BANGHAY ARALIN NG ARALING PANLIPUNAN 10 - Euler

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

COLON NATIONAL HIGH SCHOOL

COLON, MAASIM, SARANGANI PROVINCE

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

DEC. 2, 2019
2:00-3:00 P.M.
Grade 10-

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang
perspektibo na may kaugnayan sa samu’t saring isyu sa gender.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga makabuluhan at malikhaing hakbang na nagsusulong
ng pagtanggap at paggalang sa mga kababaihan na biktima ng prostitusyon upang maitaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.
I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natatalakay ang dahilan ng prostitusyon at pang-aabuso sa tao.
2. Nasusuri ang epekto ng prostitusyon at pang-aabuso sa buhay ng tao sa pamayanan.
3. Nakapagmumungkahi ng mga paraan tungo sa ikalulutas ng suliranin ng prostitusyon at
pang-aabuso sa buhay ng tao.

II. PAKSA: Prostitusyon at Pang-aabuso


Sanggunian: 1. Mga Kontemporaryong Isyu – pahina 181- 183
2. http://lrmds.deped.gov.ph/.Code AP10KP-III-14,
AP101KP-IIIj-15, AP101KP-IIIj-16
    Kagamitan: kagamitang biswal, LM at TG ng Ar.Pan. 10,laptop,Speakers,Cartolina, larawan

III.Pamamaraan:
I.PANIMULANG GAWAIN:
. Panalangin
. Pagbati
. Pagkuha ng Attendance
. Balik-Aral – “SAME SEX MARRIAGE SA BANSA”
. Pagganyak
A. PICTURE ANALYSIS: 4PICS. 1 WORD.
Suriin ng mag-aaral ang apat na larawan kung ano ang ibig sabihin nito.
II. PANLINANG NA GAWAIN:

A. Pangkatang Gawain:

- Hatiin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat batay sa kakayahan o hilig ng mag-aaral.

Pangkat 1. Pagsasadula - Mga dahilan ng prostitusyon at pang-aabuso


Pangkat 2. Sabayang Pagbigkas - Epekto ng prostitusyon at pang-aabuso sa buhay ng tao.
Pangkat 3.Fishbone Dyagram - Mga paraan tungo sa ikalulutas ng suliranin sa prostitusyon.

B. PAGSUSURI
1.Batay sa inyong presentasyon, Bakit nagkakaroon ng prostitusyon sa isang bansa?
2.Ano ba ang dahilan nito?Bakit nila ito ginagawa?
3.Ano ba ang epekto nito sa sarili? sa bansa? at sa pangkalahatang epekto?
4.Sa iyong palagay, ano ang mga suliraning kaakibat ng prostitusyon?
5.Paano maiiwasan o masugpo ang suliranin sa prostitusyon sa bansa?

C. ABSTRAKSYON
- Tatalakayin ang kahulugan ng prostitusyon.
- Pagpapaliwanag sa mga dahilan ng prostitusyon sa pamayanan at sa bansa.
- Pagpapakita ng estadistika tungkol sa bilang ng prostitusyon at pang-aabuso sa bansa.
- Pagpapakita ng larawan tungkol sa epekto ng prostitusyon at pang-aabuso.

- Paglalahad ng mga ideya at pamamaraan upang masugpo at maiiwasan ang prostitusyon


sa pamayanan at maging sa bansa.
-(magkaroon ng integrasyon sa iba’t –ibang asignatura na may kaugnayan sa paksang
tinatalakay: math, esp,science, mapeh )

D. APLIKASYON
1. Bilang isang mag-aaral, Ano ang maipayo mo sa mga babaeng biktima ng prostitusyon
o pang-aabuso?
2. Gaano kahalaga ang pag-aaral natin sa prostitusyon?
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang masugpo o maiwasan ang
prostitusyon sa pamayanan o sa bansa?

IV. PAGTATAYA

Data Retrieval Chart. Punan ng tamang sagot ang chart batay sa iyong natutunan sa suliranin sa
Prostitusyon o Pang-aabuso.

