Migrasyon Quarter 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Detalyadong Banghay aralin sa Araling Panlipunan 10

Inihanda ni: Bb. Mae Lorenz I. Doroja

I. OBJECTIVES:

A. Content Standard:

may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at pandaigdigang isyung pang ekonomiya upang
mapaunlad ang kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.

B. Performance Standard:

ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pangekonomiyang nakaaapekto sa kanilang


pamumuhay.

C. Learning Competence/Objectives:

a. • Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

b. • nailalahad ang kahulugan ng migrasyon;

• nasusuri ang mga dahilan ng migrasyon;

• nasusuri ang mga epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon; at

• nakagagawa ng poster tungkol sa migrasyon.

II. NILALAMAN/CONTENT

Paksa: 1. Migrasyon

2. Mga Dahilan o Sanhi ng Migrasyon

3. Mga Epekto ng Migrasyon

Content/topics: Mga dahilan at epekto Ng migrasyon

Sangunian/reference: Department of Education. Araling Panlipunan Grade 10 Learners Module, 2017.

Kagamitan/materials: Mga biswal

III. PAMAMARAAN

Gawaing guro Gawaing estudyante

a. Panalangin -Tatayo nng mga estudyante


upang manalangin.
-Maari bang tumayo ang lahat upang tayo ay manalangin. -Amen

- Magandang Umaga mga bata! - Magandang umaga din po Bb.


Mae Lorenz Doroja
- pakiayos ng upuan bago kayo umupo.

b. Pagsusuri ng pagdalo at pagliban sa klase

- makinig ng mabuti at magsabi nang "Narito po" kung tinawag ang iyong
pangalan. - opo ma'am.

- Aboganda Mark - Narito po.

c. Pag sumiti ng takdang aralin

- pakipasa ng inyong takdang aralin sa ibabaw ng mesa.

- tutugon ang mga bata.

B. PAGBABALIK ARAL

- Bago natin simulan ang panibagong aralin, magbalik aral muna tayo. Anu
ang pinag-aralan natin noong nakaraang araw?
-Ang pinag-aralan po natim
noong nakaraang araw ay
tungkol sa mga isyung
kinakaharap ng bawat
manggagawa saan mang panig
ng mundo.
- Paano nakaapekto ang mga suliraning ito sa paggawa?
- Ito po ay tumutukoy sa mga
mababang pasahod na minsann
nagiging dahilan kung bakit
nagagawang mangibang-bansa
-Napakahusay ng iyong pagsagot. Iyan ay nagpapatunay lamang na Ikaw ay ang mga Pilipino.
may natutunan sa nakaraang leksyon.

C. Motibasyon

Bago tayo magsimula sa ating bagong aralin magkakaroon muna tayo ng laro
at ito ay ang "Trip to Jerusalem".
- sasagot ang estudyante upang
Hahatiin Ang klase ng 5 grupo, at ang bawat grupo ay pipili ng dawalang
ipahayag ang kanyang
meyembro upang maging kalahok sa naturang laro.
natutuhan sa paksa.
Kumuha ng siyam na upuan at ayusin ito ng pabilog. Bago magsimulaaAng
laro ay may maririnig ka na togtog ng kanta at habang tumutogtog ang kanta
sasayaw ang mga meyombro ng bawat grupo at iikot sa mga upuan. Kapag
tumigil ang totog, mag uunahan kayo sa pag upo sa upuan at ang hindi
makaka upo ang siyang matatanggal sa laro. Nakuha? - opo ma'am.

Base sa ating naging laro, anu ang napansin niyo?

- ito po ay naglilipat-lipat ng
pwesto ng upuan.
- Anu sa tingin niyo ang tatalakayin natin sa araw na ito base sa ating
- ito rin po ay may galawang
ginawang laro?
nagaganap.

- para po sa akin, ang


Tama! Ngayon tatalakayin natin ang tungkol sa paglilipat ng isang tao sa tatalakayin natin sa araw na ito
ibang lugar upang doon mag trabaho o manirahan at ito ay ang migrasyon. ay patungkol sa migrasyon base
Tatalakayin din natin ang mga dahilan at epekto nito sa migrasyon. sa laro natin.

