Filipino 5 Obando District Module 9 Salitang Pamilyar at Di Pamilyar

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

55

Filipino
Unang Markahan
Salitang Pamilyar at Di-Pamilyar
F5PT-Ic-1.15
Filipino 5 – Ika-5 Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Salitang Pamilyar at Di-Pamilyar
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module


Author: Jenelyn DL. Eusebio

Content Editor: Rufino M. De Robles Jr.


Illustrator: Jenelyn DL. Eusebio
Layout Artist : Jenelyn DL. Eusebio

Management Team
Gregorio C. Quinto, Jr., EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Rainelda M. Blanco, PhD
Education Program Supervisor - LRMDS
Agnes R. Bernardo, PhD
EPS-Division ADM Coordinator
Anastacia N. Victorino, EdD
EPS – Filipino
Glenda S. Constantino

Joannarie C. Gracia
Librarian II
5
Filipino
Unang Markahan
Salitang Pamilyar at Di-Pamilyar
F5PT-Ic-1.15
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 5 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Salitang Pamilyar at di-Pamilyar!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang sumusunod na aralin ay may kinalaman sa konsepto ng komunidad.
Mainam na gabayan ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng aralin sa
pamamagitan ng paggamit ng modyul na ito.

Maaaring ipaliwanag sa mga magulang kung pano matutulungan ang


kanilang mga anak sa paggamit ng modyul na ito.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Salitang Pamilyar at di-Pamilyar!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

1
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
Isagawa o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

2
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul
na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

3
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Filipino
Baitang 5.

Ang modyul na ito ay tumatalakay sa aralin:


Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng
tono, damdamin, paglalarawan, kayarian ng mga salitang iisa ang baybay ngunit
magkaiba ang diin at tambalang salita.
F5PT-Ic-1.15

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan
ng tono, damdamin, paglalarawan, kayarian ng mga salitang iisa ang baybay
ngunit magkaiba ang diin at tambalang salita.

4
Subukin

A. Panuto: Tukuyin kung ang inilalarawan sa bawat bilang mula sa kahon. Isulat ang
tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

Pasko baryo trak hangin

siyudad dyip Semana Santa

____________________ 1. Ang pag-ihip nito ay nagbibigay ginhawa sa ating


pakiramdam.
____________________ 2. Isang uri ng sasakyan na maaring gamitin bilang
sasakyang pangangalakal o pampasahero.
____________________ 3. Ito ang araw na ipinagdiriwang ng buong mundo.
____________________ 4. Lugar na sibilisado, maraming malalaking gusali at
mga sasakyan.
____________________ 5. Isang lugar na malayo pa sa kabihasnan at simple ang
pamumuhay.

B. Hanapin at bilugan ang kasalungat ng salitang may salungguhit.


1. malaki mayabong mataas maliit matangkad

2. mataba marikit payat malusog malapad

3. masaya malungkot maligaya umiiyak natutuwa

4. basa mabaho mabango tuyo madumi

5. sarado malapit malaki maliit bukas

5
Aralin
Salitang Pamilyar
9 at Di-Pamilyar

Balikan

Panuto: Hanapin ang mga salitang pamilyar at di-pamilyar na ginamit sa kuwento


mula sa kahon. Bilugan ang iyong sagot.
K K V N H M Q J L N Q R T I V

A S W L Q T U R Q G F S N Q S

P T S W W G C L W H Q A X X X
A Y E S D B V A A J W Y C D V
K H C K C F B S E T R R V C C
I V V A F C N D R K T E B V F
P B N R G V M M A G L A K O Y

