Kabihasnan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

Konsepto at Katangian

ng Kabihasnan

Modyul sa Araling Panlipunan 7


Ikalawang Markahan – Modyul 1

http://2.bp.blogspot.com/-_xIPCNZYmkI/U9uJfa9NspI/AAAAAAAAACM/kuLTR6gGapI/s1600/%237+Ziggurat.jpg

Inihanda ni:
XANDRECKS T. KINAO

Kagawaran ng Edukasyon ● Sangay ng Lungsod ng Tabuk


Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF TABUK CITY
BCS Compound, Bulanao Norte, Tabuk City, Kalinga

Inilathala ng:
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum-
Learning Resource Management and Development System

KARAPATANG SIPI
2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa
mga orihinal na may-akda ng mga ito.

2
PAUNANG SALITA

Ang Modyul na ito ay bahagi ng proyekto ng Sangay sa Pagpapatupad ng


Kurikulum- Learning Resource Management Section, Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng Lungsod ng Tabuk bilang tugon sa implementasyon ng K to 12 Curriculum.

Ang kagamitang ito ay pag-aari ng Kagawaran ng Edukasyon-CID, Sangay ng


Lungsod ng Tabuk. Nilalayon nitong mapabuti ang pagganap ng mga mag-aaral
partikular sa Araling Panlipunan

Petsa ng Pagkagawa: November 2020

Paaralan: Northern Tabuk District 1


Tabuk City National High School
Division of Tabuk City
Asignatura: Araling Panlipunan

Grade Level: 7

Uri ng Materyal: ADM Module

Wika: Filipino

Pamamahagi ng Oras: Ikalawang Markahan/ Unang Linggo

Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang konsepto ng


kabihasnan at mga katangian nito
AP7KSA-IIB-1.3

3
PASASALAMAT

Isang taos pusong pasasalamat sa lahat ng nag-ambag ng tulong upang


mabuo ang Altrnative Delivery Mode Module ng Araling Panlipunan para sa mag-aaral
ng Ikapitong Baitang.

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

XANDRECKS T. KINAO
Manunulat

Editors: TEOFILA P. AGSUNOD LORIET L. IYADAN


Librarian II Project Development Officer II

Tagaguhit: ROXANNE MAY SANGDAAN

Tagasuri: MARIETA P. BAS-ILEN JOSELITO B. CABELLO


Head Teacher III, TCNHS School Head

HENRY B. ALUNDAY THELMA B. GALICIA


PSDS – NTD 1 Education Program Supervisor, AP

TAGAPAMAHALA

IRENE S. ANGWAY, PhD, CESO IV


OIC, Schools Division Superintendent

FELICIANO L. AGSAOAY JR., PhD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

RAMONCHITO A. SORIANO
Chief, Curriculum Implementation Division

HELEN B. ORAP
EPS, LRMDS

4
TALAAN NG NILALAMAN

Pabalat ........................................................................................................ i
Karapatang Sipi.……………………………………………………………………………………………….ii
Paunang Salita........................................................................................... iii
Pasasalamat ……… ………………………………………………………..iv
Talaan ng Nilalaman .................................................................................. v
Pamagat ..................................................................................................... 1
Alamin ........................................................................................................ 2
Subukin ...................................................................................................... 3
Balikan ....................................................................................................... 5
Tuklasin……………………………………………………………………………………………………………6
Suriin……………………………………………………………………………6
Pagyamanin ............................................................................................... 8
Isaisip ......................................................................................................... 9
Isagawa .................................................................................................... 11
Tayahin .................................................................................................... 12
Karagdagang Gawain .............................................................................. 15
Susi Sa Pagwawasto ............................................................................... 16
Sanggunian .............................................................................................. 17

5
Konsepto at Katangian
ng Kabihasnan

Modyul sa Araling Panlipunan 7


Ikalawang Markahan – Modyul 1

Inihanda ni:
XANDRECKS T. KINAO

Kagawaran ng Edukasyon ● Sangay ng Lungsod ng Tabuk


PAUNANG SALITA
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan – Ikapitong


