Filipino: Ikaapat Na Markahan - Modyul 1: Kaligirang Kasaysayan NG El Filibusterismo

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

10

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 1:
Kaligirang Kasaysayan
ng El Filibusterismo
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon XI, Pilipinas

Panrehiyong Direktor: Allan F. Farnazo


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Maria Ines C. Asuncion

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Decy D. Esclares
Editor: Marlyn A. Publico, Delsie L. Porras
Tagasuri: Jeneth D. Tabungar, Gloria Castro- Sabanal
Tagalapat: Neil Edward D. Diaz
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Dee D. Silva
Mary Jeanne B Aldeguer Eduard C. Amoguis
Analiza C. Almazan Ernie M. Aguan/Marilyn E. Sumicad
Ma. Cielo D. Estrada Lourdes A. Navarro
Mary Jane M. Mejorada Marlyn A. Publico

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Davao del Norte
Office Address: DepEd Building, Provincial Government Center
Mankilam, Tagum City, Davao del Norte, Region XI 8100
Telefax: (084) 216 0188
E-mail Address: [email protected]
10

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 1:
Kaligirang Kasaysayan
Ng El Filibusterismo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang iyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.

Kung may mga bahagi ng modyul na ito na nahihirapan ka sa


pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo

Alamin Natin
Ikinagagalak ko na narating mo ang ikaapat na markahan.
Nangangahulugan lamang ito ng iyong matibay na determinasyon sa
iyong pag-aaral. Ihanda mo muli ang iyong sarili para sa panibagong
hamon.
Aral na!

Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan


tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo
(F10PN-IVa-b-83).

Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa


pamamagitan ng:
-pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda
-pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuoan o
ilang bahagi ng akda
-pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda
(F10PB- IVa-b-86).

Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang


pangkasaysayan nito (F10PT-IVa-b-82).

Napahahalagahan ang napanood at pagpapaliwanag sa


kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo
sa pamamagitan ng pagbubuod nito gamit ang timeline (F10PD-
IVa-b-81).

1
Subukin Natin
Bago natin simulan ang aralin ay nais ko munang subukin ang
iyong bokabularyo. Nasa ibaba ang ilang piling salita na ginamit sa
nobela. Kilalanin ang kasingkahulugan ng mga salitang may
salungguhit sa mga parirala at hanapin ang sagot sa kahon. Piliin
lamang ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. unang obra maestra ni Rizal


2. sipi ng mga nobela
3. lumisan ng Pilipinas
4. maraming mga tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal
5. ang kanyang pamilya ay giniyagis din ng maraming suliranin
6. pagkamalas niya sa mga kasamaang nagyayari sa paligid
7. dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay
8. kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon
9. nagkaroon siya ng iba’t ibang pangitain
10.pamilya ay pinag-uusig ng batas

a. hinahabol f. kasama
b. pinakamahusay na gawa g. pagkakita
c. kopya h. ginambala
d. umalis i. delikado
e. batikos j. panaginip

2
Aralin Natin
Upang maihanda ang sarili sa mga gawain sa araling ito ay
nararapat munang basahin ang Kaligirang Kasaysayan ng El
Filibusterismo upang maintindihan ang mga mahahalagang
pangyayari habang sinusulat ng ating pambansang bayani ang
kaniyang pangalawang obra maestra. Matapos ang pagbabasa ay
sagutin ang ilang katanungan sa sagutang papel.

Kaligirang Pangkasaysayan ng El
Filibusterismo

Ikalawang obra maestra ng ating pambansang


bayani na si Dr. Jose Rizal ang El Filibusterismo. Karugtong ito ng
Noli Me Tangere na una niyang sinulat. Ang kahulugan nito ay
ipinaliwanag niya sa kaniyang kaibigan na si Dr. Ferdinand
Blumentritt. Hindi pa alam ng mga Pilipino ang kahulugan nito
hanggang sa masaksihan nila ang pagbitay sa tatlong paring martir.
Ang salitang El Filibusterismo ay mahigpit na ipinagbabawal ang
pagsambit sa tahanan nila Rizal. Sa murang edad ay tumatak na sa
kaisipan ni Rizal ang pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino
kung kaya tumatak sa kaniyang puso ang hangarin na mailantad ang
kabuktutan ng mga mananakop. Ginamit ni Rizal ang sa alam niyang
pinakamabisang sandata sa pagkamit ng pagababago at iyon ay ang
pagsusulat.

