MTB2 - Q1 - Mod9 - Pagbuong Bagong Salita Gamit Ang Panlapi at Salitang Ugat - v2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

2

MTB-MLE
Unang Markahan – Modyul 9:
Pagbuo ng Bagong Salita
Gamit ang Panlapi at
Salitang-ugat

CO_Q1_MTB2_Module 9
MTB-MLE – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 9: Pagbuo ng Bagong Salita Gamit ang Panlapi at
Salitang-ugat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Anamarie M. Emano


Editor: Elena V. Almario, Cita C. Merla, Marie Ann C. Ligsay
Tagasuri: Marcela S. Sanchez, Racy V. Troy, Arnold A. Montemayor
Tagaguhit: Karen D. Romero
Tagalapat: Cristina T. Fangon
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong
Librada M. Rubio
Ma. Editha R. Caparas
Nestor P. Nuesca
Merlinda T. Tablan
Ellen C. Macaraeg
Elena V. Almario

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagarawan ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St., Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: [email protected]
2

MTB-MLE
Unang Markahan – Modyul 9:
Pagbuo ng Bagong Salita
Gamit ang Panlapi at
Salitang-ugat
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa
tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral
sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating
mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-
aaral kahit wala sila sa paaralan.

CO_Q1_MTB2_Module 9
Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang


makabubuo ng bagong salita sa pamamagitan ng
kombinasyon ng mga panlapi at salitang- ugat.
MT2VCD-Ic-e-1.3

Subukin

A. Buoin ang mga salita sa pamamagitan ng


pagsasama ng panlapi at salitang-ugat.

1. ma + ganda = _______
2. pa + mana = _______
3. um + inom = _______
4. nag + linis = _______
5. ka + hapon = _______

B. Piliin ang mga panlapi sa loob ng kahon. Ikabit ito sa


salitang-ugat.

an han in hin

1. dilig_____
2. tala_____
3. puna_____
4. habul_____
5. hagdan_____

CO_Q1_MTB2_Module 9 1
Aralin
Pagbuo ng Bagong Salita Gamit
1 ang Panlapi at Salitang-ugat

Ang isang payak na salita ay maaaring maging


isang bagong salita sa pamamagitan nang paggamit ng
mga panlapi. Mayroon itong mga uri. Gusto mo bang
malaman kung ano-ano ang mga ito?
Ating tuklasin sa ating aralin.

Balikan

Panuto: Guhitan ang mga panlaping ginamit sa mga


salita.

Halimbawa:
maglakad

1. lumakad
2. pumunta
3. taniman
4. umalis
5. tinalon

CO_Q1_MTB2_Module 9 2
Tuklasin

Panuto: Basahin ang sumusunod na tula.

Mga Tuntunin sa Paaralan


Anamarie M. Emano

Pgpasok ay agahan
upang sumali sa pilahan
Mga gamit ay ingatan
Tumulong sa kalinisan

Mga kalat mong naipon


Sa basurahan ay itapon
Diligan ang mga halaman
Walisin ang silid-aralan

Pag-upo ay ayusin
Makinig sa mga aralin
Ang guro ay dapat sundin
Iyan ang ating mga tuntunin

CO_Q1_MTB2_Module 9 3
Suriin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa


tula na iyong binasa sa itaas. Isulat sa sagutang papel.
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Bakit kailangan pumasok nang maaga?
3. Ano-ano ang mga salitang may panlapi?
4. Ano ang panlapi sa salitang walisin?
5. Ano naman ang salitang ugat sa salitang ingatan?

Iyong tandaan na sa araling ito ay mahalaga na


makilala mo ang salitang-ugat at panlaping ginamit sa
pagbuo ng bagong salita.

Ang panlapi ay maaaring ikabit sa unaha, gitna at


hulihang bahagi ng salitang-ugat. Tinatawag ang mga
itong:

Unlapi - kapag ang panlapi ay nasa unahan ng salitang-


ugat. Halimbawa: uminom, naglakad

Gitlapi – kapag ang panlapi ay nakakabit sa gitna ng


salitang-ugat. Halimbawa: sumigaw, binato

Hulapi – kapag ang panlapi ay matatagpuan sa hulihan


ng salitang-ugat. Halimbawa: hagdanan, bilihan

CO_Q1_MTB2_Module 9 4
Mga Tala para sa Guro

Gabayan ang mag-aaral sa pagsasagot sa


mga pagsasanay.

