3 Pambansang Kita
3 Pambansang Kita
3 Pambansang Kita
Ikatlong Markahan
February 13-15, 2023
I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minuto na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product-Gross Domestic Product)
bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya) (AP9MAKIIIb-4)
Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto (AP9MAKIIIb-5)
b. Mga Kasanayang Pampagkatuto/Tiyak na Layunin:
a. nasusuri ang ibat-ibang paraan sa pag sukat ng pambansang kita,
b. naisasagawa ang ibat-ibang paraan sa pag kumpyut ng pambansang kita,
c. naihahambing ang pagkakapareho at pagkakatulad ng GNI at GDP gamit ang Venn Diagram,
d. naibabahagi ang kahulugan ng mga ibat-ibang salik sa pagsukat ng pambansang kita at,
e. nabibigyang halaga ang pagsukat ng pambansang kita.
II. Mga Nilalaman at Kagamitan sa Pagkatuto:
a. Paksang-Aralin: Pambansang Kita
b.Mga Konsepto: Sa bahaging ito ay inaasahan na iyong matututuhan ang mga aktor sa pagsukat sa pambansang
produkto at ibat-ibang paraan sa pagsukat ng pambansag kita.
c. Kagamitan: Printed Materials, bandpaper
d. Sanggunian: Curiculum Guide, Self Learning Module, Ekonomiks p.243-260
e. Estratehiya: Enquiry based, Socratic Method, Graphic organizer
f. Pansibikong-aral: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa: ang kahalagahan sa pagsukat ng pambansang kita at
kahalagahan na ginagampanan ng bawat sektor sa ating pamilihan at mauunawaan din ang
kahalagahan na ginagampanan ng mag-aaral kung paano makatutulong sa pag lago n gating
pambansang kita.
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Panalangin ,Pagbati, Pagsisiyasat sa kapiligiran at pagtala sa nagliban
2. Balik-aral:
Mga tanong:
III. Paglalahad
Pambansang Kita
Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng produksiyon ng
ekonomiya sa isang partikular na taon at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang produksiyon ng
bansa.
Ang Gross National Income (GNI) na dating tinatawag ding Gross National Product (GDP) ay tumutukoy sa
kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa
sa isang takdang panahon.
Ang Gross Domestic Product (GDP) naman ay sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng
tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa.
Pagkakaiba ng GNI sa GDP
Sinusukat sa pamamagitan ng Gross National Income (GNI) ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng
nabuong produkto at serbisyo ng mga mamamayan ng isang bansa sa itinakdang panahon. Anumang
kabuuang halaga ng produkto at serbisyo ng mga mamamayan ng isang bansa, halimbawa ang mamamayang
ito ay isang OFW sa Saudi Arabia ang kanyang kabuuang halaga at serbisyo nabuo sa bansang iyon ay
maibibilang sa GNI.
Habang ang Gross Domestic Product (GDP) ay ang kabuuang halaga ng produkto at serbisyo na ginawa sa
loob ng isang bansa sa isang takdang panahon. Anumang serbisyo o produkto na ginawa sa loob ng isang
bansa ay maibibilang dito. Halimbawa na lang ang ginawang motorsiklo ng mga Hapon dito sa Pilipinas ay
maibibilang sa GDP.
Mga Paraan ng Pagsukat sa Gross National Income (GNI) at Gross National Product (GDP)
1. Paraan batay sa paggasta (Expenditure Approach) - ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na sektor:
sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at panlabas na sektor. Ang pinagkakagastusan ng bawat sektor ay
ang sumusunod:
a. Gastusing personal (C) – napapaloob dito ang mga gastos ng mga mamamayan tulad ng pagkain, damit,
paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba pa. Lahat ng gastusin ng mga mamamayan ay
kasama rito.
b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) – kabilang ang mga gastos ng mga bahaykalakal tulad ng mga
gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa produksiyon, sahod ng manggagawa iba pa
c. Gastusin ng pamahalaan (G) – kasama rito ang mga gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga
proyektong panlipunan at iba pang gastusin nito.
d. Gastusin ng panlabas na sektor (X – M) – makukuha ito kung ibabawas ang iniluluwas o export sa
inaangkat o import.
e. Statistical discrepancy (SD) – ang anumang kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi malaman
kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap sapagkat may mga transaksiyong hindi sapat ang
mapagkukunan ng datos o impormasyon.
f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA) – tinatawag ding Net Primary Income. Makukuha ito kapag
ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng
bansa.
