Module 3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 26

4

ARALING PANLIPUNAN
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Kahalagahan ng Matalino at Di-matalinong
Pagpapasya sa Pangangasiwa ng mga
Likas na Yaman ng Bansa - Isyung
Pangkapaligiran
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Kahalagahan ng Matalino at Di-Matalinong
Pagpapasya sa Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman ng Bansa-Isyung
Pangkapaligiran.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Editha B. Lontic, Bailyn T. Guiamelil


Editor: Gina L. Lanticse, Prescilla G. Cabrillos, Minasol L. Querimit,
Elsie A. De Juan
Tagasuri: Agabai S. Kandalayang, Yusof A. Aliudin, Rowena P. Alterado,
Sheryl B. Bautista, Aida S. Delon, Eloisa R. Agni,
Ma. Kristine B. Latris
Tagaguhit: Federico P. Lacia Jr.
Tagalapat:, Glen D. Napoles Jay Ar O. Espartero, Allan T. Basubas,
Alex C. Macale, Mark Daryl T. Lazaro
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Isagani S. Dela Cruz, CESO V – Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – CLMD Chief
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Elpidio D. Daquipil – CID Chief
Juvy B. Nitura – EPSVR, LRMDS
Marilou P. Mangansakan – EPSVR – Araling Panlipunan

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of kororadal


Telefax: (083)2288825/ (083)2281893
E-mail Address: [email protected]
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Alam mo ba na ang Pilipinas ay patuloy na
nagbabago at umuunlad habang ito ay may kaakibat
na epekto sa kapaligiran? Ito ay mga Isyung Pangkapaligiran.
Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo upang
malaman ang ilan sa mga ito.
Mahalagang malaman ito ng bawat mag-aaral sa ikaapat na
baitang upang makatulong sa paglutas sa mga isyung ito sa abot
ng iyong makakaya.
Most Essential Learning Competency
• Nasusuri ang kahalagahan ng pangangasiwa at
pangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa. (AP4LKE-
IIb-d-3)
Sa pagtatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:
1. natatalakay ang ilang mga isyung pangkapaligiran ng
bansa; at
2. natutukoy ang matalino at di-matalinong paraan ng
pangangasiwa ng mga likas na yaman ng bansa.

Subukin

Sa pagsusulit na ito masusukat natin ang kaalaman mo tungkol


sa araling ating tatalakayin. Maghanda at kunin ang sagutang
papel.
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin at isulat ang
titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang sanhi ng pagdumi ng tubig at
pagkamatay ng mga yamang tubig?
A. Ginagawang paliguan ng mga tao ang ilog
B. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig
C. Pagdaan ng mga sasakyang pantubig araw araw
D. Pangingisda sa pamamagitan ng paggamit ng lambat na
may tamang laki ng butas
2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mabilis na pag-init
ng mundo dahil sa mga greenhouse gasses?

1
A. Biodiversity
B. Global warming
C. Pagguho ng lupa
D. Industriyalisasyon
3. Ano ang sanhi ng isyung kapaligiran ang pagbaha at pagguho
ng lupa?
A. Kawalan ng mga punong sumisipsip sa tubig-ulan
B. Labis na pagbubuga ng usok at chlorofluorocarbon
C. Pagtatapon ng dumi at gamit ng langis sa mga katubigan
D. Labis na pagsusunog ng basura saan mang panig ng
mundo
4. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa malakihang
pagpapatayo ng mga industriya, pagtatag ng kalakalan at iba
pang gawaing pang-ekonomiya?
A. Biodiversity
B. Global warming
C. Pagguho ng lupa
D. Industriyalisasyon
5. Anong kemikal ang nagmula sa mga aircon at sa industriya na
sanhi ng polusyon sa hangin?
A. Aerosol
B. Biodiversity
C. Greenhouse gasses
D. Chlorofluorocarbons
6. Anong paraan ng pangangasiwa ang gawaing pagputol ng mga
puno sa kagubatan na nagdudulot ng pagkasira sa ating mga
likas na yaman?
A. Matalinong paraan ng pangangasiwa
B. Di-matalinong paraan ng pangangasiwa
C. Gawaing nakatutulong sa pangangalaga ng likas na
yaman
D. Wastong paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman ng
bansa
6. Ano ang ipinapakitang gawain sa pagtatatag ng sanctuary
para sa mga yamang tubig?
A. Matalinong paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman
B. Di-matalinong paraan ng pangangasiwa ng likas na
yaman

