sa


Asya ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo. Anong bansa
ito?
a. Japan
b. Indonesia
c. Malaysia
d. Pilipinas

8. Ang grassland ay isang uri ng vegetation cover. Alin sa mga sumusunod na


uri ng grassland ang may mataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall
grasses.
a. Prairie
b. Steppe
c. Pampa
d. Savanna

9. Ang steppe, tundra, taiga at savanna ay ilan lamang sa mga halimbawa


vegetation cover. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng iba’t
ibang vegetation?
a. Dahil sa lokasyon nito
b. Dahil sa epekto ng klima ito
c. Dahil sa kapaligiran nito
d. Dahil sa lokasyon at kapaligiran nito

10. Anong rehiyon sa Asya ang may anyong hugis tatsulok?


a. Timog Asya
b. Kanlurang Asya
c. Silangang Asya
d. Hilagang Asya

11. Ano ano ang mga bansang makikita sa Silangan Asya?


a. India, Thailand, Pakistan, China
b. Laos, Sri Lanka, Taiwan, China
c. Pilipinas, Japan, Saudi Arabia, Cambodia
d. Japan, China, North at South Korea, Taiwan

12. Halos lahat ng bansa sa Timog-Silangang Asya ay may klimang


tropikal. Ito ay nangangahulugan na ang mga bansa dito ay
nakakaranas ng?
a. tag-init at taglamig
b. tag-araw at tag-ulan
c. tag-araw, taglamig at tag-ulan
d. tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan

3
13. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang pagkakaroon ng iba’t ibang klima sa
Asya?
a. polusyon
b. lokasyon
c. populasyon
d. kapaligiran

14. Ang mga sumusunod ay mga bansang makikita sa kanlurang Asya maliban
sa:
a. India
b. Israel
c. Turkey
d. Saudi Arabia

15. Ano ang pinakamahabang bulubundukin sa Asya?


a. Ghats
b. Cordillera
c. Himalayas
d. Hindu Kush

4
Aralin
Heograpiya: Katangiang
1 Pisikal ng Asya
Sa isasagawang pagtalakay sa araling ito ay maaaring maitanong mo kung
ano ang katangiang pisikal ng Asya bilang isang kontinente. Ano ang mga batayan
ng paghahati nito sa limang rehiyon? Paano nahubog ang pisikal na katangian ng
Asya? Malaki ba ang epekto ng katangiang pisikal ng Asya sa pamumuhay ng mga
taong nakatira dito? Paanong ang ugnayan ng tao at kapaligiran ay nagbigay-daan
sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano? Simulan mo ang pagtuklas at
pagbuo ng mga paunang kasagutan sa iyong mga tanong sa pamamagitan ng
sumusunod na gawain. Handa ka na ba? Simulan mo na!

Balikan
Bago tayo magsimula,balikan muna natin ang inyong mga natutunan sa
nakaraang aralin.

Gawain 1: Scramble Words: Gamit ang mga gabay na tanong, ayusin ang
pinaghalong letra upang mabuo ang tamang sagot.

A Y I P A R G E O H

_______________________1. Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo.

I T N O K E T N E N

________________________2. Pinakamalaking masa ng daigdig.

Y A A S

________________________3. Pinakamalaking kontinente ng daigdig.

E R T S E E V

________________________4. Pinakamataas na bundok sa buong mundo.

I N A S A P C

________________________5. Pinakamalaking lawa sa buong mundo.

5
Tuklasin

Handa ka na ba sa ating bagong aralin? Simulan na natin.


Gawain 2: LOOP A WORD
Mula sa krossalita ay subukan mong hanapin, sa anumang direksyon, ang
salita na tinutukoy sa bawat bilang. Bilugan ang salita at pagkatapos ay isulat ito
sa patlang ng bawat aytem.

H I B L A R D N U T A L P I N
E N A R K I P E L A G O I P K
O R O S N A B I L H G A S Y A
G I W I E T S A P U N B A A R
R K O N T I N E N T E P L H A
A S B I N A T R A S G I A O G
P O B A M U T O N A N G K B A
I S U I U G N E Y A N I I I T
Y N L S B A S E G Y I T A S A
A K T R S T E P P E O P B T N
N I B A S W E T R K V O H E N

_______________ 1. Pinakamalalim na lawa sa buong mundo


_______________ 2. Pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig
_______________ 3. Ito ay tumutukoy sa uri o dami ng mga halaman sa isang lugar
_______________ 4. Tinatawag na karaniwang panahon o average weather na
nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon
_______________ 5. Pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo
_______________ 6. Ito ay uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted
short grasses
_______________ 7. Ito isang uri ng vegetation cover na tinatawag din bilang treeless
mountain tract dahil kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno
sa lupaing ito buhat ng malamig na klima
_______________ 8. Ang malaking masa ng lupain sa mundo
________________9. Ang pinakamalaking kontinente sa sukat at sa populasyon
_______________ 10. Tawag sa pangkat ng mga pulo na marami sa Asya tulad ng
Pilipinas, Indonesia at Japan

6
Gawain 3: Mamasyal tayo!
Pagkatapos ng naunang gawain, atin namang lalakbayin ang ilan sa mga
katangi-tanging lugar sa Asya. Nasa larawan ang mga lugar na ating lalakbayin at
sa kahon sa ibaba nito ay isusulat mo kung saang bansa ito matatagpuan. Handa
ka na? Tayo na!