A N G A D S J F T L Y S N W U

K J Q W H A F G Y Z U D H V N

I K A A J W B H U X I C M C A

N L X N K Q E M I C O V C B H

A O Z S L S R J A V P B R G A

B D H Z M X T K P M A N T T B

A R M A H I R A P B U M Y F M

N W R X S A I L A N S T W C I

G S C C T A N I M M D T R O S

6
Tuklasin
Unawain at basahin ang akda

Ang Berdeng Kamay Ni Marina


"Pikit, bulag ko mang nararanasan;
Ang lupit ng kalikasan.
Dahil sa mga tao na may kagagawan,
Na ang mundo koy lumusak kahit ako'y
musmos pa lamang."
Ako nga pala si Marina, 10 taong gulang. Nakatira sa Hulo, Obando, Bulacan.
Ang aking ama ay isang mangingisda at ang aking ina ay naglalako ng isda. Mahilig
akong magtanim at mag-alaga ng mga halaman at mga bulaklak. Tuwing umaga lagi
kong kinakausap ang aking mga tanim at kadalasan kapag nakikita kong dumarami
ang namumulakak sa aking mga tanim ay aking dinadala ito sa simbahan para
ilagay sa altar. Simple at payak ang aming pamumuhay; ngunit bata pa lamang ay
mulat na sa kaanyuan ng lipunang aking ginagalawan. May mayaman at may
mahirap. Hindi ko alam kung bakit nga ba ako pinanganak na isang mahirap? Bakit
hindi pantay pantay ang lahat? Ang daming katanungan ang naglalaro sa aking
isipan.
Sabado, ala sais ng umaga,
"Marina, gising na ayusin mo na yung paninda nating mga isda at samahan
mo akong maglako sa bayan." Agad naman akong tumayo para tulungan si ina.
Habang kami ay naglalako maraming bagay akong nakita at napagmasdan sa
paligid; maraming basura sa kalye, baha, nagsisiksikan ang mga kotse at jeepney sa
kalsada at tila sinisisi nila ang baha. "Ina, bakit po ba bumabaha?" "Naku anak, bata
pa lamang ako bumabaha na dito kasi nga malapit ang lugar na ito sa ilog at sapa,
pero dati agad na humuhupa ang baha pero ngayon humihinto ito sa kalsada
dahilan narin sa mga basura na tinatapon ng mga tao." "Bakit naman po
nagsisiksikan ang mga kotse?" "Sa sobrang talino ng maraming tao marami silang
naiimbento na kakaiba kaya patuloy ang mga makabagong teknolohiya at isa na rito
ang iba ibang sasakyan."
Habang kami ay naglalako may isang kotse na huminto sa aming harapan,
isang matandang lalaking mayaman binuksan nya ang pinto ng kotse at nagtungo sa
amin. "Ale, ano bang tinda mo?" sabi ng lalaking mayaman. "Galunggong po, bili na
po kayo sariwang sariwa kahuhuli lang po ng aking asawa." "Sige bigyan mo ko ng
tatlong kilo may dadating kasi akong mga bisita." Tinulungan ko si ina sa pagsupot
ng biniling isda. "Maraming salamat po ginoo, dahil po sa inyo mabilis pong naubos
ang aming paninda." Sambit ko. Napangiti sya sa akin. "Walang anoman yun." Sa
kanyang muling pagsakay sa kotse nakita kong may nahulog sa kanyang bulsa.
Agad ko itong kinuha at binalik sa kanya. "Ginoo, nahulog nyo po ang iyong pitaka."
7
"Naku, ine salamat, ang dami pa namang lamang importante ang naririto."
Kumuha siya sa pitaka ng isang libong piso. "Heto para sayo." "Huwag na po, wala
po yun." "Sige na tanggapin mo na ito." "Wag na po ginoo, alam ko naman po na
kung kayo rin po ang nakakita nyan sa ibang tao, alam ko pong pareho lang po tayo