Maraming makabayan ang humanga sa katapangan ni Rizal sa


pagsulat ng mga katiwalian at pagmamalabis ng mga Espanyol sa
kaniyang unang nobelang Noli Me Tangere at gaya ng inaasahan ay
nagalit ang mga makapangyarihang Espanyol matapos mabasa ang
nilalaman nito. Kahit puno ng takot at kaba ay napagpasiyahan
niyang bumalik sa Pilipinas noong Agosto 1887 at muling nakapiling
ang kaniyang pamilya at nakausap ang kaniyang pinakamamahal na
si Leonor Rivera.

Nang ipinagbawal ng pamahalaang Espanyol sa Pilipinas ang


pag-aangkat, paglilimbag at pagpapakalat ng nobela ay nakadama ng
higit na panganib si Rizal. Hinimok siya ng Gobernador -Heneral na
si Emilio Tererro na lisanin ang bansa upang makaiwas siya at ang

3
kaniyang pamilya sa panganib. Sinunod niya ang payo ng
gobernador-heneral at palihim na umalis sa Pilipinas noong Pebrero
1888. Naglakbay siya sa iba’t ibang bansa sa Asya, Amerika at
Europa.

Noong 1890 ay sinimulang isulat ni Rizal ang El Filibusterismo


sa London at habang siya ay nagsusulat ay naisabay rin niya ang
pagbisita sa mga kaibigan at pamamasyal sa magagandang lugar sa
Europa. Labis na nasiyahan si Rizal sa ganda ng Paris kaya
napagpasiyahan niyang lumipat muna sa Brussels, Belgium para
mapag-isipang mabuti ang pagsulat ng nobela. Kasama niya ang
kaniyang kaibigan na si Jose Alejandrino. Para matugunan ang
kanilang pangangailangan ay nanggagamot siya roon.

Habang sinusulat ni Rizal ang El Filibusterismo ay patong-


patong na suliranin ang kaniyang kinakaharap. Kung kinulang siya
ng pananalapi habang isinusulat ang Noli ay mas higit ang kaniyang
suliranin sa pera nang isinusulat niya ang El Fili kaya lalo siyang
naghigpit ng sinturon. May mga araw na sumasala siya sa pagkain
para makatipid lamang at maging ang pagsasanla ng kaniyang mga
alahas ay kaniya ring ginawa matustusan lamang ang kaniyang
pagsusulat. Labis ang kaniyang pagnanais na matapos ang nobela
dahil maging sa kaniyang pagtulog ay napapanaginipan niyang may
mamamatay sa kaniyang pinakamamahal na pamilya.

Maliban sa suliranin sa pera para matapos ang El Fili ay naging


balakid din kay Rizal ang suliranin sa kaniyang puso at mga kaibigan.
Nakarating sa kaniyang kaalaman ang sapilitang pagpapakasal ni
Leonor Rivera sa ibang lalaki sa utos ng mga magulang nito.
Ipinagpalagay na mababakas ang pangyayaring ito sa bahagi ng
nobela kung saan nagtaksil si Paulita sa kaniyang kasintahan na si
Isagani at nagpakasal ky Juanito. Labis din ang kaniyang pag-alala
sa kaniyang magulang at mga kapatid sa Calamba, Laguna kung
saan pinasasakitan at pinag-uusig ng pamahalaang Espanyol dahil
sa usapin sa lupa at maling paratang. Maiugnay ito sa kuwento ni
Kabesang Tales na may ipinaglalabang usapin sa lupa at
pangangamkam ng lupa ng mga prayle. Sa pagpapatuloy na
pagsusulat ni Rizal sa nobela ay nagkaroon siya ng iba’t ibang
pangitain. Ganito rin ang pangyayari sa buhay ni Simoun nang nag-
urong sulong siya na isakatuparan ang kaniyang mga plano. Lumayo
rin kay Rizal ang kaniyang mga kaibigan sa La Solaridad.

