FA Replektibong Sanaysay - Burak at Pangarap (Poster Essay)

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Replektibong

Sanaysay
Burak at Pangarap

Ang dokumentaryo ay tungkol sa isang batang lalaki na si Jun jun. Siya


ay kumikita ng pera para matulungan ang kanilang pamilya mula sa
matinding kahirapan. Gayunpaman, kumikita siya sa pamamagitan ng
pag-snorkeling sa isang lawa na puno ng basura, na puno ng putik at
maruming tubig. Nilulusong nya ito upang makakuha ng mga bagay
napwedeng ibenta at gawing pera. Sa bawat pagtapak niya sa tone
toneladang basura ay walang kasiguraduhan kung suswertihin o hindi sa
kanilang pangangalakal upang makaipon ng bakal plastik at yero sa
animo’y dagat ng basura na pinaghalong bubog,basura,patay na
hayop,burak at iba pa.

*Pictures are screenshots from the video documentary on youtube


Ipinakita sa dokumentaryo ang kagitingan at tiyaga ng batang lalaki na
talagang gustong bigyan hindi lang ang sarili kundi maging ang kanyang
pamilya ng mas magandang buhay. Sa kabila ng kanyang murang edad, si Jun
Jun ay nasa hustong gulang na nag-iisip at nagsusumikap na
maghanapbuhay para sa kanilang kasalukuyang sitwasyon. Si jun jun ay
masipag, hindi siya nawawalan ng pag asa na makakaahon sila, namakakamit
niya ang minimithi niya na makapag aral upang makapag tapos at
makatulong sapamilya. Sa murang edad ni jun jun siya ay nagttrabaho na
upang mayroon silang pangkain.

Nakalulungkot isipin na upang matupad nila ang kanilang pangarap ay


kailangan nilang magtiyaga upang sisirin ang madilim na ilalim ng kasuklam
suklam na burak at basura. Kailangan nilang tiisin ang hirap ng paglusong sa
ilog kahit pa alam nila ang peligrong naghihintay rito.

Itinuro sa akin ng dokumentaryo na May mga bagay na maaaring hindi


nakikita o hindi tinitingnan ng gobyerno.
Ang mga taong ito na napinsala mula sa kalamidad ay dapat bigyan hindi
lamang ng kaluwagan kundi pati na rin ang tirahan at mga oportunidad sa
trabaho upang matulungan silang mamuhay ng mas magandang buhay.
Itinuro din nito sa akin na ang kapaligiran ay dapat ding pangalagaan ng
gobyerno gayundin ang kalagayan ng kalusugan ng mga komunidad.

You might also like