Filipino 10: Ikaapat Na Markahan - Modyul 7

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
El Filibusterismo
(Si Simoun)

Self-Learning Module
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: El Filibusterismo (Si Simoun)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod ng Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lhean P. Fernando
Editor: Dulce M. Esteban
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Dulce M. Esteban,
Joanne M. Nunez
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Gerwin L. Cortez,
Bernadeth D. Magat
Tagsuri ng Disenyo
at Balangkas: Emmanuel DG. Castro
Tagaguhit Kimberly S. Liwag, Darwin G. Gonzales
at Tagalapat: Lhean P. Fernando
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan

Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telephone Number: (044)-486-7910
E-mail Address: [email protected]
Alamin

Ang modyul na ito ay inihanda upang matulungan kang unawain ang


mga aralin sa Filipino Baitang 10 at upang malinang ang iyong kasanayan
hinggil sa pamantayan sa bawat aralin.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. nasusuri ang tauhan na may kaugnayan sa: mga hilig/interes
kawilihan/kagalakan kasiglahan/pagkainip pagkayamot;
pagkatakot; pagkapoot; pagkaaliw/pagkalibang at iba pa (F1OPU-
IVg-h-88);
2. nailalarawan ang mga tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-
uring umaakit sa imahinasyon at mga pandama (F10PB-IVi-j-83); at
3. naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang
angkop na mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng
saloobin/damdamin (F10WG-IVd-e-80).

Subukin

Magandang araw! Kumusta ka? Batid kong nasasabik ka na sa bago


nating aralin ngunit bago ka magsimula, halina’t subukin muna natin ang
iyong kaalaman ukol dito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at sitwasyon.


Piliin at isulat sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.

1. “Sa nakikita ko, kapag iyan ay isinagawa, pagmumulan iyan ng


pag-aalsa ng mga tao.” Ang salitang hudyat na ginamit sa pahayag
ay ___________.
A. sa nakikita ko C. pagmumulan iyan
B. kapag iyan ay D. pag-aalsa ng mga

1
2. “Sa pakiwari ko, mabuti kung humukay ng malalim na kanal mula
sa bunganga ng Ilog Pasig hanggang sa labasan na maglalagos sa
Maynila, at ang lupang mahuhukay ay itatabon sa dating ilog.”
Ang ginamit na salitang hudyat sa pahayag ay ___________.
A. itatabon sa C. maglalagos sa
B. mabuti kung D. sa pakiwari ko

3. “Ginoo, hindi ko maitatatwa na malaking karangalan sa akin ang


pagtapatan mo ng iyong lihim, ngunit hindi ko magagampanan ang
iyong hinihiling.” Ang salitang hudyat na ginamit ay ___________.
A. hindi ko maitatatwa na
B. malaking karangalan sa
C. Ginoo, hindi ko maitatatwa na
D. ngunit hindi ko magagampanan

4. “Kung hindi ako nagkakamali ay naipagbili nang lahat ng aking


anak na si Huli ang lahat ng alahas maliban na lamang sa agnos
na bigay sa kaniya ni Basilio.” Ang ginamit na salitang hudyat sa
pahayag ay ___________.
A. naipagbili nang lahat
B. maliban na lamang sa
C. hindi ako nagkakamali
D. kung hindi ako nagkakamali

5. Napag-usapan din nila si Paulita Gomez, ang pamangkin ni Donya


Victorina at kasintahan ni Isagani na ubod ng ganda, mayaman at
may pinag-aralan. Ang salitang naglalarawan sa pinag-uusapang
tauhan sa tagpo ay ___________.
A. ubod ng ganda
B. may pinag-aralan
C. mayaman at may pinag-aralan
D. pamangkin ni Donya Victorina

6. Katabi nila ang maleta, bakol, mga kahong lalagyan ng


kargamento, at malapit sila sa maingay at mainit na makina. Ang
salitang makapaglalarawan sa tagpong ito ay ___________.
A. tabi ng maleta
B. bakol at mga kahon
C. lalagyan ng cargamento
D. maingay at mainit na makina

2
7. Pumasok ang bapor sa lawa. Lubhang napakaganda ng tanawin sa
paligid. Namangha ang mga nakatingin. Ang salitang naglalarawan
sa tagpo ay ____________.
A. tanawin sa paligid
B. pumasok ang bapor
C. lubhang napakaganda
D. namangha ang mga nakatingin

8. Hilig ng heneral ang pangangaso subalit isa mang usa, baboy


ramo, daga o ibon ay wala siyang nahuli kaya iniutos niya na
bumalik na sila sa Los Baňos. Ang tagpo ay nagpapakita na ang
heneral ay ____________.
A. naaaliw sa nakikita
B. nagagalit sa mga kasama
C. nakararamdam ng pagkainip
D. may interes o hilig sa pangangaso

9. Sa pagkainis ni Padre Camorra, siya ay biglang tumayo at ipinukol


ang baraha sa ulo ni Padre Irene. Ang pahayag ay nagpapakita na
si Padre Camorra ay _____________.
A. naiinis sa mga kalaro
B. naiinip kapag naglalaro
C. may hilig o interes sa paglalaro
D. naaaliw sa panonood ng naglalaro

10. Sa huling araw ng Disyembre, sila ay naglaro ng baraha o tresilyo.


Ang kalaro ng heneral ay sina Padre Irene, Padre Sibyla at Padre
Camorra. Libangan nila ang paglalaro ng baraha. Ang pahayag ay
nagpapakita na ang mga pari ay ____________.
A. naiinip sa paglalaro
B. nalilibang sa paglalaro
C. natutuwa sa mga kalaro
D. nayayamot sa mga kalaro

Binabati kita sa pagsagot mo sa ating unang gawain. Batid kong


handang-handa ka na sa ating aralin. Halina’t umpisahan mo nang
palawakin ang iyong kaalaman!

3
Aralin
El Filibusterismo
1 (Si Simoun)

Mahalaga ang kaalaman ukol sa wastong paggamit ng mga pahayag


upang maging malinaw at makabuluhan ang ating pakikipagtalastasan. Sa
araling ito, iyong matututuhan ang paksa tungkol sa mga salitang hudyat
sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin at mga pang-uring umaakit sa
imahinasyon at pandama.

Mababasa mo rin ang mga piling kabanata ng El Filibusterismo na


may kaugnayan kay Simoun.

Handa ka na ba? Halina’t simulan mo na ang pag-aaral!

Balikan

Bago natin pag-aralan ang nilalaman ng modyul, iyo munang balikan


ang nakaraang aralin. Binabati kita sa iyong matagumpay na pag-aaral
tungkol sa mga piling kabanata na kinasangkutan ni Padre Florentino.
Ngayon, alamin muna natin ang iyong natutuhan tungkol dito sa
pamamagitan ng sumusunod na gawain. Halika, simulan mo na!