4
Ikinalungkot din ni Rizal ang kawalan ng pagkakaisa ng mga
Pilipinong may mataas na kaalaman sa Espanya na sila sana ang
pag-asa ng mga mamamayan sa Pilipinas. Sa bigat at tindi ng
suliranin ni Rizal ay sinasabing may ilang bahagi ng nobela ang hindi
niya napigilang ihagis sa apoy.

Ngunit dahil sa marubdob na hangarin na imulat at gisingin ang


damdamin ng mga Pilipino laban sa mga pang-aapi at pang-aabuso
ng pamahalaang Espanyol ay napagpasyahan ni Rizal na pagtibayin
ang kalooban upang maipagpatuloy at tapusin ang nobela. Natapos
ang pagsusulat ng nobela noong Marso 29, 1891 at nakahanap ng
murang palimbagan sa Ghent, Belgium. Ipinadala niya ang
manuskrito kay Jose Alejandrino. Sa kasamaang-palad ay hindi
natapos ang paglilimbag dahil sa kakulangan ng pondo. Hindi
dumating ang hinihintay na salapi mula sa pamilya sa Pilipinas at
nilimot din ng ilang mayayamang kaibigang Pilipino ang kanilang
pangakong tulong sa paglilimbag ng nobela.

Sa oras ng pangangailangan ay himalang dumating ang tulong


mula kay Valentin Ventura. Siya ang gumastos para maipagpatuloy
ang paglilimbag ng nobela noong Setyembre1891. Bilang pagtanaw
ng utang na loob at pasasalamat ni Rizal sa kaniyang mayamang
kaibigan ay inialay niya rito ang isang panulat at ang orihinal na
manuskrito ng El Fili kasama ang isang nilimbag at nilagdaang sipi.

Ipinadala ni Rizal sa HongKong ang karamihan ng mga aklat at


ang ibang bahagi ng mga ito ay sa Pilipinas napunta pagkatapos
mabigyan ng kopya ang mga kaibigang sina Juan Luna, Marcelo H.
del Pilar, Graciano Lopez Jaena at Dr. Ferdinand Blumentritt. Sa
kasamaang palad ay nasamsam sa HongKong ang mga aklat na
ipinadala ni Rizal maging ang mga kopyang ipinadala sa Pilipinas.
Ipinasira ng pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobela subalit
may ilang nakalusot at nagbigay inspirasyon sa mga naghihimagsik.
Kung ang Noli ang gumising at nagpaalab sa diwa at damdamin ng
mga Pilipino ukol sa mga karapatan, ang El Filibusterismo naman ang
nakatulong nang malaki kay Andres Bonifacio at sa Katipunan upang
mawala ang mga balakid na nakasasagabal sa himagsikan noong
1896.

5
Ang El Fili ay inialay ni Rizal bilang pagpupugay sa tatlong paring
martir na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre
Jacinto Zamora na binitay sa Bagumbayan noong Pebrero 1872 dahil
lamang sa maling hinala ng mga Espanyol. Ang pakahulugan ng El
Filibusterismo ay “ang paghahari ng kasakiman”.

(Halaw mula sa PInagyamang Pluma 10 (Aklat 2) ni Marasigan, E. V. at Dayag, A. M.


(2016). Phoenix Publishing House.)

(Maaaring panoorin sa Youtube:https://youtu.be/lB1RIAL7ZSs)

Sagutin ang ilang katanungan sa sagutang papel.

1. Saan at kailan sinulat ni Rizal ang El Filibusterismo?


2. Ano ang nagtulak sa kaniya upang isulat ang kaniyang
pangalawang obra maestra?
3. Anong mga suliranin ang kinaharap ni Rizal sa pagsulat ng El
Filibusterismo at paano niya nalampasan ang mga ito?
4. Bakit ipinagbabawal ng pamahalaang Espanyol ang pagbabasa
nito?
5. Paano nakatulong ang nobela kina Andres Bonifacio at sa
Katipunan?