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konsepto ng
Kabihasnan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Konsepto ng Kabihasnan.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Alamin

Sa bahaging ito ay inaasahan na malilinang at matututuhan mo ang mga


bagong kaalaman kung paano nagsimula at umunlad ang sinaunang kabihasnan sa
Asya. Maaring balikan ang mga katanungan sa unang bahagi upang masagot ito
matapos ang pag-aaral sa bahaging ito ng modyul. Inaasahan din na maitatama na
kung mayroong mali o di katanggap tanggap na mga pag unawa sa pagtalakay sa
paksa.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

2
Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga
kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigaydaan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa
Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.

Pamantayan sa Pagkatuto
Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito AP7KSA-IIB-
1.3

Tiyak na Layunin:
1. Mahusay na naibibigay ang kahulugan ng kabihasnan.
2. Masusing napaghahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng salitang
kabihasnan at sibilisasyon.
3. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pagkakaroon ng mataas na antas ng
kaunlaran.

Subukin

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at bilugan ang titik ng


tamang sagot .

1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao ng tao
B. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
C. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
D. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan

2. Sinasabi ng mga dalubhasa na ang mga naunang sibilisasyon ay umusbong sa


Asya. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Kabihasnang Shang C. Kabihasnang Sumer
B. Kabihasnang Ehipto D. Kabihasnang Shang

3. Ano ang tawag sa pinagmumulan ng ikinabubuhay?


A. lakas B. talino C. kurso D. hanapbuhay
3
4. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng serbisyong teknikal maliban sa isa.
A. Guro B. Mechanical C. Electrical D. Tagasaliksik

5. Alin sa mga sumusunod ang katotohanan tungkol sa mga sinaunang kabihasnan


sa Asya?
A. Pagsasaka ang naging pangunahing hanapbuhay ng mga ito.
B. Hindi sila naniniwala sa mga diyos.
C. Ang mga lungsod ay pinamumunuan ng mga pari at ang iba ay napalitan ng mga
hari.
D. Natuto silang humarap sa hamon ng kapaligiran.

6. Ang pagkakaroon ng matatag na pamahalaan at sistema ng mga batas ay


katangian ng isang kabihasnan. Bilang isang kabataan, paano mo maipapakita ang
pagpapahalaga sa Konstitusyon ng Pilipinas?
A. Basahin at isaulo ang mga probisyon ng konstitusyon.
B. Bumili ng kopya ng konstitusyon at itago ito sa ligtas na lugar.
C. Sundin ang mga isinasaad sa konstitusyon sa lahat ng panahon.
D. Ipaphotocopy ang konstitusyon at pamahagi sa ibang kabataan.

7. Bakit mahalaga ang sistema ng pagsulat sa sinaunang kabihasnan?


A. Dahil ito ang nagbigay daan upang maitala nila ang mga pangyayari at batas.
B. Dahil ginagamit nila ang Sistema ng pagsulat sa kanilang pilosopiya at relihiyon.
C. Dahil simbolo ito na nakaaangat ang kanilang kabihasnan sa ibang pangkat.
D. Dahil ginagamit ito ng mga namumuno sa pagbibigay ng kautusan.

8. Paano magpakadalubhasa ang isang manggagawa?


A. Mag-aral nang mabuti para magtapos ng kurso.
B. mag-aral at magsanay sa napiling larangan.
C. Paulit-ulit na gawin ang pinahahalagahang gawain.
D. Mamuhunan sa larangang napili.

9. Ang COVID 19 ay isang suliraning panlipunan at pangkalusugan na dapat harapan


ng lahat ng bansa sa daigdig. Paano humaharap sa hamong ito ang bansang
Pilipinas? A. sa pamamagitan ng pagtukoy ng sanhi ng suliranin at pagpapatupad ng
hakbang upang masolusyunan ito.
B. sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga eksperto at pagpapatupad ng mga
batas at programa ukol dito.
C. sa pamamagitan ng pagpupulong ng mga kinatawan upang makabuo ng batas
at programa ukol dito.
D. sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo at pagtatalaga ng eksperto sa
pagsugpo ng nasabing hamon.

