Filipino Glaucoma Eye Drop Information PDF
Filipino Glaucoma Eye Drop Information PDF
Filipino Glaucoma Eye Drop Information PDF
Mga epekto
Ang patak para sa mata na may glaucoma, tulad ng anumang iba pang gamot na
reseta ay maaaring magkaroon ng mga epekto. Maaari kang magkaroon ng ilang
mga epekto o wala. Pinapayuhan kang makipag-usap sa iyong propesyonal sa
pangangalaga ng mata kung nakakaranas ka ng isa o higit pa sa mga sumusunod:
Ang mga mata ay lilitaw na pula, makati, nagluluha o namamaga
Kung ang pupil ay lumaki (dilate)
Sakit ng ulo o sakit sa itaas ng mga kilay
Panunuyo ng bibig
Pagod, mahina o nahihilo
Kinakabahan o nalulumbay
Hirap sa paghinga
Mahirap mapansin ang sintomas nang mababang asukal sa dugo kung ikaw
ay may Diabetes
Mabagal o mabilis na pintig ng puso
Ang mata ay sensitibo sa ilaw
Mga pagbabago sa lasa ng pagkain at inumin
Isang pantal sa balat lalo na kung may allergy sa mga gamot na Sulfa
Isang permanenteng pagbabago sa kulay ng mata
Ang mga mata ay parang nakalubog