6
Gawin Natin
Bilang pagpapatuloy sa aralin, ating tukuyin ang mga
kondisyon sa panahong isinulat ang akda. Basahin ang bawat
pangungusap. Isulat ang salitang tsek sa bilang kung ang pangyayari
ay tumutukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang El
Filibusterismo at salitang ekis naman kung hindi.

_____1. Hindi pa alam ng mga Pilipino ang kahulugan ng El


Filibusterismo hanggang sa masaksihan nila ang pagbitay sa tatlong
paring martir.
_____2. Ang salitang El Filibusterismo ay mahigpit na ipinagbabawal
ang pagsambit sa loob ng tahanan nila Rizal.
_____3. Ipinagbawal ng mga Espanyol ang pag-aangkat, paglilimbag at
pagpapakalat ng El Fili.
_____4. Ang Gobernador- Heneral na si Emilio Tererro ang namumuno
sa bansa nang sinimulang isulat ni Rizal ang El Fili.
_____5. Nalagay sa panganib ang pamilya ni Rizal habang sinusulat
niya ang El Fili.
_____6. May mga araw na sumasala sa pagkain si Rizal para makatipid
lamang ng pera para sa kaniyang sinusulat na nobela.
_____7. Habang sinusulat ni Rizal ang El Filibusterismo ay patong-
patong na suliranin ang kaniyang kinakaharap.
_____8. Lumayo kay Rizal ang kaniyang mga kaibigan sa La Solaridad.
_____9. Ipinasira ng pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobela
subalit may ilang nakalusot at nagbigay inspirasyon sa mga
naghihimagsik
____10. Mas madali ky Rizal ang pagsulat ng El Fili kaysa Noli Me
Tangere.

7
Sanayin Natin
Naging saksi si Rizal sa mapapait, masasakit at madidilim na bahagi
ng mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol kaya gayon
na lang ang kaniyanag paghahangad na mailantad ang kabuktutan at
kasamaan nila.
Bilang pagsasanay, magbigay ng mga pagpapatunay ng pag-iral ng
kondisyong ito sa kabuoan o ilang bahagi ng nobela sa pamamagitan ng
pagpuno ng detalye. Maaaring basahing muli ang Kaligirang Kasaysayan ng
El Filibusterismo para sa kasagutan. Gawin ito sa sagutang papel.

Pangyayari sa Kaligirang
Pangkasaysayan ng El Pangyayari sa nobela
Filibusterismo

Ang sapilitang pagpapakasal ni


Leonor Rivera sa ibang lalaki sa utos 1. _____________________________
ng kaniyang mga magulang

Labis din ang pag-alala ni Rizal sa


kaniyang magulang at mga kapatid 2. ____________________________
sa Calamba, Laguna kung saan
pinasasakitan at pinag-uusig ng
pamahalaang Espanyol dahil sa
usapin sa lupa at maling paratang.

Sa pagpapatuloy na pagsusulat ni
Rizal sa nobela ay nagkaroon siya ng 3. __________________________
iba’t ibang pangitain.

8
Tandaan Natin
Ating tandan na maraming pagsubok at paghihirap ang pinagdaanan
ni Rizal habang sinusulat ang nobelang El Filibusterismo ngunit sa kabila
nito ay hindi siya sumuko at pinanghinaan ng loob dahil sa kaniyang
matinding layunin na masulat ito. Isulat sa kahon ang mga layunin ni Rizal
sa pagsulat ng nobelang ito. Gawin ito sa sagutang papel.

Jose P. Rizal

Mga Layunin ni Rizal sa pagsulat


ng El Filibusterismo

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

9
Suriin Natin
Suriin ang mga panahon kung saan binuo ni Rizal ang nobelang El
Filibusterismo. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari gamit ang timeline.
Lagyan ng mahahalagang kaganapan ang bawat panahon. Maaaring basahin
muli at pagbatayan ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo.
Kopyahin ang gawain sa ibaba at gawin ito sa sagutang papel.