4
10. Ang pag-unlad ng kultura ay isang indikasyon ng kabihasnan. Ang pagsusuot ba
natin ng ating katutubong kasuotan kapag tayo ay pumupunta sa ibang lugar ay
paraan upang mapaunlad ang ating kultura?
A. Oo sapagkat ito ay paraan ng pagtangkilik at pagpapalaganap ng ating kultura.
B. Hindi sapagkat hindi nababagay sa ibang lugar ang ating katutubong kasuotan.
C. Siguro dahil ang pagsusuot ng naiibang kasuotan ay kapansin-pansin
D. Ewan dahil hindi sunod sa uso ang pagsusuot ng katutubong kasuotan ngayon.

B. PANUTO: Ibigay ang hinihinging impormasyon. Isulat ang tamang sagot sa


nakalaang patlang.

MGA BATAYANG SALIK SA PAGKAKAROON NG KABIHASNAN

1_______________________________________
2. _______________________________________
3. _______________________________________
4. _______________________________________
5. _______________________________________

Ilan ang nakuha mong puntos? Nasiyahan ka ba sa iyong puntos? Huwag


kang mag-alala sapagkat masasagot mo ang lahat ng mga katanungan sa
pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito.

Balikan

Isa sa mga matinding nakaranas ng hagupit ng bagyong Ulysses ay ang


Lungsod ng Marikina at Lalawigang ng Cagayan at Isabela. Nalubog sa baha ang mga
lugar na nagdulot ng pagkamatay ng ilang kababayan at pagkasira ng mga ari-arian.
Kung susuriin, ang nabanggit na mga lugar ay may isang pagkakatulad, ito ang
lokasyon na malapit sa ilog.
Sa pag-aaral ninyo ng Heograpiya ng Pilipinas noong kayo ay nasa mababang
paaralan, ang ilog ay isa sa mga anyong tubig na mayaman ang Pilipinas. Nakinabang
ang mga tao sa yaman ng ilog kaya pinili nilang permanenteng manirahan sa mga
lambak-ilog.

Noon at ngayon, ang lambak-ilog ay sentro ng sibilisasyon at kabihasnan.


5
Tuklasin
Ang pamumuhay ng tao ay nagbabago kasabay ng pagbabago ng panahon,
walang permanenteng bagay sa mundo.

Basahin at unawain ang kasabihan. Ipaliwanag ang kasabihang ito ayon sa


sariling pang-unawa.

“Ang kasaysayan ay salamin ng kasalukuyan”

Paliwanag:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang tirahan ng mga sinaunang Plipino?_____________________________
2. Bakit nagkaroon ng pagbabago sa istruktura ng bahay ng pamayanang
Pilipino?__________________________________________________________
________________________________________________________________

Suriin

KONSEPTO NG KABIHASNAN:

Sibilisasyon
• Klase o estado ng pamumuhay sa isang lungsod o lugar.
• Estado ng lipunan kung saan may sariling nagkakaisang kultura at kasaysayan.
• Buong Sistema ng pamumuhay, pag-iisip at pagkilos ng mga tao sa isang lugar
• Nagmula sa salitang ugat na civitas, na salitang Latin, na ang ibig sabihin ay
lungsod.
• Masalimuot na pamumuhay sa lungsod.

Kabihasnan
6
• Isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan
• Lipunan ng isang pangkat ng tao na nakaranas ng pag-unlad sa kanilang
paniniwala, pamumuhay, kultura at kasaysayan.
• Nagmula sa salitang-ugat na “bihasa”, na ang ibig sabihin ay eksperto o batak.

Ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya ay mahalaga sa kasaysayan ng daigdig.


Ang pag-unlad ng mga kabihasnang ito ang naging batayan ng marami sa
kasalukuyang sistema ng pamumuhay, kabuhayan, pamahalaan, at kultura ng mga
Asyano at ng mga tao sa buong mundo.