D. SETTING OBJECTIVES

- Bago natin simulan ang ating panibagong topiko, narito ang layunin ng
paksang ito;

• nailalahad ang kahulugan ng migrasyon;

• nasusuri ang mga dahilan ng migrasyon;

• nasusuri ang mga epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon; at

• bakagagawa ng poster tungkol sa migrasyon.

E. GAWAIN/ACTIVITY:

Gawain 1. Loob o Labas?!

Panuto: Uriin ang sumusunod na sitwasyon kung ito ay panloob na migrasyon


o panlabas na migrasyon. Gawin ito sa hiwalay na papel.

1. Namamalagi si Eron sa bahay ng kanyang tita sa Laoag magmula nang


lumipat siya galing Maynila.

2. Namasukan bilang kasambahay si Aling Maring sa mansion ng mga Ortega


sa Cavite.

3. Isinakatuparan ni Aaron ang kanyang pangarap na magtrabaho sa Canada


buhat nang siya ay maging isang ganap na inhinyero.

4. Nag-cross country si Lena buhat sa Malaysia patungong London.

5. Umuwi na lamang sa Cotabato si Jayson buhat sa Tondo nang masunog 1. Panloob na migrasyon
ang tinitirhang bahay doon.
2. Panloob na migrasyon
F. ANALYSIS
3. Panlabas na migrasyon
• Paano mo mabibigyang kahulugan angkonseptong migrasyon?
4. Panlabas na migrasyon

5. Panloob na migrasyon

• Paano mo maipaliliwanag ang iba't ibangdahilan ng migrasyon?

- mabibigyan kahulugan ang


konsepto ng migrasyon
sapamamagitan ng pag susuri
ng mga dahilan o sanhin ng
• Ano ano ang mga pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon? migrasyon at mga epekto nito.

- maipapaliwanag Ang ibat-


ibang dahilan ng migrasyon sa
pangangalap ng ibat-ibang
rason o mga karanasan ng mga
tao na lumilipat sa ibang lugar
upang manirahan at mag
trabaho.

- Ang pangkalahatang
obserbasyon sa migrasyon ay,
ito ay nagaganap sa bawat tao
na nag nanais maibsan ang
kahirapan kung saan nag
papalipat-lipat ng lugar upang
doon mag trabaho at
manirahan. Ang sitwasyon ng
kanilang pamumuhay ang syang
nag uudyok upang lumipat ng
bansa at may mga positibo at
negatibong epekto din ito sa
bansa.

G. ABSTRACT

- pagsinabing migrasyon, anu ang mga ideyang nabubuo sa inyong isip?

Ms. Garcia anu ang iyong ideya? - sa aking pagkakaalam po, ang
migrasyon ay ang pag lilipat ng
isang tao sa isang lugar tungo
- magaling! sa isa pang lugar.

- Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang


lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay
pansamantala o permanente. Ang mga sanhi ng pag-alis o paglipat ay
kalimitang nag-uugat sa ilang dahilan gayundin ang mga epekto nito.

Ang migrasyon ay may dalawang uri, ito ay ang panloob na migrasyon at


panlabas na migrasyon.

Anu sa palagay niyo ang panloob na migrasyon?

Maaribang magbigay ng ideya ukol dito?

- ma'am ang panloob na


migrasyon ay ang paglilipat ng
isang tao sa isang lugar
halimbawa po ako, galing ako
- Tama! Ang panloob na migrasyon ay Ang migrasyon sa loob lamang Ng sa probinsya tapus luluwas ako
bansa. ng maynila upang mag-aral o
magtrabaho.
- Anu naman ang panlabas na migrasyon?

Miss Labid maaribang ibahagi mo ang iyong ideya ukol dito?

- magaling! panlabas na migrasyon naman kapag lumipat na ang mga tao sa


ibang bansa upang doon na manirahan o mamalagi nang matagal na - sa pagkakaalam ko po ang
panahon. panlabas na migrasyon ay ang
paglilipat ng isang tao sa ibang
lugar gaya ng ikaw ay mag
tatrabaho sa labas ng bansa
tulad ng Canada ngunit ikaw ay
- bakit nagkakaruon ng migrasyon ang mga tao? anu ang sapat na dahilan nila galing ng Pilipinas.
kung bakit lumilipat sila sa ibang lugar upang doon na manirahan o mag
trabaho? Sino Ang makapagbibigay ng kasagutan sa tanong na ito?