Suliranin Sanhi Epekto Mga Solusyong Gagawin


V. TAKDANG ARALIN

1. Alamin kung ano ang nakapaloob sa “Anti Prostitution Act of 2010/Senate Bill No. 2341”.

VI. PAGMAMASID:

VII. REPLEKSIYON:

Inihanda: Catherine C. Beligolo


Teacher 1

Tagapagmasid: Gemma E. Roldan


Head Teacher III
2. PANGKATANG GAWAIN:
- Hatiin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat batay sa kakayahan o hilig ng mag- aaral.
Magkakaroon kayo ng isang gawain na kung saan aalamin ninyo kung ano ba ang mga
kakayahan o mga gawaing angkop at kayang gawin ng mga kalalakihan, kababaihan at
LGBT. Para sa gawaing ito, gagamit kayo ng meta cards na ididikit sa modelong naibigay
sa inyo.Isusulat lamang ng mga miyembro ng bawat pangkat ang mga trabaho at gawaing sa
tingin ninyo ay angkop sa napili o naitalaga sa inyo.

Unang Pangkat- Babae


Ikalawang Pangkat- Lalaki
Ikatlong Pangkat- LGBT

B. PAGSUSURI
1. May mga trabaho bang katulad din sa trabahong naisulat ng ibang pangkat? Bakit may
mga pagkakatulad?
2. May kilala ka bang babae na matagumpay sa larangang itinuturing na para sa lalaki
(halimbawa, piloto, engineer, boksingero, astronaut)? Ipakilala sila sa klase.
3. May kilala ka bang lalaki at LGBT na matagumpay sa larangang kanilang napili?
Ipakilala sila sa klase
4. Batay sa mga naibahagi sa klase, ang kasarian ba ay batayan sa trabahong papasukan?
Ipaliwanag.
5. Ano ang mga diskriminasyong kinakaharap at nararanasan ng mga
lalaki, babae, at LGBT sa kasalukuyan.
6. Gaano naman kahalaga ang pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa lipunan?
C. ABSTRAKSYON
-Tatalakayin ang kahulugan ng Dikriminasyon.
- Pagpapaliwanag kung ano ang mga diskriminasyong kinakaharap at nararanasan ng mga
lalaki, babae, at LGBT sa kasalukuyan.
-Paglalahad ng mga ideya at pamamaraan upang masugpo at maiwasan ang
diskriminasyon sa kasarian.

D. APLIKASYON
1.“Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang masugpo o maiwasan ang diskriminasyon
lalo na sa aspetong pangkasarian?”
2. Gaano kahalaga ang pag-aaral natin ng diskriminasyon sa iba’t ibang kasarian?

IV. PAGTATAYA
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
____1. Ito ay tumutukoy sa negatibong pagturing sa isang tao base sa kanyang katangian.
            A. Diskriminasyon                              C. Identity Crisis
B. Kalupitan                                        D. Human Harassment
____2. Si Andy ay madalas makutya ng kanyang mga kamag-aral dahil sa kanyang kulay at itsura. Anong salik ng
diskriminasyon ang mababanaag sa sitwasyon ni Andy?
            A. Edukasyon                                     C. Pisikal na kaanyuan
            B. Trabaho                                          D. Relihiyon at kultura
____3. Si Emy ay isang magaling na manggagawa ngunit ayaw siyang tanggapin sa kanyang pinapasukan dahil sa
hindi siya nakapagtapos ng high school. Anong salik ng diskriminasyon ang mababanaag sa sitwasyon ni Emy?
            A. Edukasyon                                     C. Pisikal na kaanyuan
            B. Trabaho                                          D. Relihiyon at kultura
____4. Siya ang kauna-unahang transgender law maker sa Pilipinas at pangunahing tagapagtaguyod ng Anti-
Discrimination Bill sa kamara.
            A. Geraldyn Roman                            C. Geraldine Roman
            B. Geraldine Moran                            D. Geraldyn Moran
____5. Paano natin maiiwasan at masusugpo ang diskriminasyon bilang isang mag-aaral sa kabila ng patuloy na
paglaganap nito sa lipunan?
            A. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti at pagpapaunlad n gating mga sarili
            B. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng respeto sa isat-isa
            C. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa bawat isa sa kabila ng mga kahinaan at kalakasan bilang isang tao
            D. Lahat ng nabanggit

V. TAKDANG ARALIN
Opinyon at Saloobin, Galangin!
1.Kayo ay bibigyan ng pagkakataong makipanayam sa ilang tao upang alamin ang kanilang opinyon at
saloobin sa mga karapatan ng mga LGBT. Matapos ang panayam, ibahagi ang resulta sa inyong pangkat.
Ang mga ito ay binubuo ng mga babae, lalaki, LGBT, lider ng relihiyon, negosyante, at opisyal ng barangay.

VI. PAGMAMASID:

VII. REPLEKSIYON:

Inihanda ni: Catherine C. Beligolo


Teacher 1

Tagapagmasid: Tito B. Cagang Jr.


Master Teacher 1

You might also like