Panuto: Isa-isahin ang mahahalagang pangyayari upang makabuo ng isang


buod ng mga kabanatang may kaugnayan kay Padre Florentino. Kopyahin
ang grapikong pantulong at isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Padre Florentino

__________ __________
__________ __________ __________
__________ __________ __________
__________ __________ ________
___ _______

4
Tuklasin

Mahusay! Binabati kita sapagkat napatunayan mong natutuhan


mong mabuti ang ating nakaraang aralin.

Ngayon ay dadako na tayo sa panibagong aralin at bilang panimula,


nais kong alamin muna ang pauna mong kaalaman tungkol dito.

Panuto: Pagmasdan mong mabuti ang larawan sa ibaba at sagutin ang


sumusunod na katanungang may kaugnayan dito.

1. Batay sa larawan, ano kaya ang ugnayan nila sa bawat isa?


2. Ibigay ang mga katangiang panlabas ng mga tao sa larawan.
3. May nababanaag ka bang galit o poot sa isa sa kanila? Bakit mo
ito nasabi?
4. Sa iyong palagay, bakit may tao sa larawan na may dalawang
mukha?
5. Ihayag ang iyong saloobin tungkol sa larawan.

Mahusay! Natitiyak ko ngayon na handang-handa ka na sa bagong


aralin. Maraming kaalaman ang tatanim sa iyong isipan sa modyul na ito.
Halina’t simulan mo na.

5
Suriin

Sadyang napakahalagang maipahayag natin ang ating saloobin,


damdamin, at mithiin. Hindi masamang lumaban para sa bayan at sa mga
naaapi. Ang masama ay gumamit tayo ng karahasan sa pag-abot ng ating
mithiin para sa ating mahal na bayan.
Hindi sa lahat ng pakikipaglaban, ang panalo’y nakakamit natin.
Lahat tayo ay nakararanas na mabigo. Darating sa puntong nawawalan ka
na ng pag-asa at pinanghihinaan na ng loob. Maaaring madapa ngunit hindi
ito nangangahulugan na hindi ka na babangon. Hindi mahalaga kung ilang
beses ka nang nabigo, ang mahalaga ay kung paano ka bumangon at
nagsimulang muli.
Bago mo simulang basahin ang mga piling kabanatang may
kaugnayan kay Simoun, ang pangunahing tauhan sa nobelang El
Filibusterismo, bigyan muna natin ng pagpapakahulugan ang ilang mga
salitang matatagpuan sa akda upang lubos mong maunawaan ang bawat
kabanata.
Talasalitaan:
1. beateryo – kumbento
2. presidiyaryo – guwardiya o tagabantay
3. arsobispo –mataas na katayuan o ranggo sa simbahang
____________________Katoliko
4. tulisan – taong kumakalaban sa pamahalaan
5. agnos – kuwintas
6. pag-aglahi – pagkutya o pangmamaliit
7. tresilyo – sugal na nilalaro gamit ang baraha
8. kalatas – liham o sulat
9. azotea – balkonahe
10. lagapak – malakas na pagbagsak

Kabanata 1:
Sa Cubierta
Isang umaga ng Disyembre, ang bapor Tabo, na sinasabing “daong ng
pamahalaan” ay hirap na hirap na sumasalungat sa mabilis na agos ng Ilog
Pasig. Gawa ito sa bakal kaya sobra ang bigat nito. Marami ang sakay nito
na ihahatid sa Laguna. Sa cubierta ng barko nag-uusap sina Donya
Victorina, Don Custodio, Ben Zayb, na isang manunulat, Padre Salvi, Padre
Sibyla, Padre Camorra, Padre Irene, at ang mag-aalahas na si Simoun.

6
Sa kanilang talakayan, ay
pinag-usapan nila ang
pagtutuwid ng Ilog Pasig at ang
mga gawain ng Obras del Puerto.
“Sa pakiwari ko, Mabuti
kung humukay ng malalim na
kanal mula sa bunganga ng Ilog
Pasig hanggang sa labasan na
maglalagos sa Maynila, at ang
lupang mahuhukay ay itatabon
sa dating ilog. Sa ganitong
paraan, iikli ang biyahe at
mawawala ang bahaging
mababaw na nakapipigil sa daloy
ng tubig. Hindi magiging
problema ang gastos sa paggawa
sapagkat pagtatrabahuhin ng
libre ang mga bilanggo at presidiyaryo. Kung kulang pa ang mga ito,
magtatrabaho din ang taumbayan ng sapilitan at libre.” Mungkahi ni
Simoun.
Sumabad si Ben Zayb sa ganitong panukala ni Simoun at sinabing ito
ay isang panukalang yankee.
Hindi rin sang-ayon si Don Custodio sa panukala. “Hindi maaari iyan.
Sa nakikita ko, kapag iyan ay isinagawa, pagmumulan iyan ng pag-aalsa ng
mga tao. Sa pakiwari ko mas mainam kung ang lahat ng bayan na nasa
baybayin ng ilog ay pag-aalagain ng mga itik upang lumalim ang lawa sa
pagkuha nila ng mga susong pangunahing kinakain ng mga ito.”
“Napakagandang panukala. Maaari ko ba iyang ilathala?” tanong ni
Ben Zaybe kay Don Custodio. Ngunit bago nakasagot ang Don ay sumabad
na si Donya Victorina at walang gatol na tinutulan ang mungkahi at
sinabing, “Kung ang lahat ng tao ay mag-aalaga ng itik, ako ay sigurado na
darami rin ang balot na aking pinandidirihan. Mas Mabuti pang matabunan
na lamang ng buhangin ang lawa!”

Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Cubierta


Karamihan sa mga pasahero ng barko ay nasa ilalim o silong ng
kubyerta. Katabi nila ang maleta, bakol, mga kahon na lalagyan ng
cargamento, at malapit sila sa maingay at mainit na makina. Kaya
nagkakahalo ang singaw ng nasusunog na langis at ang amoy ng mga taong
nakasakay. Ang ganitong tanawin ay karaniwan na sa mga sasakyang
pantubig.

