Mga Halimbawa NG Mga Pinsala

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

MGA HALIMBAWA NG MGA PINSALA

SUBMITTED BY: JANNA EUNICE M. CORPUZ


V-AMETHSYT

SUBMITTED TO: MRS. REBECCA KONDO


SUGAT

Narito ang mga kailangan mong gawin kapag ikaw ay nagtamo ng sugat sa
balat. Una tiyakin mong mapigilan ang iyong pagdurugo. Ang pagdurugo ng
sugat lalo na kung malalim na sugat ay isang seryosong kalagayan na
pwedeng ikamatay. Kapag nagdurugo gumawa ng paraan upang mapigilan
ito. Pwede kang maglagay ng benda o iangat ang bahagi ng katawan na
may sugat. Kung hindi napipigil ang pagdurugo, magtungo ka na sa
emergency room.

Ikalawa, kailangan mong linisin ang iyong sugat sa pamamagitan ng


paghugas gamit ang sabon at malinis na tubig. Ang pinakamabisang paraan
para gawin ito sa mababaw na sugat ay ang paghugas sa umaagos na
tubig. Gumamit ng malamig na tubig na makapagpapabawas ng pressure
sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. Kung wala kang makuha na malinis na
tubig, pwede kang gumamit ng tubig na pinakuluan o bumili ng distilled
water sa botika.

Ang paghugas sa sugat ay magtatanggal ng dumi at mga bacteria. Ang


malamig na tubig ay makakatulong na maibsan ang pananakit. Marahang
patuyuin ang sugat gamit ang malinis na towel, at takpan ito ng benda
pagkatapos.
PANDURUGO NG ILONG

Ang pagdurugo ng ilong ay isang karaniwang kondisyon na madali naman


maibsan at malunasan kahit nasa bahay lang. Dapat lang sundin ng tama
ang mga hakbang sa First Aid para sa pagdurugo ng ilong:

Umupo at bahagyang yumuko upang mapigilan ang pag-agos ng dugo.


Mahalagang mas mataas ang ilong kaysa sa puso upang mapigilan ang
patuloy na pag-durugo.

Ipitin gamit ang mga daliri o malinis na bulak ang bahagi ng ilong na
dumudugo. Gawin ito hanggang sa tumigil sa paglabas ang dugo.

Tapalan ng yelo ang bahagi ng ilong na dumudugo.

Ang simpleng pagdurugo ay kadalasang hindi na nangangailangan ng


atensyon mula sa doktor, ngunit kung ang pagdurugo ay dahil sa nasirang
ugat o sugat sa loob ng ilong, maari itong ipatingin upang mabigyan ng
lunas.
KAGAT NG INSEKTO

Lagyan ng icepack ang pantal para humupa ito. Ilagay ang yelo ng 15
hanggang 20 minuto. Pwede ring basang tuwalya.

Kung bubuyog ang tumusok sa iyo, maiiwan sa balat mo ang panusok nito
at kailangan na maalis ito kaagad. Maaaring gumamit ng plastic card sa
pagtanggal nito o kaya ay tiyane. Maraming gamot na maaaring ipahid sa
pantal para maalis ang kati at sakit nito. Meron ding mga nabibili na local
anesthetic upang maibsan ang sakit. Kung makalipas ang anim na oras ay
hindi pa rin humuhupa ang pamamaga, maaari itong lagyan ng maligamgam
na tuwalya para guminhawa ang pakiramdam.

Kung na-higad ka naman, kumuha ng tape. Lagyan ng tape ang na-


ngangating bahagi upang maalis ang mga balahibo. Hugasan ng tubig at
sabon ang bahaging ito upang malinisan. Maaari ring lagyan ng suka ang
bahaging ito para tumigil ang pangangati at hindi na dumami pa ang
pantal. Huwag puputukin ang pantal o kakamutin dahil maaaring maalis
ang balat at magresulta sa pagkaimpeksyon nito.
Kung purgas o niknik ang nakakagat sa iyo, hugasan ang bahagi na kinagat
at lagyan ito ng anti-septic upang mapatay ang mikrobyo. Kung sa
maselang bahagi gaya ng mata o bibig ang kagat, kumonsulta sa doktor
upang masi-guro na tamang gamot ang gagamitin at hindi mabulag o
malason.

May lason ang kagat ng gagamba kung ito ang nakakagat, lagyan kaagad
ng ice pack. Kalimitan naman na hindi kayang pumatay ng tao ang lason ng
gagamba pero baka nasa panganib ang iyong buhay kung black widow ang
kumagat sa iyo kaya kumonsulta agad sa doktor.
KAGAT NG HAYOP

Bagaman pwede kang gumawa ng pangunang lunas kapag ikaw ay nakagat


ng aso, tandaan na kailangan mong magpunta sa doktor, kilala mo man ang
asong kumagat saiyo o hindi. Bukod sa rabies, ang sugat ng kagat ng aso
ay maaari ma impeksyon kaya nangangailangan ng anti-biotic.
Ito ang mga maaari mong gawin sa bahay:

Maglagay ng malinis na towel sa sugat para matigil ang pagdurugo

Panatilihing nakataas ang sugat

Hugasan ng malinis na tubig at sabon

Maglagay ng benda

Mag lagay ng antibiotic ointment araw araw para makaiwas sa impeksyon

Ganyan din ang maaari mong gawing first aid sa kagat ng pusa. Sa muli,
tandaan na kailangan mong magpatingin sa doktor kapag nakagat ka ng
aso o pusa. Pumunta sa doktor agad agad.
PASO

Dagling ibabad ang napasong bahagi sa malamig na tubig sa loob ng 10


minuto upang maibsan ang sakit.

Kung mayroong mga Iintos, huwag itong tusukin. Panatilihin itong tuyo at
malinis. Huwag bayaang maalikabukan o kaya ay dapuan ng langaw. Takpan
ang may pinsalang bahagi ng malinis na damit.

Kung malaking bahagi ng katawan ang napaso, dalhin agad ang pasyente
sa pinakamalapit na pagamutan.

Kung ang paso ay maliit lamang, ibabad ito sa tubig na may asin sa loob ng
20 minuto pagkaraan ng 24 oras. Haluan ng ½ tasang asin ang isang
palanggana o kaya'y isang timba ng mainit-init na tubig. Ibabad ang
napasong bahagi minsan isang araw sa loob ng 3 araw hanggang matuyo
ang paso.

You might also like