Formula: GNI = C + I + G + (X – M) + SD + NFIFA
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang dalawang pambansang produkto?
2. Ano ang tatlong uri sa pagsukat ng pambansang kita?
3. Bakit mahalagang sukatin ang pambansang kita ng bawat bansa?
4. Sa inyong palagay, ang Bukidnon ba ay may malaking ambag sa ating pambansang kita?
5. Ano-ano ang mga bagay na masasabi ninyo kung bakit may malaking ambag sa pambansang kita ang
Bukidnon?
IV. Paglalahat/Pagbubuod:
Bawat bansa ay iba-iba ang economic performance bawat taon. Upang masukat ang economic
performace ng isang bansa, kailangang masukat ang pambansang produkto at ito ay Gross National Income
(GNI) at Gross Domestic Product (GDP). Mahalaga ito upang malaman kung anong sektor ban g economiya
ang lumago at hindi lumago upang malaman at mabigyang solusyon ang bawat problema upang mas
mapaganda pa ang economic performance ng ating bansa. May tatlong paraan sa pagsukat ng pambansang
kita at ito ay mga sumusunod: 1. Paraan batay sa paggasta (Expenditure Approach) na may
pinagkakagastusan na mga sektor at ito ay ang Gastusing personal (C), Gastusin ng mga namumuhunan
(I), Gastusin ng pamahalaan (G), Gastusin ng panlabas na sektor (X – M), Statistical discrepancy
(SD), at Net Factor Income from Abroad (NFIFA). 2. Paraan Batay sa Kita ng mga Sangkap ng
Produksiyon (Income Approach) na kinabibilangan ng Sahod ng mga manggagawa, Net Operating
Surplus, Depresasyon, Di-tuwirang buwis at subsidiya, Di-tuwirang buwis at Subsidiya at ang pang
huli ay 3. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya (Industrial Origin). Mahalaga ang mga sektor na ito
at mga pamaraan upang malaman kung lumago ba an gating ekonomiya. Mahalaga din ito na statistical data
upang makapag hikayat sa maliliit na mga negosyante at sa nagbabalak na mag tayo ng negosyo.
Nakatutulong din ito upang makapaghikayat ng mga namumuhunan at malalaking negosyante sa ibang
bansa na magtayo ng kanilang negosyo dito sa bansa na makatutulong upang mabigyan ng trabaho ang ibang
manggagawa.
V. Pagtataya:
A. Kompyutin ang GNI gamit ang data na nasa ibaba (10 puntos).
B. Basahinng mabuti ang bawat tanong at punan ang nawawalang titik upang mabuo ang sagot.
1. Idinagdag sa GDP upang makuha ang GNP at GNI
N_ _ _ AC_ _ _ I N _ _ M_ _R_ _ A_ B _ _ D
2. Paraan sa pagkukuwenta ng GNP at GDP kapag pinagsamasama ang halaga na iniambag ng bawat sektor
_ _D_S_R _ _L OR_ _IN A_ _RO_ _ H
3. Ang kita na ito ay hindi isinasama sa pagkukuwenta ng GDP
OV_ _ _E_ S FI_ _ _ I _O _ _ R_ _ _S
4. Salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng kapalit na produkto o
serbisyo
S_B_ _ D_YA
5. Produktong Iniluluwas sa ibang bansa
E__P__R_
C. Dugtungan ang mga pangungusap upang makabuo ng isang makabuluhang pahayag. Gawin ito sa iyong
sagutang papel. (10)
Mahaga na masukat ang pambansang kita ng bansa bawat araw sa pamamagitan ng GNI at GDP sapagkat
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
VI. Kasunduan
Ngayon ay basahin ninyo ang pahayag ng National Statistical Coordinaation Board (NSCB)
batay sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Inihanda ni: