Migrasyon 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII – Easter Visayas
Schools Division of Samar
Sta. Margarita I District
STA. MARGARITA NATIONAL HIGH SCHOOL
Sta. Margarita, Samar

Semi – Detailed Lesson Plan sa Araling Panlipunan 10

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nilalaman : Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga
lokal at pandaigdigang isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang
kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.
B. Pamantayang sa Pagganap : Ang mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung
pang-ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto : *Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng


globalisasyon
D. Koda : Linggo 5-6
E. Tiyak na Layunin:
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nailalahad ang kahulugan ng migrasyon


2. Maisaisa ang mga uri ng migrasyon ng mga tao
3. Maunawaan ang mga termino na madalas ginagamit sa disiplina ng migrasyon

II. Nilalaman
A. Paksa :Konsepto at Termino ng Migrasyon
Araw : December 5-9, 2022, araw 2
Oras : 8:30 – 9:30 AM (MTW – Jupiter) / 4:00-5:00 PM (MTW – Earth)
Paglalaan : Isang oras
ng oras

B. Mga Mapagkukunan ng Pag-aaral:


Sanggunian : LM pahina: wala
TG pahina: wala
MELC pahina: 57/723
Learner’s Module: AP10_Q2_Mod3_Mga-Dahilan-at-Epekto-ng-Migrasyon.pdf
Iba pang sanggunian: wala

Kagamitan : Laptop, TV, Blackboard, Chalk

III. Pamamaraan:
A. Pagbabalik-aral/Paglalahad ng Bagong Aralin

- Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang mga natutuhan sa nakaraang aralin
tungkol sa isyu ng paggawa.
- Ilalahad ng guro ang panibagong aralin pagkatapos.
B. Paglalahad ng Layunin
- Ilalahad ng guro ang layunin ng aralin

Mga Tiyak na Layunin:


1. Nailalahad ang kahulugan ng migrasyon
2. Makapagbibigay ng mga halimbawa sa mga uri ng migrasyon ng mga tao
3. Mauunawaan ang mga termino na madalas ginagamit sa disiplina ng migrasyon

C. Paglalahad Ng Mga Halimbawa/Mga Pagkakataon Tungkol Sa Bagong Aralin


- Hahayaan ng guro na panuorin ng mga mag-aaral ang isang vidyow tungkol sa migrasyon at
magtatanong kung ano ang kanilang ideya tungkol sa kanilang napanuod na vidyow.

D. Pagtatalakay Ng Bagong Aralin At Paggamit Ng Bagong Kasanayan #1


- Tatalakayin ng guro ang aralin tungkol sa kahulugan ng Migrasyon, uri ng migrasyon at mga termino sa
migrasyon.

E. Pagtatalakay Ng Bagong Aralin At Paggamit Ng Bagong Kasanayan #2


- Ang guro ay magbibigay ng mga halimbawa tungkol sa uri ng migrasyon

F. Aplikasyon (Developing Mastery of the lesson):


- Ang guro ay magbibigay ng gawain sa mga mag-aaral (Graded-Recitation)
- Gawain 2: Totoo o Charot

G. Paghahanap Ng Praktikal Na Aplikasyon Ng Aralin At Kasanayan Sa Pang-Araw-Araw Na Buhay


- Ang guro ay magbibigay ng mga halimbawa ng mga tao sa Sta. Margarita na nag migrate sa ibang lugar sa
pilipinas o ibang bansa.

H. Paglalahat
- Ang guro ay magtatanong tungkol sa mga natutunan ng mga mag-aaral tungkul sa aralin.
Halimbawa:
- Ano ang kahulugan ng migrasyon?
- Anu-ano ang mga uri ng migrasyon ng mga tao? Mabigay ng tag isang halimbawa.
- Magbigay ng isang termino na ginagamit sa disiplina ng migrasyon at ipaunawa sa lahat.

IV. Pagtataya 8:
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong sa ibaba, piliin lamang ang TITIK ng iyong tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakahulugan sa salitang migrasyon?


A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga mamamayan.
C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na
pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang
lugar pansamantala man o permanente

2. Ito ay ang tawag sa mga taong lumabas o lumipat sa ibang lugar sa loob lamang ng bansa.
A. Internal Migration C. International Migration
B. External Migration D. OFW

3. Ito ay ang tawag sa mga taong lumabas o lumipat ng ibang lugar ng pansamantala lamang.
A. Migrant C. Internal Migration
B. Immigrant D. International Migration
4. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy ng kahulugang ito “tumutukoy sa dami o bilang ng mga
nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon.

A. flow B. Net Migration C. Stockfigure D. Emigration

5. Ito ay ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang _______?

A. flow B. Net Migration C. Stockfigure D. Emigration

B. Isulat ang LOOB o LABAS kung ang mga sumusunod ay tumutukoy bilang INTERNAL MIGRATION o
INTERNATIONAL MIGRATION.
1. Namamalagi si Eron sa bahay ng kanyang tita sa Laoag magmula nang lumipat siya galing Maynila.
2. Namasukan bilang kasambahay si Aling Maring sa mansion ng mga Ortega sa Cavite.
3. Isinakatuparan ni Aaron ang kanyang pangarap na magtrabaho sa Canada buhat nang siya ay maging
isang ganap na inhinyero.
4. Nag-cross country si Lena buhat sa Malaysia patungong London.
5. Umuwi na lamang sa Cotabato si Jayson buhat sa Tondo nang masunog ang tinitirhang bahay doon.

V. Karagdagang Gawain
Panuto: Magsaliksik sa internet tungkol sa mga dahilan ng migrasyon dulot ng globalisasyon. Isulat sa
iyong kwaderno.

VI. Marka:____________________________________________________________________

VII. Pagninilay
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. _______
B. Bilang ng mga mag-aaral na kailangan ng Karagdagang Gawain para sa Pagpapaunlad ng kaalaman
________
C. Gumana ba ang Remedyal na talakayan? Bilang ng mga mag-aaral na natututo sa aralin
_____________________________________________
D. Bilang ng mga-aaral na kailangan pa rin ng pagpapaunlad. ____
E. Alin sa mga paraan ng pagtututo ang gumana? Bakit ito gumana?
_____________________________________________
F. Talakayan at harapang pag-uusap. ______________________________________
G. Anong mga kahirapan ang aking naranasan na kinakailangan pa ang tulong ng aking mga nakatataas
para masolusyunan?
_____________________________________________
H. Anong mga Inobasyon o mga pampamayanan na mga kagamitan ang aking ginamit na gugustuhin
kong ibahagi sa aking mga kapwa guro?
_____________________________________________

Inihanda ni: Winasto ni:

POLICARPO V. UY
JORDAN S. HULAR
DALUBGURO I
GURO I
Binigyang Pansin ni: Inaprobahan ni:

RONNEL A. RAMADA GLORIA B. TAMIDLES, JD


ULONG GURO I PUNONG GURO III

You might also like