#3 - Ang Kalupi

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Benjamin P Pascual

- Pinanganak sa Laoag, Ilocos Norte noong Enero 16, 1928.


- Anak nina Domingo Pascual at Adriana Punongbayan.
- Kasal siya kay Erminda Besabe. Sila ay may 5 anak
- Isa siyang kwentista at nobelista.
- Nagtrabaho sa Phil. Free Evening News Magazine at This
week.
- Nagtrabaho din siya sa Liwayway bilang comic editor at copy
editor simula 1956-1981.
- Isinulat niya ng Ang Kalupi´ na inilimbag sa Liwayway.
- Isinulat din niya ang mga sumusunod:
Hiwaga, Sariwang Damon, Matandang kabayo.
- Nanalo di siya ng dalawang beses sa Filipino of CCP Literary Contest for General
Goyo "Huling Kahilingan" 1st prize at
"Huling Unos" 2nd prize 1962.
- Ang kanyang nobelang Utos ng Hari ay nanalo ng grang prize sa nobelang Filipino
noong 1975.

KRITIKO SA MAIKLING KWENTO (Ang Kalupi ni Benjamin Pascual)


BUOD:
Ang kwento ng “Ang Kalupi” ay nagsimula noong lumabas si Aling Marta sa bakuran ng
kanilang maliit na barungbarong ng may aliwalas sa kanyang mukha. Ito ang araw ng
pagtatapos ng highschool ng kanyang anak na dalaga. Sa gabi palamang gaganapin
ang selebrasyong pinakaaabangan ng pamilya ni Aling Marta. Kaya pumunta si Aling
Marta sa palengke upang bumili ng hindi pang karaniwang pananghalian para sa hindi
pangkaraniwang araw na iyon. Sa pagkarating ni Aling Marta sa palengke ay punong
puno ito ng mga taong nagtitinda at namimili. Nang dumating si Aling Marta sa gitnang
pasilyo at umakmang hahakbang na papasok, ay siyang paglabas ng humahangos ng
isang batang lalaki at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Isang
marusing na bata na nagngangalang Andres Reyes ang nakita ni Aling Marta.
Sinigawan ni Aling Marta ang bata dahil sa pangyayari. Humingi ng paumanhin ang
bata kay Aling Marta ngunit hindi niya ito tinatanggap ng maayos. Pagkatapos ng
pangyayaring ito ay pumunta na si Aling Marta sa tindahan. Magbabayad na sana ng
pinamli si Aling Marta ngunit hindi nito mahanap ang kanyang pitaka. Naalala niya bigla
ang nakabangga niyang marusing na bata kaya hinabol niya ito. Tumawag siya ng mga
pulis upang mapaamin ang bata ngunit tumatanggi ang bata na hindi siya ang
nagnakaw ng perang dala ni Aling Marta. Pinipilit ni Aling Marta ang pagbibintang niya
sa bata. Sa huli, nakatakas ang bata sa kamay ni Aling Marta at sa kasamaang palad
ay nasagasaan. Pagkatapos ng pangyayaring ito nangutang nalang si Aling Marta sa
tindahan ng ulam. At pagkatapos ay umuwi nalang si Aling Marta na bitbit ang dala
niyang pananghalian. Pagkauwi ni Aling Marta laking gulat ng kanyang pamilya sa dala
niyang ulam. Nalaman ni Aling Marta na mali lahat ng pagbibintang niya sa inosenteng
bata. Nalaman niya na naiwan niya ang pitaka niya sa kanilang bahay.

 Ang Kalupi ay isang Maikling Kwento at isang masining na anyo ng Panitikan


isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang impresyon lamang.
 Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o
karanasan sa buhay.
 Ipinapakita sa "Ang Kalupi" ang isyu ng kahirapan ang nagiging dahilan ng
kawalan ng boses at balakid sa hindi pagkamit ng hustisya.
 Ang kalupi ay sumisimbolo sa pera na naging dahilan ng pagkakaroon ng
magkakaibang estado ng tao sa lipunan.