7
Pinuntahan ni Simoun
ang ibaba ng cubierta. Naroon
ang dalawang mag-aaral, si
Basilio na nag-aaral ng medisina
at mahusay na manggagamot, at
ang isang katatapos pa lamang
sa Ateneo, isang makata, si
Isagani. Kausap nila si Kapitan
Basilio. Napag-usapan nila ang
hindi bumubuting lagay ni
Kapitan Tiyago.
Nabaling ang usapan sa
paaralang balak ipatayo ng mga
mag-aaral tungkol sa pagtuturo
ng wikang Espanyol. Hindi raw
iyon magtatagumpay ayon kay kapitan Basilio, na sinalungat naman ng
dalawa. Lumayo na sa dalawa ang matandang Basilio. Napag-usapan rin
nila si Paulita Gomez, ang pamangkin ni Donya Victorina at kasinatahan ni
Isagani na ubod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan.
Lumapit si Simoun at kinausap ang magkaibigan. Ipinakilala ni
Basilio kay Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na hindi niya nadadalaw
ang lalawigan nina Basilio sapagkat ang lalawigang ito’y mahirap at di
makabibili ng alahas. Matigas na tumutol si Isagani sa pagsasabing, “Hindi
kami namimili ng alahas dahil hindi namin kailangan.” Napangiti si
Simoun. Nasabi raw niyang mahirap ang lalawigan, dahil ang mga pari sa
simbahan ay Pilipino.
Inanyayahan ni Simoun ang dalawa na uminom ng cerbeza ngunit
tumanggi ang mga ito. Sinabi ni Simoun na ayon kay Padre Camorra na
kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil palainom ng tubig at hindi ng
cerbeza, sinabi naman ni Isagani rito na, ipasabi raw nito sa pari na
makabubuti kay Camorra na uminom ng tubig upang mawala ang mga
sanhi ng bulong-bulungan tungkol sa kaniya. Dinagdag pa ni Basilio na,
“Ang tubig ay lumulunod sa alak at sa cerbeza na pumapatay ng apoy; na
kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na karagatan at
gumugunaw ng santinakpan.”
Nang umalis Simoun, may dumating na utusan. Ipinatatawag raw ni
Padre Florentino ang pamangkin, si Isagani. Ang pari ay anak mayaman,
nabibilang sa alta sosyedad sa Maynila. Naging pari dahil panata ng
kaniyang ina. Sa gulang na 25 ay naging pari na siya. Namuhay siya sa
baybayin ng Dagat Pasipiko kung saan inaruga niya ang pamangking si
Isagani.

8
Kabanata 3:
Mga Alamat

Nang umakyat si Padre Florentino ay dinatnan niyang nagtatawanan


ang mga nasa itaas ng cubierta. Ayon kay Simoun, wala raw kuwenta para
sa kaniya ang alinmang pook kung walang alamat. Isinalaysay ng kapitan
ng bapor ang alamat ng Malapad na Bato. Ayon sa kaniya, ito raw ay banal
na katutubo noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang panahanan
daw ito ng mga tulisan ay nawala ang takot ng katutubo sa mga espiritu.
Sinabi ng kapitan na may
isa pang alamat na tungkol ay
Donya Geronima. Si Padre
Florentino ang nahingang
magkuwento tungkol dito. Ayon
sa kaniya, “Noong araw ay may
magkasintahan sa Espanya.
Nangako ang lalaki sa babae na
pakakasalan siya nito.
Naghintay ang babae ng
maraming taon hanggang
kumupas ang kaniyang
kabataan. Isang araw
nabalitaan niyang ang lalaking kaniyang hinihintay ay isa na palang
arsobispo sa Maynila. Nagbalatkayo siya upang makausap ang arsobispo at
hininging tuparin nito ang pangako. Imposible ang gusto niyang mangyari
kaya ipinahanda ng arsobispo ang kuweba. Doon nanirahan, namatay at
inilibing ang Donya. Nang matibag ang bunganga ng kuweba, unti-unting
nawala sa alaala ng mga indiyo si Donya Geronima.”
Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit din si Donya Victorina
na ibig din manirahan sa kuweba. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi, “Ano
sa palagay ninyo Padre Salvi, hindi ba’t mas mainam kung sa beateryo
nalang siya itinago gaya ng sa Sta. Cruz imbis na sa tagong lugar?” Ayon
kay Padre Salvi ay hindi siya makakahatol sa mga ginawa ng arsobispo. Mas
maganda raw ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Tsino sa
pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan ng intsik ang
santo.
Pumasok ang bapor sa lawa. Lubhang napakaganda ng tanawin sa
paligid. Namangha ang mga nakatingin. Tinanong ni Ben Zayb ang kapitan
ng barko, “Kapitan, alam ba ninyo kung saang dako ng lawa napatay ang
isang nagngangalang Guevarra, Navarra o Ibarra?”
Tinuro ng kapitan ang isang lugar. “Ako’y sigurado na nakasama na
ng ama ang bangkay ng kaniyang anak.” Saad ni Padre Sibyla. “Iyon na
marahil ang pinakamurang libing.” Natatawang wika ni Ben Zayb. Habang

9
si Simoun naman ay namutla at nawalan ng kibo. Ipinalagay ng kapitan ng
bapor na si Simoun ay nahilo dahil sa paglalakbay.

Kabanata 7:
Si Simoun

Pabalik na si Basilio ng bayan nang may nabanaag na liwanag sa


gubat at may narinig na mga yabag. Pumunta ang anino sa kanyang
kinaroroonan. Nagtago ito at nakitang nandoon si Simoun na mag-aalahas.
Inalis nito ang kanyang salamin at
nag-umpisa sa paghuhukay.

Habang pinanonood ni Basilio


si Simoun ay may nagbalik na ala-ala
sa kanya labing tatlong taon na ang
nakalipas. Siya ang tumulong sa
paglilibing sa kaniyang ina na si Sisa
at kay Elias.

Nagulantang si Basilio sa
kanyang natuklasan ngunit ito ay
lumapit upang tumulong nang
makita niyang pagod at patigil-tigil
na si Simoun sa paghuhukay.
Nagpakilala si Basilio at sinabing;
“Labintatlong taon na po ngayon nang ating ilibing ang aking ina sa pook na
ito at ikaliligaya ko kung ako’y makaganti naman sa inyo.”

Binalak ni Simoun na patayin si Basilio upang manatili ang kanyang


lihim ngunit alam niyang parehas lang sila ni Basilio na nais
makapaghiganti. “Basilio, nakababatid ka ng isang lihim na maaaring
ikasawi ko. Hindi kita papatayin sa pag-asang hindi ko ito pagsisihan.”

Sinabi ni Basilio kay Simoun ang kanilang plano na pagpapatayo ng


paaralan ng wikang Kastila.

“A! kabataan na walang karanasan at mapangarapin. Hinihingi ninyo


ang wikang Kastila, ngunit anong magiging hangarin ninyo? Ano ang inyong
mapapala? Upang lalong hindi kayo magkaintindihan?” Wika ni Simoun.

10
“Hindi po, kung dahil sa Kastila ay mapapalapit tayo sa pamahalaan,
magiging sanhi ito ng paglalapit-lapit ng mga pulo.” Saad ni Basilio

“Isang pagkakamali! Ano ang gagawin ninyo sa wikang kastila?


Patayin ang wikang katutubo? Lalo kayong magiging alipin! Sa halip ay
tulungan mo ako. Gamitin mo ang iyong lakas sa kabataan upang
kalabanin ang mga lihis na akala. Iyan ang dahilan kung bakit ikaw ay nais
kong mabuhay pa.” Ani Simoun.

