Quiz 1 - Q2-Esp 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5 25

Second Quarter
QUIZ 1

Pangalan: ____________________________________________ Petsa: ___________________

I. Iguhit ang puso ( ) kung ang mga nakasulat ay patungkol sa mabuting pagtanggap o pagtrato sa mga
katutubo at mga dayuhan. Iguhit naman ang tatsulok ( ) kung ang mga nakasulat ay patungkol sa paggalang
sa mga kaugalian at paniniwala ng mga katutubo at mga dayuhan.

_____1. Magiliw na nanonood sina Lina sa ipinamalas ng mga Aeta na para bang ginagaya nila ang mga

hayop at kulisap sa kanilang pagsayaw.


_____2. Namangha sina Aling Ising at Mang Kardo sa paraan ng pagliligawan ng mga Aeta na kung saan hindi
hahawakan ang kamay ng babae habang sumasayaw. Ang pagngiti ng babae ang magiging hudyat na
tinatanggap na niya ang kaniyang manliligaw.
_____3. May mga bisitang dumating si nanay na taga ibang bansa at nang matapos na ang kanilang

maikling bakasyon sa amin, pinabaunan sila ni nanay ng mga kakaning gawa niya.
_____4. Nakikinig nang mabuti si Ana habang ikinukuwento ni Shalomm ang paraan ng kanilang pagsamba.
_____5. Magiliw na tinanggap ng pamunuan ng mga guro at magulang ng Paaralang Elementarya ng Daang

Bago ang mga volunteer workers na nagmula pa sa Korea na magpipinta sa paaralan.


_____6. Ipinaghanda ng miryenda ni Aling Tanya ang mga Haponesang bumisita sa kaniyang mga anak.
_____7. Pinarangalan ng mga taga-Dinalupihan ang mga panauhing katutubong Agta na nagmula sa Isabela

sa paraan ng kanilang pagtugtog gamit ang kanilang tradisyunal na instrumento na tinatawag na Sabkal.
_____8. Nakipagkaibigan si Alicia sa mga kamag-anak nila Rolly na mga katutubong Aeta.
_____9. Hindi kumakain ng karne ng baboy ang bisita nilang Muslim, kaya naghanda sila ng ibang pagkain

na ayon sa paniniwala ng kanilang panauhin.


_____10. Gumawa ng banner ang kanilang pamilya sa pagdating ng kanilang mga kaibigang nagmula

sa ibang bansa.

II. Iguhit sa patlang ang kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang at pagrespeto sa
opinyon ng iba at kung hindi.

______11. Pakikinig nang mabuti sa kausap habang siya ay nagsasalita.


______12. Pakikipagkwentuhan sa katabi dahil hindi ka interesado sa opinyon ng nagsasalita.
______13. Paggawa ng ingay habang may nagpapahayag ng kaniyang saloobin.
______14. Pagtahimik sa tuwing pagkakataon na ng ibang tao upang magbigay ng kaniyang opinyon.
______15. Pagbibigay pagkakataon sa iba na sabihin ang kaniyang sariling mga ideya at opinyon.
______16. Pagsasaalang-alang sa damdamin ng kapwa sa pamamagitan ng maayos at marapat na

pagsasalita at pagkilos.
______17. Pagtanggap sa opinyon ng iba lalo na kung ito ay mas makabubuti hindi lamang sa sarili kundi

para sa lahat.
______18. Pagbibitiw ng masasakit na salita kapag hindi mo nagustuhan ang saloobin ng iba.
______19. Pagiging mahinahon kung may pagkakataong hindi nagustuhan ang naibigay na opinyon sa iyo.
______20. Pagsasalita ng mahinahon kung ikaw ay may nais sabihin.

III. Fact or Bluff? Isulat ang sagot sa patlang.

_____ 21. Ang taong may malasakit sa kapwa ay kinalulugdan ng Diyos.


_____ 22. Huwag pansinin ang mga sakuna o krimen sa paligid.
_____ 23. Laging isaisip at isapuso ang pagmamalasakit sa kapwa.
_____ 24. Tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo, lindol o lahar.
_____ 25. Pabayaang mga pinuno na lamang ng pamayanan ang sumaklolo sa mga mamamayang kailangan ng tulong.

You might also like