Mt. Everest Banaue Rice Terraces

https://www.google.com/search?q=banaue+rice+terraces&tbm=isch&ved=2ahUKEwiy
https://www.google.com/search?q=mt.+everest&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved= ncfl0ojqAhXXx4sBHTv5DhQQ2cCegQIABAA&oq=banaue+rice+terraces&gs_lcp=CgNpb
2ahUKEwicx5vh0ojqAhUJIIgKHd_rBrsQ_AUoAnoECCAQBA&biw=1517&bih=730#imgrc WcQA1DkgMcDWOKMyANguY7IA2gAcAB4AIABAIgBAJIBAJgBAKABAaoBC2d3cy13aXot
aW1nsAEA&sclient=img&ei=M_HpXvK3JdePr7wPu_K7oAE&bih=730&biw=1517#imgrc
=PwH5WTIk1ggjdM =51FGKktVXS22AM

Saan matatagpuan?____________________ Saan matatagpuan?____________________

Ilog Tigris at Euphrates Huang Ho River

https://www.google.com/search?q=EUPHRATES+AND+TIGRIS+RIVER&tbm=isch&ved=2ahUKEwjP8KOI7 https://www.google.com/search?q=HUANG+HO+RIVER&tbm=isch&ved=2ahUKEwjP8K
4jqAhUPzYsBHfZtBkAQ2cCegQIABAA&oq=EUPHRATES+AND+TIGRIS+RIVER&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAA OI74jqAhUPzYsBHfZtBkAQ2cCegQIABAA&oq=HUANG+HO+RIVER&gs_lcp=CgNpbWcQ
yAggAMgIIADICCAAyAggAMgYIABAFEB4yBAgAEBgyBAgAEBgyBAgAEBgyBAgAEBhQ4pYhWI3XIWDz2CFo
A1CgxQFY2egBYO7pAWgAcAB4A4AB4wqIAc8ZkgEFNi0xLjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6
AHAAeACAAeAFiAH3E5IBCzItMy4xLjAuMS4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQA&sclient=img&ei=
LWltZ7ABAA&sclient=img&ei=2A7qXskJoar7wP9tuZgAQ&bih=730&biw=1517#imgrc=K
2A7qXs-kJo-ar7wP9tuZgAQ&bih=730&biw=1517#imgrc=-ZZXaHSHYtm5oM
a75qCj8WwSi_M

Saan matatagpuan?____________________ Saan matatagpuan?____________________

7
Lake Baikal

https://www.google.com/search?q=LAKE+BAIKAL&tbm=isch&ved=2ahUKEwiFjqze8YjqAhVC5pQKHb2cD
PgQ2cCegQIABAA&oq=LAKE+BAIKAL&gs_lcp=CgNpbWcQA1Cc2QRYpOkEYPTrBGgAcAB4AIABAIgBAJIBAJ
gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=pRHqXsWnPMLM0wS9ubLADw&bih=730&biw=1517
#imgrc=R4qQcmn2ewTECM&imgdii=J-Ppk7FidGYKdM

Saan matatagpuan?____________________

Pamprosesong mga Tanong:

1. Suriin ang bawat larawan. Paano nagkakatulad ang mga ito? Ilan dito ang
anyong lupa at ilan ang anyong tubig?
2. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na aktuwal na mapasyalan ang isa sa
mga ito o iba pang lugar sa Asya, ano ang iyong pipiliin? Bakit?
3. Pare-pareho kaya ang likas na kapaligiran sa iba’t ibang panig ng Asya?
Paano mo ito patutunayan?

8
Suriin

Mahalagang pagtuunan ng pansin sa iyong pag-aaral tungkol sa Asya ang


pag-aaral din ng pisikal na katangian ng kapaligiran sapagkat malaki ang epekto
nito sa kilos at gawain ng tao. Ito ay ang heograpiya. Ang bawat salik nito gaya ng
kapaligirang pisikal (kinaroroonan, hugis, sukat, anyo, vegetation cover), ang iba’t-
ibang anyong lupa at anyong tubig, klima, at likas na yaman ng isang lugar ay
nakapagbigay impluwensya sa pagbuo at pagunlad ng kabihasnan ng mga Asyano
at patuloy na humuhubog sa kanilang kultura at kabuhayan.

Ang Asya ay isa sa pitong kontinente ng daigdig. Kontinente ang tawag sa


pinakamalaking dibisyon ng lupain sa daigdig. Isa sa mga paraan ng pagkuha ng
lokasyon ng isang kontinente at bansa ay sa pamamagitan ng pagtukoy ng latitude
(distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator) at longitude (mga
distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian) nito.
Ang Equator ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na
hemisphere nito, at ang Prime Meridian naman ay ang zero-degree longitude.
Nasasakop ng Asya ang mula 10° Timog hanggang 90° Hilagang latitude at mula 11°
hanggang 175° Silangang longitude

Pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa ibang mga


kontinente sa daigdig. Sa kabuuang sukat nitong humigit kumulang na 44,486,104
kilometro kwadrado, halos katumbas nito ang pinagsama-samang lupain ng North
America, South America, at Australia, at halos sangkapat (¼) lamang nito ang
Europe. Tinatayang sangkatlong (⅓) bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig ang
kabuuang sukat ng Asya.

