Araling Panlipunan: Ikatlong Markahan - Modyul 3: Epekto NG Paligid NG Paaralan Sa Pag-Aaral

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Epekto ng Paligid ng Paaralan sa
Pag-aaral
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Epekto ng Paligid ng Paaralan sa Pag-aaral
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Sidney G. Reyes


Editor: Angelica M. Burayag, PhD/ Marie Claire M. Estabillo
Mary Grace P. Valenton/ Romeo M. Layug
Emily DR. Mendoza/ Lorinda P. Dionisio/
Bernadette G. Paraiso, PhD/ Elena V. Almario
Tagasuri: Mila D. Calma/ Nestor P. Nuesca, EdD/ Edgar E. Garcia
Romeo M. Layug/ Jonathan Paranada/ Ryan C. Pastor/
Mary Rose B. Caguillo/ Jennifer T. De Jesus /
Melinda S. Mendoza / Nerissa D. De Jesus /
Sandee C. Olubia/ Anellen G. Fernandez
Tagaguhit: Jenny P. Hingpit
Tagalapat: Ana May P. Roberts

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V


Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Milagros M. Penaflor, PhD
Edgar E. Garcia
Romeo M. Layug

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Region III


Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]
1

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Epekto ng Paligid ng Paaralan sa
Pag-aaral
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral
sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa


Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-
aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang


masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may
kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy
o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi
ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang
mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na


ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang
mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan
agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng
suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa


iyong kapakinabangan. Ito ay upang matulungan kang
unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 1.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng aralin:


• Aralin 3- Epekto ng Paligid ng Paaralan sa Pag-
aaral

Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:
1. Makikilala ang pisikal na kapaligiran na
nakapaligid sa paaralan.
2. Masasabi ang epekto ng pisikal na kapaligiran sa
sariling pag-aaral.

1
Subukin

Panuto: Ano-ano ang mga nakapaligid sa paaralan na


nakaaapekto sa pag-aaral. Isulat sa sagutang papel ang
iyong sagot.

1.

2.

4. 5.

3. .

2
Aralin
Epekto ng Paligid ng Paaralan sa
1 Pag-aaral

Nahihirapan tayong ituon ang ating atensyon sa


mga bagay na ating ginagawa kapag maingay ang
paligid. Naabala tayo sa mga di kaaya-ayang malalakas
na tunog kaya di natin magawa nang maayos ang ating
mga gawain.
Tulad sa ibang mga pagkakataon, hindi nakabubuti
sa pag-aaral ng batang tulad mo kung maingay at
magulo ang paligid ng paaralan. Higit mong
matututunan ang mga aralin kung tahimik at payapa sa
inyong lugar.

3
Balikan

Panuto: Tukuyin ang mga bahagi ng paaralan. Isulat ang


sagot sa sagutang papel.
1. Dito ka maaring humiram ng aklat.

2. Dito ka maaring maglaro sa padalusan at duyan.

3. Dito nagtuturo ang guro.

4. Dito nakahihingi ng mga gamot, alcohol at sabon.

5. Dito ka nakabibili ng masusustansiyang pagkain.

Mga Tala para sa Guro


Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa
epekto ng paligid ng paaralan sa pag-aaral.
Mainam na gabayan ang mga mag-aaral sa
pagtalakay ng aralin sa pamamagitan ng
paggamit ng modyul na ito.

4
Tuklasin

Ang Kaarawan ni Mang Juan

Nag-aaral si
Julian sa Pagasa
Elementary School.
Napapaligiran ng
mga kabahayan
ang kanilang
paaralan. Malapit
din ito sa Barangay
Hall at Health Center
ng kanilang lugar.
Papasok na siya sa paaralan. Napansin niya na may
nag-aayos ng mesa at bangko sa bakuran nila Mang
Juan. Ngayon nga pala ang kaarawan niya.
Nagsisimula na sa talakayan Si Ma'am Dianne sa
Araling Panlipunan nang may bigla silang narinig na
malakas na boses na kumakanta sa karaoke.
Dahil dito, di natuloy ang klase sa halip ay nagbigay
na lamang ang guro ng sasagutang gawain .

5
Suriin

Maraming paaralan ang makikita sa ating bansa.


Ang ilang mga paaralan ay matatagpuan malapit
sa mga ilog, gubat at bundok.

Ang iba naman ay makikita malapit sa simbahan,


barangay hall, palengke at iba pang pampublikong
lugar.

6
May epekto ang paligid ng paaralan sa pagkatuto
ng mga mag-aaral.
Magiging mahirap ang pagtuturo ng mga aralin
kapag maingay at magulo ang paligid. Mawawala ang
atensyon ng mga bata sa kanilang guro dahil hindi
magiging tuloy-tuloy ang talakayan.

Magiging maayos ang pagtuturo kung tahimik at


payapa ang paligid habang nag-aaral. Mas madaling
maiintindihan ang mga aralin at magiging maayos ang
pagtuturo.

7
Pagyamanin

A. Panuto: Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang


tumutukoy sa lugar na makikita sa labas ng paaralan.
Gawing gabay ang larawan sa bawat bilang. Isulat sa
sagutang papel ang mga salitang iyong mahahanap.

