Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan 10

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10

Paaralan Baitang 10
Guro KENNETH D. DANAO Asignatura Kontemporaryung Isyu
Oras at Petsa Markahan IKALAWANG
MARKAHAN

I. LAYUNIN
A. Pamantayan Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga local at


pandaigdigang isyung pang-ekonomiya tingo sa pagkamit ng pambansang
kaunlaran.

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng programang pangkabuhayan (livelihood


project) batay sa mga pinagkukunang yaman na matatagpuan sa pamayanan
upang makatulong sa paglutas sa mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap
ng mga mamamayan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nasusuri ang mga pangunahing institusyon na may bahaging ginagampanan sa
globalisasyon (pamahalaan, paaralan, mass media, multinational na
korporasyon, NGO at mga internasyonal na organisasyon)
D. Tiyak na Layunin
1. Natatalakay ang kahulugan at epekto ng pag-usbong ng Multinational at
Transnational Companies sa ating bansa.
2. Nauunawaan ang mga konsepto ng outsourcing.
3. Napahahalagahan ang mga Overseas Filipino Workers bilang mga buhay na
manipestasyon ng globalisasyon.
Integrasyon:
ESP 10 Nahuhusgahan ang angkop na kilos o tugon sa mga sitwasyong
kailangan ang mapanuring pag-iisip bilang pagpapakita ng pagmamahal sa
bayan
II. NILALAMAN
A. PAKSA

YUNIT II-GLOBALISASYON: Globallisasyong Ekonomiko

B. KAGAMITAN
Power Point Presentation
C. SANGGUNIAN
Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 10: Kontemporaryong Isyu pp. 166-174
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Balik-aral (Itanong sa mga mag-aaral.)
1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?
2. Magbigay ng mga salik o dahilan na nagpapabilis sa globalisasyon.
B. Paglinang ng Aralin
1. Lunsaran
1. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?
A. Paggawa C. Migrasyon
B. Ekonomiya D. Globalisasyon
2. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal C. Sosyo-kultural
B. Teknolohikal D. Sikolohika
3. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?
A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “
perennial” na institusyon na matagal ng naitatag
B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na
aspekto.
D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad
ang mga malalaking industriya
4. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayanglobalisasyon ang paghiwa-
hiwalay ng mga bansa sa daigdig. ng mga bansa
B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta
na magdudulot ng kapinsalaan.
C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon
at kolaborasyon ang mga bansa
D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
5. Ano ang tawag sa pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansa
na naniningil ng mas mababang bayad?
A. Inshoring C. Offshoring
B. Onshoring D. Nearshooring
2. Gawain
A. Pangkatang Gawain. Ipababatid ng bawat pangkat ang kahulugan at konsepto
ng mga sumusunod na salita sa pamamagitan ng maikling balita.
Unang Pangkat: Multinational Companies
Ikalawang Pangkat: Transnational Companies
Ikatlong Pangkat: Outsourcing
Ikaapat na Pangkat: OFW bilang Manipestasyon ng Globalisasyon
3. Pagpapalalim
Sa bawat pagtatapos ng talakayan ay magdaragdag ang guro ng mga detalye at
impormasyon.
4. Pagsusuri
1. Nakatutulong ba ang mga sumusunod sa pag-unlad ng bansa? Patunayan ang
sagot.
a. Multinational Companies
b. Transnational Companies
c. Outsourcing
d. OFW

2. Magbigay ng mabubuting epekto ng mga dayuhang kompanya sa ating bansa.

3. Magbigay ng di-mabubuting epekto ng mga ito sa ating bansa.

Integrasyon. Hango ang tekstong ito sa Batayang Aklat ng EsP p.184


“Kaya ko silang tularan, magiging bayani rin ako tulad nila! Makikilala ako bilang
makabagong Rizal o Andres Bonifacio! Ako ang susi sa minimithing pagbabago ng
bansa, ang pagmamahal ko sa bayan ang magdadala upang isakatuparan ang
pangarap na ito.”
Mula sa talatang ito, paano natin ito makakamit bilang mga Pilipino sa
makabagong panahon base sa paksang natalakay?