2
C. Gawaing hindi nakatutulong sa pangangasiwa ng likas
na yaman
D. Matalino at di- matalinong paraan ng pangangasiwa ng
likas na yaman
7. Masipag na bata si Hadiya. Araw-araw siyang naglilinis sa
kanilang bakuran kahit hindi siya inuutusan ng kayang mga
magulang ngunit ang mga basurang kanyang naiipon ay
itinatapon lamang niya sa ilog na malapit sa kanilang bahay.
Gagayahin mo ba si Hadiya? Bakit?
A. Opo, dahil isa siyang masipag na bata.
B. Opo, dahil nakatutulong siya sa kanyang pamilya.
C. Opo, dahil sa kanyang murang edad may alam na siyang
gawain.
D. Hindi po, dahil hindi makabubuti sa kalikasan ang
kanyang ginawa.
8. Anong gawain ang maaari mong gawin upang maipakita ang
pagpapahalaga mo sa ating likas na yaman?
A. Itapon ang mga patay na hayop at mga basura sa ilog.
B. Pagtatapon ng basura sa tamang tapunan at gawin ang
3Rs.
C. Panghuhuli ng mga hayop sa kagubatan at kabundukan
upang ipagbili.
D. Suportahan ang aking ama sa pagputol ng mga punong
kahoy sa kagubatan.
9. Basahin ang bawat sitwasyon. Sino sa kanila ang tutularan
mo? Bakit?
A. Si Alex, dahil sinira nya ang mga pananim nina Whendel
at Boyet.
B. Si Abdul, dahil gumamit siya ng hindi organikong
kemikal para sa kanyang mga pananim.
C. Si Fatima, dahil iniipon niya ang mga nabubulok na
basura upang gawing organikong pataba sa kanyang mga
pananim.
D. Si Dindo, dahil hindi niya pinagsabihan ang kanyang
kapitbahay na ang pagsusunog ng plastik ay nakakasama
sa kapaligiran.
10. Ang bawat gawain ay may kaukulang bunga sa ating
kalikasan, maaaring ito ay mabuti o masama. Dapat ay alam
natin ang matalino at di-matalinong paraan ng pangangasiwa ng
mga likas na yaman. Bakit kailangan nating malaman ang
wastong paraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman?

3
A. upang lumabag sa batas ng pamahalaan
B. upang hindi mapanatili ang mga hayop sa kagubatan
C. upang hindi maging kapakipakinabang sa ating lahat
D. upang mapakinabangan natin nang matagal na panahon
ang mga likas na yaman ng ating bansa
Aralin Mga Isyung Pangkapaligiran ng Bansa
1

Balikan
Naku! Bago tayo magpatuloy sa ating aralin, magbalik
tanaw muna tayo sa ating nakaraang aralin upang
matulungan kang maiugnay ang aralin natin ngayon sa
naunang leksyon tungkol sa mga likas na yaman. Naaalala
mo ba ang tungkol sa likas na yaman? Tingnan natin.
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI yamang lupa?
A. Bulaklak
B. Kabibe
C. Palay
D. Punongkahoy
2. Alin sa mga sumusunod ang yamang tubig?
A. Abaka
B. Ibon
C. Marmol
D. Tilapia
3. Alin sa mga sumusunod ang yamang mineral?
A. Isda
B. Langis
C. Mais at palay
D. Natatanging hayop at halaman
4. Anong pakinabang ang dulot ng Bulkang Mayon?
A. Ang Bulkang Mayon ay isang anyong lupa.
B. Ang Bulkang Mayon ay matatagpuan sa Albay.
C. Ang Bulkang Mayon ay maaring puputok ano mang oras.
D. Ang Bulkang Mayon ay naging lugar na pangturismo ng

4
bansa.
5. Alin ang pangunahing pakinabang ng produktong palay sa
ating bansa?
A. Ito ay ginagawang harina.
B. Ito ay inaangkat sa ibang bansa.
C. Ito ay itinatanim sa mga bukirin.
D. Ito ang pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

Tuklasin
Ang kapaligiran ay tumutukoy sa lahat ng panlabas
ng mga pwersa, kaganapan at bagay na gumagalaw sa
ibabaw ng mundo. Dahil sa kagagawan ng mga tao,
nanganganib ito na masira. Ilan dito ang nabanggit sa
tulang pinamagatang “Sintang Pilipinas.”
Panuto: Basahing mabuti ang tula at sagutin ang mga sumusunod
na pangprosesong tanong sa iyong sagutang papel.
SINTANG PILIPINAS
Akda ni: Editha B. Lontic

Kay ganda ng Sintang Pilipinas!


Katubigang sadyang kalinisa’y wagas.
Nang kalaunan, kalinawan at kalinisan ay nabura,
Sanhi ng walang tigil na pagtatapon ng mga basura.