9
Talahanayan ng kabuuang sukat ng bawat kontinente.

Kontinente Kabuuang Sukat


(kilometro kwadrado)

1. Asya 44,486,104

2. Africa 30, 269,817


3. North America 24,210,000

4. South America 17,820,852

5. Antarctica 13,209,060

6. Europe 10,530,789

7. Australia 7,862,336

Kabuuan 143,389,336

Ang Limang Rehiyon ng Asya at mga Bansang Kabilang sa Bawat Rehiyon


Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-
Silangan, at Silangang Asya. Heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito
sapagkat isinaalang-alang sa paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural na
aspeto.

Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia
(Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan,
Georgia, Armenia) Mongolia at Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central
Asia o Inner Asia.
Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa,
Asya at Europa. Dito nakalatag ang mga bansang Arabo (Saudi Arabia, Lebanon,
Jordan, Syria, Iraq at Kuwait), Gulf States (Yemen, Oman, United Arab Emirates,
Qatar, at Bahrain), Iran, Israel, Cyprus, at Turkey.

Bahagi naman ng Timog Asya ang India; mga bansang Muslim ng


Afghanistan, Pakistan at Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan;
at mga bansang pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives.

Ang Timog-Silangang Asya ay minsang binansagang Farther India at Little


China dahil sa impluwensya ng mga nasabing kabihasnan sa kultura nito. Ang

10
rehiyong ito ay nahahati sa dalawang subregions: ang mainland Southeast Asia
(Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia) at insular Southeast Asia (Pilipinas,
Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor).

Ang Silangang Asya ay binubuo ng China, Japan, North Korea, South Korea,
at Taiwan.

MAPA NG ASYA AT MGA REHIYON NITO

Teksbuk, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba; pahina 18

Mga Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Asya


Ang pagkakaroon ng napakaraming uri ng kapaligirang likas ay kakaniyahan
ng Asya. Mahalagang maunawaan mo na ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at
nagtataglay ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig na lubos na nakakaapekto
sa takbo ng pamumuhay ng mga Asyano.

Ilalahad ngayon sa ‘yo ang ilang kaalaman tungkol sa dalawa sa mga


mahahalagang salik ng kapaligirang pisikal ng Asya, ang mga anyong lupa at mga
anyong tubig nito.

11
Matatagpuan sa Asya ang iba’t-ibang uri ng anyong lupa. Bawat uri nito ay
ginagamit, nililinang, at patuloy na naghahatid ng kapakinabangan sa mga Asyano.

MGA URI NG ANYONG LUPA

a. Bulubundukin o hanay ng mga bundok. Pinakatanyag dito ay ang Himalayas


na may habang umaabot sa 2,415 kilometro. Ang Hindu Kush (Afghanistan),
Pamir (Pakistan, Afghanistan, Tajikistan, at Kyrgyzstan).
b. Bundok. Ito ay mataas na anyong lupa na nagtataglay ng mga bato at lupa. Ang
Mt. Everest na nakahanay sa Himalayas ay ang pinakamataas na bundok sa
buong mundo na may taas na halos 8,850 metro, pangalawa ang Mt. K2 (8,611
metro) na nasa Pakistan/ China. Pangatlo naman ang Mt. Kanchenjunga (8,586
metro) na nasa Himalayas din.
c. Bulkan o bundok na may butas sa pinakatuktok na nilalabasan ng maiinit na
bato, lava, putik, lahar, at abo. Dahil sa ang Insular Southeast Asia ay nakalatag
sa Pacific Ring of Fire, tinatayang nasa humigit kumulang 300 aktibong bulkan
ang nasa Asya tulad ng Semeru, Krakatoa (Indonesia ), Fuji (Japan), Pinatubo,
Taal at Mayon (Pilipinas).
d. Talampas o ang kapatagan sa itaas ng bundok. Ang Tibetan Plateau na
itinuturing na pinakamataas na talampas sa buong mundo (16,000 talampakan)
at tinaguriang “Roof of the World” ay nasa Asya. Ang talampas ng Deccan na
nasa katimugang bahagi ng Indo-Gangetic Plain ng India ay kilala rin.
e. Disyerto. Ito ay rehiyong may malawak na tuyong lupa at buhangin. Ang Gobi
Desert (Mongolia at Hilagang China, 1,295,000 kilometro kwadrado) na siyang
pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong mundo, ay isa lamang sa mga
disyertong matatagpuan sa Asya. Makikita rin dito ang mga sa Iraq, Iran, Saudi
Arabia at India.
f. Kapuluan o Arkipelago. Pangkat ng mga pulo na marami sa Asya tulad ng
Indonesia, ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo na binubuo
ng humigit kumulang na 13,000 mga pulo, ang Pilipinas at ang Japan.
g. Pulo. Ito ay masa ng lupang napapaligiran ng tubig. Kabilang dito ang Cyprus
sa kanluran; Sri Lanka, at Maldives sa katimugan; Borneo, Java, Sumatra,
at mga pulo ng Pilipinas sa timog-silangan; Hainan, Taiwan, at mga pulo ng
Japan sa silangan; at New Siberian, Zemlya, at Severnaya sa hilaga.
h. Tangway o Peninsula. Lupain din ng mga tangway o anyong lupang nakausli sa
karagatan ang Asya. Ilan sa mga ito ay ang Turkey at Arabiansa kanluran; India,