“Ginoo, hindi ko maitatatwa na malaking karangalan sa akin ang


pagtapatan mo ng iyong lihim, ngunit hindi ko magagampanan ang iyong
hinihiling. Ang hangarin ko lamang ay gamutin ang mga sakit ng aking mga
kababayan.” Sambit ni Basilio.

“Kahit hindi ka handa sa aking hinihintay na pag-asa, sa araw na


magbago ka ng paniniwala ay hanapin mo ako sa aking tahanan sa Escolta
at paglilingkuran kita nang buong-puso.” Sagot ni Simoun.

Kabanata 10:
Kayamanan at Karalitaan

Nagtaka ang buong bayan sapagkat ang mag-aalahas na si Simoun ay


sa bahay ni Kabesang Tales tumuloy. Tinanong ni Simoun si Tales kung ang
kaniyang baril ay sapat nang panlaban sa mga tulisan.

Dumating si Kapitan
Basilio kasama ang
kaniyan g asawa, anak na
si Sinang at ang kaniyang
manugang na handang
gumastos ng tatlong libo
para sa pagbili ng alahas.
Naroon din si Hermana
Penchang upang bumili ng
singsing na brilyante.

Tinanong ni Simoun
si Tales, “Kayo Kabesang
Tales, wala ba kayong
alahas na ipagbibili sa
akin?”

11
Sinagot naman ito ni Tales at sinabing, “Kung hindi ako nagkakamali
ay naipagbili nang lahat ng aking anak na si Huli ang lahat ng alahas
maliban na lamang sa agnos na bigay sa kaniya ni Basilio.”

Ipinakita ni Tales ang agnos kay Simoun. Tinitigan niya itong mabuti.
Hindi siya nagkakamali, iyon nga ang agnos ni Maria Clara. Nais ni Simoun
ang agnos kaya tinawaran niya ito. Isasangguni raw muna ito ni Tales kay
Huli.

Lumabas si Tales nang magtatakip-silim na upang puntahan si Huli


sa bahay ni Hermana Pengchang upang tanungin kung nais niyang ipagbili
ang agnos. Buhat sa malayo, tanaw niya ang paring namamahala ng
asyenda at ang taong nagsasaka sa dati niyang lupain. Bigla siyang
nakaramdam ng galit sa kaniyang dibdib. Sinundan niya ang dalawa.

Samantala, maghahating gabi ay hindi pa bumabalik si Tales. Nainip


na si Simoun hanggang sa makatulog. Kinaumagahan, nang magising siya,
wala na ang kaniyang baril. Sa halip isang sulat ang kaniyang natagpuan
buhat kay Tales na nagsasabing kinuha niya ang baril upang gamitin sa
panunulisan. Iniwan niya ang agnos bilang kapalit. Tiningnan ito ni Simoun
nang buong pagsuyo.

“Sa wakas, natagpuan ko na ang taong aking hinahanap.” Naibulong


ni Simoun sa sarili. Iniutos nya sa kaniyang mga bataan na dalhin sa Los
Baňos ang kaha ng alahas at doon siya hintayin. Samantala, may dumating
na mga sibil sa bahay ni Tales upang dakpin ito. Subalit wala si Tales kaya
si Tandang Selo ang dinakip ng apat na sibil.

Tatlo ang pinatay nang gabing iyon. Si Padre Clemente, ang


tagapangisiwa sa asyenda at ang bagong magsasaka sa lupa ni Tales. Basag
ang bungo ng mga ito at puno ng lupa ang kanilang mga bibig. Ang isa pang
bangkay ay pugot ang ulo at sa tabi ay mayroong papel na salitang
nakasulat sa dugo na “Tales.”

Kabanata 11:

Los Baňos

Ang Kapitan-Heneral at Gobernador ng Pilipinas, kasama ang banda


ng musiko ay nangaso sa Busubuso. Hilig ng heneral ang pangangaso
subalit isa mang usa, baboy-ramo, daga at ibon ay wala siyang nahuli kaya
iniutos niya na bumalik na sila sa Los Baňos. Sa kanilang paglalakbay,

12
ipinagyabang niya ang kaniyang kahusayan sa pangangaso sa Peninsula
kasabay ng pag-aglahi niya sa pangasuhan sa Pilipinas.

Sa huling araw ng
Disyembre, sila ay naglaro ng
baraha o tresilyo. Ang kalaro ng
heneral ay sila Padre Irene,
Padre Sibyla at Padre Camorra.
Libangan nila ang paglalaro ng
baraha. Gusto ng mga pari na
bigyan ng kasiyahan ang
heneral kaya kusang
nagpapatalo sina Padre Irene at
Padre Sibyla, samantalang
nagpuputok naman ang butse
ni Padre Camorra. Lingid sa
kaniyang kaalaman ang
dalawang pari ay nagsisipsip sa kapitan tungkol sa Akademya ng Wikang
Kastila na nais ng mga mag-aaral.

Samantala, si Don Custodio ay pabalik-balik sa sala. Naroon din ang


isang mataas na kawaning si Padre Fernandez. Sa katabing kuwarto ay
naglalaro naman sina Simoun at Ben Zayb ng bilyar. Sa pagkainis ni Padre
Camorra ito ay biglang tumayo at ipinukol ang baraha sa ulo ni Padre Irene.
Inanyayahan si Simoun ng huli na pumalit sa pakikipagsugal kay Padre
Camorra at ang itataya nito ay ang kaniyang mga brilyante.

Nagkaroon ng pagpaparingganan sa pagitan ng mga prayle at Sinabi


ni Simoun; “Sa ganang akin, ang karangalan ay nasa mga tulisang bundok
at ang kasamaan naman ay nasa tulisang bayan.”

Bago pa uminit ang usapan, ninais na ng heneral na tapusin ang


mga problemang dapat bigyan ng kalutasan. Pinagtibay ng heneral ang
kaagad na pagbabawal ng paggamit ng armas. Pagkaraan ay pinag-usapan
nila ang tungkol sa iminumungkahing Akademya ng Wikang Kastila.
Nagkaroon sila ng balitaktakan tungkol sa isyung ito. Ayon kay Padre
Fernandez ang pagtuturo ng Wikang Kastila ay hindi makapagpapabagsak
sa mga dominiko at iminumungkahi niyang tularan na lamang nila ang mga
Heswita. Pero sinansala ni Padre Sibyla sa pagsasabing magpransiskano na
lamang sila o kahit na ano, huwag lamang maging Heswita.

13
Ang kanina pa gustong magsalitang kawani ay magiliw na hinihiling
sa kapitan na palayain na si Tandang Selo. Pinagtibay ng heneral ang
kahilingan at nagbigay ng tagubilin na padalhan ng liham ang tinyente ng
guwardiya sibil upang pawalan na ito. Idinagdag pa ng heneral na siya ay
maawaing tao at iniiwasan niyang sabihin ng mga tao na siya ay malupit.