Kagubatan dati’y malago at malawak,


Ngunit ito’y unti-unting nang nawasak.
Sa patuloy na pagpuputol ng kahoy saanman,
Ng mga taong gahaman sa pera at kayamanan.
Pilipinas, sa likas na yaman ay punong puno,
Yamang tubig, lupa, mineral at mga puno.
Ngunit ito’y unti-unti nang naglalaho,
Dulot ng mga taong yaman ang nais matamo.

Kaya ang iyong lingkod ay nagsusumamo,


Na sana gawin ang lahat ng makakaya mo.
Upang iyong muling maibalik, at maipamalas,
Ang dating kagandahan ng Sintang Pilipinas.

5
Mga pangprosesong tanong:
1. Ano-ano ang bahagi ng kapaligiran ang nasisira na
binanggit sa tula?
2. Bakit ang mga katubigan ay naging marumi?
3. Ano ang sanhi ng pagkawasak ng kagubatan?
4. Sa pagkasira ng kapaligiran natin, sino ang sinisisi sa
tula?
5. Ano ang panawagan ng sumulat ng tula para maibalik ang
dating kagandahan ng Pilipinas?
6. Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang may magagawa ka
ba? Paano?

Suriin
Sa bahaging ito, tatalakayin natin ang mga konsepto hinggil
sa mga Isyung Pangkapaligiran upang iyong maunawaan nang
lubusan. Basahin at unawain mabuti upang magawa mo ang mga
gawain na kasunod nito.
Mga Isyung Pangkapaligiran
Maraming isyung maaaring makaapekto sa ating kapaligiran
tulad ng polusyon o pagiging kontaminado ng kapaligiran sanhi
ng kagagawan ng mga tao.
1. Polusyong sa Hangin/Global Warming o mabilis na pagtaas ng
init ng mundo bunga ng pagtaas ng lebel ng carbon dioxide at
iba pang greenhouse gasses.
2. Polusyon sa Tubig
Ito ay sanhi ng mga sumusunod na gawain:
 Pagtatapon ng basura at kemikal sa mga katubigan.
 Paggamit ng dinamita o cyanide sa pangingisda.
 Dulot ng kakulangan ng pagkukunan ng malinis na tubig.
 Pagtatapon ng gamit na langis mula sa mga pabrika at
sasakyang pantubig.
3. Polusyon sa Lupa
Ito ay sanhi ng mga sumusunod na gawain:
 Pagtatapon ng mga waste material sa mga landfill.

6
 Pagtatapon ng mga dumi mula sa pabrika
 Pagkasira ng lupa dulot ng salinization o pagkakaroon ng
deposito ng asin sa lupa dahil sa maling irigasyon.
 Pagkalat ng duming radioactive mula sa mga plantang
nukleyar.
2. Pagkasira ng Kagubatan
Ito ay sanhi ng mga sumusunod na gawain:
 Deforestation o walang habas na pagpuputol ng puno.
 Land conversion, habitation, pagkakaingin at illegal logging.
 Soil erosion dahil sa siltation o pagkakaroon ng deposito ng
mga putik sa daanan ng tubig.
3. Unti-unting pagkaubos o pagkawala ng mga natatanging hayop
at halaman sa bansa o biodiversity o kabuuan ng lahat ng
nabubuhay sa ating planeta o sa isang lugar.
• Epekto ng pangangaso at ilegal na pagbebenta ng buhay
ilang o wildlife.
• Sanhi ng deforestation o walang habas na pagpuputol ng
puno.
• Bunga nito ng land conversion o pagtatag ng mga bundok
o maburol na lugar upang gawan ng kabahayan,
pagkakaingin at illegal logging
4. Climate Change o pag-iiba-iba ng klima ng mundo. Nagdadala
ng epekto gaya ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Pagyamanin

Sa gawaing ito masusubok kung naintindihan mong mabuti


ang iyong binasa. Kaya ihanda ang sarili para gawin ang mga
sumusunod na gawain.
Gawain: IHANAYMO
Panuto: Tukuyin ang sanhi ng sumusunod na epekto ng
isyung kapaligiran sa Hanay B. Isulat sa sagutang papel ang
tamang titik ng iyong sagot.

7
Hanay A Hanay B

1. Polusyon sa hangin A. Walang tigil ng pagputol ng


2. Polusyon sa tubig kahoy
3. Polusyon sa lupa B. Pagbebenta ng wildlife
pagkawala ng C. Pagtapon ng basura kahit
natatanging hayop at saan
halaman D. Paggamit ng dinamita at
4. Pagkasira ng kagubatan cyanide
E. Maruming usok mula sa
planta
F. Pagbebenta ng mga tanso

Isaisip

Sa bahaging ito, matitiyak mo kung ano talaga ang iyong


natutunan mo sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong.
Gawain : PUNAN MO!