Pagyamanin

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang panlapi at


salitang-ugat sa tapat ng mga sumusunod na salita.

Panlapi Salitang-ugat

1. masaya ______ ___________

2. basurahan ______ ___________

3. nagdilig ______ ___________

4. taniman ______ ___________

5. winalis ______ ___________

CO_Q1_MTB2_Module 9 5
Pinatnubayang Pagtatasa 1
Panuto: Pagsamahin ang salitang-ugat at panlapi
upang mabuo ang salita. Isulat ang sagot sa papel.

1. inom an ________________________

2. gawa ma ________________________

3. takbo um ________________________

4. handa in ________________________

5. saya um ________________________

Pinatnubayang Pagsasanay 2

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Si Adi ay sumali sa paligsahan sa paaralan sa


pagtula. Alin sa mga salita ang ginamitan ng
panlaping um?
A. Pagtula C. Paaralan
B. Sumali D. Paligsahan

2. Ang mga bata ay masayang-masaya sa handaan


na ginanap kahapon. Anong salita
ang may panlaping an?
A. Handaan C. Kahapon
B. Bata D. Ginanap

CO_Q1_MTB2_Module 9 6
3. Lahat ng tao ay malungkot sa nangyayari sa
mundo? Alin sa mga salita ang ginamitan ng
panlaping ma?
A. Tao C. Nangyayari
B. Mundo D. Malungkot

4. Kinain ng malaking ibon ang sisiw. Anong salita


ang may panlaping in?
A. Ibon C. Sisiw
B. Kinain D. Malaki

5. Maagang nagsimba ang mag-anak na Cruz.


Anong panlapi ang ginamit sa salitang
nagsimba?
A. In C. Nag
B. Um D. A

Pinatnubayang Pagtatasa 2
Panuto: Lagyan ng gitlapi ang mga sumusunod na
salitang-ugat upang makabuo ng bagong salita.
Hanapin sa loob ng kahon ang panlaping gagamitin.

um in

1. d u k o t 4. s a y a w

2. h a g i s 5. t a l o n

3. g a pa ng

CO_Q1_MTB2_Module 9 7
Malayang Pagsasanay 1
Panuto: Ayusin ang nakarambol na panlapi at salitang-
ugat upang mabuo ang salita. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. kasutin ___________ 2. malama ___________

3. lawdaum ___________ 4. rawaam ___________

5. bihansa ___________

Malayang Pagtatasa 1
Panuto: Tingnan ang larawan. Mula rito, bumuo ng
salita na ginagamitan ng panlapi at salitang-ugat.

1. __________________ 4. ________________

2. __________________ 5. ________________

3. __________________

Malayang Pagsasanay 2
Panuto: Lagyan ng panlapi ang salitang-ugat na
may salungguhit upang mabuo ang pangungusap.

______1. Kami nina ate at kuya ay tulong sa mga


gawaing bahay.
______2. Agad sugpo ang masamang gawain .

CO_Q1_MTB2_Module 9 8
______3. Maraming ligpit pagkatapos ng handaan.

______4. Inom ng walong basong tubig araw-araw.

______5. Sira ng bagyong Ambo ang kabahayan sa


aming probinsiya.

Malayang Pagtatasa 2
Panuto: Dugtungan ang salitang-ugat ng panlaping
han o an upang mabuo ang salita.

1. marumi ____

2. kaloob ____

3. sabi ____

4. putol____

5. kain ____

Isaisip

Nakabubuo ng isang bagong salita sa


pamamagitan ng pagdaragdag o pagkakabit ng
panlapi sa salitang-ugat.

Ang panlapi ay maaaring ikabit sa unahan (unlapi),


gitna (gitlapi) at hulihan (hulapi) ng salitang ugat.