Agosto 1887

1. _____________________________
____________________________

2. _____________________________
____________________________

3. _____________________________
____________________________

4. ______________________________
_____________________________

5. _____________________________
_____________________________

10
Payabungin Natin
Bilang pagpapahalaga sa dakilang nobela ni Rizal at sa kaniyang
mga karanasan at damdaming pinagdaanan sa pagsulat at paglimbag nito,
maglahad o isulat ang sariling kaisipan at damdamin ukol sa kasaysayan sa
pagkakabuo ng nobela. Gawin ito sa pamamagitan ng pagdugtong sa mga
pahayag. Kopyahin at gawin ang gawain sa sagutang papel.

1. Nararapat na bigyang pagpapahalaga ang pangalawang obra maestra


ni Rizal na El Filibusterismo dahil ___________________________________

2. Bilang pagtanaw sa hirap at sakripisyong pinagdaanan ni Rizal


mailimbag lamang ang El Filibustersmo ay babasahin ko at
pahahalagahan ito sa pamamagitan ng ______________________________

3. Ang aral na aking mapupulot mula sa mga karanasan ni Rizal sa


pagsulat at paglilimbag ng El Filibusterismo ay ______________________
_____________________________________________________________________

4. Upang maging matagumpay sa buhay, dapat kong tularan ang


mga katangian ni Rizal tulad ng pagiging _______________________
_______________________________________________________________

5. Tulad ni Rizal ako ay magsusumikap upang matupad ang aking


mga pangarap sa buhay tulad ng ______________________________

11
Pagnilayan Natin

Ang nobelang El Filibusterismo ay isinulat ni Rizal upang


ipahayag niya ang kaniyang labis na pagmamahal para sa kaniyang bansa.
Ang labis na pagmamahal na ito ang nagtulak sa kaniya upang gisingin ang
damdaming makabayan ng kaniyang kapwa Pilipino. Ikaw bilang kabataan,
paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa ating bayan? Magbigay ng
tatlong pamamaraan at isulat sa sagutang papel.

1._____________

Pagmamahal sa bayan
2. _____________ 3. ____________

12
13
Subukin Natin
1. B 6. g
2. C 7. i
3. D 8. f
4. E 9. j
5. H 10. A
Aralin Natin
-nasa guro ang pagpapasya
Gawin Natin
1-9 tsek
10. ekis
Sanayin Natin
1.Pagtataksil ni Paulita kay Isagani at
pagpapakasal kay Juanito
2.ang ipinaglabang usapin sa lupa ni
Kabesang Tales at pangangamkam ng lupa
ng mga prayle
3.Ang pag-urong sulong ni Simoun na
isakatuparan ang kanyang plano
Tandaan Natin
-nasa guro ang pagpapasya
Suriin Natin
1.bumalik si Rizal sa Pilipinas
2.Umalis si Rizal sa bansa bilang pagsunod
sa payo ng gobernador heneral
3. sinimulang sinulat ang El Fili
4. sinimulang inilimbag ang nobela
5. natapos ang paglilimbag sa nobela
Payabungin Natin-nasa guro ang pagpapasya
Pagnilayan Natin-nasa guro ang pagpapasya
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Website:
“Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo,” youtube.com, accessed February 5,
2021, https://youtu.be/lB1RIAL7ZSs

Aklat:
Marasigan, E. V. at Dayag, A. M. (2016). Pinagyamang Pluma 10 (Aklat 2).
Phoenix Publishing House.

K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 10.


Department of Education, Curriculum and Instruction Strand 2020.

Para sa mga larawan:


Jose P. Rizal
“Rizal drawing,” google.com, accessed February 10, 2021,
https://imagesjose.vercel.app/posts/drawing-jose-rizal-clipart1/

Scroll and pen outline icon


“Scroll and pen outline,” google.com, accessed February 11, 2021,
https://www.dreamstime.com/paper-scroll-feather-pen-paper-scroll-feather-pen-
outline-icon-image131904218

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI


Office Address: F. Torres St., Davao City
Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: [email protected]
[email protected]

15

You might also like