Panuto: Basahin at unawain. Punan ang mga patlang para


mabuo ang talata. Pumili sa mga salita o parirala mula sa kahon.
Isulat sa iyong sagutang papel.
deforestation dinamita climate change
greenhouse gasses global warming hangin

Kaakibat ng pag usbong ng ekonomiya ng bansa katumbas


nito ang mga isyung pangkapaligiran. Isa rito ang
(1)_________________ o ang mabilis na pag-init ng mundo dahil sa
(2)________________Dahil sa maruming usok galing sa pabrika ang
ating bansa ay nakaranas ng polusyon sa (3)__________________.
Isa ring sanhi ng pagiging marumi ng katubigan ang paggamit ng
(4) __________________at cyanide paraan sa pangingisda. Sa ating
kagubatan, ang (5) __________________ o patuloy na pagpuputol ng

8
kahoy ay sanhi ng pagguho ng lupa at baha. Kaya kung inyong
iisipin, ang lahat ng kalamidad ay masisi na rin sa
mga tao.

Isagawa

Sa bahaging ito, masusukat mo kung kaya mong maisalin


ang nalalaman mo sa tunay na sitwasyon. Ang mga sumusunod
na kalagayan ay maaring magkatotoo.
Gawain : IPARES MO AKO!

Panuto: Hanapin mula sa metakard sa ibaba ang solusyon ng


mga sumusunod na Isyung Pangkapaligiran. Isulat sa iyong
sagutang papel.

Metakard

Paglalangoy sa ilog. Pagrerecycle ng


Reforestation
mga basura.

Paglilinis ng Paggamit ng lambat na Paglilibing ng mga


tambutso ng mga may tamang laki ng patay na hayop sa
sasakyan. butas. lupa.
Isyung Pangkapaligiran Solusyon
1. Polusyon sa hangin dulot ng
maitim na usok ng mga
sasakyan.
2. Polusyon sa lupa dulot ng
kumakalat na basura.

3. Pagkasira ng kagubatan.

4. Polusyon sa tubig dulot ng


pagtatapon ng mga patay na
hayop.
5. Pagkamatay ng mga lamang
dagat dulot ng paggamit ng

9
dinamitang paraan ng
pangingisda.

Tayahin

Ngayon, napag aralan mo na ang mga isyung


pangkapaligaran, ang susunod na gawain ay nagnanais na matasa
o masukat ang antas o lebel ng inyong natutunan sa araling ito.

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong. Piliin lamang ang


tamang titik at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Anong isyung pangkapaligiran ang sanhi ng maruming usok
mula sa sasakyan at pabrika?
A. Polusyon sa utak
B. Polusyon sa lupa
C. Polusyon sa tubig
D. Polusyon sa hangin
2. Anong isyung pangkapaligiran ang sanhi ng walang habas na
pagpuputol ng kahoy?
A. Siltation
B. Soil erosion
C. Deforestation
D. Reforestation
3. Ano ang mabilis na pag-init ng mundo dahil sa mga green house
gasses?
A. Soil erosion
B. Biodiversity
C. Deforestation
D. Global warming
4. Isa sa isyung pangkapaligiran ay pagkasira ng kagubatan, Alin
sa sumusunod ang sanhi ng deforestation o pagpuputol ng
kahoy?
A. Pagsasaka
B. Pagtotroso
C. Pangangaso
D. Pangingisda

10
5. Alin sa mga sumusunod ang sanhi ng unti-unting pagkawala
ng mga natatanging hayop at halaman?
A. Pag-aalaga sa mga ito
B. Pagbebenta nito sa ibang bansa
C. Pagbibigay ng pagkain sa mga hayop
D. Pagtatanim ng maraming punongkahoy
6. Anong paraan ng pangingisda ang ginagamit kung saan lahat
ng yamang tubig na naabot nito ay namamatay?
A. Paggamit ng pana na paraan ng pangingisda
B. Paggamit ng lambat na paraan ng pangingisda
C. Paggamit ng bingwit na paraan ng pangingisda
D. Paggamit ng dinamita na paraan ng pangingisda
7. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapahalaga ng
kapaligiran?
A. Pagsusunog ng basura
B. Muling pagtatanim ng mga punong kahoy sa bakanteng
lote
C. Paggamit ng mga sasakyan na nagbubuga ng maitim na
usok
D. Paggamit ng lambat na may maliliit na butas sa
pangingisda
8. Si Ambo ay may malawak na lupain at binibili ito ng malaking
halaga para patayuan ng malaking plantasyon. Papayag ba
siya? Bakit?
A. Oo, para magkaroon siya ng maraming pera.
B. Hindi, dahil ayaw niya nang maraming pera.
C. Oo, dahil may natitira pa naman siyang lupa.
D. Hindi, dahil ayaw niyang makontaminado ang kanilang
kapaligiran sanhi ng pagkalat ng duming radioactive mula
sa plantasyon.
9. Si Abdul ay may malasakit sa kapaligiran. Alin ang tamang
gawin niya?
A. Sasali siya sa pagkakaingin
B. Magbenta ng natatanging hayop o wildlife
C. Magtatapon ng basura sa bahagi ng tubig

