Ang Aking Pag Ibig 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILIPINO 10

Ang Aking Pag-ibig


ni Elizabeth Barret Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman


kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
lipad ng kaluluwang ibig na marating
ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


ng kailangan mong kaliit-liitan,
laging nakahandang pag-utus-utusan,
maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


dahil sa katwira’y hindi paaapi,
kasingwagas ito ng mga bayaning
marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


tulad ng lumbay kong di makayang bathin
noong ako’y isang musmos pa sa turin
na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay


ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
na nang mangawala ay parang nanamlay
sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


ngiti, luha, buhay at aking hininga
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
malibing ma’y lalong iibigin kita.

A. PAG-UNLAD NG TALASALITAAN.
Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang sinalungguhitan. Bilugan ang titik na Nagtataglay ng
tamang sagot.

1. Hindi mabatid ng manunulat ang kaniyang damadamin sa kaniyang minamahal. Answer: A.


a.maipadama c.makita
b.maiparinig d.maipamalas
2. Taimtim siyang nananalangin para sa kabutihan at pagmamahal nito. Answer: B.

a. seryoso c.kaakit-akit
b.taos-puso d.nagmamakaawa
3. Kasintayog ng tore ang kaniyang pag-ibig na kahit kalian ay hindi kayang pantayan ng kahit na ano
mang mamahaling bagay sa mundo
Answer: C.
a.laki c. taas
b.liit d.lapad
4. Kahambing ng kaniyang kagandahan ang umaga na siyang nagpapasaya sa pusong nalulumbay.
Answer: C. a.kasalungat c.kawangis
b.kamukha d.katunog
5. Itinalaga ng Diyos ang kanilang tadhana upang ibigin nila ang isa’t isa.
Answer: C.
a.itinadhana c.ibinigay
b.ipinagkanulo d.ipinakita

B.PAGTATALAKAY
Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan batay sa akdang binasa.
1. Ano ang pamagat ng tulang binasa? Ipaliwanag kung bakit ito ang pamagat.
Sagot: Ang pamagat ng tulang aking binasa ay Ang Aking Pag-ibig. Ang pamagat nito ay patungkol sa
pag-ibig ng isang taong taos-puso kung magmahal. Na sa kahit anong sirkumstansiya ang dumating at
sinusubok siya, ang pag-ibig niya ay patuloy na namumukadkad.
2. Saan patungkol ang tulang binasa?
Sagot: Ito ay patungkol sa pag-ibig.
3. Sino ang nagsalita sa tula?
Sagot: Si Alfonso O. Santiago.
4. Kanino iniaalay o ipinararating ang tula?
Sagot: Sa pinakamamahal ng makata sa tula.
5. Paano binigyang kahulugan ng makata ang ideya ng pag-ibig?.
Sagot: Sa pamamagitan ng paghahambing nito sa mga bagay. Ang tula ay nag-uumapaw sa metapora.

6. Anong uri ng damdamin ang inilalantad ng tula?


Sagot: Ang damdamin na inilalantad ng tula ay ang pagmamahal. Ang pagmamahal ay siyang
nakakapagpatatag ng damdamin ng makata.
7. Makatotohanan. Ba ang damdamin na isinasaad ng may-akda sa tula? Pangatwiran.
Sagot: Oo, ito ay makatotohanan sapagkat lahat ng nagmamahal ay kayang gawin ang lahat kahit sa
bingit pa ng kamatayan basta ay sumaya lamang ang kanilang mahal.
8. Ano ang iyong sariling pananaw ukol sa pag-ibig na makikita sa tulang binasa?
Ang aking pananaw dito ay ang pag-ibig ang aiyang pinakamakapangyarihan sa lahat.

9. Paano ipinapakita ng tulang Ang Aking Pag-ibig ang kultura ng bansang England?
Sagot: Ang pagiging mapagmahal. Likas sa mga taga Englatera ito.
10. Ano ang mensahing nais ipaabot ng may-akda ng tulang Ang Aking Pag-ibig sa mga mambabasa?
Sagot: Ang mensahe ay nagpapaabot ng ideya sa mga mambabasa kung ano ang kayang gawin ng
isang taong nagmamahal.

You might also like