Kabanata 16 – Ang Mga Kapighatian ng Isang Tsino

Si Quiroga, isang negosyanteng


Intsik na naghahangad magkaroon ng
konsulado ang kaniyang bansa, ay
naghandog ng isang hapunan.
Dinaluhan ito ng mga tanyag na
panauhin, mga kilalang mangangalakal,
mga prayle, mga military, at mga kawani
ng pamahalaan na lahat ay pawang
kaniyang mga suki. Dumalo rin si
Simoun sa handaan at nang tanungin
niya si Quiroga tungkol sa mga pulseras
na kinuha nito sa kaniya, sinabi nitong,
“Sinyo Simoun! Akyen lugi, akyen
maksak!”

“Ano, nalugi kayo at bumagsak Quiroga? Ganoon pala’y ano’t


kayraming botelya ng tsampan at mga panauhin?” Sagot ni Simoun.

Dinala ni Quiroga si Simoun sa isang silid at dito ipinaliwanag ng


Tsinoy ang sanhi ng kaniyang kalungkutan. Aniya, naibigay niya sa isang
maganda at kabigha-bighaning babaeng kaibigan ng isang
makapangyarihang lalaki ang tatlong pulseras. Matapos ay inilahad pa niya
ang mga pautang niya na hindi binabayaran.

“Hay naku! Nangangailangan pa naman ako ng salapi at inaakalang


mababayaran ninyo ako. Ngunit ang lahat ay maaayos. Ayoko namang
bumagsak kayo sa maliit na halagang iyan. Siya, gagawin kong pito ang
utang ninyong siyam na libong piso. Kailangan ko lamang na ipasok ninyo
ang ilang kahon ng baril na dumating ngayong gabi. Ibig kong itago sa
inyong tindahan. Hindi magkasyang lahat sa aking bahay.” Saad ni Simoun.

Nagulumihanan si Quiroga sa narinig. “Huwag kayong matakot. Hindi


kayo mananagot. Ang mga armas na ito’y itatago sa iba-ibang bahay nang
unti-unti, at pagkatapos ay gagawa ng pagsisiyasat at marami ang

14
ibibilanggo. Marami tayong kikitain sa paglalakad na makawala ang mga
napipiit. Alam na ninyo?” Pangungumbinsi ni Simoun kay Quiroga.

Ngunit bantulot si Quiroga dahil takot siya sa armas. “Kung hindi


ninyo magagawa’y sa iba ako lalapit. Ngunit kakailanganin ko ang siyam na
libong piso upang ipandulas ng kamay at ipampikit ng mga mata.” Wika ni
Simoun.

Napapayag din ni Simoun si Quiroga. Samantala sa sala ang pangkat


ni Don Custodio ay nag-uusap tungkol sa komisyong ipadadala sa India
para pag-aralan ang paggawa ng sapatos ng mga sundalo. Sa umpukang
kinabibilangan naman ng mga prayle, pinag-uusapan naman ang tungkol
sa ulong nagsasalita sa perya sa Quiapo na pinamamahalaan ng
Amerikanong si Mr. Leeds.

Kabanata 35 :
Ang Piging

Pumanaog si Simoun sa kalesa na dala-dala ang lampara ng


kamatayan. Dahan dahan nitong binagtas ang silong na yuko ang ulo. Sa
may hagdanan, tumigil ito na waring nag-aalinlangan. Ngunit sandali
lamang iyon sapagkat ang mag-aalahas ay taas-ulong pumanhik sa bahay.

Samantala ninais ni Basilio na


pumanhik sa itaas subalit nalimot
niya ang madungis niyang kasuotan
kaya’t pinigil siya ng mga guwardiya.
Mabilis namang lumisan si Simoun
sa lugar at nagpahatid sa Escolta
pagkatapos niyang mailagay ang
lampara sa hapag.

Habang nasa labas ay nakita ni


Basilio si Isagani. Dito niya
ipinagtapat ang mangyayari. “Isagani! Isagani, pakinggan mo ako; huwag
tayong mag-aksaya ng panahon! Ang bahay na iyan ay puno ng pulbura,
sasabog na! Mamamatay ang lahat. Natatanaw mo ba ang ilaw na puting
iyon na nagmumula sa azotea? Iyan ang ilaw ng kamatayan! Ilawang may
lamang dinamita. Puputok iyan, ni isang daga’y hindi maililigtas. Halika
na!”

15
“Ayoko! Ibig kong dumito. Ibig ko siyang makita sa huling sandali.
Sapagkat bukas ay iba na siya.” Malungkot na wila ni Isagani.

“Kung gayo’y natupad na ang itinadhana.” Sambit ni Basilio.

Samantala, sa hapag-kainan ng mga diyos-diyosan ay isang kalatas


na may titik ng tintang pula ang nagpalipat-lipat sa mga kamay ng mga
panauhin. Ang nakasaad sa kalatas ay Mane Thecel Phares! At may lagda
ito ni Juan Crisostomo Ibarra.

“Juan Crisostomo Ibarra? Sino siya? Tanong ng Kapitan Heneral.

“Isang napakasamang biro! Ilagda ang pangalan ng isang


pilibusterong mahigit nang sampung taong namamatay! Isang birong
maaaring magbunga ng kaguluhan.” Saad ni Don Custodio.

Padre Salvi, nakikilala ba ninyo ang pirma ng inyong kaibigan? Anong


nangyayari sa inyo?” Tanong ni Padre Florentino kay Padre Salvi na noo’y
namumutla.

“Iyan ang kaniyang pirma. Iyan ang tunay na sulat ni Ibarra.” Sagot
ni Padre Salvi.

“Sa palagay ko, ang Mane Tecel Fares na iyan ay hindi


nangangahulugang papatayin tayong lahat ngayong gabi.” Wika ni Don
Custodio

“Subalit maaari tayong malason.” Saad ng isa sa mga bisita.

Samantala, unti-unti nang lumalamlam ang liwanag ng lampara.

“Mamamatay na Padre Irene. Ipakitaas ninyo ang mitsa.” Utos ng


Kapitan Heneral.

Noon nama’y mabilis na tila kidlat na pumasok ang isang anino. Sa


gitna ng pagkabigla ng lahat ay sinunggaban nito ang lampara, tumakbo sa
azotea at inihagis ito sa ilog. Naganap ang lahat sa isang kisapmata lamang.
Higit pang naging mas mabilis ang anino sa kaniyang pag-igpaw sa mga
pader at pagtalon sa ilog. Ang lagapak ng katawan sa tubig ay lumikha ng
ingay na narinig sa azotea.

16
Kabanata 39:
Ang Wakas

Naiwang malungkot si Padre Florentino dahil sa pag-alis ng kaniyang


kaibigan na si Don Tiburcio. Si Don Tiburcio ay umalis upang magtago dahil
sa pag-aakalang siya ang
darakpin sa gabing iyon.