11
D. Sasali sa samahan ng mga batang nagpapatupad ng
programang “Muling Pagbangon” sa pamamagitan ng
pagtatanim ng mga punong kahoy
10. Isa sa sanhi ng kakayahan ng lupa na magpatubo o magpalago
ng halaman at pananim ay ang dumi at mga solid waste na
itinapon dito. Bakit may ibang bahagi ng lupa na nawalan ng
kakayahan na makabuhay ng pananim?
A. Dahil ito ay malawak na lupain
B. Dahil maraming nakatira dito
C. Dahil ito ay sagana sa mga bato at maputik na lupa
D. Dahil ito tinatapunan ng mga dumi at mga solid waste

Karagdagang Gawain

Malugod mong natapos ang aralin ng may sapat na kaalaman at


pag-uunawa. Kaya sa panibagong gawain ito, lalo mong
pagyamanin ang iyong natutunan sa araling ito.

Panuto: Gumupit ng mga larawan mula sa lumang dyaryo tungkol


sa isyung pangkapaligiran at idikit ito sa malinis na papel o
bondpaper at isulat sa ibaba ng larawan ang maari mong gawin
para matagunan ang isyung nasa larawan.

Aralin Matalino at Di-Matalinong Pangpapasya


ng Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman
2 ng Bansa

Balikan

May mga ilang isyung pangkapaligiran ang ating


nararanasan ngayon ayon sa nakaraang aralin. Naaapektuhan ng

12
mga isyung pangkapaligirang ito ang mga likas na yaman ng
bansa.
“TUKOY KO! HANAPIN MO!”

Panuto: Hanapin sa kahon ng mga letra ang mga isyong


pangkapaligiran. Ikahon ang nabuong salita sa palaisipan mula sa
talaan na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

climate change global warming landslide


illegal logging polusyon

A N N B N N B I G C I G F G Y C
P A G B A H A N G L A L G R A H
L A N D S L I D E I A O H R M L
E A G B I U L U I M I B N E A S
I G R E E N H O U A E A H N N F
P O N D A U E T A T I L J H G L
L O G U I H G R I E N W U O T U
E G L J O H L I O C G A N E U A
L I I U I H L Y I H D R F S B R
A N N B S N L A N A S M S E I O
L G G G G N O L G N F I D G G C
G R E E N H O U S G G N E A G A
K K G I S Y G S S E I G V A Y R
K K N B F G I A F U I S C S D B
I L L L G A L S G J O P D E T O
L O P O L U S Y O N I L E S A N
I L L E G A L L O G G I N G E S
L A G M I N G N K M I K S E R B

Pahalang
1. Ito ay nagiging sanhi ng pagkasira ng mga pananim at ari-
arian at isa sa mga epekto ng pagkakaingin o pagsusunog sa
kagubatan. Ano ito?
2. Ito ay ang tawag sa mga usok at gamit na langis na

13
nanggagaling sa mga pabrika at mga sasakyan nagdudulot ng
pagdumi ng hangin at pagkasira ng yamang tubig. Ano ito?
3. Ito ay ang walang habas na pagputol ng mga punong kahoy sa
kagubatan at kabundukan ng walang pahintulot sa
pamahalaan. Ano ito?

Pababa
4. Ito ang pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo sanhi
ng mga chlorofluorocarbon. Ano ito?
5. Ang pangunahing sanhi nito ay ang paglaganap ng tinatawag
na “greenhouse gases” sa ating kalawakan. Ano ito?

