Kasaysayan NG BAYBAYIN
Kasaysayan NG BAYBAYIN
Kasaysayan NG BAYBAYIN
Pilipino
Alibata
Bago pa man dumating ang mga Kastila, tayo ay mayroon nang kinikilalang isang uri
ng alpabeto. Ito ang tinatawag nating Alibata, isang uri ng palaybaybayang hatid na
atin ng mga Malayo at Polinesyo. Sinasabing ang Alibata ay may impluwensya ng
palatitikang Sanskrito na lumaganap sa India at sa iba pang mga lugar sa Europa at sa
Asya.
Ang Alibata ay binubuo ng labimpitong titik: 3 patinig at 14 na katinig, gaya ng
makikita sa ibaba.
Ang bawat titik ng Alibata ay binibigkas na may tunog na a. Nilalagyan ng tuldok (.)
sa ibabaw ng titik kapag bibigkasin ang b ng bi.
Nilalagyan ng krus (+) sa tabi ng titik kapag nawawala ang bigkas na a
sa bawat titik.
· Gamitin ang letrang J para sa tunog /j/ sa mga karaniwang salitang hiram. Hal. Sabjek,
jaket, jornal, objek, bajet, jam
J
· Gamitin ang letrang J kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. Jose, Japan, joules, majahid, hadji, jantu (Tausug: puso)
· Gamitin ang letrang V para sa tunog /v/ sa mga karaniwang salitang hiram. Hal. Varayti,
volyum, varyant, vertikal, valyu, vertikal
V
· Gamitin ang letrang V kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. Valencia City, Victoria, Vector
· Gamitin ang letrang Z para sa tunog /z/ sa mga karaniwang salitang hiram. Hal. Bazar,
bazuka, zu, ziper, magazin, advertayzing
Z
· Gamitin ang ang Z kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. Zamboanga, zinc, azan, rendezvouz, laizze faire
· Kapag binaybay sa Filipino ang salitang hiram na may C, palitan ang C ng S
kung /s/ ang tunog, at ng letrang K kung /k/ ang tunog
· Panatilihin ang letrang Q kung hiniram nang buo ang mga salita
Q
· Kapag binaybay sa Filipino ang salitang hiram na may letrang Q, palitan, ang Q
ng KW kung ang tunog ay /kw/; at ng letrang K kung ang tunog ay /k/
· Panatilihin ang letrang Ñ kung hiniram nang buo ang mga salita
Ñ
· Kapag binaybay sa Filipino ang salitang hiram na may letrang Ñ, palitan ang Ñ
ng mga letrang NY
· Panatilihin ang letrang X kung hiniram nang buo ang mga salita
Hal. axiom, xylem, praxis, Marxism, xenophobia, Roxas, fax, exit, taxi
X · Kapag binaybay sa Filipino ang hiram na salitang may letrang X, palitan ng KS
kung ang tunog ay /ks/; at ng letrang S kung ang tunog ay /s/