Umaga ng araw na
iyon ay nakatanggap ng
telegrama si Padre
Florentino galing sa
tinyente ng guwardiya sibil.
Dahil hindi masyadong
malinaw ang nakalahad sa
telegrama, inakala ni Don
Tiburcio na siya ang
tinutukoy bagama’t si Simoun ang nabanggit.

Dalawang araw na ang nakararaan nang sugatang dumating si


Simoun sa bayan ni Padre Florentino. Sapagkat di pa nakatatanggap ng
balita ang pari ay inakala nitong may naghiganti na kay Simoun dahil wala
na ang Kapitan Heneral.

Naitanong din ng pari sa kaniyang sarili kung ano ang sanhi ng mga
sugat nito. Mas lalo pang naghinala ang pari na tumakas nga si Simoun sa
mga sibil na umuusig sa kanya nang matanggap nito ang sulat at dahil
ayaw ni Simoun na magpadala sa ospital upang doon magpagamot.

Inisip ni Padre Florentino ang ibig sabihin ng pakutyang ngiti ni


Simoun nang malaman nito ang laman ng telegrama at sa ikawalo ng gabi
darating ang mga darakip.

Nilimot ng pari ang ‘di pagpansin noon ni Simoun sa pakiusap nitong


tulong upang mapalaya si Isagani. Maging ang ginawa ni Simoun upang
mapadali ang pagpapakasal nina Juanito Pelaez at Paulita Gomez na lubos
na dinamdam ni Isagani ay nilimot niya din.

Pumasok ang pari sa silid ni Simoun. Hindi na maaninag ang


mapangutyang mukha nito. Natuklasan ng pari na uminom si Simoun ng
lason at tinitiis lamang niya ang sakit na dulot nito.

17
Nagtangka pa itong humanap ng lunas ngunit nakiusap nalang na
huwag nang mag-aksaya ng panahon at dahil ayaw niyang mahuli siya ng
mga sibil na buhay. Sinabi ni Simoun na mayroon siyang lihim na
ipagtatapat. Sinabi niyang siya
ay si Juan Crisostomo Ibarra.

Panandaliang nagulat
ang pari. Naupo ito malapit sa
ulunan ni Simoun at nakinig
sa salaysay nito.

“Labintatlong taon akong


namalagi sa Europa. Bumalik
ako sa Pilipinas dala-dala ang
bagong pag-asa. Handa na
akong patawarin ang lahat ng
nagkasala sa akin at umuwi
ako para pakasalan si Maria
Clara. Ngunit dahil sa isang
kaguluhan na likha ng aking mga kaaway ay nawala ang lahat sa akin.
Iniligtas lamang ako sa kamatayan ng isang kaibigan. Magmula noon ay
isinumpa ko na ako ay maghihiganti. Naglagalag ako at nagsikap na
makaipon ng maraming salapi upang maisagawa ang aking layon. Sumali
ako sa himagsikan sa Cuba at dito ko nakilala ang heneral na noo’y
komandante pa lamang. Kinaibigan ko siya. Aminado ako na ginamit ko
aking salapi upang siya’y maging heneral. Nadestino rito sa Pilipinas at
aking nagamit bilang kasangkapan sa aking paghihiganti. Nagbalik ako
upang ibagsak ang masamang pamahalaan. Padaliin ang kaniyang
pagkasira kahit na dumanak ng maraming dugo.” Pagtatapat ni Simoun.

“Ginoong Simoun, patawarin kayo ng Diyos. Nakita Niya ang inyong


mga pagtitiis at pinahintulutan Niyang matagpuan ninyo ang kaparusahan
ng inyong mga sala. Ito’y sa pamamagitan ng pagtatamo ng kamatayan sa
kamay din mga sinulsulan ninyo. Dito’y makikita natin ang Kaniyang
walang hanggang awa. Isa-isa Niyang sinira ang inyong mga paraan. Una
ang pagkamatay ni Maria Clara, makaraan niyon ay isang paraang
mahiwaga. Sundin natin ang Kaniyang kalooban.”

“Sang-ayon ako sa inyo, kalooban Niyang ang mga pulong ito’y...”


Hirap na hirap na bigkas ni Simoun.

18
“Magpatuloy sa kanilang itinatangis? Dugtong ng pari sa winika ni
Simoun. “Hindi ko alam ginoo. Batid kong hindi Niya pinababayaan ang
mga bayang nananalig sa Kaniya.”

“Ganoon pala’y bakit Niya ipinagkait sa akin ang tulong?” Sagot ni


Simoun.

“Sapagkat gumamit ka ng kaparaanang hindi Niya pinahihintulutan,


na kung lalaya ang bayan ay hindi sa masamang kaparaanan.” Ang winika
ng pari.

“Tinatanggap ko ang inyong paliwanag. Aminado akong ako’y


nagkamali ngunit sapat na ba iyan upang ipagkait ng Diyos ang Kalayaan
ng isang bayan at iligtas ang mga higit na salarin kaysa sa akin? Bakit niya
hinahayaang magtiis ang maraming karapat-dapat, mga tapat ang loob, ang
mga nagtitiis sa mga pagpapahirap?” Hirap na bigkas ni Simoun.

“Sa pakiwari ko’y ang mga tapat ang loob at ang mga karapat-dapat
ay kailangang magtiis upang ang kanilang adhikain ay kumalat at
malaman, mayroon ding hatol at pag-uusig ang Diyos sa mga maniniil. Ito
ang Diyos na makatarungan. Siya ang nagpapala sa mababait at
nagpaparusa sa masasama.”

Inantay ng pari na ito’y


muling magsalita ngunit muli
niyang naramdaman ang dalawang
pisil at narinig ang buntong
hininga ni Simoun. Isang
mahabang katahimikan ang
naghari sa buong silid.
Nangilid ang luha sa mga
mata ng pari kaya binitiwan ang
kamay ng maysakit.
Sa tulong ng liwanag ng
lampara ay nakita niyang patay na ang may sakit. Lumuhod ito at
nanalangin.

Kinuha ni Padre Florentino sa taguan ang maletang bakal na


kinalalagyan ng mga kayaman ni Simoun. Pagkatapos ay tumungo ito sa
banging nakaharap sa dagat Pasipiko. Doon ay inihinagis ng pari ang
kayamanan ni Simoun.

19
“Itago ka nawa ng kalikasan sa kailaliman, na kasama ng mga korales
at mga perlas. Kung sa isang banal at matayog na layon ay kakailanganin
ka ng mga tao, pahihintulutan ka ng Diyos na makuha sa sinapupunan ng
mga alon. Samantalang habang naririyan ka, hindi mo maililiko ang
katwiran at hindi ka makapag-uudyok ng kasakiman.”

Magaling! Binabati kita sa matiyaga mong pagbabasa sa mga


kabanatang nakapaloob sa araling ating tinatalakay. Ngayon nama’y dadako
tayo sa ilan pang kaalaman kaugnay ng ating aralin.

Ano ang Pang-uri?