1. 2. 3.
SARI-SARI
STORE

4. 5.

Q W E R D F P H A I S Y

S I M B A H A N H L F G

E Y T S H P L Y C O G E

W F G I K L E U J G C W

Q R D D T I N D A H A N

A E J J L D G E S I X L

Z B U N D O K R A K Q S

F J E L D X E W Q F J O

8
B. Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M
naman kung ito ay mali. Isulat sa sagutang papel ang
iyong sagot.
1. Maraming paaralan ang makikita sa ating bansa.
2. Lahat ng paaralan ay nasa tabi ng palengke.
3. Ang ilang paaralan ay makikita malapit sa bundok.
4. Karamihan sa mga paaralan ay napaliligiran ng
mga kabahayan.
5. Bawal ang mga tindahan malapit sa paaralan.

C. Panuto: Iguhit ang mga lugar sa paligid ng iyong


paaralan. Gawin ito sa hiwalay na papel.

9
D. Panuto: Kilalanin ang mga lugar na maaaring nasa
paligid ng iyong paaralan. Isulat sa sagutang papel ang
letra ng iyong sagot.

a. Bundok d. Simbahan
b. Ilog e. Palengke
c. Tindahan

SARI-SARI
STORE

1. 2.

3. 4.

MARKET

5.

10
E. Panuto: Tingnan ang larawan sa bawat bilang. Iguhit
ang masayang mukha kung tahimik ang paligid ng
kanilang paaralan at malungkot na mukha kung
maingay ang paligid ng paaralan. Iguhit sa sagutang
papel ang iyong sagot.

1. 2.

3. 4.

5.

11
F. Panuto: Ilagay ang tsek (/) kung ang larawan ay
nagpapakita ng mabuting kapitbahay ng paaralan at
ekis (X) kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang iyong
sagot.

1. 2.

3. 4.

5.

12
G. Panuto: Iguhit ang araw kapag nagbibigay ng
malakas na ingay at buwan kung hindi. Iguhit sa
sagutang papel ang iyong sagot.
Sitwasyon: Si Robby ay nakatira malapit sa paaralan. Alin
sa mga gamit niya ang maaaring magbigay ng ingay?

1. 2.

3. 4.

5.

13
H. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong ayon sa
talata. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Nasa tabi ng kalsadang dinadaanan ng kotse, jeep,
bus at malalaking trak ang paaralang pinapasukan
ni Christian. Paano nakaaapekto ang ingay ng mga
ito sa mga mag-aaral?
a. Mas naiintindihan ng mga mag-aaral ang mga
aralin dahil nasisiyahan sila sa pagdaan ng
mga sasakyan.
b. Nawawala ang atensyon ng mga mag-aaral
dahil sa mga tunog ng busina at ingay ng mga
makina.
c. Walang epekto ang ingay sa pag-aaral ng
mga mag-aaral.
2. Si Aling Rea ay nakatira malapit sa paaralan nila
Fatima. Tuwing umaga ay nagpapatugtog siya ng
nakabibinging musika. Paano nakaaapekto ang
ingay na ito sa mga mag-aaral?
a. Walang epekto ang ingay sa pag-aaral ng
mga mag-aaral.
b. Napapanatag ang pakiramdam ng mga mag-
aaral dahil sa musika.
c. Naiinis at hindi mapakali ang mga mag-aaral
dahil sa lubos na nakaaabala ang musika.

14
3. Sa tabi ng paaralan makikita ang talyer ni Mang
Nelson. Dinig na dinig sa paaralan kapag may mga
nagpapagawa sa kanila. Paano nakaaapekto ang
ingay mula rito sa mga mag-aaral?
a. Sumasakit ang ulo ng mga mag-aaral dahil sa
mga tunog ng pukpok at iba pang ginagamit
na makina.
b. Walang epekto ang ingay sa pag-aaral ng
mga mag-aaral.
c. Nagkakaroon ng interes ang mga mag-aaral
sa trabaho ng mga mekaniko dahil
kinatutuwaan nila ang iba’t ibang tunog.
4. Araw-araw nag-eensayo ang banda ni Edgar, hindi
nila alam na sila ay nakaaabala sa paaralan.
Paano nakaaapekto ang ingay sa pag-aaral ?
a. Natutuwa ang mga mag-aaral dahil libre silang
nakakapakinig ng mga awitin ng banda.
b. Hindi naiintindihan ng mga mag-aaral ang
paliwanag ng kanilang guro dahil nadadaig
ang boses niya ng ingay ng banda.
c. Walang epekto ang ingay sa pag-aaral ng
mga mag-aaral.
5. Malakas ang kuwentuhan at tawanan ng
magkumareng Aling Linda at Aling Maria. Paano
nakaaapekto ang ingay nila sa mga mag-aaral?
a. Naabala ang klase sa malakas na tawanan
at kuwentuhan ng magkumare.
b. Hindi natuto ang mga mag-aaral dahil mas
nagiging interesado sila sa kuwentuhan.
c. Nakatutulong ang kuwentuhan para
makasunod sa aralin ang mga mag-aaral.