12
sa katimugan; Indochina, at Malay sa Timog-Silangan; Korea, Kamchatka, at
Chukotsk sa silangan; at Taymyr, Gyda, at Yamal sa hilaga (bahagi ng Siberia).
i. Kapatagan. Halos sangkap at (¼) na bahagi ng lupain ng Asya ay kapatagan.
Ang Indo -Gangetic Plain at malaking bahagi ng Timog Silangang Asya ay bahagi
nito.

Bukod sa pinakapangunahing lugar panirahan ng tao, ang biyayang hatid ng


mga anyong lupa sa tao ay nakapagdulot ng malaking impluwensya sa kanilang
kultura at pamumuhay. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na tanggulan
o depensa ng isang lugar, at proteksyon o harang sa malalakas na bagyo at sigwa.
Ang ilang mga disyerto, baybay-gilid, at mga kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng
Asya ay nagtataglay ng samu’t-saring yamang mineral - mga metaliko, di-metaliko,
at gas. Sa mga bundok at gubat ay nakukuha ang mga bungang kahoy, mga herbal
na gamot, at mga hilaw na materyales, bukod sa panirahan ng mga hayop, lalo na
ng wildlife. Binubungkal, sinasaka at nililinang ng tao ang mga kapatagan at mga
lambak para sa mga pananim, ang mga damuhan at mga burol ay ginagawang
pastulan. Ang paggamit ng tao sa ibat’ibang uri ng anyong lupa ay nakapagambag
sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.

MGA URI NG ANYONG TUBIG


Mapapansin na ang kontinente ng Asya ay halos napapaligiran ng mga
karagatan at mga dagat. Isa-isahin mo ang mga ito. Masasabi mo ba na malaking
bahagi ng hangganan ng Asya mula sa iba pang mga kontinente ay mga anyong
tubig? Ang mga karagatan at mga dagat na ito ay gumaganap ng mahalagang papel
sa pamumuhay ng mga Asyano dahil ang mga ito ay nagsisilbing likas na depensa,
rutang pangkalakalan at sa paggagalugad, at pinagkukunan ng iba’t-ibang yamang
dagat at yamang mineral.

Ang mga baybay-ilog ng Tigris at Euphrates, Indus, at Huang Ho ang


nagsilbing lundayan ng mga sinaunang kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa
buong daigdig. Maraming mga ilog ang dumadaloy sa Asya at patuloy na nagbibigay
kapakinabangan sa tao gaya ng Lena, Ob, at Kolima na pawang mga nasa bahagi ng
Russia at umaagos sa Arctic Ocean; ang Anadyr at Amur sa Russia, Huang Ho,
Yangtze, at Hsi sa China, Mekong sa Vietnam, at Chao Phraya sa Thailand ay ang
mga ilog na umaagos sa Pacific Ocean. Dumadaloy naman sa Indian Ocean ang mga
ilog ng Irrawaddy sa Myanmar, Ganges (ang sagradong ilog ng mga Hindu sa
Varanasi, India) sa Bangladesh at Hilagang India, Indus sa Pakistan, at Shat al-Arab
sa Timog Iraq.

13
Apat na katangi-tanging dagat at lawa ang matatagpuan sa Asya: ang
Caspian Sea (hilagang Iran, Kazakhstan, Turkmenistan, Azerbaijan, Armenia, at
Gergia, 371,000 kilometro kwadrado) na pinakamalaking lawa sa mundo; ang Lake
Baikal (timog silangang Siberia, 31,500 kilometro kwadrado) na siyang
pinakamalalim na lawa; ang Dead Sea (hanggangan sa pagitan ng mga bansang
Israel at Jordan, 1,049 kilometro kwadrado) na pangalawa sa pinakamaalat na
anyong tubig sa buong daigdig; at ang Aral Sea (hangganan ng mga bansang
Uzbekistan at Kazakhstan, 64,750 kilometro kwadrado), ang pinakamalaking lawa
sa Asya. Gaya ng iba pang anyong tubig sa Asya, ang mga lawang ito ay
nakapagdulot din ng paghubog sa uri ng pamumuhay ng mga naninirahan doon.

ANG MGA VEGETATION COVER SA ASYA


Ang vegetation o uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng
pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito. Sa Hilagang Asya,
ang katangiang pisikal ng kapaligiran nito ay ang pagkakaroon ng malawak na
damuhan o grasslands na nahahati sa tatlong uri: ang steppe, prairie, at savanna.

Ang steppe ay uri ng ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted


short grasses. Maliliit ang damuhan sa lupaing ito dahil tumatanggap lamang ito ng
10-13 pulgada ng ulan. Mayroong mga steppe sa Mongolia gayundin sa Manchuria
at Ordos Desert sa Silangang Asya.