Mga Katangian ng Kabihasnan:

1. Maunlad na kasanayang teknikal


Ang mga tao sa isang kabihasnan ay mayroong mga kasanayang
nakatutulong sa kanila sa paghahanap ng pagkain, paggawa ng mga
kasangkapan, at armas at pagpapabuti ng kanilang kabuhayan tulad ng;
a. Pangangaso
b. Pag-imbak ng pagkain
c. Pagsasaka
d. Paghahayupan
e. Paggawa ng tanso at bakal
f. Paglikha ng kagamitan
g. Paglikha ng mga sandata
h. Paggawa ng mga dike at kanal

2. Matatag na pamahalaan at Sistema ng mga Batas


Ang mga tao sa isang kabihasnan ay mayroon ding organisadong
Sistema ng pamahalaan at mga batas na ipinapatupad sa lipunan. Mayroon
silang proseso at nakagagawa ng paraan para malutas ang mga suliranin sa
lipunan tulad ng;

a. Pagtukoy sa mga suliranin


b. Pagpaplano ng solusyon sa mga problema
c. Pamunuang mangangasiwa sa mga Gawain sa lipunan
d. Paggawa ng mga batas at alituntunin
e. Pagpapatupad ng mga batas
f. Karapatang pantao
g. Mga prebilihiyo ng bawat mamamayan
h. Pagtatayo ng mga lungsod-estado

3. Mga dalubhasang manggagawa

7
Ang mga tao sa isang kabihasnan ay mga manggagawang eksperto at
may maunlad na kaalaman sa kani-kanilang Gawain gaya ng;
a. Mga artisan
b. Mga gumagawa ng alahas, armas, kagamitang pambahay at pansarili, at
mga kagamitan sa pang-araw-araw na buhay ng tao.
c. Mga mangangalakal

4. Maunlad na kaisipan

Ang mga tao sa isang kabihasnan ay may munlad na kaisipan at talinong


magagamit sa pagpapaunlad ng kanilang pamumuhay tulad ng;
a. Konsepto ng petsa/kalendaryo
b. Natutukoy ang panahon at klima
c. May Sistema ng pagsulat
d. May pilosopiya at relihiyon

5. Sistema ng Pagsulat at Pagtatala


Ang mga tao sa isang kabihasnan ay mayroon nang Sistema ng
pagsulat at pagtatala ng mga bagay na mayroon at mga pangyayaring naganap
sa kanilang lipunan gaya ng;
a. Nakaaalala ng mahahalagang kaganapano pagdiriwang sa lipunan
b. Nakakapagtala ng mga batas at buwis
c. Nakagagawa ng kalendaryo at listahan ng mga ritwal
d. Nakapagtatala ng kasaysayan at mga kuwentong maipapasa sa susunod
na henerasyon

• Ang kabihasnan ay unang nalinang sa mga lambak-ilog.

• Ang mga sinaunang kabihasnang Asyano ay umusbong sa mga lambak-ilog


ng Tigris at Euphrates, Huang Ho at Indus.

Ang mga pag-unlad na nagawa ng tao sa mga panahong ito ay tinaguriang


Rebolusyong Neolithic.
❖ Ang mga tao ay nagsimulang mamuhay nang pangkat-pangkat sa maraming
lupain sa daigdig.

Pagyamanin

8
GAWAIN 1. Isulat mo sa bawat kahon ang mga salik o batayan sa pagbuo ng
kabihasnan.

SALIK NG KABIHASNAN

PAGTATAYA I:

1. Ano-anu ang katangian ng kabihasnan?


_______________________ ____________________ ______________________
_______________________ ____________________ ______________________

2. Paano kung may isang salik na hindi nakamit ng isang lipunan?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

9
GAWAIN 2: VENN DIAGRAM: Ilahad ang pagkakaiba at pagkakatulad ng salitang
sibilisasyon at kabihasnan.

Pagkakaiba
Pagkakaiba

SIBILISASYON KABIHASNAN

Paagkakatulad

PAGTATAYA 2: TAMA O MALI: Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali
kung hindi wasto at isulat ang salita o mga salitang nagpamali sa pahayag.