ng gagawin." "Nakakatuwa ka naman, ano nga pala ang pangalan mo?" "Marina po."
"Marina, ako nga pala si G. Ernesto Rivera; siguro ganito na lang; iimbitahan ko na
lamang kayong buong pamilya sa aking tahanan mamayang alas tres ng hapon
susunduin ko kayo dito sa lugar na ito." Tumingin ako kay ina kung papayag siya,
tumango siya na nangangahulugang pumapayag siya. "Sige po G. Ernesto."
Alas tres ng hapon,
Sinundo kaming buong pamilya ni G. Ernesto. Agad kaming nagtungo sa
kanyang tahanan at hindi pala kalayuan ang kanyang tinitirhan sa aming bahay.
Pagpasok namin sa gate ay tumambad sa amin ang isang malaking farm at sobrang
nanlaki ang mata ko dahil mayroon pa palang lugar sa Obando na maraming puno,
mga halaman at mga bulaklak. Maraming tao akong nakita na tila nagkakasiyahan at
nabasa ko ang isang tarpaulin na nakasulat na "Maligayang Kaarawan G. Ernesto."
Kaarawan pala ni G. Ernesto kaya nya kami inimbitahan sa kanyang tahanan.
Habang ang lahat ay nagkakasiyahan. Nakita ko si G. Ernesto na nasa
kanyang hardin at tila kinakausap ang kanyang mga pananim tulad ng aking
ginagawa sa aking mga halaman. Lumapit ako sa kanya. "Maligayang Kaarawan po
G. Ernesto." "O ikaw pala Marina, salamat nga pala at pinaunlakan mo ang aking
imbitasyon sayo." "Wala pong anoman, kami nga po ang dapat magpasalamat sa
iyo, kasi po hindi pa po tayo lubos na magkakilala ay isinama nyo na po kami sa
iyong tahanan." Naglakad-lakad kami at umupo kami sa isang malapit na upuan sa
hardin. "Kilala na kita dati pa." "Ako po? Kilala nyo na po dati pa? "Oo matagal na
kitang kilala." "Paano po yun nangyari?" "Minsan akong napadaan sa inyong iskinita
dahil sa sobrang lakas ng ulan, nasiraan ang kotse ko habang patuloy na lumalaki
ang tubig baha, nakita kita na kahit sa mura mong edad inayos mo ang inyong mga
halaman para hindi lubugin ng baha." "Ahh, yun po ba, madalas ko pong gawin yun
kasi po madalas pinapaalala ng aking ina na dapat alagaan po natin ang ating
kapaligiran na kahit sa simpleng bagay ay nakakatulong tayo." "Alam mo hindi lahat
ng tao lalo na sa batang tulad ang may ganyang kaisipan, sana lahat ng tao ay
katulad mo." "Salamat po G. Ernesto." "O sige, halika na at kumain na tayo." "Sige
po."
Habang ang lahat ay nagkakainan muli akong kinausap ni G. Ernesto. "Alam
mo bang bago ko marating ang kinatatayuan ko ngayon; nagsimula ako sa mababa.
Katulad mo ako rin ay nagmula sa mahirap na pamilya nagsumikap at nangarap
kung kaya't narating ko ang kinalalagyan ko ngayon." "Talaga po." "Oo Marina, dati
akong isang bata sa kalye nagtitinda ng sampaguita na tanim ng aking ina kaya
lumaki ako na may malasakit sa mga halaman, bulaklak at puno. Lagi akong
pinaaalalahanan ng aking mga magulang na mag-aral ng mabuti at mangarap hindi
lang sa aking sarili maging sa ibang tao."
8
"Ganyan din po ang madalas ipayo sa akin ng aking mga magulang." "Basta
tandaan mo lagi ito Marina, Hindi mo kasalanan na ipinanganak kang mahirap kundi
kasalanan mo kung mamatay kang mahirap" "Tama po kayo; dapat mangarap tayo
ng mataas, magsumikap at maging kapaki-pakinabang sa ating pamilya lalong higit
sa ating bayan."