14
Ang prairie naman ay lupaing may damuhang mataas na malalim ang ugat
o deeply-rooted tall grasses.

Samantala, ang savanna naman na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya


partikular sa Myanmar at Thailand ay lupain nang pinagsamang mga damuhan at
kagubatan. Ang mga taong naninirahan sa mga steppe, prairie, at savanna ay
kadalasang nakatuon sa pagpapastol at pag-aalaga ng mga hayop tulad ng baka at
tupa na pinagkukuhanan nila ng lana, karne, at gatas. Ang mga lambak-ilog at
mabababang burol ay ginagawa nilang pananiman.

Ang boreal forest o taiga (rocky mountainous terrain) ay matatagpuan din sa


Hilagang Asya partikular na sa Siberia. Coniferous ang mga kagubatang ito bunsod
ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaaring nasa anyong yelo o ulan.

Ang tundra o treeless mountain tract ay matatagpuan sa bahagi ng Russia


at sa Siberia. Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno sa
lupaing ito dahil sa malamig na klima. Ang lupaing malapit sa baybayin ng Arctic
Ocean ang saklaw ng vegetation o behetasyong ito. Sa Timog-Silangang Asya at sa
mga bansang nasa torrid zone ang biniyayaan ng tropical rainforest dahil sa mainam
na klima nito na halos may pantay na panahon ng tag-ulan at tag-araw.

Ang uri ng kapaligirang pisikal ng isang lugar ay epekto ng uri ng klima nito.
Ito’y bunsod rin ng mga pangyayaring likas na hindi natin maiiwasan tulad ng
paggalaw ng lupa at pagputok ng mga bulkan, at ang pag-ihip ng monsoon o hanging
nagtataglay ng ulan na maaaring humantong sa bagyo. Ano kaya ang mga
pagbabagong naidudulot ng mga ito sa kapaligirang likas ng isang bansa? Paano ito
naghahatid ng mahahalagang salik sa pamumuhay ng mga tao? Ang Asya ay isang
kontinente na palagiang nakararanas ng mga pangyayaring ito.

Ang Mga Klima ng Asya


Narito ang isang talahanayan na nagpapakita ng iba’t-ibang uri ng klima sa
mga rehiyon ng Asya. Basahin at unawain mo itong mabuti at batay sa mga datos
at paglalarawan dito ay bumuo ka ng paghihinuha kung paanong ang klima ay
nakaimpluwensya sa pamumuhay ng mga Asyano.

15
Mga Uri ng Klima sa Asya
Rehiyon Katangian ng Klima
Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig na
karaniwang tumatagal ng anim na buwan, at maigsi
ang tag-init, ngunit may ilang mga lugar na
Hilagang Asya
nagtataglay ng matabang lupa. Gayunpaman,
malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang
panirahan ng tao dahil sa sobrang lamig.
Hindi palagian ang klima. Maaaring magkaroon ng labis
o di kaya’y katamtamang init o lamig ang lugar na ito.
Kanlurang Asya Bihira at halos hindi nakakaranas ng
Kanlurang Asya ulan ang malaking bahagi ng rehiyon. Kung umulan
man, ito’y kadalasang bumabagsak lamang sa mga pook
na malapit sa dagat.
Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon.
Timog Asya Mahalumigmig kung Hunyo hanggang Setyembre,
taglamig kung buwan Timog Asya ng Disyembre
hanggang Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo,
tag-init at tagtuyot. Nananatiling malamig dahil sa
niyebe o yelo ang Himalayas at ibang bahagi ng
rehiyon
Monsoon Climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil
sa lawak ng rehiyong ito, ang mga bansa rito ay
Silangang Asya nakakaranas ng iba-ibang panahon:
Silangang Asya
mainit na panahon para sa mga bansang nasa
mababang latitude, malamig at nababalutan naman
ng yelo ang ilang bahagi ng rehiyon.
Timog-Silangang Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may klimang
Asya Timog-Silangang Asya tropikal. Nakararanas ang
mga ito ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.

Ang Katangian ng Klima

Ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar


sa loob ng mahabang panahon ay tinatawag na klima. Kinapapalooban ito ng mga
element tulad ng temperature, ulan, at hangin. Maraming salik ang nakaaapekto sa
klima ng isang lugar. Ilan o dami ng mga halaman, at distansya sa mga anyong tubig.
Dahil sa lawak ng Asya, matatagpuan dito ang lahat ng uri ng klima at panahon.
Samantala, ang mga monsoon o mga hanging nagtataglay ng ulan ay isang bahagi
ng klima na may matinding epekto sa lipunan at iba pang salik ng pamumuhay ng
tao lalo’t higit yaong mga nasa Silangan at Timog-Silangang Asya. Depende sa lakas

16
ng bugso nito ito ay maaaring magdulot ng parehong kapakinabangan at
kapinsalaan.

ANG KATANGIANG PISIKAL NG MGA REHIYON SA ASYA

1. Hilagang Asya
Ang kabundukang Ural na nasa rehiyong ito ang humahati sa mga kontinente
ng Europe at Asya. Ang Bering Sea ang nag-uugnay sa Hilagang Asya at Alaska. Ang
rehiyong ito ay may pinakamahabang panahon ng taglamig at napakaikling tag-init,
hindi kayang tumubo sa kalakhang bahagi nito, ang anumang punongkahoy. Sa
ilang mga bahagi ng rehiyong ito ay may malawak na damuhan na may iba’t ibang
anyo (steppe, prairie at savanna), at may kaunting bahagi na boreal forest o taiga na
may kagubatang coniferous. Bunsod ito ng malamig na klima sa rehiyong ito.