Tuklasin

Panuto: Mayroon akong inihandang isang tula. Atin itong


babasahin at uunawain. Humanda sa pagsagot sa mga tanong na
nakahanda. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
KALIKASAN: KAYAMANAN KO
Ni: Bailyn T. Guiamelil

Isa kang likha, ginto kung ituring,


Mayaman, sagana at puno ng ningning,
Sambit ng iyong ninuno bago ka dumating,
Alay sa kalikasan na noo’y isang luningning.
Ngayo’y labis ang aking lumbay,
Sa aking mga nasisilayan,
Tunay ngang sayo’y wala nang pagpupugay,
At maituturing na itong sa ami’y kahihiyan.
Katanungang aking nais liwanagin
Bakit nasisira mga kalikasan natin?
Kalikasan ating ingatan at huwag lapastanganin
Sapagkat ito ay bigay ng Diyos na dapat pagyamanin.
Agos ng ilog at sariwang hangin na noo’y nakakamangha

14
Ngayon, akoy di na natutuwa dahil sa basurang nakakabahala
Kagubatang madalas kong pagkunan ng inspirasyon
Ngayo’y nakakalbo na at humihingi ng solusyon
Dati’y malinis na hangin ang iyong hatid,
Ganda ng ulap at kabundukan ay aming batid,
Kaginhawaan ang hatid ng talon sa bawat nagmamasid,
Mga huni ng ibon at hayop sa gubat tila musika ang hatid.
Bakit hindi natin ibalik ang dati nitong ningning,
Malawak, sagana at tunay na marikit,
Marapat iwasan mga bagay na sa kanya’y pasakit,
Dahil ito’y kaloob ng Lumikha mula sa langit.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa tula?
2. Ano-ano ang mga binanggit na nangyayari sa ating
kalikasan?
3. Bakit nangyari ang mga ito sa ating kalikasan?
4. Ano ang tinutukoy ng tula?
5. Ano-ano ang maaaring magagawa natin para sa kalikasan?

Suriin

Kahalagaan ng Matalino at Di-matalinong Pagpapasya sa


Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman ng Bansa

Ang mga likas na yaman na matatagpuan sa iba’t ibang


bahagi ng bansa ay ang pinagkukunan ng ikinabubuhay at
nakatutulong sa mga mamamayan. Napapakinabangan natin ang
mga ito sa pang araw araw na pamumuhay at patuloy na pag-
unlad. Dapat natin itong pangalagaan upang mapakinabangan pa
ito ng mga susunod na salinlahi. Mapapanatiling maunlad ang
ating mga likas na yaman sa pamamagitan ng wastong
pagpapasya sa pangangasiwa nito. May mga paraan ng
pangangasiwa ng mga likas na yaman, ito ay ang matalino at di-

15
matalinong pangangasiwa. Ang matalinong pangangasiwa ng mga
likas na yaman ay makatutulong upang mapanatili itong maunlad
at kapakipakinabang. Ang di-matalinong pangangasiwa ay
gawaing nagdudulot ng pagkasira at di-mabuting epekto sa mga
likas na yaman ng bansa.
Narito ang mga matalino at di-matalinong paraan ng
pangangasiwa ng likas na yaman.
Matalinong Pamaraan ng Pangangasiwa
Ang matalinong paraan ng pangangasiwa sa mga likas na yaman
ay makatutulong upang mapanatili ang mga ito. Ilan sa maaaring
gawin ay ang mga sumusunod:
Mainam na gawin ang hagdan-hagdang pagtatanim
upangmaiwasan ang pagguho ng lupa.
Magtanim ng mga puno sa mga bundok at maging sa mga
bakanteng lote.
Magtatag ng mga sentrong kanlungan para sa mababangis na
hayop at mga ligaw na halaman.
Gawin ang Bio-intensive gardening o paggamit ng organikong
paraan sa pagtatanim kahit sa maliit na espasyo o lupa.
Pagtatatag ng mga sanctuary para sa mga yamang tubig.
Pagpapanatiling malinis ng lahat ng kanal, ilog, at dagat.

Ang 3Rs (reduce, reuse, recycle) ay makakatulong


sa matalinong pangangasiwa ng mga likas na
yaman. Ang Reduce ay ang pagbabawas ng mga
basura sa ating paligid. Ang paghihiway ng mga
nabubulok sa di-nabubulok na basura ay
makatutulong upang mabawasan ang mga basura at
mapakinabangan ang mga ito. Reuse ang maaring gawin sa mga
bagay na patapon na ngunit maaari pang magamit, kumpunihin,
ibigay sa nangangailangan, o ipagbili. Ang recycle naman ang
tawag sa pagbuo ng mga bagong bagay mula sa mga lumang
bagay.
Di Matalinong Pamaraan ng Pangangasiwa

16
Kung may mga gawaing nakakatulong sa pangangalaga ng
kalikasan ay may mga gawain namang lubhang nakakasisira ng
kapaligiran, ito ay ang mga sumusunod:

Pagsunog ng plastik;

Pagtatapon ng basura sa mga kanal, ilog at dagat;

Pagkakaingin;

Pagputol ng mga puno;

Paggamit ng sobrang kemikal sa pananim;

Paggamit ng dinamita, lason o cyanide sa pangingisda;

Pagggamit ng pinong lambat sa pangingisda;

Pagtagas ng langis sa dagat;

Pagtatapon ng mga gamit na langis sa dagat;

Pagtatayo ng mga pabrika, gusali, at pook-alagaan


malapit sa mga ilog at dagat.