Ikaw na nagtaas ng kamay, anu ang kasagutan mo dito?

- ma'am?

- ma'am isang dahilan po kung


bakit nagkakaruon ng
migrasyon ay dahil sa kawalan
ng hanapbuhay o hindi sapat
- Tama! Isa sa mga dahilan ang hanapbuhay kung bakit nagaganap ang ang kinikita ng isang tao sa
migrasyon. lugar na kinabibilangan.
May dalawang dahilan ang migrasyon. Ito ay ang push-factor na dahilan at
pull-factor na dahilan.

Ang Push-factor na dahilan ay ang mga negatibong salik na nagiging dahilan


ng migrasyon at Ang pull-factor na dahilan ay ang positibong salik na
dumarayo dahil sa sumusunod na dahilan.

Ngayon maaribang magbigay kayo ng mga halimbawa ng push-factor na


dahilan ng migrasyon?

-Ikaw miss Gomez

Isang halimbawa Ng pull-factor na dahilan at ang Paghahanap ng payapa at


ligtas na lugar na matitirhan. Walang sinuman ang gugustuhing Hindi ligtas - isang halimbawa po dito ay
Ang Lugar na titirahan kaya maraming mga tao Ang lumilipat sa isang lugar ang isyu sa siguridad ng tao.
kung saan Sila ay ligtas at magkakaroon Ng maganda at mapayapang
pamumuhay at malayo sa kapahamakan. Isang halimbawa nito ay ang pag-
alis ng mga mamamayan ng Marawi noong kasagsagan ng pananalakay ng
Maute Group doon.

Anu pa ang mga halimbawa nito?

Isa pang halimbawa nito ay ang Paglayo o pag-iwas sa kalamidad. Hindi


maikakaila na ang Pilipinas ay daanan ng mga bagyo at iba pang kalamidad.
aa mga panahong ito, nangyayari ang paglikas sa mga taong nasasalanta ng
kalamidad. Naiiwan doon ang kanilang mga bahay at ari-arian, maging ang
mga alagang hayop. Ang mahalaga, ang mga taong ito ay napupunta sa mas
ligtas na lugar na tinatawag na evacuation centers. - maduming kapaligiran

Anuman Ang mga halimbawa ng pull-factor na dahilan ng migrasyon?


Magbigay Ng halimbawa nito.

- Tama! Isa sa mga halimbawa ng pull-factor ay Magandang oportunidad


gaya ng trabaho at mas mataas na kita. Isang katotohanan na mas marami
ang trabahong naghihintay sa mga mas mauunlad na lugar o bansa kaysa sa
mga mahihirap at papaunlad na bansa. Ito ay tinitignang dahilan kung bakit
umaalis ng lugar ang ilan nating kababayan. Halimbawa Ang mga OFW, Sila ay - Magandang trabaho at
pumunta Ng ibang bansa upang mag trabaho at Minsan Doon nalang mataas na sahod.
naninirahan.

Bilang isang isyung pang-ekonomiko, maraming mga epekto ang migrasyon.


Anu ang alam niyong mga epekto nito?

May nakakaalam ba sa inyo?

Ikaw miss Aliman, anu ang alam mong epekto nito?

Ang pagbabago ng populasyon ay isa sa mga epekto ng migrasyon.

-Ang pagkakaroon ng napakataas at napakababang populasyon ay may


tuwirang epekto sa migrasyon. Sa mga bansang mabilis tumaas ang
populasyon, lalo na sa mga mahihirap na bansa, tinataasan ang buwis na
ipinapataw sa mga mamamayan para sa mga serbisyo ng pamahalaan. Dahil
dito, marami sa mga mamamayan ang pinipiling mangibang-bansa.
- Paglaki at pagbaba ng
Isapang halimbawa nito ay Ang pag-unlad Ng ekonomiya Ng bansa.Malaki populasyon po ma'am.
ang naitutulong ng mga OFW sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas. Ang
kanilang mga remittance o ipinapadalang pera sa kanilang pamilya ay
nagsisilbing capital para sa negosyo. Napakarami na ring mga OFW ang
nakapag-ahon sa kanilang pamilya sa kahirapan at nakapagpatapos sa
kanilang mga anak sa pag-aaral.