__________ 1. Ang sibilisasyon at kabihasnan ay parehong tumutukoy sa antas ng


kaunlaran ng pamumuhay.
__________ 2. Ang sibilisasyon at kabihasnan ay hindi nagmula sa ating mga ninuno.
__________ 3. Ang kabihasnan ay mula sa salitang latin na Civitas.
__________ 4. Ang pagbabago ng panahanan sa mga pamayanan dito sa Kordilyera
ay indikasyon ng pag-unlad ng pamumuhay.
__________ 5. Ang mga propesyon tulad ng abogado, inhinyero, guro at doctor ay
mga trabahong nangangailangan ng espesyal na edukasyon, pagsasanay at
kakayahan.

10
Isaisip

Batay sa mga naisulat mong konsepto, ano ang maipapakahulugan mo sa salitang


kabihasnan at sibilisasyon?

1. Ang kabihasnan ay
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ang sibilisasyon ay
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ang mga katangian ng sibilisasyon ay


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Isagawa

Isa sa mga katangian ng kabihasnan ang pagkakaroon ng sistema ng


pamamahala at batas. Ang sistemang Bodong ay Sistema ng pamamahala at ang
Pagta ng Bodong ay batas na sinusunod. Ang mga ito ay pamana ng sinaunang
kabihasnan ng Cordillera.

Bilang isang mapanagutang kabataan, magbigay ng mga paraan upang


maipakita mo ang pagpapahalaga sa pamanang ito. Magbigay ng 3-5 limang paraan.

Paraan:
1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ______________________________________________________________
5. ______________________________________________________________

11
Mahusay mong naisagawa ang mga gawaing naiatas sayo. Binabati kita
sa iyong pagtitiyaga at pagsusumikap na matapos ang mga gawain sa modyul
na ito.

Tayahin

Panghuling Pagtataya

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao ng tao
B. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
C. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
D. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan

2. Sinasabi ng mga dalubhasa na ang mga naunang sibilisasyon ay umusbong sa


Asya. Alin sa mga sumusunod ang hindi ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Kabihasnang Shang C. Kabihasnang Sumer
B. Kabihasnang Ehipto D. Kabihasnang Shang

3. Ano ang tawag sa paniniwala ng maraming diyos?


A. monoteismo B. kristiyanismo C. henotheism D. politeismo

4. Ano ang pinakamatandang sibilisasyon sa buong mundo?


A. Sumer B. Indus C. Shang D. Ehipto

5. Ang mga sumusunod ay katotohanan tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa


Asya maliban sa isa.
A. Pagsasaka ang naging pangunahing hanapbuhay ng mga ito.
B. Hindi sila naniniwala sa mga diyos.
C. Ang mga lungsod ay pinamumunuan ng mga pari at ang iba ay napalitan ng mga
hari.
D. Natuto silang humarap sa hamon ng kapaligiran.

12
6. Ang pagkakaroon ng matatag na pamahalaan at sistema ng mga batas ay
katangian ng isang kabihasnan. Bilang isang kabataan, paano mo maipapakita ang
pagpapahalaga sa Konstitusyon ng Pilipinas?
A. Basahin at isaulo ang mga probisyon ng konstitusyon.
B. Bumili ng kopya ng konstitusyon at itago ito sa ligtas na lugar.
C. Sundin ang mga isinasaad sa konstitusyon sa lahat ng panahon.
D. Ipaphotocopy ang konstitusyon at pamahagi sa ibang kabataan.

7. Bakit mahalaga ang sistema ng pagsulat sa sinaunang kabihasnan?


A. Dahil ito ang nagbigay daan upang maitala nila ang mga pangyayari at batas.
B. Dahil ginagamit nila ang Sistema ng pagsulat sa kanilang pilosopiya at relihiyon.
C. Dahil simbolo ito na nakaaangat ang kanilang kabihasnan sa ibang pangkat.
D. Dahil ginagamit ito ng mga namumuno sa pagbibigay ng kautusan.