15
Isaisip

Panuto: Punan ng mga angkop na bahagi ng paaralan


ang sumusunod na talata. Isulat sa sagutang papel ang
letra ng iyong sagot.
Mga Pagpipilian
a. tahimik
b. simbahan
c. maingay
d. paaralan
e. ilog

Maraming (1) ______________ ang makikita sa ating


bansa. Ang mga ito ay maaaring matagpuan malapit
sa mga (2) ________________ , gubat at bundok. Ang iba
naman ay makikita malapit sa (3) ___________________,
barangay hall, palengke at iba pang pampublikong
lugar.
May epekto ang paligid ng paaralan sa
pagkatuto ng mga mag-aaral. Magiging mahirap ang
pagtuturo ng mga aralin sa lugar na (4) ____________at
magulo. Mas madaling maiintindihan ang mga aralin
kapag (5) _______________at payapa ang paligid.

16
Isagawa
Panuto: Basahing mabuti ang talata. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Maingay na Tunog
Tinakpan ni Althea ang kanyang tenga.
Ginagawa kasi ang bahay nila Aling Celia kaya
naririnig sa kanilang silid-aralan ang pukpok ng
martilyo at tunog ng electric drill.
Gustong ituon ni Althea ang kanyang pansin sa
itinuturong aralin ni Ma’am Julia ngunit hindi niya ito
magawa dahil sumakit ang kanyang ulo.
“Magkakaroon tayo ng pagsasanay. Titingnan ko
kung nakuha ninyo ang ating pinag-aralan,” sabi ni
Ma’am Julia.
Kinabahan si Althea. Hindi niya naintindihan ang
kanilang aralin. Kung wala sigurong maingay sa labas
ay mas marami sana siyang natutuhan.

1. Bakit tinakpan ni Althea ang kanyang tenga?


a. Dahil maingay sa labas
b. Dahil ayaw niyang mahulog ang kanyang
hikaw
c. Dahil gusto niyang matulog

17
2. Saan galing ang maingay na tunog?
a. kuwentuhan ng mga tao
b. tunog ng radyo
c. pukpok ng martilyo at tunog ng electric drill
3. Ano ang epekto ng maingay na paligid kay Althea?
a. Marami siyang natutuhan.
b. Sumakit ang kanyang ulo.
c. Tumaas ang kanyang marka sa pagsusulit.
4. Bakit kinabahan si Althea?
a. Dahil hindi niya naintindihan ang aralin
b. Dahil nakita siya ng tao sa labas
c. Dahil tinawag siya ng kanyang guro
5. Ano sana ang maaaring mangyari kung walang
nagkukuwentuhan nang malakas sa labas ng
paaralan.
a. Mas maraming matututuhan si Althea
b. Makakatulog sa silid-aralan si Althea
c. Mahihirapan sa pag-aaral si Althea

18
Tayahin

Panuto: Iguhit ang bituin kung ang mga sumususunod


ay hindi nakaaabala sa pag-aaral at bilog kung ang
mga ito ay nakaaabala. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

5.

19
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumuhit ng isang bagay na maaaring magdulot


ng ingay sa pag-aaral at kulayan mo ito. Gawin ito sa
hiwalay na papel.

RUBRIK PARA SA PAGLALARAWAN NAIS PAGLAKI


Pamantayan Batayang
Puntos
1. Napakahusay. Nailarawan at 4-5
nakulayan ang bagay na maaring
magdulot ng ingay.
2. Mahusay. Nailarawan ang bagay 2-3
na maaring magdulot ng ingay
ngunit hindi ito nakulayan.
3. Nangangailangan ng Pagsasanay. 1
Hindi malinaw ang larawang
ginawa.

20
21
Tayahin Isaisip Pagyamanin-G
1. bilog 1. D 1. araw
2. bilog 2. E 2. araw
3. bituin 3. B 3. buwan
4. bilog 4. C 4. araw
5. bituin 5. A 5. buwan
Isagawa Pagyamanin-H
1. A 1. B
2. C 2. C
3. B 3. A
4. A 4. B
5. A 5. B
Pagyamanin-E Pagyamanin-B Balikan
1. 😊 1. T 1. silid-aklatan
2. ☹ 2. M 2. paaralan
3. ☹ 3. T 3. silid-aralan
4. 😊 4. T 4. klinika
5. 😊 5. M 5. kantina
Pagyamanin-F
Pagyamanin- A
Pagyamanin-D
1. X
2. / 1. simbahan
1. D 2. ilog
3. X
2. C 3. bundok
4. /
3. A 4. palengke
5. X
4. B 5. tindahan
5. E
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Miranda, NP., 2017. Araling Panlipunan- Unang Baitang


Patnubay ng Guro. Department of Education Bureau
of Learning Resources. 2017.

Miranda, NP., 2017. Araling Panlipunan- Unang Baitang


Kagamitan ng Mag-aaral. Department of Education
Bureau of Learning Resources.

22
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like