2. Kanlurang Asya
Ang Kanlurang Asya ay nakalatag sa pangkontinental na bahagi ng Asya at
sa hilagang silangang bahagi ng Aprika. Mabuhangin at mabato ang karaniwang
lugar dito, maging ang pagkatuyo ng mga ilog at lawa ay madalas dahil sa sobrang
init at walang masyadong ulang nararanasan sa rehiyong ito ng Asya.

Nahahati sa tatlong rehiyong pisikal ang Kanlurang Asya: ang Northern Tier
na lupain ng kabundukan at talampas. Ang Arabiang Peninsula na isang malawak
na tangway na pinaliligiran ng iba’t ibang anyong tubig ngunit ang loob na bahagi
nito ay salat sa tubig dahil disyerto ang malaking bahagi nito, at ang Fertile Crescent
na nagtataglay naman ng matabang lupa at saganang suplay ng tubig. Sa kanluran
ng Northern Tier ay matatagpuan ang Anatolian Plateau na may matabang lupa,
samantalang kabaligtaran naman nito ang Iranian Plateau sa silangang bahagi ng
Northern Tier na may lupaing tuyo.

3. Timog Asya
May anyong hugis tatsulok, ang Timog Asya ay may hanggganang Indian Ocean
sa timog at kabundukan ng Himalayas sa hilaga. Sa kanlurang bahagi ng rehiyon
nakalatag ang mga bansang Afghanistan, Pakistan, at India, sa silangan ay
Bangladesh, sa dakong hilaga ay ang mga bansang Nepal at Bhutan, at ang mga
pulo ng Sri Lanka at Maldives sa timog.

Ang topograpiya ng rehiyong ito ay mabundok. Sa hilagang bahagi nito ay


makikita ang hanay ng mga bundok ng Hindu Kush sa Afghanistan, Karakoram
Range sa Pakistan at China, at ang Himalayas sa Nepal.

17
Sa katimugan ng Hindu Kush nakalatag ang Indo-Gangentic Plain na
katatagpuan naman ng Thar Desert sa kanlurang bahagi nito at ang Deccan Plateau
sa bandang timog. Sa kanluran at silangan naman ng talampas na ito ay ang
kabundukan ng Ghats: ang Western Ghats na nasa panig ng Arabian Sea, at ang
Eastern Ghats na nasa panig naman ng Bay of Bengal. Mainit ang rehiyong ito
maliban sa mga kabundukan na nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo.

4. Timog-Silangang Asya
Ang kahabaan ng Timog-Silangang Asya ay makikita sa timog ng China at Japan.
Ang India ang nasa Hilagang-Kanluran at Pacific Ocean naman sa Silangang bahagi.
Dahil sa kaaya-ayang klima nito, magubat na kabundukan ang nasa hilaga ng
rehiyon at mga lambak-ilog naman sa timog. May matabang lupa ang mga kapatagan
dito habang ang ibang lugar naman ay karaniwang latian at matubig.

Nauuri sa dalawa ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya: ang Pangkontinenteng


Timog-Silangang Asya o Mainland Southeast Asia, isang tangway na nasa pagitan
ng South China Sea at Indian Ocean. Ang malaking bahagi ng lupaing ito ay
kabundukan at manaka-nakang mga nagtataasang talampas mula sa Himalayas
hanggang katimugang bahagi ng China. Ang mga kabundukan at talampas na ito ay
ang siyang naghihiwalay sa bahaging ito ng Timog-Silangang Asya sa iba pang
rehiyon. Ang lupaing ito ay dinadaluyan ng iba’t ibang ilog tulad ng Mekong at Red
River. Ang Pangkapuluang Timog-Silangang Asya o Insular Southeast Asia naman
ay binubuo ng mga kapuluang nakalatag sa karagatan kabilang ang mga isla ng
Pilipinas, Indonesia, at East Timor. Ang ilan sa mga kapuluang ito (kasama ang
Japan) ay kabilang sa rehiyong Pacific Ring of Fire dahil hitik sa mga bulkan ang
lugar na ito at maaaring magdulot ng paglindol dulot ng kanilang pagsabog.

18
5. Silangang Asya
Malaking bahagi ng kalupaan ng Asya ay sakop ng rehiyong Silangang Asya
partikular na ang China na sumasakop sa 20% sukat ng kontinente. Ang mga
bansang Japan at Korea ay halos 5% ng lupain ng Silangang Asya. Ang rehiyong ito
ay may mga pisikal na hangganan tulad ng Gobi Desert, Mongolian-Tibetan Plateaus
at ang Himalayas. Nasa silangan naman nito ang Pacific Ocean. Sa pangkalahatan,
matataba na mga kapatagan dito, malalalim ang mga lambak at matataas ang mga
bundok. Bagamat malawak nag China, ang mga naninirahan dito ay nagsisiksikan
sa silangang bahagi ng bansa na isang kapatagan hindi tulad ng kanlurang bahagi
nito na binubuo ng mga kabundukan at talampas. Ang mga ilog ng Huang Ho,
Yangtze at Xi Jiang ay ang tatlong pinakamahahalagang ilog sa pamumuhay ng mga
Tsino dahil sa nagpapataba ito ng lupain at ginagamit na ruta para sa
pakikipagkalakalan.

