Banghay Aralin Sa AP 1O-WEEK 3-4 Q2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa

Araling Panlipunan 10 Week 3-4

I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa.
(MELC-BASED COMPETENCY)
a. Nasusuri ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa.
b. Naipaliliwanag ang mga isyu at epekto ng globalisasyon sa paggawa sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang sanaysay.
c. Napapahalagahan ang mga ang epekto ng globalisasyon sa mga mangagawang
Pilipino

II. PAKSANG ARALIN


A. PAKSA: Ang Globalisasyon at Mga Isyu sa Paggawa
B. SANGGUNIAN: Batayang Aklat: Araling Panlipunan 10, Ikalawang Markahan Self-learning
Modules- Week 3-4
C. Kagamitan: mga larawan, panulat, kompyuter, telebisyon

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
a. Pagsasanay

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba base sa nagdaang talakayan. Pumili lamang nang isang
tanong. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. Ano ang 2. Nakakatulong ba 3. Anu-ano ang mga


kaibahan ng ang Multinational at pagbabagong dulot
TNC sa Transnational ng globalisasyon sa
MNC? corporations sa lipunan?
bansa?

b. Pagganyak
Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
kwaderno.

1. Pandaigdigang samahan na nangangalaga at nag-aayos sa mga isyung


paggawa at pangkalakalan ng mga miyembrong bansa.
A. WTO B. UN C. UNICEF D. DSWD

2. Ang mga sumusunod ay mga angkop na kasanayan na dapat taglayin ng


manggagawa sa ika-21 na siglo, maliban sa:
A. Media and Technology Skills C. Life and Career Skills
B. Communication Skills D. Reading and Writing Skills
3. Suliraning kinaharap ng sektor ng agrikultura bunsod ng globalisasyon.
A. Kakulangan para sa patubig
B. Tagtuyot
C. Krimen
D. Pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihan

4. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang isang kompanya ay


kumukontrata ng isang ahensya o indibidwal na subcontractor upang gawin
ang isang trabaho.
A. Kontraktwal B. Subcontracting C. Job Order D. Regular

5. Kalimitang suliraning kinaharap ng mga bagong graduate na mangagawang Pilipino.


A. Brain Drain C. “Job-Skills Mismatch”
B. Paglikha ng mga Unyon D. Early pregnancy

Pamprosesong katanungan:
-Madali lang ba ang mga katanungan na inyong sinagutan?
- Ano kaya ang magiging kaugnayan nito sa ating panibagong paksa?
- Ano sa tingin ninyo ang isyu sa paggawa at ang kaugnayan ng globalisasyon dito?

B. PANLINANG NA GAWAIN

Suriin ang ipinahihiwatig ng larawan, isulat mo ang iyong gustong ambisyon o propesyon sa buhay at
ipaliwanag kung bakit mo ito napili. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

a. Bibigyan lamang ang mga mag-aaral ng labinlimang minuto para gawin ito.

2) Pamantayan sa pagbabahagi:

PAMANTAYAN PUNTOS
NILALAMAN 10 PUNTOS
ORGANISASYON NG IDEYA 10 PUNTOS
KALINISAN 5 PUNTOS
KABUUAN 25 PUNTOS
a. PAGSUSURI
 Ano ang naging basehan mo sa pagpili ng iyong propesyon?
 Sa tingin mo ba, madali ka lang na makakapasok ng trabaho ayon sa iyong
propesyon? Kung hindi, ano sa tingin mo ang mga maaaring problema na
kakaharapin mo sa pagpapatuloy ng iyong propesyon?
a. PAGLALAHAD
Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t-ibang anyo ng suliranin at hamon sa
paggawa. Kabilang na dito ang mababang pasahod, job skills mismatch, kontraktwalisasyon,
mura at flexible labor, at mabilis na pagdating ng mga dayuhang mamumuhunan. Dahil sa
paglaganap ng globalisasyon ay naapektuhan nito maging ang workplace na kung saan
nagbunga ng pagtatakda ng mga pandaigdigang samahan tulad ng World Trade Organization
(WTO) ng mga kasanayan sa paggawa na globally standard para sa mga mangagawa. Para
lubos na maunawaan, basahin at unawain ang dayagram.

1. Demand ng bansa para sa iba’t-ibang 2. Mabibigyan ng pagkakataon ang


kakayahan o kasanayan sa paggawa mga lokal na produkto na makilala
na globally standard. sa pandaigdigang
Mga Naidudulot ng Globalisasyon sa pamilihan.
Paggawa

3. Binago ng globalisasyon ang workplace at 4. Dahil sa mura at mababa ang pasahod


mga salik ng produksyon tulad ng sa mga manggagawa kaya’t madali lang
pagpasok ng iba’t-ibang gadget, sa mga namumuhunan na magpresyo
computer/IT programs, complex machines ng mura o mababa laban sa mg
at iba pang makabagong kagamitan sa adayuhang produkto o mahal na
paggawa serbisyo at pareho ang kalidad sa mga
produktong lokal

b. PAGLALAPAT
- Bilang isang mag-aaral, ano sa tingin mo ang epekto ng globalisasyon sa mga
mangagawang Pilipino?
- Paano mo haharapin ang mga epektong dulot ng globalisasyon bilang isa sa magiging
mangagawang Pilipino sa mga sumusunod na tao?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa mga mga isyu at epekto ng
globalisasyon sa mangagawang Pilipino.

V. KARAGDAGANG GAWAIN
Magsaliksik ukol sa iba’t-ibang anyo ng globalisasyon

You might also like