C. Pangwakas na Gawain

Tama o Palit. Unawaing Mabuti ang pahayag. Isulat ang salitang tama kung
ito ay tama. Kung mali naman ay palitan ang salitang nakasalungguhit upang
maiwasto ang pahayag.
_________1. Kung mayroon mang isang buhay na manipestasyon ng globalisasyon sa ating bansa, ito
ay ang mga manggagawang Pilipino na nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanapbuhay.
_________2. Ayon sa Tholons, isang investment advisory firm, sa kanilang Top 100 Outsourcing
Destinations for 2016, ang Manila ay pangalawa sa mga siyudad sa buong mundo na destinasyon ng
Business Processing Outsourcing.
_________3. Ang pangingibang-bayan ng manggagawang Pilipino ay nagsimula sa panahon ni dating
Pangulong Corazon Aquino bilang panandaliang tugon sa budget deficit ng kaniyang administrasyon.
_________4. Talamak sa Pilipinas ang onshore outsourcing sa kasalukuyan. Patunay rito ang
dumaraming bilang ng call centers sa bansa na pagaari ng mga dayuhang namumuhunan na ang ilan ay
mula sa United States, United Kingdom, at Australia.
_________5. Maliwanag itong natukoy sa pag-aaral ng Oxfam International sa taong 2017. Ayon sa
kanilang pananaliksik, ang kinita ng sampung pinakamalalaking korporasyon sa buong mundo sa taong
2015-2016 ay higit pa sa kita ng 180 bansa.
_________6. Isa sa mga di magandang epekto ng pag-usbong mga transnational at multinational
companies ay ang pagkalugi ng mga lokal na namumuhunan dahil sa di-patas na kompetisyong dala ng
mga multinational at transnational corporations na may napakalaking puhunan. Sa kalaunan, maraming
namumuhunang lokal ang tuluyang nagsasara.
_________7. Malaki ang implikasyon ng pag-usbong ng mga multinational at transnational corporations
sa isang bansa. Ilan sa mga ito ay ang pagdami ng mga produkto at serbisyong mapagpipilian ng mga
mamimili na nagtutulak naman sa pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan na sa kalaunan ay
nagpapataas ng halaga ng mga nabanggit na produkto.
_________8. Isa pa din sa mga epekto ng pag-usbong ng mga kompanya ay ang pagliit ng agwat sa
pagitan ng mayaman at mahirap.
_________9. Ang Globalisasyong Ekonomiko ay nakasentro sa isyung politikal na umiinog sa kalakalan
ng mga produkto at serbisyo.
_________10. Malaking bahagdan ng manggagawang Pilipino ay matatagpuan sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
1. Pagbubuod
a. Bilang kabuuan, nakabubuti o nakasasama ba sa atin ang pag-usbong ng:
a.1 Multinational at transnational companies
a.2 Outsourcing
a.3 mga OFWs
2. Pagpapahalaga
a. Ano ang kahalagahan ng pag-usbong ng mga kompanya, ng mga OFW?
3. Paglalapat
a. Paano tayo makatutulong sap pag-unlad ng ating ekonomiya sa kabila ng banta ng mga
dayuhang mamumuhunan?
IV. PAGTATAYA
Magsulat at magrekord ng isang talumpati na hindi bababa sa 15 na pangungusap na
nagpapahayag ng iyong paninindigan/paniniwala/persepsyon tungkol sa mga epekto
globalisasyon.

Rubriks: Nilalaman- 10
Linaw- 10
Kakayahang maghikayat- 10
Kilos at Ekspresyon ng Mukha- 10
Kabuuan 40

Prepared by:

KENNETH D. DANAO
Applicant

You might also like