H. APPLICATION

GAWAIN 2. Nalaman Ko Na…


Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap upang masukat ang iyong
napag-aralan ukol sa
paksa. Gawin ito sa hiwalay na papel.
1. Ang migrasyon ay tumutukoy sa______________________________
2. Maraming mga Pilipino ang nangingibang-bansa dahil sa iba’t ibang
kadahilanan. Isa marahil sa pinakamabigat na dahilan ay ang
_________________________________________________

3. Ang isa pang dahilan ng migrasyon ay


1. Ang migrasyon ay tumukoy
________________________________________
sa proseso ng pag-alis o
paglipat mula sa isang lugar o
teritoryong politikal patungo sa
4. Isa sa mga mabubuting epekto ng migrasyon ay iba pa maging ito man ay
_______________________________________ pansamantala o permanente.

2. Isa sa mga marahil na


5. Isa sa mga di-mabubuting epekto ng migrasyon ay mabigat na dahilan ay ang
_____________________________________________________ kawalan ng magandang
oportunidad lalo na sa trabaho
I. GENERALIZATION o pagkakakitaan upang
matustusan ang pang-araw-
Sa pag bubuod Ng ating tinalakay ngayong Araw, tinalakay natin Ang
araw na pamumuhay.
patungkol sa migrasyon, sanhi at dahilan Ng migrasyon, at epekto Ng
migrasyon. Isa pang dahilan ng migrasyon
ay ang paglayo o pag-iwas sa
Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang
alamidad.
lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay
pansamantala o permanente.

Anu Ang dalawang uri ng dahilan Ng migrasyon? 4. Isa sa mga mabuting epekto
Ng migrasyon ay ang pag-unlad
ng ekonomiya ng bansa.

5. Isa sa mga di-mabuting


Anunaman Ang mga epekto Ng migrasyon? epekto ng migrasyon ay ang
Paglaki o pagliit ng populasyon
ng bansa.
IV. EVALUATION

Gawain 8: Panghuling Pagtataya


Panuto: Pagkatapos gawin at sagutan ang mga naunang bahagi ng modyul,
- Ang dalawang uri ng dahilan
sagutan mo naman ang Panghuling Pagtataya (Post-test). Ito ay gagawin
upang masukat ang iyong natutunan ukol sa konsepto ng migrasyon. Isulat ng migrasyon ay ang push-
factor at pull-factor na dahilan.
ang titik ng napiling sagot sa isang hiwalay na papel.

1. Ano ang migrasyon? - Ang epekto mga epekto ng


migrasyon ay ang pagbabago
A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar.
B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga ng populasyon at pag-unlad ng
ekonomiya ng isang bansa.
mamamayan.