Pagyamanin

Gawain: Tamang Larawan sa Tamang Kalalagyan


Panuto: Piliin sa mga larawan na nasa kahon ang matalinong
pangangasiwa ng likas na yaman at di-matalinong pangangasiwa
ng likas na yaman. Isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa
sagutang papel.

A C D E D

17
Matalinong Di-Matalinong
Pangangasiwa Pangangasiwa
Isaisip

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na talata. Punan ng


tamang salita mula sa kahon ang patlang upang mabuo ang diwa
ng pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
pangangasiwa likas na yaman
matalinong henerasyon mapanatili

Ang (1)________________ sa mga (2) ___________________ ng ating


bansa ay nangangailangan ng (3) __________________ pamamaraan.
Ang matalinong pangangasiwa sa likas na yaman ay
makatutulong upang higit na (4)____________________ at mapakinabangan
ang mga ito ng mga susunod pang (5)_____________________.

Isagawa

Gawain: HEP-HEP! HURRAY!


Panuto: Isulat ang HURRAY! kung ang pahayag ay nagpapakita
ng wastong paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman at
HEP! HEP! naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
_________1. bio-intensive gardening
_________2. pagsusunog ng mga basura
_________3. pagrerecycle ng mga plastic bottle
_________4. pagtatanim ng bulaklak sa paligid
_________5. pagtatanim ng mga punong kahoy

19
Tayahin

Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang mga tanong. Isulat ang


titik ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang dalawang paraan ng pangangasiwa?
A. Masipag at di-masipag na paraan ng pangangasiwa
B. Maganda at di-magandang paraan ng pangangasiwa
C. Matalino at di-matalinong na paraan ng pangangasiwa
D. Matulungin at di-matulunging paraan ng pangangasiwa
2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng matalinong
pamamaraan sa pangangasiwa ng likas na yaman?
A. Pagputol ng mga kahoy
B. Pagtanim ng puno sa bundok
C. Paggamit ng dinamita sa pangingisda
D. Pagtapon ng gamit na langis sa kanal, ilog, at dagat
3. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang sa matalinong
pangangasiwa ng likas na yaman?
A. Magtanim ng puno
B. Gawin ang bio-intensive gardening
C. Pagtayo ng sanctuary para sa yamang tubig
D. Pagpapatayo ng mga pabrika o mga bahay sa gilid ng ilog
at dagat
4. Anong gawain o paraan ang makatutulong sa pagpapanatili at
pangangalaga ng likas na yaman?
A. Matalinong pamamaraan ng pangangasiwa ng likas na
yaman
B. Magandang pamamaraan ng pangangasiwa ng likas na
yaman
C. Di matalinong pamamaraan ng pangangasiwa ng likas na
yaman
D. Di magandang pamamaraan ng pangangasiwa ng likas na
yaman
5. Ano ang tawag sa gawain na nagdudulot ng pagkasira ng likas
na yaman?
19
A. Matalinong pamaraan ng pangangasiwa
B. Magandang pamaraan ng pangangasiwa
C. Kaaya-ayang pamaraan ng pangangasiwa
D. Di-matalinong pamaraan ng pangangasiwa

6. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nabibilang sa mga


matalinong pamaraan ng pangangasiwa ng likas na yaman?
A. Paggamit ng dinamita sa pangingisda
B. Gawin ang hagdan-hagdang pagtatanim
C. Pagtatag ng mga sanctuary para sa mga yamang tubig
D. Magtanim ng mga puno sa mga bundok at maging sa mga
bakanteng lote.
7.Si Dindo ay mahilig magtanim ng mga halaman sa kanilang
bakuran at mag-alaga ng mga hayop. Bukod pa doon ay mahilig
din siyang mag-ipon ng mga bagay na sira na ngunit maaari pang
pakinabangan. Ano ang maidudulot ng mga gawain ni Dindo sa
kalikasan?
A. Magiging madumi ang hangin
B. Maraming likas na yaman ang mawawala
C. Masisira ang mga pinagkukunang yaman ng bansa
D. Mapapangalagaan at mapapanatili ang mga likas na yama.
8. Si Lara ay mahilig maglinis sa bahay. Itinatapon niya ang
naipong basura sa tamang lugar. Alin sa mga sumusunod na
pahayag ang nagpapakita ng paraan kung paano siya
nakatutulong sa pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa?
A. Hindi maglilinis ng bahay si Lara.
B. Mahilig maglinis ng bahay si Lara.
C. Sinusunog dapat ni Lara ang mga basura.
D. Itinatapon ni Lara ang naipong basura sa tamang lugar.
9. Si Nora ay madalas maglagay ng inorganic chemical sa kanyang
gulay dahil maraming mga insekto na kumakapit sa kanyang
pananim. Lahat ng natitirang inorganic chemicals ay tinatapon
niya kahit saan. Sa iyong palagay, may mabuti bang naidudulot
ang ginawa ni Nora sa ating kapaligaran at kalusugan? Bakit?
A. Meron po, dahil mabilis na namamatay ang mga insekto.
B. Wala po, dahil nakakasira ito sa kalikasan at kalusugan.

