Sematika - Artemio M. Echavez JR

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY


MAIN CAMPUS
M. J. Cuenco Avenue Cor. R. Palma Street, Cebu City, Philippines
Website: http://www.ctu.edu.ph
Phone: +6332 402 4060 loc. 1117/ 255-1242

Pananaliksik Ukol sa Semantika ng Wika

Nagbuhat ang Semantika sa wikang Griyegong "σημαντικός" semantikos, na may


kahulugang "makabuluhan" o "makatuturan", mula sa σημαίνω (semaino), "may ibig sabihin,
nagpapahiwatig ng" at ng mula sa σῆμα (sema), "matanda, markahan, sumasagisag,
sumisimbolo". Ito ay pag-aaral hinggil sa kahulugan o ibig sabihin ng salita, kataga, o wika.
Binubuo ito ng salitang-ugat at sintaks.Pag-aaral na tumatalakay kung paano nabibigyang
kahulugan ang mgasalita batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayag.Sa payak na
kahulugan, ang semantiks, paladiwaan, o semantika ay ang pag-aaral ng mga kultura.Sa ganitong
pagkakataon, tumutukoy ang salitang kultura sa kaugnayan ng mga tagapagpabatid o
tagapagkahulugan (mga signifier sa Ingles) at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito
(signified)ayon kay Saussure.Ang ganyang mga tagapagpabatid o mga senyal ay ang mga salita,
pananda, at mga simbolo (signifier) at kahulugan (signified).

Mga Teorya ng Semantik


• Sina J.Katz at J.Fodor ang gumawa ng pag-aaral para
maisanib ang semantic component sa balangkas ng generative-
grammar nang kanilang libro na The Structure of Semantic
Theory noong 1963.

• Ayon sa kanila, ang teoryang semantik ay nagpapaliwanag ng


kakayahan ng tagapagsalita na magprodyus at makaintindi ng
kabuuang set ng mga pangungusap ng isang wika.

• Sinabi ni Matthews, hiwalay ang semantiks sa


grammar dahil ang grammar ay pag-aaral sa pormal na
patern ng wika.

• Ayon din kay Harris, sakop ng ilang disiplina ang pag-aaral ng


kahulugan dahil ang deskriptiv-linggwistiks ay hindi
tumutukoy sa kabuuang sakop ng pagsasalita.

• Ayon kay Simpson, ang pagpapakahulugang kakayahan ng


isang tagapagsalita ang inilalarawan at ipinapaliwanag ng
teoryang semantik.

Kahulugan at Kabuluhan ng Leksikograpiya


• Ayon kay Fortunato (1995),

“Ang isang wikang pambansa para maituring na istandardisado, ay


kailangang makarating sa mataas na antas ng kaanyuan at kodipikasyon.
Konkretong patunay ng kanyang kalagayan bilang isang wikang matatag
ang dami ng mga likhang leksikograpo.

• Kabilang dito ang mga pagkilos kaugnay ng sining,


proseso, at pagsulat/pagbuo ng mga diksyunaryo sa
wikang iniistandardisa.

• Pinakakaluluwa kasi ang mga diksyunaryo sa


kodipikasyon ng isang wikang pambansa, at ang larangan
ng leksikograpiya ay malaking hakbang sa
intelektwalisasyon at istandardisasyon ng wikang
pinagyayabong gaya ng Filipino.”

Pagbibigay Kahulugan
Ang pagtamo ng mga salita ay maaaring bunga ng isang paglinang ng
talasalitaan. Ayon ky Channel (1988), ang isang bagong talasalitaan ay
maaangkin lamang ng mag-aaal kung maibibigay niya ang kahulugan
alinsunod sa gamit nito sa loob at labas ng isang konteksto at
magagamit din niya ito nang buong husay sa pakikipagtalastasan.
KASINGKAHULUGAN

 Tumutukoy sa mga salitang magkatulad ang kahulugan o


pareho ang ibig sabihin nito.
 Ito rin ay salitang may katumbas na kahulugan, salitang
may dalawang kahulugan, at salitang may maraming
kahulugan.
 Mahalagang malaman ang kahulugan ng isang salita
upang madaling maibigay ang kasingkahulugan nito.

- May mga halimbawa ng salitang

magkasingkahulugan Asul - bughaw asal –

ugali

- Bagwis – pakpak nayon- baryo


-
Magkasalungat

The Tagalog for ‘word’ is salita and for ‘antonyms’ is magkasalungat


na salita (words with opposite meanings). It can also be salitang
magkasalungat.

Mga Halimbawa:

Mabango-mahalimuyak

Tama-wasto

Mahirap- maralita

You might also like