Samantala, sa pamamagitan ng Sea of Japan at Korean Strait, ang bansang


Japan ay nahihiwalay sa mismong lupain ng Silangang Asya. Binubuo ito ng apat
na malalaking isla; ang Kyushu, Shikoku, Honshu, at Hokkaido. Nasa maliit na
bahagi lamang ng bansa ang malalaking bahagi ng populasyon sapagkat mahigit sa
80% ng lupain ng Japan ay kabundukan.

19
Pagyamanin

Nahirapan ka bang sagutan ang mga tanong sa naunang gawain. Ngayon,


subukan mong pagyamanin ang iyong kaalaman gamit ang tsart at basic radial
pagkatapos basahin ang teksto.

Gawain 4: Punan mo Ako!


Ang Asya ay hinati sa limang rehiyong pisikal. Gamit ang talahanayan ibigay
ang iba’t ibang rehiyon sa Asya at ang mga bansang bumubuo dito.
Mga Rehiyon sa Asya
Mga Rehiyon Mga Bansang Kabilang
1.
2.
3.
4.
5.

20
Gawain 5: Ilarawan mo!
Basic Radial. Gamit ang Basic Radial, ilarawan ang katangiang pisikal na
kapaligiran ng iba’t ibang rehiyon sa Asya.

Hilagang Asya

Kinaroroonan:

Klima:

Anyo:

Vegetation Cover:
Silangang Asya
Kanlurang Asya

Kinaroroonan:
Kinaroroonan:
Klima:
Klima:
Anyo:
Anyo:
ASYA Vegetation Cover:
Vegetation Cover:

Timog-Silangang
Asya
Timog Asya Kinaroroonan: Kinaroroonan:

Klima: Klima:

Anyo: Anyo:

Vegetation Cover: Vegetation Cover:

Pamprosesong Tanong:

1. Paano hinati ang iba’t ibang rehiyon sa Asya? Ano-ano ang naging batayan
sa paghahati nito?
2. Paano mo mailalarawan ang katangiang kapaligirang pisikal ng iba’t ibang
rehiyon sa Asya sa larangan ng kinaroroonan, klima, anyo at vegetation
cover. Ano ang kanilang pagkakatulad at pagkakaiba?

21
Isaisip

Ngayong tapos mo nang basahin ang teksto hinggil sa heograpiya ng Asya.


Ibuod ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na mga
pamprosesong tanong:

1. Isa-isahin ang mga rehiyon sa Asya at magbigay ng bansang sakop nito.


2. Ilarawan ang katangian ng kapaligirang pisikal ng bawat rehiyon ng Asya.
3. Bakit mahalaga ang paghahating heograpiko ng Asya.

Isagawa

Nadagdagan ba ang iyong kaalamn hinggil sa heograpiya ng Asya. Hand aka


na ba sa susunod nating gawain? Kung gayon simulant na natin.
Gawain 7: Barangay ko, Ilarawan ko!
Bilang kasapi ng iyong barangay, ilarawan ang iyong barangay na kinabibilangan
tulad ng kapaligiran, mga tao, at ang kanilang trabaho o gawain.
Gamitin ito bilang gabay:
Ang aking barangay ay ______________________________________________________
_________________________________________________________________________.
Mananatili itong ____________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

Gawain: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:

1. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, maliban sa Pilipinas, saang bansa


sa Asya nais mong manirahan? Pangatuwiranan.
2. Paano nakakaapekto sa pag-unlad ng isang bansa ang kapaligirang pisikal
nito?

22
Tayahin

Napagtanto mo na ba kung gaano kayaman at kaganda ang heograpiya na


meron ang Asya? Malalim na ba ang kaalaman mo tungkol dito? Ngayon, sukatin
natin ang kaalaman mo gamit ang mga tanong na inihanda ng guro.
Gawain 8: Bigyang pansin ang mga tanong na hindi masagutan ng wasto at alamin
ang tanong sagot pagkatapos ng aralin. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay ang pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig
a. Agham
b. Heograpiya
c. Kasaysayan
d. Araling Panlipunan

2. Ang Asya ay hinati sa limang rehiyon. Alin sa mga sumusunod ang


isinaalang-alang na aspekto sa paghati nito?
a. Pisikal at kultural
b. Kultural at historical
c. Pisikal at historical
d. Pisikal, kultural at historical

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangian pisikal


ng kontinente ng Asya?
a. Ang hangganan ang Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa
anyong lupa o anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa, tangway,
kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto, at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng kapaligiran batay sa mga
tumutubong halaman.
d. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na
may malaking implikasyon sa pamumuhay ng mga Asyano

4. Bakit tinawag na Farther India at Little China ang Timog-Silangang Asya?


a. Dahil, karamihan sa mga naninirahan dito ay mga Hindu at Tsino
b. Dahil napagitnaan ito ng India at China
c. Dahil dito matatagpuan ang mga bansang India at China
d. Dahil sa impluwensiya ng China at India sa kultura ng rehiyong ito.