A. Sagutin ang sumusunod na tanong mula sa binasang kuwento.


1. Ano ang naging papel ni G. Ernesto sa buhay ni Marina?
__________________________________________________________________
2. Ano ang napatunayan ni Marina sa kuwento?
__________________________________________________________________
3. Bilang isang bata, gaano kahalaga ang pagiging matulungin at matapat?
__________________________________________________________________
4. Ang hindi ba pagkakapantay-pantay ng mga tao sa lipunan ay possible bang
maging hadlang sa pangarap at kinabukasan ng mga kabataan?Bakit?
__________________________________________________________________
5. Aling bahagi ng kuwento ang nagustuhan mo?Bakit?
__________________________________________________________________

B. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang di-pamilyar na ginagamit sa


pangungusap sa bawat bilang. Hanapin ang sagot sa kahon. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

A. itirik B. bilang pagsugod C. kaibigan

D. pook na pinagkasunduang magtagpo

E. kalooban/ipagkaloob F. kapatid

_________________ 1. Sina Katkat, BekBek at Yeye ang tunay kong mga katoto.
Kaming apat ay hindi napaghihiwala-hiwalay basta-basta.

_________________ 2. Sa may puno ng akasya ang lagi naming tipanan kapag


kami ay magkikita-kita.

_________________ 3. Binibigyan ako lagi ni Nanang ng kandilang pula para itulos


sa altar ng Poon.

_________________ 4. Nasaan kaya si Nanang? Huwag naman pong itulot na


iwanan niya kaming magkakaibigan.

_________________ 5. Dinaluhong ko ng yakap si Nanang nang Makita ko siyang


muli.
9
Suriin

Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita Gamit ang Tono o Damdamin


Ang pagbibigay ng kahulugan sa isang salita o teksto ay maaring ipakita
gamit ang tono at damdamin.

Tono
-tumutukoy sa saloobin ng may-akda ukol sa salita o paksang kanyang
isinulat. Ang tono ay maaring masaya, malungkot, mapagbiro, mapanudyo o
seryoso.

Damdamin
-tumutukoy sa saloobing nalilikha ng mambabasa sa salita o teksto. Ito ay
maaring tuwa, lungkot, galit, pagkainis, takot, pahinga, pag-ibig, pagkagulat,
pagtataka, pag-asa, kawalag pag-asa, katapangan, pangamba, at iba pang emosyon
o damdamin.

Ang pamilyar na salita ito ang mga salitang palasak na sa iyong pandinig o
lagi mo ng naririnig sa araw-araw.

Halimbawa:
1. tanaw- tingin sa malayo
2. titigan- tingan ng matagal
3. pananaw- paraan ng pagtingin sa mga bagay-bagay.
4. iniwan- nilisan, inalisan
5. napagod- nahapo, nahirapang huminga

Ang di pamilyar na salita ay mga salitang hindi mo lagi naririnig sa araw-


araw.

Halimbawa:
1. gunamgunam- alaala, isip
2. salumpuwit- ito ay nangangahulugang upuan
3. ampang- panimulang paglalakad ng isang bata
4. salipawapaw- sasakyan na lumilipad/Eroplano
5. nakabadha- nakahiwatig o nakakita

10
Pagyamanin

Malayang Gawain 1

Tukuyin ang kasalungat na kahulugan ng may salungguhit na parirala sa


loob ng pangungusap at ikahon ito.

1. Sa murang edad ni Ella, namulat na siya sa kahalagahan ng pangarap at


nadala niya ito hanggang sa pagtanda.

2. Inilaan niya ang kaniyang oras sa pag-aaral nang mabuti kaysa pag-aaksaya
nito sa gawaing walang kabuluhan.

3. Lalo siyang nagsumikap upang maging maginhawa ang kanilang buhay mula
sa hirap na dinanas.

4. Nagkamalay at lumaki rin siya sa mga pagsisikap ng kaniyang magulang mula


sa noong siya ay maliit pa.

5. Laging sambit ni Ella ang pangarap niya sa pamilya habang walang imik na
nakikinig lamang sa kaniyang ina.

Malayang Pagtataya 1

Sa loob ng panaklong, bilugan ang kasingkahulugan ng salitang may


salungguhit sa loob ng pangungusap.

1. Sumakabilang-buhay si Mariang Maganda dahil sa kalungkutan.


Si Maria ay (namatay, gumaling)

2. Umaalingawngaw na ang basura sa kalye.


Ang basura ay (mabaho, mabango)

3. Ang karamdaman ay naging laganap sa nayon.


Ang karamdaman ay (kumakalat, naitago)

4. Minahal nang labis ni Maria ang taumbayan.


Ang kanyang pagmamahal ay (kulang, sobra)

5. Ang naganap na trahedya ay bunga ng sumpa.


Ang trahedya ay (di-magandang pangyayari, pagpapala)

11
Malayang Gawain 2

Panuto: Itapat sa hanay B ang kahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa
hanay A.

HANAY A HANAY B

1. pagkagaling sa paaralan a. isang ambisyon na nais makamit

2. dalawang taon ang aming pagitan b.magkasundo sa lahat ng bagay

3. sanggang-dikit tayo, Kuya c. sinasabi

4. salitang lagi kong sinasambit d. pokus sa gawain

5. nakatuon ang oras e. agwat

f. mula sa isang lugar

Malayang Pagtataya 2

Ibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng pag-


uugnay sa iyong sariling karanasan.