C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi


inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan.
D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o
teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o
permanente.
2. Sino ang binansagang “economic migrants”?
A. Iyong mga naiwang miyembro ng pamilya ng mga OFWs.
B. Iyong mga tumakas mula sa kanilang bansa dahil sa matinding karahasan o
di kaya ay kaguluhan.
C. Iyong mga naghahanap ng mas magandang pagkakataon upang
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
D. Iyong mga eksperto na mas piniling mangibang-bansa dahil sa kawalan ng
oportunidad sa bansang pinagmulan.
3. Ano ang brain drain?
A. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
B. Ang pandemya na kumitil sa buhay ng libu-libong tao sa buong mundo.
C. Ang pagpunta sa ibang bansa at pagkaubos ng mga manggagawang
Pilipino.
D. Ang kawalan ng pag-asa sa buhay ng mga naiwan ng mga nasawi sa
COVID-19.
4. Ano ang kahulugan ng househusband?
A. Ang househusband ay ang mag-asawang parehong nagtatrabaho para sa
pamilya.
B. Ang househusband ay ang pagtutol ng mga anak na magtrabaho ang
sinuman sa kanilang mga magulang. 1. D
C. Ang househusband ay ang asawang babae na naiiwan sa bahay habang ang
asawa namang lalaki ay siyang nagtatrabaho. 2. C
D. Ang househusband ay ang asawang lalaki na naiiwan sa bahay habang ang
asawa namang babae ay siyang nagtatrabaho. 3. C
5. Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang di-mabuting epekto ng 4. D
migrasyon sa mga papaunlad na bansa gaya ng Pilipinas?
A. Brain Drain 5. A
B. Economic Migration 6. D
C. Integration
D. Multiculturalism 7. E
6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pang-aabuso sa mga babaeng
8. D
manggagawa sa ibang bansa?
A. Ang mga kababaihang migrante ang kadalasang biktima ng human 9. D
trafficking.
B. Ang ilang kababaihang migrante ay nalalantad sa karahasang sekswal 10. B
(sexual violence).
C. Karamihan sa mga kababaihang migrante ay napipilitang magtiis sa mga
trabahong mababa ang sahod.
D. Lahat ng mga nabanggit.
7. Alin sa mga sumusunod ang nakikitang dahilan kung bakit umaalis ng lugar
ang ilan nating kababayang manggagawa?
A. Higit na mataas na pasahod na alok ng mga mauunlad na bansa.
B. Mas maraming trabaho ang naghihintay sa mga mauunlad na bansa.
C. A lamang
D. B lamang
E. Pareng A at B
8. Kailan nagaganap ang migration transition?
A. Nagaganap kapag nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang manggagawa
at ang kanyang amo dahil sa hindi tamang pasahod.

B. Nagaganap kapag mas marami ang umaalis na Overseas Filipino Workers


(OFWs) kaysa sa dumarating o umuuwi dito sa Pilipinas.
C. Nagaganap kapag nawawala na ang pagkamamamayan ng isang
manggagawa dahil sa pagkawalang-bisa nito dahil sa haba ng paninirahan sa
bansang pinuntahan.
D. Nagaganap kapag ang nakasanayang bansang pinagmumulan ng mga
nandarayuhan ay nagiging destinasyon na rin ng mga manggagawa at
refugees mula sa iba’t ibang bansa.
9. Alin sa mga sumusunod ang implikasyon ng peminisasyon ng migrasyon?

A. Nagkakaroon ng konseptong “house husband” kapag ang ina ang


nangibang- bansa.

B. Kapag ang lalaki ang nangibang-bansa, ang asawang babae ang mas higit
na umaako ng lahat ng gawaing pantahanan.
C. Maraming bansa ang nagpanukala na mabigyan ng proteksyon ang mga
kababaihan na imigrante lalo na sa kondisyon ng bansa na nais nilang
puntahan.
D. Lahat ng mga nabanggit.

10. Alin sa mga sumusunod ang kailangang gawin ng pamahalaan upang hindi
magdagsaan ang mga tao sa mga lungsod gaya ng Kalakhang Maynila?

A. Hikayatin ang mga manggagawa na mangibang-bansa.


B. Paunlarin ang mga lalawigan at mag-alok ng trabaho para sa mga taga-
roon.
C. Isabatas ang pagbabawal sa mga taga-probinsiya na magtrabaho sa
Maynila.
D. Itaguyod and diskriminasyon sa mga taga-probinsiya na pumupunta sa
Maynila.

V. TAKDANG ARALIN

Bayani sa Amin!
Panuto: Bilang karagdagang gawain at upang higit na masukat ang iyong
kaalaman ukol sa migrasyon, ikaw ay kakapanayam ng kamag-anak ng isang
Overseas Filipino Worker (OFW) na nakatira malapit sa inyong lugar. Kung
maaari, kunan ng video ang gagawing panayam. Kung hindi, isulat na lamang
ang gagawing panayam sa isang buong papel.

Paalaala: Bibigyan ng karagdagang 5 puntos kapag nai-video ang panayam.


Rubric sa Pakikipanayam (Interview)

You might also like