MGA TEORYANG MAKIKITA SA “ANG KALUPI”


 Ang Kalupi ay isang teoryang realismo dahil layunin nito na ipakita ang mga
karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan.
 Teoryang Naturalismo ang isa sa mga ginamit na teoryang pampanitikan sa
akda. Ang naturalismo ay mga kasuklam- suklam na mga pangyayari sa mga
buhay ng mga tao.
 Imahismo ang isa sa mga teoryang maaaring makita sa akda. Ito ay gumamit ng
mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya,
saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda
 Sosyolohikal ay isa rin sa mga teoryang makikita sa akda na ito. Ang teoryang
sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa
kwento. Ang layunin ng sosyolohikal na panitikan ay ipakita ang kalagayan at
suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may akda.
 Humanismo ang isa rin sa mga binigyang pansin na teorya. Humanismo ay ang
kahinaan at kalakasan ng mga tao.

 Ang layunin ng may akda ay maipakita ang realidad at mamulat ang mga tao sa
tunay n amga pangyayari sa lipunan at sa mundong ating ginagalawan, ang
kawalan ng hustisya at epektong mapanghusgang isipan ng tao.
 Sinasalamin din ng akdang ito ang katotohanang mahirap makamit ang hustisya
para sa mga dukha. Ang gustong ipabatid sa atin ng manunulat na hindi tamang
maghusga tayo ng walang sapat na batayan.
 Mahusay ang pagkakagawa ng maikling kwento sapagkat ito ay sumasalamin sa
mga totoong pangyayari sa ating lipunan at maraming tao ang magbibigyang
aral.

MAPUPULOT NA ARAL:
 Huwag mong huhusgahan ang panlabas na kaanyuan kundi ang busilak na
kalooban.
 Huwag manghusga ng tao sa panlabas nitong anyo ng walang sapat na batayan,
isiping maigi ang mga desisyon. Dahil marami ang namamapatay sa maling
akala.
 Kahit ano ang estado mo sa buhay, lahat tayo ay pantay pantay.
EXPLAINATION:

*Ang Kalupi ay isang Maikling Kwento, at isang masing na anyo ng Panitikan isang
maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilangtauhan at may iisang impresyon lamang.

*Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o


karanasan sa buhay.

*Ipinapakita sa "Ang Kalupi" ang isyu ng kahirapan ang nagiging dahilan ng kawalan ng
boses at balakid sa hindi pagkamit ng hustisya.
Explaination: Ang kuwento ng Ang Kalupi ay nagsasabi at nagbibigay malay sa bawat
isa na kahit mahirap ang estado sa buhay ng isang tao o hindi gaanong maganda ang
sitwasyon sa buhay o kaya’y isa s’yang pulubi sa lansangan ay hindi
nangangahulugang maryoon itong masamang iniisip dahil sa katunayan hindi natin sila
kilala at wala rin tayong karapatang husgahan ang kanilang pagkatao. Hindi man natin
maitatanggi ang katotohanan na paminsan-minsan ay nahuhusgahan natin ang kapwa
natin maganda kung itutuon na lang natin ang ating atensyon sa ibang bagay para hindi
tayo makapanakit ng iba. Lahat tayo ay may karapatang maging malaya at lahat din
tayo ay may karapatang makamtan ang hustisya sa buhay, kahit tayo ay mangmang o
walang narating sa buhay ang importante ay malakas ang iyong loob na harapin ang
mga pagsubok sa buhay at tiwala sa sarili ang kailangan. Higit pa rito dapat malaki ang
tiwala sa ating Poong Maykapal sapagkat siya lang ang makakatulong sa ating mga
kahirapan sa buhay.

*Ang kalupi ay sumisimbolo sa pera na naging dahilan ng pagkakaroon ng


magkakaibang estado ng tao sa lipunan.
Explaination: Ipinakita dito ang kapangyarihan ng pera o kung ano man ang nagawa ng
tao dahil sa pera. Sa pera umiikot ang buong kwento, ng dahil dito nagiiba ang trato
natin sa ating kapwa at nagiging mapanghusga kung minsan base lamang sa nakikita.
Ang katarungan ay para sa lahat, kahit mahirap ka kung alam mo naman kung ano ang
tama ipaglaban mo ito dahil lahat tayo ay may karapatang ipagtanggol ang ating sarili.