Ang pang-uri ay salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga
pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

kulay – luntian laki – matayog hitsura – marikit


bilang – marami hugis – parisukat dami – gabundok

Ang imahinasyon ay isang makapangyarihang bahagi ng ating isip


kung saan nalilikha ang sining, imbensyon, disenyo at daloy ng sistema.
Malaya, makapangyarihan at mayaman ito sa ideya. May layon itong bumuo
ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig sa
pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarawan.

Mga pang-uring kaugnay ng pandama

1. paningin – kaugnay ng nakikita


Halimbawa: ubod ng ganda

2. panlasa – kaugnay ng nalalasahan


Halimbawa: masarap na pagkain

3. pandinig – kaugnay ng naririnig


Halimbawa: maingay na makina

4. pang-amoy – kaugnay ng naaamoy


Halimbawa: mabahong pulbura

5. pakiramdam – kaugnay ng nasasalat o nararamdaman


Halimbawa: malamig na hangin

20
Karagdagang Kaalaman

Alam mo ba na ang mga salitang hudyat ay maaaring gamitin sa mga


pahayag para maipahatid ang ating paniniwala at pagpapahalaga? Narito
ang mga halimbawa ng mga salitang hudyat.

1. Sa pakiwari ko...
Halimbawa: Sa pakiwari ko ay gagamitin ni Kabesang Tales ang
baril ni Simoun sa pag-aalsa.

2. Sa aking pananaw…
Halimbawa: Sa aking pananaw ay hindi makatarungan ang ilagay
sa kamay ang batas.

3. Batay sa aking karanasan…


Halimbawa: Batay sa aking karanasan, mainam na kontrolin ang
galit na nararamdaman bago pa makagawa ng hindi maganda.

4. Kung hindi ako nagkakamali…


Halimbawa: Kung hindi ako nagkakamali, ang Kapitan Heneral
mismo ang nagsabing palayain na si Tandang Selo.

5. Ako ay sigurado na…


Halimbawa: Ako ay sigurado na ninais lamang ni Simoun na
mapalaya ang bansa sa mga maniniil.

6. Hindi ko maitatatwa na…


Halimbawa: Hindi ko maitatatwa na mabuti ang hangarin ni
Simoun ngunit mali ang kaniyang naging paraan

7. Sa pagkakaintindi ko…
Halimbawa: Sa pagkakaintindi ko, ang nais ng mga mag-aaral ay
magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila sa Pilipinas.

8. Aminado ako…
Halimbawa: Aminado ako na mali ang ginawa ni Simoun subalit
hangad lamang niya ay ang mapalaya ang bansa.

9. Sa nakikita ko…
Halimbawa: Sa nakikita ko, si Padre Florentino lamang ang paring
pinagkakatiwalaan ni Simoun

21
10. Sa ganang akin…
Halimbawa: Sa ganang akin, walang maniniil kung walang
magpapasiil.

Pagyamanin

Napakahusay! Binabati kita sa iyong sipag at tiyaga sa pag-aaral sa


aralin. Nawa’y magkaroon kang muli ng sapat na dedikasyon upang sagutin
ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo!

Gawain 1: Suriin nang Magkakilanlan!

Panuto: Suriin ang sumusunod na tauhan ayon sa kanilang hilig, kawilihan,


kasiglahan, pagkatakot, at pagkapoot. Gawing batayan ang talahanayan sa
ibaba. Kopyahin ang grapikong pantulong sa hiwalay na papel at isulat dito
ang iyong sagot.

hilig/ kawilihan/ kasiglahan/ pagka- pagka-


poot takot
Tauhan interes kagalakan pagkainip

1. Quiroga

2. Don Custodio
3. Kabesang
Tales
4. Isagani
5. Kapitan
Heneral

Gawain 2: Ilarawan nang Maibigan!


Panuto: Ilarawan ang mga tauhan at pangyayari sa nobela gamit ang mga
pang-uring umaakit sa imahinasyon at mga pandama. Kopyahin ang
grapikong pantulong sa hiwalay na papel at isulat dito ang iyong sagot.

22
1. Padre Camorra

2. Ben Zayb

3. Donya Victorina

4. Ilalim ng kubyerta

Gawain 3: Ipahayag, Huwag Duwag!

Panuto: Gamit ang angkop na mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng


saloobin/damdamin, ipahayag ang iyong sariling paniniwala at
pagpapahalaga tungkol sa mga piling diyalogo sa loob ng kahon. Gawin ito
sa hiwalay na papel.

“Ayoko! Ibig kong “Ang tubig ay lumulunod sa alak at sa


dumito. Ibig ko siyang cerbeza na pumapatay ng apoy; na kapag
makita sa huling pinainit ay sumusulak; nagiging
sandali. Sapagkat malawak na karagatan at gumugunaw
bukas ay iba na siya.” ng santinakpan.” - Basilio
-Isagani
________________________________________
_______________________ ________________________________________
______________________

“A! kabataan na walang karanasan


“Ito ang Diyos na
at mapangarapin. Hinihingi ninyo
makatarungan. Siya ang
ang wikang Kastila, ngunit anong
nagpapala sa mga
magiging hangarin ninyo? Ano ang
mababait at
inyong mapapala? Upang lalong
nagpaparusa sa mga
hindi kayo magkaintindihan?”
masasama.” – Padre
- Simoun
Florentino
__________________________________ ________________________
__________________________________ ________________________

23
Isaisip

Natutuwa ako na natapos mo nang buong-husay ang mga gawain.


Ngayo’y alam ko nang may sapat ka ng kaalaman upang sagutin ang
susunod na katanungan.

Kahon ng Pag-unawa

Panuto: Gamit ang kahon ng kaalaman, suriin kung lubos mong


naunawaan ang mga kabanatang tinalakay. Sagutin ang sumusunod na
tanong at isulat ito sa hiwalay na papel.

1 Reyalisasyon 2 Integrasyon

Ano ang iyong napagtanto matapos Anong pangyayari sa mga


mong mabasa ang mga kabanatang kabanatang tinalakay ang
tinalakay? maiuugnay mo sa iyong sariling
karanasan sa buhay?
____________________________________ _____________________________________
____________________________________ _____________________________________
____________________________________ _____________________________________

3 Emosyon 4 Aksyon

Ano ang iyong naramdaman Kung ikaw si Simoun, gagawin mo


matapos mong mabasa ang mga rin ba ang mga naging desisyon niya
kabanata? sa buhay? Bakit?
____________________________________ _____________________________________
____________________________________ _____________________________________
____________________________________ _____________________________________

24
Isagawa

Magaling! Binabati kita. Ako’y nagagalak na nagawa mo ang lahat ng


gawain nang buong-husay!
Ngayon, maipamamalas mo naman ang galing mo sa pagsusuri,
paglalarawan at pagpapahayag. Mailalapat mo na rito ang mga natutuhan
mo sa mga akdang iyong nabasa at ang mga natutuhan mo sa pang-uri at
mga salitang hudyat.
Suriin, Ilarawan at Ipahayag
Panuto: Ibigay at suriin ang mga pangyayari sa sumusunod na tauhan na
may kaugnayan sa mga hilig/interes kawilihan/kagalakan
kasiglahan/pagkainip pagkayamot; pagkatakot; pagkapoot;
pagkaaliw/pagkalibang at iba pa. Ilarawan sila at ang mga pangyayari
gamit ang mga pang-uring umaakit sa imahinasyon at mga pandama at
ipahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na
mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin. Kopyahin
ang grapikong pantulong sa hiwalay na papel at isulat dito ang iyong sagot.