5. Ang Timog-Silangang Asya ay nahahati sa dalawang sub-region, ang


Mainland South East Asia at insular South East Asia. Ano-anong mga bansa
ang napabilang sa mainland South East Asia?
a. Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos, Cambodia
b. Philippines, Thailand, Indonesia, Malaysia
c. Myanmar, Vietnam, Singapore, Pilipinas
d. Indonesia, Malaysia, Brunei, Singapore, East Timor

23
6. Alin sa mga sumusunod na rehiyon sa Asya matatagpuan ang hangganan ng
kontineneng Europe, Africa at Asya?
a. Silangang Asya
b. Kanlurang Asya
c. Hilagang Asya
d. Timog Asya

7. Ang archipelago o kapuluan ay isang pangkat ng mga pulo at matatagpuan


sa Asya ang pinakamalaking archipelagic state sa buong mundo. Anong
bansa ito?
a. Japan
b. Indonesia
c. Malaysia
d. Pilipinas

8. Ang grassland ay isang uri ng vegetation cover. Alin sa mga sumusunod na


uri ng grassland ang may mataas na malalim ang ugat o deeply-rooted tall
grasses.
a. Prairie
b. Steppe
c. Pampa
d. Savanna

9. Ang steppe, tundra, taiga at savanna ay ilan lamang sa mga halimbawa


vegetation cover. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng
iba’t ibang vegetation?
a. Dahil sa lokasyon nito
b. Dahil sa epekto ng klima ito
c. Dahil sa kapaligiran nito
d. Dahil sa lokasyon at kapaligiran nito

10. Anong rehiyon sa Asya ang may anyong hugis tatsulok?


a. Timog Asya
b. Kanlurang Asya
c. Silangang Asya
d. Hilagang Asya

11. Ano-ano ang mga bansang makikita sa Silangan Asya?


a. India, Thailand, Pakistan, China
b. Laos, Sri Lanka, Taiwan, China
c. Pilipinas, Japan, Saudi Arabia, Cambodia
d. Japan, China, North at South Korea, Taiwan

12. Halos lahat ng bansa sa Timog-Silangang Asya ay may klimang Tropikal. Ito
ay nangangahulugan na ang mga bansa dito ay nakakaranas ng?
a. tag-init at taglamig
b. tag-araw at tag-ulan
c. tag-araw, taglamig at tag-ulan
d. tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan

13. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang pagkakaroon ng iba’t ibang klima sa
Asya?
a. Polusyon

24
b. Populasyon
c. Lokasyon
d. kapaligiran

14. Ang mga sumusunod ay mga bansang makikita sa kanlurang Asya maliban
sa?
a. India
b. Turkey
c. Israel
d. Saudi Arabia

15. Ito ang pinakamahabang kabundukan sa Asya


a. Ghats
b. Cordillera
c. Himalayas
d. Hindu Kush

Karagdagang Gawain

SNaging makabuluhan ba para sa iyo ang paksang natalakay? Naging madali


para sa iyong sagutan ang tanong ng guro? Kung ganun, ihanda ang sarili para sa
susunod nating gawain.

Gawain 9: Gumawa ng isang brochure na makakahikayat sa mga turista na


mamasyal sa Region XII.
Rubrik

Pamantayan Diskrepsyon Puntos Nakuhang Puntos


Pagpapakita ng kahusayan
sa panghihikayat nang
10
mahusay at maayos sa mga
1.Nilalaman turista
2.Presentasyon Malinis at maayos na gawain 10
Gumamit ng kakaibang mga
pamamaraan at pananalita
3.Pagkamalikhain 10
kung paano makapaghikayat
ng mga turista na pumunta
sa iba’t ibang lugar sa
Rehiyon Dose.

25
26
Subukin Tayahin
1. A 1. A
2. D 2. D
3. D 3. D
4. D 4. D
5. A 5. A
6. B 6. B
7. B 7. B
8. B 8. B
9. B 9. B
10.A 10.A
11.D 11.D
12.D 12.D
13.C 13.C
14.A 14.A
15.C 15.C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat

De Leon, Zenaida M., et. al.,ASYA: Tungo sa Pag-unlad, Makabayan Serye,


Vibal Publishing House, Quezon City, 2003

Fornier Ph.D, Joselito N., et.al., Asia: History,Civilization and Culture, Anvil
Publishing Inc., Pasig, City, 2007

Garrovillas, Fe S.J., Rosalie N. Nieva and Melinda C.Vidallo, Workteks sa


Araling Panlipunan II: Kasaysayan ng Asya, Innovative Educational Materials, Inc.,
Sta. Ana, Manila, 2008

Kabihasnang Asyano: Kasaysayan at Kultura


Mateo Ph.D, Grace Estela C., et. al., Asya:Pag-Usbong ng Kabihasnan, Vibal
Publishing House,Quezon City, 2008,
Sulyap sa Asya

Webster’s Universal Dictionary and Thesaurus, published by Geddes and Grosset,


David Dale House, New Lanark, ML11 9DJ Scotland, printed exclusively
for WS Pacific Publications, Inc., Manila, Philippines,2007

27
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

28
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

29

You might also like