MGA TEORYA
*Ang Kalupi ay isang teoryang realismo dahil layunin nito na ipakita ang mga karanasan
at nasaksisan ng may-akda sakanyang lipunan.
Explaination: Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaepektibo ng kanyang sinulat.

* Teorya Naturalismo ang isa sa mga ginamit nilang teoryang pampanitikan sa akda.
Ang naturalismo ay mga kasuklam- suklam na mga pangyayari sa mga buhay ng mga
tao.
Explaination: Sa “Ang Kalupi”, pinakita ang sinapit ng bata dahil sa kanyang itsura at
posisyon sa buhay. Dahil doon, napagkamalan ni Aling Marta ang bata na mandudukot.
Sa nakasamaang palad, nasagasaan ang takot na bata. Hindi iyon mangyayari kung
hindi nanguna ang panghuhusga ni Aling Marta.

*Imahismo ang isa sa mga teoryang maaaring makita sa akda na ito. Ito ay gumamit ng
mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at
iba pang nais na ibahagi ng may-akda.
Explaination: Nagbibigay ito ng eksaktong paglalarawan. Ang pagbibigay anyo sa mga
ideya ay makikita rin. Ito ay nagpapahayag ng kalinawan sa mga imaheng biswal
katulad na lamang ng literal na paglalarawan sa mga tauhan at ng kanilang buhay. Ang
teoryang ito ay ginamit upang mas maintindihan ng mga tao ang akda sa pamamagitan
ng mga nabubuong imahe sa kanilang mga utak.

*Sosyolohikal ay isa rin sa mga teoryang makikita sa akda na ito. Ang teoryang
sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento.
Ang layunin ng sosyolohikal na panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning
panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may akda.
Explaination: Masasabing teoryang sosyolohikal ang akdang ito dahil makikita mo ang
diskriminasyon sa lipunan ng akda at sa lipunan ngayon. Hindi lang si Aling Marta ang
nanghusga kay Andres pati na rin ang mga tao sa paligid nila. Makikita rin ang kawalan
ng katarungan sa akdang ito. Hindi binibigyang pansin ang mga mahihirap pag dating
sa pagkamit ng hustisya

*Humanismo ang isa rin sa mga binigyang pansin na teorya. Humanismo ay ang
kahinaan at kalakasan ng mga tao.
Explaination: Masasabing humanismo ang “ang kalupi” dahil sa ipinakitang pagaabuso
ni Aling Marta sakanyang kalakasan. At ipinakita rin ang kahinaan ni Andres na kung
saan siya naman ang inabuso. Pinakita sa akda kung paano minaltrato ni Aling Marta si
Andres. Ang humanism rin ay pumapatungkol sa karapatan ng tao. At makikita rin dito
na ipinagkait kay Andres ang kanyang mga karapatan ipagtanggol ang kanyang sarili.

*Ang layunin ng may akda ay maipakita ang realidad at mamulat ang mga tao sa tunay
namga pangyayari sa lipunan at sa mundong ating ginagalawan, ang kawalan ng
hustisya at epektong mapanghusgang isipan ng tao.
Explaination: Sinasalamin nito ang katotohanan na hinuhusgahan ang isangtao base sa
anyo at estado nito sa buhay. Sinasalamin din ng akdang ito ang katotohanang mahirap
makamit ang hustisya para sa mga dukha. Ang gusting ipabatid sa atin ng manunulat
na hindi tamang maghusga tayo ng walang sapat na batayan.

*Sinasalamin din ng akdang ito ang katotohanang mahirap makamit ang hustisya para
sa mga dukha. Ang gusting ipabatid sa atin ng manunulat na hindi tamang maghusga
tayo ng walang sapat na batayan.
Explaination: Ito ay nagpapakita ng realidad at mamulat ang mga tao sa tunay na mga
pangyayari sa lipunan at sa mundong ating ginagalawan, ang kawalan ng hustisya at
epekto ng mapanghusgang isipan ng tao. Sinasalamin nito ang katotohanan na
hinuhusgahan ang isang tao base sa anyo at estado nito sa buhay.

*Mahusay ang pagkakagawa ng maikling kwento sapagkat ito ay sumasalamin sa mga


totoong pangyayari sa ating lipunan at maraming tao ang magbibigyang aral.

You might also like