Pangyayari
Tauhan interes kasiglahan pagkayamot pagkapoot Pagkatakot

Simoun
Basilio
Padre
Florentino
Ilarawan ang mga tauhan at pangyayari sa itaas sa tulong ng mga pang-
uring umaakit sa imahinasyon at mga pandama.

Sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na mga salitang


hudyat sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin.

25
Tayahin
Magaling! Binabati kita sa kahusayang ipinamalas mo sa araling ito.
Ihanda mo ngayon ang iyong sarili para sa isang pagsusulit.

Ating alamin kung mayroon kang natutuhan. Husayan mo pa!

Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang bawat katanungan. Piliin at


isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Anong salitang hudyat ang ginamit sa pahayag na, “Aminado


akong ako’y nagkamali ngunit sapat na ba iyan upang ipagkait ng
Diyos ang kalayaan ng isang bayan at iligtas ang mga higit na
salarin kaysa sa akin”?
A. aminado akong C. iligtas ang mga
B. ako’y nagkamali D. ngunit sapat na ba

2. Anong salitang hudyat ang ginamit sa pahayag na, “Sa pakiwari


ko’y ang mga tapat ang loob at ang mga karapat-dapat ay
kailangang magtiis upang ang kanilang adhikain ay kumalat at
malaman, mayroon ding hatol at pag-uusig ang Diyos sa mga
maniniil”?
A. magtiis upang C. ang mga karapat-dapat
B. sa pakiwari ko’y D. ang kanilang adhikain

3. Anong salitang hudyat ang ginamit sa pahayag na, “Sa ganang


akin, ang karangalan ay nasa mga tulisang bundok at ang
kasamaan naman ay nasa tulisang bayan”?
A. sa ganang akin C. nasa tulisang bayan
B. ang karangalan ay D. ang kasamaan naman

4. Anong salitang hudyat ang ginamit sa pahayag na, “Sa pakiwari ko


mas mainam kung ang lahat ng bayan na nasa baybayin ng ilog ay
pag-aalagain ng mga itik upang lumalim ang lawa sa pagkuha nila
ng mga susong pangunahing kinakain ng mga ito”?
A. baybayin ng C. kung ang lahat
B. sa pakiwari ko D. mas mainam kung

5. Ano ang salitang naglalarawan sa sinabi ni Simoun na, “Ayoko


namang bumagsak kayo sa maliit na halagang iyan.”
A. ayoko C. halagang
B. bumagsak D. maliit

26
6. Anong salitang naglalarawan ang nasa pahayag na; Samantala
ninais ni Basilio na pumanhik sa itaas subalit nalimot niya ang
madungis niyang kasuotan kaya’t pinigil siya ng mga guwardiya?
A. kasuotan C. nalimot
B. madungis D. pumanhik

7. Anong salitang naglalarawan sa pahayag na; Naibigay niya sa


isang maganda at kabigha-bighaning babaeng kaibigan ng isang
makapangyarihang lalaki ang tatlong pulseras.
A. babaeng kaibigan
B. makapangyarihang lalaki
C. maganda at kabigha-bighani
D. kaibigan ng isang makapangyarihan

8. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ni Simoun na, “Hay naku!


Nangangailangan pa naman ako ng salapi at inaakalang
mababayaran ninyo ako?”
A. natutuwa sa salapi
B. naiinip sa pangyayari
C. nayayamot sa kausap
D. nagagalak sa nangyayari

9. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ni Ben Zayb na,


“Napakagandang panukala. Maaari ko ba iyang ilathala?”
A. mahilig siyang magsulat
B. may interes sa mga lathalain
C. mahilig siyang magbigay ng panukala
D. libangan niya ang magbigay ng panukala

10. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag ni Basilio na, “Isagani!


Isagani, pakinggan mo ako; huwag tayong mag-aksaya ng
panahon! Ang bahay na iyan ay puno ng pulbura, sasabog na”?
A. pagkatuwa sa kausap
B. pagkatakot sa mangyayari
C. pagkayamot sa mga gwardiya sibil
D. pagkasabik sa kahihitnan ng pangyayari

27
Karagdagang Gawain

Mahusay! Napatunayan mong may natutuhan ka sa ginawa mong


pag-aaral!

Upang mas lalong tumanim sa iyong isipan ang aral na iyong


natutuhan, halika’t iyong gawin ang huling gawain.

Larawang Ginupit, Ilalarawang Pilit

Panuto: Gumupit mula sa mga lumang magasin ng mga larawang maaaring


magpakita ng mga hilig at interes. Ilarawan ang mga nagupit sa tulong ng
mga pang-uring umaakit sa imahinasyon at mga pandama. Ipahayag din
ang sariling paniniwala at pagpapahalaga dito gamit ang angkop na mga
salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin .

Natutuwa ako sa ipinakita mong angking kahusayan. Nagawa mo ang


lahat ng ibinigay na gawain. Ngayo’y maaari ka nang dumako sa susunod
na aralin. Mas paghusayan mo pa!

28
29
Balikan: Pagyamanin Isaisip:
Maaaring magkakaiba
ang sagot Maaaaring magkakaiba
Gawain 1: ang sagot
Subukin:
1. a
Maaaaring magkakaiba
2. d ang sagot
Tayahin:
3. a
4. d Gawain 2: 1.a
5. a Maaaring magkakaiba 2.b
6. d ang sagot 3.a
7. d 4.b
8. d Gawain 3: 5.d
9. a Maaaaring magkakaiba
10. b
6.b
ang sagot 7.c
8.c
9.a
10.b
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Salum, Roselyn, et al. 2015. El Filibusterismo, #16 Concha St. Tinajeros,


Malabon City
Dalanon, Neil, et al. 2010, El Filibusterismo, C&E Publishing, Inc. 1616
Quezon Avenue, South Triangle, Quezon City, 1103, Metro
Manila

Villanueva, Voltaire M. 2018, #ABKD (AKO BIBO KASE DAPAT) Alpabeto


ng Inobatibo at Makabagong Guro sa Agham Panlipunan,
Edukasyon sa

Pagpapakatao, at Filipino, VMV11483 Book Publishing House P. Binay St.


Bangkal, Makati City

30

You might also like