20
C. Wala po, dahil sinasayang niya ang mga inorganic
chemicals.
D. Meron po, dahil nakakatulong ito sa ating kalikasan at
kalusugan.
10.Ang tamang pagpapasya sa pangangasiwa ng mga likas na
yaman ay mahalaga upang mapangalagaan ang mga likas na
yaman ng bansa. Dapat ba nating isagawa ang matalinong
pamaraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman at iwasan
ang mga di-matalinong pamamaraan ng pangangasiwa ng mga
likas na yaman? Bakit?
A. Opo, upang maiwasan ang mga kalamidad.
B. Hindi po, dahil ito ay magdudulot ng kapahamakan sa
likas na yaman ng bansa.
C. Hindi po, dahil makakatulong ito upang makalanghap
tayo ng malinis na hangin.
D. Opo, upang mapanatili ang likas na yaman at
mapakinabangan pa ito ng mga sususnod na salinlahi at para sa
kapakanan ng mga mamamayan ng bansa.

Karagdagang Gawain

Panuto:
Bilang isang mag-aaral, magtala ng mga bagay na maaari mong
gawin at dapat mong iwasan upang mapanatili ang mga likas na
yaman ng bansa. Punan ang venn diagram. Itala sa A ang mga
maari mong gawin at sa B naman ang mga dapat mong iwasan.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga B
A
Likas Mga
Mga Matalinong
na Di-Matalinong
Gawain
Yaman Gawain

21
19
https://www.google.com.
https://books.google.com.ph
https://prezi.com
Aralin Panlipunan 4,Kagamitan ng Mag-aaral pah.136–139
Araling Panlipunan 4, Patnubagy ng Guro pah.62-64
Group, Inc.
Noel P. Miranda, Emily R. Quintosa, Belen P. Dado, et al. n.d. Araling Panlipunan 4. Vibal
Adriano, Ma. Corazon V., Marian A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa,
n.d. https://books.google.com.ph .
n.d. https://prezi.com/p/6p8bglkgkc5g/mga-isyung-pangkapaligiran-ng-bansa/.
Sanggunian
Tayahin Isagawa
Gawain
Pagyamanin Isaisip 1. C
Gawain 1. pangangasiwa 1. HURRAY!
2. B
2. likas na yaman 3. D 2. HEP! HEP!
MATALINO
3. matalinong 4. A 3. HURRAY!
A,B,C 4. mapanatili 5. D 4. HURRAY!
5. henerasyon 6. A
7. D
5. HURRAY!
DI-MATALINO
8. D
D,E 9. B Aralin 2
10. D
Pagyamanin
Tayahin
Isaisip 1. D 1.E
2. C
Gawain 3. D 2.D
Balikan 1. global warming 4. B
1. B 2. greenhouse 3.C
5. B
2. D gasses 6. D 4.B
3. B 3. hangin 7. B
4. D 4. dinamita 8. D 5.A
5. D 5. deforestation 9. D
10. D Isagawa
Subukin Tuklasin
1. Mga likas na yaman Gawain
1. B 1. Paglilinis ng tambutso ng
2. Dahil sa walang tigil ng pagtapon ng
2. B mga sasakyan.
basura
3. A 2. Pagrerecycle ng mga
4. D 3. Sa patuloy na pagpuputol ng kahoy
4. Ang mga taong gahaman sa basura.
5. A 3. Reforestation
6. A kayamanan at pagsasamantala
5. Maibalik ang dating Pilipinas. 4. Paglilibing ng mga patay
7. D na hayop sa lupa.
6. Oo, tumulong sa pagpapaalaala na
8. B 5. Paggamit ng lambat na
9. B tigilan ang mga gaweaing nakasira
may tamang laki ng
10. D sa kapaligiran. butas.
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito
ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa
pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
prosesong paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Printed in the Philippines by Department of Education –
SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: [email protected]

You might also like