8. Paano magpakadalubhasa ang isang manggagawa?


A. Mag-aral nang mabuti para magtapos ng kurso.
B. mag-aral at magsanay sa napiling larangan.
C. Paulit-ulit na gawin ang pinahahalagahang gawain.
D. Mamuhunan sa larangang napili.

9. Ang COVID 19 ay isang suliraning panlipunan at pangkalusugan na dapat harapan


ng lahat ng bansa sa daigdig. Paano humaharap sa hamong ito ang bansang
Pilipinas?
A. sa pamamagitan ng pagtukoy ng sanhi ng suliranin at pagpapatupad ng hakbang
upang masolusyunan ito.
B. sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga eksperto at pagpapatupad ng mga
batas at programa ukol dito.
C. sa pamamagitan ng pagpupulong ng mga kinatawan upang makabuo ng
batas at programa ukol dito.
D. sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo at pagtatalaga ng eksperto sa
pagsugpo ng nasabing hamon.

10. Ang pag-unlad ng kultura ay isang indikasyon ng kabihasnan. Ang pagsusuot ba


natin ng ating katutubong kasuotan kapag tayo ay pumupunta sa ibang lugar ay
paraan upang mapaunlad ang ating kultura?
A. Oo sapagkat ito ay paraan ng pagtangkilik at pagpapalaganap ng ating kultura.
B. Hindi sapagkat hindi nababagay sa ibang lugar ang ating katutubong kasuotan.
C. Siguro dahil ang pagsusuot ng naiibang kasuotan ay kapansin-pansin
D. Ewan dahil hindi sunod sa uso ang pagsusuot ng katutubong kasuotan ngayon.

13
B. PANUTO: Ibigay ang hinihinging impormasyon. Isulat ang tamang sagot sa
nakalaang patlang.

MGA BATAYANG SALIK SA PAGKAKAROON NG KABIHASNAN

1.._______________________________________
2. _______________________________________
3. _______________________________________
4. _______________________________________
5.. _______________________________________

Karagdagang Gawain

Ang baha ay isang sulirang pangkapaligiran. Ang isang katangian ng


kabihasnan ay pagkakaroon ng matatag na pamahalaang tutugon sa mga hamong
kinahaharap ng bansa.

Upang hindi maranasan ng susunod na henerasyon ang pagbaha tuwing may


bagyo, anong hakbang ang dapat ipatupad ng pamahalaan ngayon? Magbigay ng
dalawa hanggang tatlong hakbang. Ipaliwanag ang bawat hakbang. Gawing gabay
ang batayan sa pagmamaraka.

HAKBANG PALIWANAG

14
Batayan Puntos
Nilalaman 10
Organisasyon 5
KABUUAN 15

15
16
Gawain 1
Sanggunian
1. Maunlad na kasanayang teknikal
2. Matatag na pamahalaan at Sistema ng batas
3. Dalubhasang manggagawa
4. Maunlad na kaisipan
5. Sistema ng pagsulat at pagtala
Pagtataya 1
1. 5
2. Hindi dahil ito ang batayan ng kabihasnan
Pagtataya 2
1. Tama 2. Mali 3. mali
Pagyamanin
1. A
2. B
3. D
4. A
5. B
6. Maunlad na kasanayang teknikal
7. Matatag na pamahalaan at Sistema ng batas
8. Dalubhasang manggagawa
9. Maunlad na kaisipan
10. Sistema ng pagsulat at pagtala
Subukin/Tayahin
Susi sa Pagwawasto
SANGGUNIAN

Blando, Rosemarie,et.al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba-iba,


Araling Panlipunan (Modyul ng Mag-aaral),Project EASE pp. 42-53

https://rmhalife.wordpress.com/2018/10/15/araling-panlipunan-2nd-grading/

https://lasalyanongguro.weebly.com

DepEdCAR Tabuk City LR#: 637-12-20MELCS

17
Email Address: [email protected] * [email protected]
For inquiries or feedback, please write or call:

Office: Schools Division of Tabuk City


Address: City Hall Compound, Dagupan Centro, Tabuk City
Cell Phone No: 09202596096
Email Address: [email protected]

You might also like