1. laro____________________________________________________________

2. atleta___________________________________________________________

3. isports__________________________________________________________

4. medalya_________________________________________________________

5. gantimpala_______________________________________________________

12
Malayang Gawain 3

Ibigay ang tono at damdamin ng bawat salita o parirala.

Halimbawa:

Pag-ibig ayon sa isang awit:


Hindi basta-bastang napapalitan
Tunay
Walang pagdududa

Tono: masaya
Damdamin: tuwa, pag-ibig

1. Tiwala ayon sa isang awit;


Mahirap ibalik kapag nawala na
Hindi madaling ayusin
Hindi maaring palitan
Nawawala nang hindi namamalayan

Tono: __________________
Damdamin:______________

2. “Kung may problema ka


Magsuot ng mascara
Takpan mo ang iyong mga mata
Buong mundo’y mag-iiba”

Tono: __________________
Damdamin: ______________

3. Tayo’y mga dahon lamang


Ng isang matatag na puno
Iisa ang ating pinanggalingan
Hindi pareho sa pagtubo
Maaring ika’y isang dahong masigla
Ako nama’y dahong nalalanta na
Pareho tayong mahuhulog sa lupa
Kaibigan, “wag ikabahala”

Tono: __________________
Damdamin: ______________

Malayang Pagtataya 3

Magbigay ng tig-limang pangungusap gamit ang pamilyar at di-pamilyar na


salita.

13
Isaisip
Sa pamamagitan ng Concept Map, isulat ang konseptong iyong natutuhan.

Pamilyar na Salita

Di-Pamilyar na Salita

Isagawa
A. Panuto: Magbigay ng mga tig-tatatlong salitang pamilyar at di-
pamilyar na iyong naririnig sa kalukuyang pangkalusugang sitwasyon ng
ating bansa at ibigay ang kahulugan nito.

SALITANG PAMILYAR SALITANG DI-PAMILYAR


1. 1.
2. 2.
3. 3.

14
B. Gamitin sa pangungusap ang mga salitang binigyang-kahulugan.

1. Pahayagang pampaaralan- diyaryo ng paaralan, at ang mga mag-aaral ang


siyang manunulat
______________________________________________________________
2. Pinarangalan- binigyan ng pagkilala
______________________________________________________________
3. Pinagdausan- lugar na pinagganapan ng isang gawain
______________________________________________________________

4. Tagumpay- pagwawagi, pagkapanalo


______________________________________________________________
5. Tagubilin- paalala
______________________________________________________________

Tayahin
Bigyan ng pangsariling kahulugan ng sumusunod na salitang pamilyar at di-
pamilyar.

Pamilyar na salita Di-Pamilyar na salita


1. marikit 1. liblib

2. saya 2. nasasakupan

3. hinimas 3. mahinahon

4. hiwain 4. nakapuna

5. almusal 5. sutla

15
Karagdagang Gawain

Kausapin mo ang iyong mga magulang o nakatatanda sa inyong pamilya.


Tanungin mo kung ano-anong mga salitang pamilyar at di-pamilyar ang kanilang
nalalaman. Itala ang iyong sagot sa ilalim.

Salitang Pamilyar Salitang di-pamilyar

16
17
Subukin A
1. hangin
2. trak
3. Pasko
4. siyudad
5. baryo
B.
1. maliit
2. payat
3. malungkot
4. tuyo
5. bukas
Pagyamanin
Malayang Gawin 1
1. pagtanda
2. walang kabuluhan
3. maginhawa
4. maliit
5. walag imik
Malayang Pagtataya 1
1. namatay
2. mabaho
3. kumakalat
4. sobra
5. di-magandang pangyayari
Malayang Gawain 2
1. F
2. E
3. B
4. C
5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Marasigan., Emily V 2004
K to 12 Curriculum Guide (2016). Filipino 5
https://www.wattpad.com/253942720-ang-berdeng-kamay-ni-marina

18
For inquiries or feedback, please write or call:

Curriculum Implementation Division

Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan


Email address: [email protected]

You might also like