CO_Q1_MTB2_Module 9 9
Isagawa

Panuto: Basahin ang kuwento. Bigyang pansin ang


mga salitang initiman. Punan ang mga hinihingi ng tsart.

Bumili ng magandang damit ang aking Nanay para


sa aking kaarawan. Natuwa ako kasi paborito ko ang
kulay. Ang aking kapatid nagbigay din ng regalo isang
maganda na manika. Tunay na masaya ako kasi mahal
na mahal ako ng aking pamilya.

Halimbawa: Ako ay sumamba kahapon.

Salita Salitang-ugat Panlapi


sumamba samba um

Salita Salitang-ugat Panlapi


1.
2.
3.
4.
5.

CO_Q1_MTB2_Module 9 10
Tayahin

Panuto: Isulat ang ginamit na panlapi at salitang


ugat sa patlang.

malakas
1. panlapi _____ salitang ugat _________

2. binuhat
panlapi _____ salitang ugat _________

3. hagdanan
panlapi _____ salitang ugat __________

4. tinulak
panlapi ____ salitang ugat __________

5. maganda
panlapi ____ salitang ugat __________

CO_Q1_MTB2_Module 9 11
Karagdagang Gawain

A. Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng


kahon upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

uminom ayusin ligpitin magpayong magdilig

1. Mainit ang panahon kaya ikaw ay________.

2. Nauuhaw ka kumuha ka ng tubig upang_______.

3. Tuyo na ang halaman kaya _______ako.

4. Bago matulog kailangan_______ang kama.

5. Pagkakain dapat ________ ang pinagkainan.

CO_Q1_MTB2_Module 9 12
B. Panuto: Tingnan ang mga larawan at basahin
ang mga salita. Isulat kung ang panlaping ginamit sa
sumusunod na salita ay unlapi, gitlapi o hulapi.

______1. nagtanim

______2. tumalon

_______3. gupitin

______4. gumuhit

______5. Uminom

CO_Q1_MTB2_Module 9 13
1 CO_Q1_MTB2_Module 9
Subukin Balikan Suriin
A.1. maganda 1. mga bata
1. lumakad
2. pamana 2. upang pumila
3. uminom 2. pumunta 3. agahan, aralin
4. naglinis 3. taniman pagpasok
5.kahapon 4. umalis pilahan,sumali
B. 1. in/an 5. tinalon tumulong,
2. an basurahan
3. hin diligan
4. in 4. in
5. an 5. ingat
Pagyamanin
Pinatnubayang Pinatnubayang Pinatnubayang Pinatnubayang
Pagsasanay 1 Pagtatasa 1 Pagsasanay 2 Pagtatasa 2
1. ma saya 1. inuman 1. B 1. um
2. han basura 2. magawa 2. A 2. in
3. nag dilig 3. tumakbo 3. D 3. um
4. an tanim 4. hinanda 4. B 4. um
5. in walis 5. sumaya 5. C 5. um
Malayang Pagsasanay Malayang Pagtatasa Mlaayang Pagsasanay Malayang Pagtatasa
1 1 2 2
1. sukatin 1. nagdilig 1. tumulong 1. han
2. malaya 2. kumain 2. sinugpo 2. an
3. dumalaw 3. tirahan 3. ligpitin 3. han
4. maaraw 4. umulan 4. uminom 4. an
5. sabihan 5. uminom 5. sirain 5. an
Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain
1. bumili bili um 1. ma lakas A1.magpayong
2. natuwa tuwa na 2. in buhat 2. uminom
3. nagbigay bigay 3. an hagdan 3. magdilig
nag 4. in tulak 4. ayusin
4. maganda gandan 5. ma ganda 5. ligpitin
ma B. 1.unlapi
5. masaya saya ma 2. gitlapi
3. hulapi
4. gitlapi
5. unlapi
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-


Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education
Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.
Urbien-Salvatus, G., Arit-Soner, B., Casao-Santos, N. and Pesigan-
Tiñana, R., 2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education
Patnubay ng Guro sa Tagalog. Pilipinas: MGO Enterprises.

CO_Q1_MTB2_Module 9 1
CO_Q1_MTB2_Module 9 1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like